Chapter 20
Dark
Malungkot kong tinanaw ang pagsakay at pagalis ni Eroz. I don't know why, pero bumigat ang dibdib ko dahil sa aking narinig. Ngayon, napatunayan kong totoo nga ang iniisip ko. He's afraid na maiwan siya, naiwanan siya ulit.
Marahan kong sinarado ang pintuan and lock it. Muli akong napabuntong hininga ng hinarap ko ang kabuuan ng bahay. Mas lalo kong naramdaman ang lungkot dahil magisa nanaman ako. Iyon nga lang, kasama ng lungkot ay may iba pa akong nararamdamang saya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon.
Lumapit ako sa may lamesa at nakita ang mga pagkaing inihanda ni Eroz para sa akin. Ayaw niya sa akin? But still ganito siya, inaasikaso ako and a bit nice pa rin. Masungit nga lang talaga and a bit cold. Paano na lang kaya kung maging maayos na kami?
Coffee kaagad ang hinanap ko before ako tuluyang kumain. Minsan ay nakakaapat na coffee ako sa isang araw. Pinapagalitan na nga ako ni Yaya Esme, pero hindi ko mapigilan. Coffee is life kaya.
Matapos kong magtimpla ng pure black coffee ay nagumpisa na din akong kumain kahit medyo mahirap. Hindi talaga ako sanay na kumain magisa. Naninibago pa ako at nagaadjust. Siguro, in time makakasanayan ko din.
Matapos kumain ay naligo na ako. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay muli kong ipinagpatuloy ang pagaayos ng aking mga gamit. Kung andito lang si Yaya Esme ay tapos na sana ito kahapon pa. Pero buti na din iyon, para naman matuto din ako.
"Tao po..."
Mabilis akong napatayo ng marinig kong may tao sa labas. Dirediretso ang pagbubukas ko ng pintuan. Medyo excited ata akong makakita at makakilala ng ibang tao. Hindi ako nagingat, dapat ay sumilip muna ako sa binta. What if bad guys pala ang mga iyon? Edi namatay na ako?
Napahigpit ang hawak ko sa pintuan. Huli na din kasi kung isasara ko pa ang pinto at sisilip sa binta. That's rude, I'll do the right thing na lang sa susunod. Medyo napangunahan ako ng excitement dahil may bisita kami.
"Hi..." nakangiting bati ko sa babae.
Dahil mukha naman siyang mabait ay lumabas na din ako para harapin siya. She looks nice and maganda siya. She also wear a simple hapit na tshirt and a medyo long na palda.
"May kailangan ka po?" tanong ko. Magalang dahil mukhang she's older than me, kahit a bit lang. We should respect someone who is older than us.
Nakita ko kung paano pumasada ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. I'm just wearing a simple yellow jumper shorts. Medyo basa pa ang buhok ko dahil kakaligo ko lang.
"Girlfriend ka ni Eroz?" tanong niya.
Napaawang ang aking labi dahil sa kanyang tanong, hindi lang dahil duon kundi dahil na din sa tono ng kanyang boses. She's like annoyed and she's suplada. I can tell that.
Wrong timming dahil uminit pa ang magkabilang pisngi ko. "Uhm, you can tell that. But...I'm going to be his wife soon" sagot ko. That's true naman, duon din naman talaga patungo ang lahat ng ito. Why need to make tanggi pa?
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng muli nanaman niya akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. But this time nakataas na ang isang sulok ng labi niya na para bang nakakatawa ako.
"Hindi naman ikaw yung klase na gugustuhin ni Eroz. Mas gusto niya yung matured at simpleng babae" diretsahang sabi niya na ikinalaglag ng aking panga.
Nang makabawi ay kumunot pa ang aking noo. I know this is wrong, gumanti is wrong, pero ginawa ko din sa kanya ang ginawa niya sa akin. Tiningnan ko din siya mula ulo hanggang paa.
"Hindi ka naman si Eroz to say that" sabi ko. I much as I want to tarayan siya ay hindi ko ginawa. I'm holding that mataray side of me for years now.
Natawa siya, mapanuya pa din. Nagkibit balikat siya at hindi na lang sumagot. Bumaba ang tingin niya sa hawak niyang puting tshirt. Mas lalong kumunot ang aking noo ng mapatingin din ako duon.
"Isasaoli ko lang sana yung tshirt na pinasuot niya sa akin nung isang araw..." marahang sabi niya, bigla siyang naging nice pero halata namang may laman.
Bayolente akong napalunok. Halos manginig pa ang kamay ko ng itaas ko ito para kuhanin ang tshirt sa kamay niya but naiwan lang sa ere ang kamay ko ng ilayo niya iyon sa akin.
"Ako na lang pala ang magbibigay. Magkikita naman kami sa trabaho..." nakangiting sabi niya sa akin.
Tunagal ang tingin ko sa kanya. I can't smile back. Ano bang gusto niyang iparating sa akin?
"Ok, edi go" sabi ko pa sabay nguso.
Kita ko pa ang pagkurapkurap niya dahil sa pagkabigla. If making me angry or jealous satisfy her, I won't give her the satisfaction.
Galit siyang tumalikod sa akin at nagmartsa palayo sa aming bahay. Madami pa siyang binulong na hindi ko naman naintindihan. Hinayaan ko na lang at muling isinarado ang pintuan.
Sayang, hindi ko man lang nalaman ang name niya. I thought magkakaroon na ako ng kaibigan dito, pero hindi naman pala. Gusto pa nga ata akong awayin eh. Hindi ko naman siya inaano.
"Ganuon talaga, Senyorita. Ang gwapo gwapo naman kasi ni Senyorito Eroz. Kahit naman sinong may gusto sa kanya magugulat pag nalamang ikakasal na siya" si Yaya Esme ng magkausap ulit kami sa phone.
Hindi niya ata talaga hahayaang mamiss ko siya dahil sa araw araw naming paguusap. Mas madami pa nga akong words na nasasabi sa kanya kesa kay Eroz.
"But, that's not right. If someone is in a relationship na, dapat you respect that" pangangatwiran ko pa.
Hindi kaagad nakasagot si Yaya Esme, rinig ko ang ingay sa kabilang linya. Looks like, just like me nagpreprepare din sila ng lunch.
Nakaramdam ako ng inggit ng itanong ko sa kanila ang iluluto nila. Masasarap ang lahat ng iyon samantalang ako ay magluluto lang ng sunny side up egg, hindi pa sure kung magagawa ko ng maayos.
"Wag mo na lang pansinin. Dapat ngayon pa lang, nabubuo na ang tiwala niyo sa isa't isa. Talagang masisira ang relasyon pag puno ng pagdududa at hindi napaguusapan ang problema" pangaral pa din ni Yaya Esme sa akin.
Kahit hindi naman niya ako kita ay mabili akong napatango. I never been into relationship pero I get her point. Hindi ko din alam kung saan ko nakuha ang understandings ko pagdating sa love and relationship, maybe because I'm observant. Obeservant is different from chismosa ha.
Nagpaalam ako kay Yaya Esme na iend muna ang call dahil I need a lot of concentration para sa pagluluto ko ng sunny side up egg. Kabado pa ako ng marinig ko ang tunog ng mantika tanda na mainit na siya. Hindi kaagad nabasag ang shell ng egg kaya naman mas lalo akong nahirapan.
Sa huli ay mangiyak ngiyak akong umupo sa may table. Namumula ang aking kanay dahil sa ilang talsik ng mantika, ang egg ko ay sunog ang gilid at pumutok pa ang yellow sa gitna.
"Ouch..." sambit ko ng sinubukan kong haplusin ang namumulang parte ng aking kamay.
I reserved my failed piritong itlog. May rice na din naman, naisipan kong bumili na lang ng ulam duon sa may kanto, kay Aling bing. Alam ko naman kung saan iyon.
Dala ang aking red na payong ay lumabas ako. Napatingin pa ako sa bahay nina Tito Darren, ang alam ko ay nasa kabilang bayan sila ngayon kasama ng anal niya. Hindi ko lang sure kung kailan ang uwi nila. Sa kabilang gilid naman ay ang kila Tita Afrit, wala din siya at nasa Manila, ang mga kapatid lang niya ang nandito sa Sta. Maria. I can't wait to see her again too. Miss ko na din siya.
Medyo nahirapan pa ako sa maputik na part. Napapahid ako ng pawis dahil halos patirik na ang araw dahil magtatanghali na.
"Bago yan? Yan ata yung mayamang...maarte daw" rinig kong sabi nung mga lalaking nakasalubong ko.
"Sinong nagsabi? Mukha namang mabait" sabi pa ng isa.
Tatlo silang lalaking magkakasama. Hindi ko alam kung sadya bang gusto nilang marinig ko iyon. Pero rinig na rinig ko nam ang paguusap nila kaya sadya nga siguro.
"Basta, usap usapan duon ng mga tindera" sagot na lang ng isa sa kanila hanggang sa hindi ko na sila narinig dahil lumayo na sila sa akin.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mapabuntong hininga na lamang ako. Bakit kaya ganuon ang mindset ng mga tao? Na pag mayaman, maarte. Medyo nahirapan pa akong tumawid sa putik na daan. Bukod kasi sa takot na madulas ako ay ayoko ding madumihan ang slippers ko.
"Oh, Ganda!" si Aling Bing.
Halos mapatingin sa akin ang lahat dahil sa lakas ng kanyang boses. Napakagat tuloy ako sa aking pangibabang labi. Pakiramdam ko ay maling lumabas ako ng bahay, hindi talaga ako sanay sa mga tao. Pero if this is the life, Eroz wants for us. I can adjust naman. Hindi din naman kasi pwedeng habang buhay akong nakakulong sa bahay at ilap sa tao.
"Asaan ang asawa mo, nasa trabaho na?" tanong ni Aling Bing sa akin habang busy siya sa pagaayos ng mga ulam sa kanilang karinderya.
Hindi ko sure kung talagang mainit na pero sobrang init ng mukha ko dahil sa narinig mula sa kanya. Asawa ko, asawa ko daw si Eroz?
"You are too advance po magisip, soon pa po" nakangiting sabi ko sa kanya.
Nabigla ako at nabato sa aking kinatatayuan ng hampasin niya ako sa braso ng natatawa.
"Ikaw naman, duon din naman patungo iyon. Masyado ka..." pangaasar niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa braso kong hinampas niya. Hindi naman iyon masakit, siguro ay nashock lang ako. Ganuon siguro talaga pag natatawa, manghahampas.
"Oh siya, bibili ka ng ulam ano? Hindi ka marunong magluto?" tanong niya sa akin.
Napanguso pa ako. Is it halata ba na hindi ako marunong magcook?
"Nagcook na po ako ng egg, pero baka it's not sapat kung iyon lang ang kakainin ko, so i'll buy na lang po ng more ulam" palusot ko kahit ang totoo naman ay isang pirasong sunog na egg lang ang naghihintay sa akin duon.
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Sige, pumili ka ng ulam na gusto mo. Ililibre ko na ang kanin. Dito ka na kumain..."
"Libre pong rice? I can pay po" sabi ko pa. Business iyon.
Natawa siya. "Oo alam ko, pero hindi naman magsasara ang tindahan ko kung ililibre ko sayo ang isang cup ng kanin. Sige na at umupo ka na diyan" pangaral niya sa akin kaya naman natahimik ako.
Habang inaasikaso ako ni Aling Bing ay mas lalo ko lang narealize na hindi talaga money o kahit anong materyal na bagay ang magpapasaya sa isang tao. It's the love, the company of the people around you. That's what I observe sa mga taong nakikita kong bumibili sa karinderya niya.
"Softdrinks, Gertie?" alok niya sa akin.
Tipid ko siyang nginitian at inilingan. I'll drink my 2nd cup of coffee mamaya sa bahay pagkauwi ko. Masarap ang food pero mabagal pa din ang pagkain ko dahil medyo naiilang ako, halos lahat kasi ng bumibili ay tinitingnan ako, pagkatapos ay magbubulungan sila.
Even ang mga helper ni Aling Bing. Tingin ng tingin sa akin, isang beses kong nginitian ang isa pero hindi siya nagsmile back kaya naman hindi na ako umulit pa.
"Oh sabaw, mainit at bago pa" sabi ni Aling Bing sa akin matapos siyang maglapag ng isang bowl ng hot soup.
"Thank you po" nakangiting sabi ko sa kanya.
Aalis na sana siya ng bigla siyang mapatingin sa namumula kong kanang kamay. Visible pa din ang mga tilamsik ng mantika duon at ramdam ko pa din ang hapdi.
"Gamutin mo kaagad iyan" sabi niya sa akin na para bang alam niya na kaagad kung saan ko nakuha iyon. Tipid ko siyang nginitian at tumango.
Babalik na sana ako ulit sa pagkain ng pareho kaming magulat ni Aling Bing sa dumating. Humahangos ito at mukhang galit nanaman. Tumalim ang tingin niya sa akin habang habol habol pa din niya ang kanyang hininga.
"Oh, Eroz. Namiss mo naman kaagad ang asawa mo!" natatawang puna ni Aling Bing sa kanya.
Ang nakaawang na bibig ko ay kaagad kong sinara. Nangasar pa si Aling bing eh, galit nga si Eroz eh.
Isang malalim na pagbuntong hininga pa ang nagawa niya bago siya mariing pumikit. He carefuly massage the bridge of his nose.
"Kumain ka na ba, Eroz? Sabayan mo na ang asawa mo" si Aling Bing pa din.
Hindi ko alam, pero ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng aking buong katawan dahil sa hiyang nararamdaman. Ano kayang naiisip ni Eroz ng marinig niya iyon.
"Hindi pa po" seryosong sagot niya dito.
Hindi na siya ulit nagtapon ng tingin sa akin. Dumiretso siya sa may harapan para pumili ng ulam. Matapos iyon ay pagod niya akong hinarap, duon lang niya ako muling tinapunan ng tingin.
"Sa susunod, magpaalam ka" masungit na sabi niya sa akin.
Nanlaki pa ang mata ko ng sa mismong tabi ko pa siya umupo. Sabagay, sayang ang space nga naman if sa harap ko pa siya uupo. Dumadami pa naman ang customers ni Aling Bing. Ang ilan pa nga sa mga ito ay nakamotor.
"Sorry, I'm planning to buy lang naman sana ng dagdag na ulam. But Aling Bing said na dito na lang ako kumain kasi she'll giving me a libreng rice" paliwanag ko kay Eroz.
Hindi niya ako tiningnan. Ang mga mata niya ay pumasada sa pagkain na nasa aking harapan. Kaunti pa lang ang nababawas duon kaya mahihintay ko pa si Eroz.
"Ang ulam mo, itlog. Sunog pa" seryosong sabi niya. Ang tinutukoy ata niya ay yung egg na naghihintay sa akin sa house.
Napanguso na lang tuloy ako at umayos ng upo. "I'll eat naman yon. Masarap kaya pag crispy egg" pagdadahilan ko pa.
"Tss" sambit niya kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko.
"Oh wag ng magaway. Kumain na kayong dalawa at pagusapan iyan" si Aling Bing ng ihatid niya ang pagkain na order ni Eroz.
Napatayo pa si Eroz para lang kuhanin ang tray dito. He is so gentleman talaga...sa iba.
"Wag mong awayin, Eroz. Nagaadjust pa ang asawa mo sa buhay dito"
"Hindi po, Aling Bing" magalang na sagot niya dito.
Nakanguso akong tiningala si Eroz. Weh?for sure he'll say something nanaman paguwi namin. Papagalitan nanaman niyan ako.
Ngumiti si Aling Bing sa amin, sandali niya kaming tiningnan na dalawa ni Eroz.
"Naaalala ko tuloy kayong dalawa nung kabataan namin ng asawa ko..." kwento niya sa amin.
Habang kumakain ay duon ko lang nalaman na laking Manila din si Aling Bing, galing sa may kayang pamilya. Ngunit tinalikuran niya ang lahat ng iyon para sa asawa niya. They live a simple life here in Sta. Maria.
"Did you regret anything po?" curious na tanong ko. It's good kaya na nagtatanong, meaning you are interested and you are nakikinig ng mabuti sa kausap mo. Yung iba nga tango lang ng tango, hindi naman pala totoong nakikinig.
Dahil sa tanong ko ay napansin ko ang paglingon ni Eroz sa akin. Napatingin din tuloy ako sa kanya. Why? Nagtatanong lang eh.
Matapos niyang tumingin sa akin ay umirap siya. Hanggang sa dumapo ang tingin niya sa kamay ko, napa second look pa siya duon hanggang sa kumunot ang noo niya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi, dahan dahan ko iyong ibinaba at itinago sa ilalim ng lamesa.
"Wala. Mahirap nung una, pero dahil mahal namin ang isa't isa...kinaya namin" sagot ni Aling Bing sa akin.
Matamis ko siyang nginitian at tinanguan. She's right.
"It's just like, Loving a imperfect person perfectly. Wala namang pagsasamang perpekto, nasa inyong dalawa iyan kung paano niyo tatanggapin ang isa't isa"
Marami pang naikwento si Aling Bing sa amin, in just a short of period of time, marami na akong nalaman. Paano ba naman kasi ang fast talker ni Aling Bing. But it's nakakatawa naman.
"Una na po kami. Babalik pa akong factory" paalam ni Eroz dito matapos niyang bayaran ang kinain namin. Nagpresinta pa nga akong makihati sa payment pero nagalit lang siya sa akin.
"Oh sige, magingat kayong dalawa" si Aling Bing.
Nagawa ko pang kumaway sa kanya at magpasalamat din. Pagkalabas ng karinderya ay napatakbo ako palapit kay Eroz, hindi para lapitan siya kundi sa ice cream na katabi niya.
"Gusto mo ng ice cream? I'll make you libre" nakangiting sabi ko sa kanya.
Kaagad akong dumungaw sa mga flavor ng ice cream.
"Two na order po, uhm...parehong flavor" sabi ko kay Manong.
Kaagad kong binuksan ang wallet ko. Naramdaman ko din ang paggalaw ni Eroz, He's about to make kuha ng pera sa bulsa bulsa niya ng mabilis kong inabot kay Manong ang bayad ko kahit may ginagawa pa siya.
"Libre ko na nga eh, basta i-eat mo ha. Wag mong ipamimigay" sabi ko. Naalala ko nanaman kasi yung time na binigyan ko siya ng cake pero pinamigay lang niya.
Mas lalong lumaki ang smile ko ng tinanggap ni Eroz ang ice cream. Ayas niya ng sweets kaya naman sobrang laking bagay na nito sa akin.
"Halika na, at may trabaho pa ako" seryosong yaya niya sa akin.
Binuksan niya ang payong, tiningnan niya ako na para bang hinihintay niya akong lumapit sa kanya.
"Ano?" tanong niya sa akin, halatang inip na.
Hindi na ako nagdalawang isip pang tumakbo palapit sa kanya para sumilong sa may payong.
Gusto ko pa sanang punahin iyon pero wag na lang at baka may masabi pa akong ikagalit niya at masira nanaman ang mood niya.
Panay ang pagtikhim ni Eroz habang naglalakad kami pabalik ng bahay. Pansin ko din kasi ang tingin ng mga tao sa akin, at sa suot ko. I don't see anything wrong with what I wear. I can wear naman ang kahit anong gusto ko as long as I'm comfortable.
Pagdating sa bahay ay kumunot ang noo ko ng makita kong wala sa ayos ang pagkakapark ng sasakyan ni Eroz. Bukas din ang pinto ng bahay. Hindi na lang ako umimik hanggang sa manlaki ang aking mga mata ng makita kong magulo na ang mga damit na pinaghirapan kong tupiin.
"Oh my...looks like pinasok tayo ng magnanakaw!" natatarantang sabi ko kay Eroz pero siya ay kalmado pa din.
Narealize kong masyado akong naging OA, sa buong bahay naman kasi ay ang gamit ko lang ang magulo. Siya ba ang gumulo ng gamit ko? Akala ba niya umalis na ako?
Hindi niya na ako pinansin. "Gamutin mo natin yang kamay mo..." seryosong sabi niya.
"You think, iniwan kita?" tanong ko dahilan para mapahinto siya.
"I won't do that. Hindi ako aalis, unless...ikaw mismo ang magpaalis sa akin" seryosong sabi ko sa kanya.
"Nasasabi mo yan ngayon" laban niya sa akin.
"I'm not someone, who will left you here in the dark...Eroz" cause I love darkness too, I found peace in it.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro