Chapter 15
Downfall
I feel so bad because of what happend. Mabuti na lang at hinanap kami nila Ate Xalaine at Kuya Raf ng mapansin nilang hindi na kami nakasunod sa kanila.
"Hey, It's fine. Ok na si Eroz" marahang pagaalo ni Kuya Rafael sa akin ng makita niya ang aking pagkabalisa.
Ni hindi ako makalapit sa may sala kung nasaan si Eroz. Napaangat ako ng tingin kay Cairo ng lumapit din siya sa amin. Nakita ko kaagad ang pagaalala sa kanyang tingin sa akin. Bahagyang tumulis ang aking nguso. I know they want to comfort me, pero mas nararamdaman ko ang guilt. Hindi naman ako ang naaksidente pero sa akin sila nagaalala, imbes na kay Eroz.
"Ayos na. Wag ka ng magisip ng kung ano" seryosong suway ni Cairo sa akin. Nasundan ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aking kamay.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi kasabay ng pagkakakurot ko sa likod ng aking palad. Umigting ang kanyang panga at mabilis na hinawakan ang isa kong kamay para hindi na ako makakurot.
"Napagusapan na natin ito, na hindi mo na gagawin yan..." pangaral niya sa akin.
Bayolente akong napalunok ng marahang haplusin ng kanyang hinalalaki ang likod ng aking palad.
"You don't need to do this. Pag nakita ulit kitang ginagawa ito, susuntukin ko ang nagpapalungkot sayo" pagbabanta niya sa akin.
Hindi ko napigilang mapangiti. He knows how to make ma calm. Alam niya kung paano paggaanin ang loob ko. Kahit mukha siyang masungit ng sabihin niya iyon ay napangiti pa din niya ako.
"Edi, dadami ang enemy mo"
Tumaas lang ang isang kilay niya. "Wala akong pakialam. Basta wag mo nang gagawin ulit ito, mangako ka sa akin Gertrude" seryoso pa ding sabi niya sa akin.
"I'll try" mahinang sagot ko.
Tumalim ang tingin niya sa akin. "Gertrude" pagtawag niya sa akin, nagbabanta.
"But, Cairo. Promises ang meant to be broken. Kaya nga, I'll try. What if nag promise ako sayo tapos hindi ko natupad...edi another sin nanaman yon" mahabang pangangatwiran ko sa kanya.
Sandali siyang napahinto hanggang sa makita ko kung paano bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.
"At talagang may sagot ka pa" sita niya sa akin at bahagya pang ginulo ang buhok ko.
Matapos kong magsorry kay Eroz ay may sinabi pa siya sa akin. Ayaw daw niya sa matigas ang ulo, hindi daw iyon uubra sa kanya. Naiintindihan ko naman, kung nakinig lang sana ako sa kanya na wag ng mag pass thru sa may sapa ay hindi mangyayari iyon.
Dahil sa naging aksidente ay sa room kumain si Eroz para na din makapagrest siya kaagad. Yun nga lang ay medyo iritado si Cairo dahil sinamahan ni Tathi si Eroz.
"I thought, you two are bati na?" tanong ko sa kanya habang kumakain kaming dalawa.
Feeling ko nga, wala siyang ganang kumain pero sinabayan pa din niya ako para lang hindi ako kumain magisa.
"Kami na ulit. But she wants to take it slow dahil ayaw niyang masaktan si Eroz" tamad na sabi niya sa akin sa mga huling pangungusap na para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman ni Eroz.
"Congrats. I'm happy for you and Tathi"
Napabuntong hininga si Cairo at napainom ng wine. "Hindi maiiwasan na may masaktan" sabi niya sa akin.
Napaawang ang aking labi. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinasabi sa akin. Hanggang sa nagtaas siya ng kilay.
"Ayokong magkagalit tayo dahil baka akalain mong inaaway ko yang crush mo" masungit na sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Hindi naman. I understand naman eh..." paninigurado ko sa kanya.
Bago pa man makasagot si Cairo ay lumabas na ang isa sa mga kasambahay para iserve ang dessert. Regalo iyon mula sa isang family friend.
"May ganyan na po ba sina Tathi at Eroz?" tanong ko dito.
"Wala pa po, Senyorita Gertrude" sagot niya sa akin kaya naman kaagad akong napatayo.
Nagulat si Cairo sa aking ginawa ng mabilis kong kinuha ang lagayan ng dessert.
"Ibibigay ko na lang ito kina Eroz at Tathi. Baka they want this..." sabi ko sa kanya. Kita ko ang pagawang ng kanyang labi.
"I want that too, ibalik mo yan dito" suway niya sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "I thought, you don't like sweets?" laban ko. Baka nagseselos lang siya. Hindi naman iyon good reason para hindi niya bigyan ng dessert yung dalawa.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Hindi ako yon..." masungit na sabi pa niya kaya naman napangisi ako. Si Eroz nga pala iyon.
"Manang will give you another one naman. Wag kang madamot Cairo, bad yon" nakangising sabi ko sa kanya pero mas lalo lang siyang sumimangot sa akin.
Ilang beses pa akong tinawag ni Cairo. Hindi ata niya nagustuhan ang pagalis ko at ang ideya sa kung saan ako pupunta. But hindi na niya ako napigilan pa dahil mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ni Eroz.
Imbes na kumatok ay napatigil na lamang ako ng mapansin kong nakaawang ang pintuan dahilan kung bakit rinig ko ang paguusap mula sa loob.
"Sana gumaling na yan bago ang kasal ni Xalaine" si Tathi.
Rinig ko pa ang tunog ng mga utensil. They are still eating. Umaasa ako ng sagot mula may Eroz dahil sa sinabi ni Tathi, pero matagal na naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa kaya naman sumilip na ako.
I don't want to be chismosa. But, there is something within me na gustong malaman ang parteng ito.
"Hindi pala sapat ang panahon. Hindi pala sapat na ikaw ang laging nandyan" malungkot na sabi ni Eroz.
Napaawang ang aking bibig. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Ako ang nahuhurt para sa kanya.
"Kahit ako ang palaging nandyan...hindi ako naging sapat. Dahil hindi naman ako ang mahal mo" pagpapatuloy niya.
Hindi nakasagot si Tathi. She let Eroz speak his heart out. They need this, lalo na at nalaman kong nagkabalikan na sila ni Cairo.
"Eroz..." nagaalalang tawag ni Tatho sa kanya.
Halos manlambot ang pagkakahawak ko sa bowl na may lamang dessert. I was hurting for Eroz, lalo na at nakita kong super sad siya anf he is about to cry. He really love, Tathi siguro talaga. Na all these years, He really fell inlove with her. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. She is indeed lovable.
"Ang swerte ni Cairo. Umalis siya...at pagbalik niya siya pa din" punong puno ng lungkot ang kanyang boses.
Bumagsak ang aking magkabilang balikat. I'm happy for Cairo, but ang payment for that ay heartache naman ni Eroz. Maybe this is his downfall. It's Eroz Herrer's downfall. Si Tathriana.
Hindi ko naiwasan na maging emotional for him. I've been loving him since I don't know when. Dapat hindi siya mainggit kay Cairo. Gusto ko din tuloy na malaman niyang...
Umalis din ako, at pagbalik ko...siya pa din.
I want to do something para mapagaan ang loob niya. But I know, I can't do something about it dahil hindi naman ako ang reason ng heartache niya. Wala akong magagawa duon.
"Tatanggapin ko na..." pumiyok na sabi ni Eroz.
Nanlabo ang aking mga mata dahil sa luha. Rinig na rinig ko iyon, umiyak siya. Iniyakan niya si Tathi.
Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Inisip kong mabuti ang mga nasaksihan ko kanina. Eroz needs healing from this heartbreak. Kung lalapitan ko siya. He might hurt me, not physicaly but for sure. Verbally and emotionally.
Dahil sa bigat ng dinadala ng kanyang dibdib. Siguradong hindi niya iyon mapipigilan. Kaya naman to do him a favor. I'll distance my self na lang muna from him. Less mistake from the both of us, less heartache.
I'm not doing this para iwasan siya. I'll gonna do this para hindi namin masaktan ang isa't isa. For now, I'll gonna love him from a far.
"Magpapaubaya na ako"
"Kailangan kong lumayo. Ayokong araw araw kong tanungin ang sarili ko, kung bakit hindi ako naging sapat para sayo"
Ang mga katagang iyon ni Eroz para kay Tathi ay para namang punyal na tumusok sa aking dibdib. I know kung saan nanggagaling si Eroz. Siya ang unang nakameet kay Tathi. Siya ang nauna, pero hindi ang huli.
Dear Eroz, you are sapat. You're always sapat for me. You don't need to ask that for yourself.
I act normal ng umaga ng wedding day. Sinalubong ko pa ng ngiti si Tathi dahil iisa lang kami ng room para ayusan. She asked me about my hair ribbons. I told her that I love ribbons at feeling ko princess ako pag may ribbon sa aking hair.
Hanggang sa napunta ang paguusap namin tungkol kay Kuya Rafael. "Mabait ang Kuya Rafael ko, may isa pa kaming cousin si Ate Vera..." kwento ko sa kanya but not too detailed.
Hindi ko pwedeng ikwento kay Tathi ang ginawang pangaaway nuon ni Ate Vera kay Amaryllis Herrer. She told me na gusto niya si Piero Herrer nuon pero hindi naman siya gusto kaya ayun daw, nagpapansin siya ng bongga.
Nang tawagin ako dahil sa pagdating ni Papa ay kaagad akong tumakbo palabas para salubungin siya ng halik at yakap. Ngiting ngiti siya ng ginatihan iyon.
"Sobrang ganda..." puri niya sa akin maya naman napatawa ako. He always says that, syempre kasi Papa ko siya.
Ikinulong ko ang magkabilang pisngi ko gamit ang aking mga kamay para mag pacute sa kanya kaya naman mas lalo siyang natawa.
"I miss you, Gertie" si Papa at niyakap ako ng mahigpit.
Naging abala na ako lalo na ng kinailangan na naming magpunta sa pinakamalaking simbahan ng Sta. maria. The immaculate concepcion parish crush.
"Who miss me?" nakangising sabi ng kararating lang.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Hobbes. Nakalahad ang magkabila niyang braso na para bang he wants me to hug him.
"I'm not. For sure" pangaasar ko sa kanya.
Napatawa siya. Mas nakita ko ng maayos ang adams apple niya dahil napatingala pa siya. He seems so happy.
"Aw. Hindi mo ako namiss, pero ikaw namiss kita" sabi niya sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata ng siya na ang lumapit sa akin. I'm surprised when he suddenly kissed me on the cheeks.
"That's the Hobbes way to greet" nakangising sabi niya sa akin.
Hindi na ako nakapagreact pa dahil sa gulat. Pero sinimangutan ko din naman siya kaagad ng makabawi ako. This Hobbes! So...so kapal!
"Hobbes way to greet, Everyone! You kissed everyone...every girl" giit ko sa kanya. I suddenly feel irritated because lf that.
Napaawang ang kanyang labi. He looks so amazed.
"Hindi mo nga ako namiss. But you sounds like nagseselos" nakangising sabi niya sa akin. He say that, that way on purpose, nangaasar pa! Hmp.
Tinigilan niya lang ako ng dumating si Abuela Pia. Everyone becomes serious with the ceremony because of her presence. Unti unting napuno ang church ng mga relatives and friends from both sides. Duon ko lang din napatunayan na malaki talaga ang Jimenez-Herrer family.
I'm a bit emotional too ng magumpisang mag walk down the aisle si Ate Xalaine. Nginitian ako ni Hobbes ng makita niyang emotional ako. May kinuha siyang panyo mula sa kanyang bulsa. Akala ko ay iaabot niya iyon sa akin, pero siya mismo ang nagpahid ng luha.
"Ang hirap mo namang tingnan pagumiiyak" marahang sabi niya while wiping my tears.
He's gwapo din sa suot niyang suit. His hair is properly combed. And mabango siya and a bit intimidating tingnan. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka hindi ko din siya lalapitan.
"Tahan na, Miss" malambing na sabi niya sa akin.
Nagtagumpay ako ng first part ng ceremony na umiwas kay Eroz. But after ng wedding ay kinuha ako ni Cairo mula kay Hobbes. Ayaw niya pa din dito na maging friend ko.
Kahit pa sinungitan na siya ni Cairo ay panay pa din ang sunod ni Hobbes sa amin pagbalik sa may Mansion para sa reception. Tinigilan niya lang ako ng ipatawag ako ni Abuela Pia sa kanilang lamesa.
Naglalakad pa lang ako palapit sa lamesa nila ay nakatingin na sila sa akin. Si Abuela, si Papa, si Tita Elaine, at Tito Axus. I kissed them before ako umupo sa sit na para sa akin.
"I guess, may sagot ka na sa napagusapan natin. Hija..." nakangiting sabi ni Abuela sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. Then, si Papa naman ang tiningnan ko. Tipid siyang ngumiti sa akin na para bang sinasabi niyang he will support me kung ano ang magiging desisyon ko.
"I made up my mind na po. I will accept it" matapang na sagot ko sa kanila.
Dahil duon ay nasa akin ang atensyon nilang lahat. Seryoso ang tatlo, si Abuela Pia lang ang mukhang excited sa aking isasagot.
"So, it's Cairo?" pangunguna niya.
Naramdaman ko ang tingin ni Tita Elaine sa akin. Bahagya akong napanguso, kung nandito lang siguro sa paligid si Yaya Esme ay baka gumagawa na siya ng background music niya.
"Kay Eroz po..." pagtatama ko.
Sandali silang natahimik lahat. Hanggang sa muling gumuhit ang ngiti sa labi ni Abuela.
"Not a problem. Tama din nama dahil bata ka pa lang ay kilala mo na si Eroz"
Kahit pa binigyan ko na sila ng sagot ay nakiusap pa din ako na wag munang sabihin kay Eroz ang plano. I know he has the right to know about this pero it's not the right time. Lalo na dahil sa nasaksihan kong pagiyak niya. I don't want to hurt him more.
"You are not obliged to accept this. Hindi ito sapilitan, Anak..." si Papa ng mapagisa kaming dalawa.
Tipid ko siyang nginitian. Sa ginawa ko pa lang na iyon ay napangiti na din siya.
"Long time crush mo nga pala si Eroz" sabi niya na ikinalaki ng aking mata.
"Papa, you know?" naiiyak na tanong ko.
"Ofcourse, I know...bakit naman hindi eh ang daldal ni Yaya Esme mo" nakangising sabo niya sa akin kahit a bit emotional din siya.
Akala ko noong mga panahong iyon ay wala siyang pakialam sa akin dahil he's still nagluluksa sa pagkawala ni Mama. Akala ko din nuon na iniwan niya ako dahil sa nangyari.
Napahigpit ang yakap ko kay Papa. I know how much he loves me. Naramdaman ko man nuon na nawala siya kasama ni Mama ay bumawi naman siya sa akin ng makarecover siya.
"Kung saan ka masaya. Basta't wag kang sasaktan. Sa oras na may hindi ako magandang mabalitaan, ako mismo ang magka-cancel nito" seryosong sabi niya sa akin.
Lumayo din kami ni Papa sa lamesa kung nasaan si Abuela. Pinatawag niya kasi si Eroz matapos ako nitong kausapin. Mas mabuti na muna iyon, lumayo kahit papaano.
"Kanina pa kita hinahanap, tinataguan mo ba ako?" si Hobbes.
Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Bigla bigla na lang kasi siyang sumusulpot.
"No. Nagusap kami ng Papa ko"
Tumango siya sa akin at sumunod. Umupo siya sa katabing upuan ko. Buong akala ko ay magagalit si Cairo pero panay ngiti pa ito.
"Namumula ang labi natin ah" pangaasar ni Hobbes sa kanya.
Napatitig din tuloy ako sa lips niya. Hobbes is right, it's a bit pinkish.
"Whoa, who's lips did you sucked?" nakangising pangaasar ni Hobbes. Hobbes mouth is so...so unstoppable.
Hindi ko na lang sila pinansin na dalawa. Hinanap ng mata ko sina Tathi and Eroz. Naabutan kong nakatingin sa gawi namin si Tathi while si Eroz naman ay tahimik sa kanyang tabi, parang malalim ang iniisip.
"Masyado pa akong bata para magpakasal" natatawang sabi ko kay Ate Xalaine ng hilahin niya ako para makiagaw sa flower niya.
Wala na akong nagawa pa kundi ang sumali. Sa huli ay napatakip na lamang ako ng bibig ng sa mukha ni Tathi tumama ang flower. Kaagad siyang nilapitan ni Ate Xalaine para humingi ng sorry.
"Kasal na kasal na kasi si Eroz eh" rinig kong sabi ni Hobbes kay Cairo ng bumalik ako sa aming upuan.
Sinamaan siya ng tingin ni Cairo. Sa huli ay padabog siyang tumayo para sumali naman sa pag agaw ng garter.
"Hindi na ako sasali. Baka masuntok pa ako..." Natatawang sabi ni Hobbes. He's enjoying it because alam niyang he pissed Cairo already. What a mapangasar!
Natahimik ang lahat ng si Eroz ang makasalo ng garter. Meaning, siya ang magiging partner ni Tathi. But in the end of it, napaawang ang aking labi ng makita kong ibinigay niya iyon kay Cairo.
"May hindi ba ako alam?" nakangising tanong ni Hobbes sa kawalan pero hindi na ako nagsalita pa.
Nanatili ang tingin ko kay Eroz. Matapos kasi niyang ibigay ang garter kay Cairo ay napunta ang atensyon ng lahat sa dalawa. Na para bang biglang nawala si Eroz sa eksena. Walang nakaappreciate ng kanyang effort. Kinalimutan kaagad.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Tumayo na ako at palihim siyang sinundan. Hindi din naman ako nakalapit kaagad ng makita kong nakasunod din si Piero dito.
Ang alam ko lang, Eroz is hurting so bad. And I feel sad for that.
Nawala sina Tathi and Cairo in the middle of the program. Sumama naman si Eroz sa mga kaibigan niya para makipaginuman sa may rice mill factory nila.
"Kita tayo sa Manila, ingat sa byahe" si Hobbes.
Unang nagpaalam ang iba kinaunagahan. Madaling araw pa lang ay umalis na ang mga Jimenez. Ang mga kapatid naman ni Cairo ay umalis after ng breakfast. Maiiwan sina Kuya Rafael at Ate Xalaine dito sa Bulacan at didiretso sa airport para sa honeymoon nila outside the country.
"Si Eroz na ang magsasabay kay Gertrude pabalik ng manila" si Ate Xalaine.
I don't know, sila Papa kasama sina Yaya Esme is nowhere to be found na din. Para bang nakalaan talaga na kami ni Eroz ang magsabay pabalik ng manila.
"Eroz, ipagkakatiwala ko na ang pinsan ko sayo" natatawang sabi ni Kuya Raf.
Napanguso ako. At kaagad na nagiwas ng tingin sa kanila dahil sa biglang paginit ng aking pisngi.
After ng breakfast ay nagkanya kanya na din kami sa pagalis. Bago pa man iyon ay nagusap pa muna si Eroz at Tathi. Tumikhim si Cairo, hindi nagustuhan ang nangyari.
"I think, Eroz just want to say goodbye. Hayaan mo na..." marahang sabi ko sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya. Kahit malayo sa amin ay kita kong seryoso ang kanilang paguusap. He needs that, para gumaan kahit papaano ang kanyang pakiramdam.
"Text me every now and then" si Cairo ng makita niyang pabalik na yung dalawa.
"Tara na..." Yaya ni Eroz sa akin.
Napamura pa si Cairo ng makita naming nagtuloy tuloy siya papasok sa kanyang sasakyan. Si Cairo na din ang nagbukas ng pintuan para sa akin.
"Ingatan mo si Gertrude" matigas na sabi ni Cairo dito.
Nanatili ang tingin ni Eroz sa harap ng kalsada. Seryoso siya. I don't know how to feel na nakasakay ako ngayon sa kanyang sasakyan at katabi pa niya. Parang pangarap ko lang din ito nuon, at ngayon ay nandito na.
Mariin siyang napapikit, humigpit pa ang hawak niya sa manibela.
"Iingatan ko..." tamad na sagot niya kay Cairo. I lost words, hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa sinabi niyang iyon.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro