Chapter 17
Sta. Maria
The Herrer empire has been in chaos since everything became difficult to everyone na tanggapin ang pagalis ni Eroz sa pagiging CEO. Everyone is affected, even the employees under his control. Tito Axus needs to adjust big time.
Since Eroz took the position a long year ago, mas nasanay na si Tito na he'll just do some light works. Lalo na at they are both at age na ni Tita Elaine. But above all of that, super hanga ako sa kanilang dalawa. Ni wala akong narinig na kahit anong reklamo from them towards Eroz's desicion. They support him, hundred percent.
"I'll go out, to buy a coffee. Do you want some?" tanong ko kay Cairo.
He's busy too. Mas lalong nadagdagan ang workload niya at mas nastress siya. Hindi nga lang halata iyon sa mukha niya ngayon dahil he's genuinely happy with Tathi. Ganuon siguro talaga if you are with someone you truly love. Kahit mahirap, makakaya mo ang lahat.
"Gusto mong samahan kita?" tanong niya sa akin.
Tipid akong ngumiti at umiling. Hindi pa din naman nagbago si Cairo kahit pa sila na ni Tathi. He still cares for me and andyan pa din siya palagi.
"Hindi na. I can go naman alone" pagtanggi ko pa.
Umigting ang kanyang panga. Ang kanyang mga mata na nakatuon sa documentong hawak ay inilipat niya sa akin. Umayos pa siya ng upo para lang matingnan ang aking kabuuan.
Nagtaas ako ng kilay. Pakiramdam ko ay masesermonan nanaman niya ako. May mga nagawa akong bagay this past few days, pero akala ko ay makakalusot na ako sa kanya. Nahuli kaya niya ako? Alam niya?
"Palagi ka daw sa office ni Eroz" sabi niya na ikinanguso ako. Sabi ko na nga ba! Huli na ako.
"To visit Tito Axus" pagsisinungaling ko pa kaya naman pinandilatan ako ng mata ni Cairo.
Biglang uminit ang aking pagkabilang pisngi. Medyo nakakahiya iyon dahil nagawa ko pa ding magsinungaling kahit nahuli na ako.
"I'm just checking...I'm sorry if I lied" mahinang sabi ko sa kanya.
Bumagsak pa ang tingin ko sa sahig. Magkasiklop na ang magkabilang kamay ko para sana kumurot ng bigla akong mapasulyap kay Cairo at nakita kong nakatuon duon ang tingin niya.
Imbes na ituloy iyon ay kaagad ko na lang pinaghiwalay ang aking mga kamay. Mas madadagdagan lang ang galit niya sa akin pag nakita niyang kinukurot ko nanaman ang sarili ko.
"Walang problema duon, Gertrude. You miss him? Namimiss mo yon?" he said that in disgust na para bang nakakadiri si Eroz at hindi dapat ma-miss.
Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin. Nagtaas siya ng kilay sa akin na para bang nangaasar pa siya. Nang mahusto ay tumaas ang isang sulok ng kanyang labi, tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Automatic na napatingala kaagad ako dahil sa paglapit niya. Ang tangkad kasi nila, silang mga Herrer even the Jimenez. It really runs in their blood. Not just the look, but with the height also and many more to state.
"Tell me, ano sa mga hindi kagusto gustong katangian ni Eroz ang nagustuhan mo?" seryosong tanong niya sa akin pero alam ko namang nangaasar pa din.
Ayaw niya talaga kay Eroz. I hope, someday magkaayos din silang dalawa. Iba pa din pag maayos ang relationship niyo ng pinsan niyo. Ako nga, kahit wala akong kapatid. Never kong nafeel na magisa ako simula ng makasama ko si Kuya Rafael at Ate Vera. They are a big part of my growing up years. Kahit minsan ay bully si Ate Vera, She truly cares for me also.
Nagkibit balikat ako. I also asked that to myself. But just like before, wala pa ding sagot sa tanong...kung bakit siya mahalaga. Kung bakit ko gusto si Eroz.
"If you love a person, walang reason diba? Kasi kung may reason, hindi na love iyon. You'll stick to that reason...eh paano pag nawala na yung reason mo? Edi mawawala na din ang love mo duon sa person?" dirediretsong sagot ko sa kanya.
Napaawang din ang bibig ko ng makita kong sandaling natigilan si Cairo dahil sa aking sinabi. Napanguso na lamang ako at napairap, mangaasar nanaman yan.
"Akala ko wala kang alam sa mga ganito. But when you speak up, you speak deep. May tiwala ako sayo, Gertrude. Ang gusto ko lang...don't lose yourself along the way" mariing pagpapaintindi niya sa akin.
Hindi pa siya nakuntento, hinawakan pa niya ang magkabila kong kamay. "Para na kitang kapatid. You remind me so much of Sachi, ayokong masaktan ka" malambing na sabi ni Cairo.
I don't know why pero naginit ang gilid ng aking mga mata. Bigla akong naging emotional. Imbes na magsalita ay kaagad ko na lamang niyakap si Cairo. Medyo nahirapan pa ako dahil sa tangkad niya, sobra ang effort ko sa pagtingkayad.
Naramdaman niya ang struggle ko kaya naman natawa siya at sa huli siya na ang nag adjust para mayakap din ako ng maayos.
"I'm always here for you, Gertrude. Always"
Hindi nawala ang ngiti sa aking labi habang naglalakad ako sa may hallway. Panay kasi ang bati sa akin ng mga employee na nakakasalubong ko kaya naman binabati ko din sila pabalik with a smile.
Bago sumakay sa elevator ay muli kong pinahapyawan ng tingin ang daan papunta sa office ni Eroz. Nalulungkot ako sa tuwing napapatingin ako duon, para bang ramdam ko ang lungkot ng office niya because wala siya, because it's empty.
Dala ko ang itim kong wallet ng bumaba ako sa may coffee shop. Hindi na ako nagpapalibre kay Cairo kahit gusto pa din niya akong ilibre. May money naman ako, at may girlfriend na din siya. I respect their relationship. I respect Tathi.
"Sabi ko na nga ba, andito ka"
Mabilis kong nilingon ang nagsalita. Napairap ako ng makita kong si Hobbes nanaman iyon. Halos araw araw kaming magkasabay na nagcocoffee dito. Palagi pa siyang umuupo sa seats ko. Palagi niya akong inuunahan sa seats! Ako pa tuloy minsan ang nakikisuyo na makiupo sa kanya.
Natawa siya dahil sa aking ginawang pagirap. Nakapila pa ako pero kaagad ko ng iginala ang paningin ko sa buong cafe para maghanap ng vacant seat. Nang makakita ay kaagad kong itinuro iyon kay Hobbes.
"I'm eyeing for that seat. Baka unahan mo nanaman ako ha" suway ko sa kanya.
Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi, sa huli ay napapakagat na lamang siya sa kanyang pangibabang labi para lang iwasang mas lalong lumaki ang kanyang pagngiti. Pinandilatan ko siya ng mata ng mapansin kong nakatingin pa din siya sa akin.
"When will you stop being cute? Miss" nakangising tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako at muling itinuon ang aking buong atensyon sa may menu. Pero bahagyang kumunot ang noo ko ng may maalala.
Nang lingonin ko si Hobbes ay nagulat pa ako ng mas lalo siyang lumapit sa akin na kung titingnan mo kaming dalawa mula sa mga seats ay parang magkasama talaga kami at close, kahit hindi naman.
"So, you call your girls...Miss, now?" tanong ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyant wallet. Naglabas siya ng card, bigla ko nanamang naalala si Eroz. Walang wallet and always paying for the exact amount.
"Girls? Wala akong girls. And ikas lang ang tinatawag kong Miss" sagot niya sa akin.
Bigla akong nahirapang lumunok, ramdam ko din ang biglang paginit ng aking magkabilang pisngi. This Hobbes is so nakakainis for making me feel uneasy towards him. Ang pinagkaiba nga lang ay it feels like it's in a goodway. Being uneasy in a good way, mayroon bang ganuon?
"2 order of the usual" seryosong sabi niya sa babae sa may counter.
Tiningala ko siya habang nakakunot ang aking noo. Where is the Hobbes na panay ang ngiti sa mga girls, nagpapakita pa ng dimples niya. Ngayon ay hindi, serious siya ng sabihin ang order namin sa babae.
"Galit ka ba?" tanong ko.
Bahagya siyang napanguso. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng dahan dahan siyang humilig sa akin para bumulong.
"See, I don't have other girls" malumanay na sabi niya sa akin. But still, his voice is so manly.
Hindi ko kaagad nabawi ang tingin ko sa kanya. Lalo na ng makita ko kung paano dahan dahang lumipat ang tingin niya sa aking mata pababa sa aking lips. Gustong gusto ko ng bumitiw sa tingin, but there is something sa tingin ni Hobbes na pumipigil sa akin.
Tahimik kaming pareho ng kuhanin niya ang order namin. We always have the same order, kagaya ko ay hindi din ata siya nagsasawa duon. Sa huli ay sa isang table pa din kaming dalawa.
"Thanks for the libre. Next time ako naman, I have money" sabi ko sa kanya, itinaas ko pa sa harapan niya ang wallet ko para ipakita.
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi na para bang naaliw nanaman siya. "Pagkasama mo ako, you will never pay for the bill"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "That's not a healthy relationship...friends relationship"
Tumaas ang isang kilay niya dahil sa aking sinabi. "Friends relationship..." nakangising paguulit niya sa aking sinabi.
Bumagsak ang tingin ko sa cake na nasa aking harapan. I feel a sudden cold, lalo na sa presence ni Hobbes. Looks like may problema siya or may mabigat na iniisip.
I slowly sipped on my iced coffee habang bahagya siyang sinulyapan. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Sumubo siya ng malaking piraso ng cake. It's manly, ang paggalaw niya kahit ang simpleng pagkain ay sobrang manly. Manly in a soft way.
"Do you have...problema?" tanong ko sa kanya.
Nagalinlangan pa akong itanong iyon. I don't want to invade his privacy. Baka kasi hindi pwedeng ishare ang problem niya. I respect that naman if that's the case.
Nagulat ako ng pinalabas niya ang dimples niya when he smiles. "Ikaw..." sagot niya sa akin na ikinagulat ko.
"Me, problema mo?" hindi makapaniwalang tanong ko at napaturo pa talaga ako sa aking sarili.
Sumubo ulit siya ng malaking piraso ng cake. Walang kahirap hirap niyang ginawa iyon. Even the way he chews, so manly.
"I heard about the arrangement. You'll marry Eroz soon" sabi niya. Hindi ko madescribe ang boses ni Hobbes habang sinasabi niya iyon. Para bang ito ang unang beses na makita ko ang ganito niyang side.
Sanay kasi ako na palaging nakangiti at maloko siya. Nakakapanibago na malungkot siya ngayon.
"It's not sure pa. We'll just give it a try. After my training here, uuwi ako ng Bulacan to be...."
"To be with him" siya na ang tumapos ng dapat sanang sasabihin ko.
Bayolente akong napalunok. I don't know why, pero I feel so nervous right now.
"Yeah..." mahinang sambit ko at kaagad na nagiwas ng tingin sa kanya at itinuon na lang ang aking tingin sa pagkain sa aking harapan.
Ito yung sinasabi ko nuon. Na masyadong mabait si Hobbes para masaktan siya. But, why do I feel na nasasaktan siya? What for?
Tipid siyang napatango. "As much as I want everything to turn well for you...I hope may pagasa pa"
Napaawang ang aking bibig. "Pagasa for?"
Natawa siya. "For me..." sabi niya na ikinakunot lang ng aking noo.
I want to ask him about it. Pero ayaw naman niyang sabihin sa akin, palagi niyang dinadaan sa biro at pagkatapos ay bigla na kaming magchage topic. Hinayaan ko na lang, ayoko naman siyang pilitin kung hindi siya comfortable. I learned that, the best way to make people feel appreciated is to respect their decisions.
Mas lalo kaming naging close ni Hobbes sa huling month ko ng training. Almost everyday kaming magkasama na mag coffee. Kung minsan pa ay sinasadya niya ako sa office ni Cairo para lang ipagpaalam para makapaglunch kami together.
"Kung dinalhan mo kami ng pagkain, natuwa pa ako sayo" masungit na salubong ni Cairo sa kanya isang araw ng puntahan nanaman niya ako para yayain mag lunch.
"Si Gertrude ka ba, para dalhan ko ng pagkain?" pangasar niya kay Cairo kaya naman mas lalong sumimangot ito.
Abala ako sa pagaayos ng gamit ko. Enjoy kasama si Hobbes sa pagkain, kagaya ng sabi ko sa kanya nuon ay hindi ako papayag na siya lang palagi ang nagbabayad ng food namin. Kaya naman sa tuwing ako ang nagbabayad, He insist na we'll go for a dessert na treat naman niya.
"Hindi nga ako pinansin ni Tathi nung una ko siyang tinawag na Babe" si Hobbes.
Napatingin ako kay Cairo. For sure, iinit nanaman ang ulo niya dahil duon at hindi nga ako nagkakamali.
"Wag mo ng uulitin yon!" si Cairo and his bad temper as always.
Nagkibit balikat si Hobbes. "Next time, with shake hands pa"
Malutong na mura ang narinig ko mula kay Cairo. Mas lalong natawa si Hobbes. Hindi palamura si Cairo, minsan lang. Pero when I say minsan, the equivalent of that mura is so malutong, super lutong. Murang damang dama mo.
"Ikaw. Palagi mong inaasar si Cairo. You're so bully" suway ko kay Hobbes habang naglalakad kami palabas ng company.
Tinawanan niya lamang ako na para bang sanay na talaga siyang gawin iyon sa mga pinsan. Si Hobbes yung klase ng pinsan mong bully nung bata, yung palaging napapagalitan sa mga okasyon kasi pinaiyak halos lahat ng pinsan niya.
Bumagal ang lakad naming dalawa ng makita namin si Piero. With his usual masungit na look, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa aming dalawa.
"Anong meron dito?" seryosong tanong niya sa akin.
"What?" tanong ni Hobbes sa kanya.
Lumipat ang tingin ni Piero sa akin. "Ikamusta mo na lang ako kay Eroz paguwi mo sa Bulacan" sabi niya sa akin bago niya kami tinalikuran ni Hobbes.
Napaawang ang aking bibig. May iba ba siyang iniisip? Magkasama kami ni Hobbes because we are friends. May iba pa bang pwedeng isipin si Piero dito?
"The bestfriend" nakangising sabi ni Hobbes. Pero ramdam ko ang pait duon.
"I'm sorry for that..." sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung para saan iyon. Basta, I just want to say my sorry. I feel bad for him, I don't want him to feel that way. Being with him in the past few months and weeks. Naging kaibigan ko siya and I'm happy for our unexpected friendship.
"Nah, Don't say that. Wag kang munang mag sorry. Lumalaban pa ako...lalaban pa ako" nakangising sabi niya sa akin. I have a feeling kung para saan iyon, But I don't want to conclude yet.
Dahil sa dala na positive vibes ni Hobbes ay nawala ang bigat na dinaramdam namin kanina. Marami din akong nalaman tungkol sa kanya. Mas madaldal pa ata siya sa akin. Minsan he looks playboy pag nasa labas lalo pag madaming girls. Masungit and seryoso pag nasa trabaho, and a best friend pag kayong dalawa na lang.
"Buti hindi kasal kaagad, knowing Lola Pia" sabi niya sa akin sa kalagitnaan ng aming pagkain.
"Eroz, suggest this too. Na we should get to know each other first bago ikasal. Unlike sa mga arrangement na kasal kaagad, I think this one is something modern. Marriage is sacred" paliwanag ko na mabilis na sinangayunan nI Hobbes.
"At pwede pang magbago ang isip mo..." sabi niya pa.
Napanguso ako. I don't know what to say. Tama siya, maraming pwedeng mangyari at magbago sa oras na magsimula ang arrangement naming ito. Mas makikilala ko si Eroz, mas makikilala din niya ako.
Napatigil ako sa pagiisip ng maramdaman ko ang paghawak ni Hobbes sa kamay kong nasa itaas ng lamesa.
"Whatever happens. Hindi ako mawawala sayo..." paguumpisa niya.
Marahan niyang pinisil ang aking kamay. "Dito lang ako...palagi" he said with finality.
Malungkot ang naging huling linggo ko sa training. Ang bilis din ng panahon. Hindi ko namalayang halos magtatlong buwan na din simula ng magbago ang lahat, simula ng umalis si Eroz at nanatili sa Sta. Maria to live a simple life.
Bago ang paguwi ko duon ay nagkaroon pa kami ng simple dinner sa isang restaurant with the care of Abuela Pia. Marami siyang sinabi sa akin at bilin. Disappointed pa din siya kay Eroz dahil sa pagalis nito.
"Eroz is staying sa tabi nina Kuya Darren" si Tita Elaine.
Tsaka lang siya nagsalita ng umalis si Abuela. Looks like may hindi din sila pagkakaunawaan. Tita Elaine supports Eroz decision na hindi nagustuhan ni Abuela Pia. But mothers knows best kaya kay Tita Elaine ako.
Bigla akong naexcite. Matagal na din ng huli kong punta kila Tito Darren. Kamusta na kaya siya at ang Baby niya? 2 years na din kasi ng mamatay si Tita Luna, paano kaya ang naging adjustment ni Tito sa pagpapalaki magisa ng baby nila?
After that meeting ay umuwi na din kami ni Daddy. I need to help Yaya Esme na magayos ng gamit ko. Gusto ko sanang dalhin ang lahat ng damit ko pauwi ang kaso ay kailangan ko din namang magiwan ng mga damit dito sa manila pag nagvisit ako.
Hindi sa mansyon namin at sa vacation house ng mga Herrer kami titira ni Eroz. Sa isang bahay kubo, malapit sa palayan nina Tito Darren, bukid iyon. And I feel so excited.
"As long as you want this. Kung saan ka masaya anak, I will always support you" si Papa.
Mahigpit ko siyang niyakap. At mas lalo akong naiyak sa sumunod niyang sinabi.
"I'm sure, Proud sayo ang Mama mo...for the woman you become. Mahal na mahal ka namin, Gertrude. Please, wag mong hayaan na masaktan ka...ako ang lubos na masasaktan pag nangyari iyon. You are all I have. Ikaw ang pinakaimportante para sa akin..." si Papa pa din.
Emosyonal kaming pareho ng gabing iyon. Even Yaya Esme. Kung magpaalam sila sa akin ay para bang magpapakasal na talaga kami ni Eroz.
"Eh kung samahan ko na lang po itong alaga ko?" naiiyak na sabi ni Yaya kay Papa.
Natawa kaming pareho ni Papa dahil dito. Mas matanda si Yaya kay Papa, binata pa lang si Papa ay nagtratrabaho na si Yaya Esme sa family namin.
"Yaya Esme, Si Eroz at Gertrude ang magsasama pag napagdesisyona nilang magpakasal. Hayaan nating matuto si Gertrude, para din naman ito sa kanya"
The next day ay bumyahe na ako pauwi sa Bulacan alone. Sa Villa de Montero kami dumiretso dahil duon daw ako susunduin ni Eroz.
Sobrang ang kaba ko ng ianunsyo ng guard na nandyan na si Eroz. Halos tatlong buwan din na hindi ko siya nakita. Napasinghap ako ng makita ko ang pagpasok ng isang kulay pulang lumang pick up. It's super luma.
"Good morning, Sir Eroz" bati sa kanya nung driver na kasama ko. Mabilis itong kumilos para ilipat ang mga gamit na dala ko sa pick up ni Eroz. Where is his Hummer?
Tumango si Eroz sa kanya at bumati din pabalik. Tumingin siya sa akin kaya naman napaawang ang aking labi. I don't know what to say.
"Let's go...may trabaho pa ako" yaya niya sa akin kaya naman kaagad akong sumakay sa kanyang pick up.
Sandali pa silang nagusap nung driver bago din siya pumasok sa loob. Bukas ang lahat ng bintana ng kanyang sasakyan. Wala atang aircon.
"Alam mo kung saan tayo titira?" tanong niya sa akin.
"Yup, in a kubo" sagot ko.
Tumango siya. "You're okay with that?" tanong niya habang abala siya sa pagmeneobra ng sasakyan palabas.
"Yes" tipid na sagot ko.
Napabuntong hininga siya. "Baka ilang linggo pa lang, umuwi ka na pabalik ng Manila" sabi niya sa akin. I sense sadness in his voice.
Why do I have this feeling na. Iniisip ni Eroz na iiwan siya palagi? Na maiiwan siya palagi.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro