Chapter 14
Effort
Matapos niyang sabihin iyon ay nagawa pa niya akong irapan. Humaba ang aking nguso. Why does it feels like, ako ang may kasalanan. Ofcourse, I also want to gain friends. Pero medyo nahurt na nga ako kanina ng isipin nilang maarte ako. Hindi pa naman nila ako totally na kilala.
Napabuntong hininga na lamang ako at pagod na pinagpatuloy ang paglalakad kasunod nila Kuya Rafael at Cairo. Marahan kong inilagay sa likod ng aking tenga ang ilang tikas ng buhok ko ng umihip ang malamig na hangin. Kahit pa mataas na ang araw ay parang ang lamig pa din, unlike sa city. Ang tahimik sa province, ang peaceful.
"Mas lalo kang gumanda, iba ka na talaga..." sabi ng isang lalaki kay Tathi. Siya ata yung sinasabi nilang kababata niya.
After kong marinig iyon, kaagad kong tiningnan si Cairo. Siya kaagad ang inalala ko, I know kasi na marupok siya. For sure, nakasimangot nanaman siya. At hindi nga ako nagkakamali.
"Ang dami talagang friends ni Tathi" puna ko. Wala naman akong ibig sabihin duon, I just say what I observe. Bata pa lang talaga ay madami na siyang friends. Kaya nga hindi na ako nagulat na hindk niya na ako maalala.
Nginisian ko si Cairo para sana kahit papaano ay gumaan ang loob niya pero I know, I can't do that. Si Tathi lang ang makapagpapakalma sa kanya.
"Dapat you're glad kasi madami siyang friends. Kahit wala ka, happy siya" pangangatwiran ko.
Umigting ang kanyang panga, nakita ko din kung paano bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple.
"Buti sana kung kaibigan lang ang habol..." masungit na sagot niya sa akin maya naman napangisi ako.
"Wala ka ng magagawa, ang pretty kasi ni Tathi" laban ko sa kanya.
Napangiwi ako ng maging sa kanya ay nakatanggap din ako ng pagirap. Why kaya ang hilig nilang umirap? Ramdam mo talaga sa mga tingin nila pag irritated sila. Ang napansin ko sa mga Herrer, their eyes is so expressive. Para bang isang tingin lang nila sayo, alam mo na ang gusto nilang iparating.
Nagkahiyawan nanaman ang grupo ng kaibigan ni Tathi. They're teasing Tathi and Jan. Tsk, tsk. Hala kayo, galit si Cairo.
"Naku, gagalingan nanaman ni Jan. Andito yung long time crush niya"
Napakagat ako sa aking pangibabang labi. I hope, Cairo controls his temper well. Mas bata ang mga ito sa kanya. And mas malaki ang built ng body niya.
Sisitahin ko sana siya tungkol duon ng makita ko kung paanong disappointed na umiling si Eroz. Dahil sa pagtingin ko sa kanya ay nakita ko nanaman ang pasa sa gilid ng lips niya.
"Why did you hurt Eroz?" seryosong tanong ko sa kanya na medyo ikinagulat pa niya.
He always do that expression pag nagiging serious ako. Akala siguro niya ay palagi lang akong pa-sweet. Ofcourse, I can act my aged kung needed.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Dahil I lose control, hindi ako pinakalma ni Tathi" tamad niyang sagot sa akin kaya naman nanatili ang pagiging serious ko.
"But, hindi mo pa din dapat siya sinuntok. Kawawa naman..." sabi ko pa na ikinatawa niya.
"Kawawa ka diyan, ang tanda tanda na niyan" sabi niya at umirap pa ulit sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pero ikaw, you're old ba din naman. Pero gusto mo ding i-treat ka ni Tathi na parang baby..." balik na pangaasar ko sa kanya.
Pinandilatan pa niya ako ng mata habang nagpapatuloy kami sa paglakad. Humalukipkip pa ako para ipakitang hindi ako magpapatalo sa kanya sa argumentong ito.
He cleared his throat. "Gusto din naming nilalabing kami..." mahinang sabo niya sa akin na para bang nahihiya pa siya kaya naman humaba ulit ang nguso.
"Do you want effort, also?" tanong ko na tinanguan niya.
"I want efforts too. I don't want material things...flowers, chocolates, I don't want that...Effort and presence means so much to me" paguumpisa ko.
"So, if someone makes...ligaw. All he needs to do is to exert, a lot of effort" nakangiting pagpapatuloy ko. Medyo naputol kanina dahil sumama ang tingin niya sa akin in the middle of my explanation.
"Wag mong sasabihin yan sa manliligaw mo kung ganuon. Baka pekeng effort ang makuha mo" seryosong pangaral niya sa akin na kaagad ko din namang tinanguan.
Mararamdaman ko naman kung totoong effort ang ipanapakita sa akin o hindi. My future boyfriend needs to spoil me with consistency and effort. I have money naman on my own. I can buy what I want.
Ok na sana ang paguusap namin pero humirit pa si Cairo ng pangaasar sa akin. Sa sobrang badtrip niya ata ay gusto niyang ako din.
"Yan ang hinding hindi mo makukuha may Eroz. Hindi niya alam iyon" masungit na sabi niya sa akin.
Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Hay naku. Don't judge someone easily. Bad iyon, sige ka...minus points ka sa heaven" pananakot ko sa kanya.
Mas lalo akong natawa ng nagpoker face lang siya. "Ewan ko sayo, kung ano ano na ang natututunan mo"
Iiwan na sana niya ako ng lakad ng mabilis akong humabol sa kanya at yumakap sa kanyang braso.
"Narinig ko iyon kay Yaya Esme, they always watch TV dramas...they want lovelife na daw tuloy" kwento ko kay Cairo ng everyday movie marathon ni Yaya Esme with her squad.
Panay ang kwento ko tungkol sa mga naoobserve ko sa kitchen sa tuwing naabutan ko si Yaya at ang mga house helper namin. Minsan nga ay nakita ko pa silang sabay sabay na naiiyak.
Tsaka lang ako napabitaw ng kapit kay Cairo ng makarating na kami sa open court. This is not the first time na makapanuod ako ng basketball game. Bigla ko tuloy naalala yung time na sinama ako ni Eroz sa basketball game niya tapos inaway ako ni Bea.
Biglang hinanap ng paningin ko si Eroz. And speaking of Bea, asaan na kaya yon? Hanggang ilang months silang in a relationship? Or Years? Paano kaya sila ng break? Did they kiss, more than sa kiss na nawitness ko nuon? I have a lot of questions, pero hindi ko naman maitanong.
Susunod na sana ako kay Cairo sa bleachers ng harangin ako ng isa sa mga lalaki kanina. Nakasmile na kaagad siya sa akin kaya naman nagsmile back ako.
"Gertie...diba?" paninigurado niya sa name ko.
Mabilis akong tumango. "Yes, uhm...Gertrude" medyo naiilang na sagot ko. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad sa aking harapan.
Ang mga close lang sa akin at tumatawag ng Gertie. Though, ayaw ko naman siyang sitahin about duon kasi baka maoffend siya. Hayaan ko na lang muna.
Tumagal ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad pa din sa aking harapan. Naghihintay pa din sa pakikipagshake hands ko sa kanya. Napakurap kurap pa ako, I don't know what to do. I want to accept it pero nahihiya din naman ako.
"Kulang dalawa. Cairo, Eroz!" sigaw ni Kuya Rafael na nasa may gitna na ng court ngauon.
Dahil sa kanyang pagsigaw ay napangiti na lang ang lalaki sa aking harapan at pinangkamot ang nakalahad niyang kamay sa kanyang batok.
"Sige, mamaya na lang ulit ako magpapakilala sayo. Pagkatapos ng game" nakangiting sabi pa din niya sa akin.
I feel so guilty tuloy. Maiintindihan ko kung bigla siyang maging rude sa akin dahil pinaghintay ko ang kamay niya sa ere pero hindi niya ginawa. He's mabait naman pala, we can be friends, I hope.
Sinundan ko ng tingin ang pagtakbo nung lalaki hanggang sa napunta ang tingin ko kay Kuya Rafael na nakatingin sa akin. Matapos iyon ay ngumisi siya at kinindatan ako. Sabi ko nga, I hope lang na magkakaroon ako ng friend na boys.
Nakita kong ayaw din sanang sumali ni Eroz. Pero dahil pinilit siya ni Tathi ay nagjoin siya sa game. Hindi naman nagpatalo si Cairo, ang sabi niya sa akin nuon. Hindi siya marunong nagbasketball, pero ngayon ay sasali siya para magpapansin kay Tathi. I consider that as, effort naman talaga. Ang swerte ni Tathi kay Cairo.
"Whoa! Eroz!" nangingibabaw na sigaw ni Ate Xalaine. Super supportive niya kay Eroz. Gustong gusto ko ding sumigaw to show support pero hindi naging madali para sa akin.
Lapat na lapat ang aking mga labi habang tahimik na nanunuod sa kanila. Nakakuyom ang aking magkabilang kamao dahil sa pagpipigil. I want to shout, loud and proud. Lalo na ng makita kong nakikipagsabayan sina Kuya Rafael at Eroz sa mga basketball player.
"Whoa! Eroz. Yabang!" sigaw ni Ate Xalaine ng makashoot siya ng three points.
Napangisi siya, tumingin sa katabi kong si Tathi at mas lalong ngumiti. Bumigat ang dibdin ko dahil sa nasaksihan, pero ano pa bang bago?
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Napatingin ako kay Cairo, nawala ang bigat na nararamdaman ko ng makita kong nagsusuplado nanaman siya. Hindi siya marunong mag laro ng basketball, pero he's trying.
"Go Cairo!" sigaw ni Ate Xalaine. He tried to make a easy lay up. But even if it's easy, not for Cairo.
Itinaas ko ang kamay ko para ipakita sa kanya ang natutunan ko sa panunuod ng korean novela. The fighting sign. Aja fighting!
Hindi nagtagal ay hindi ko na din napigilan ang aking sarili. Nakisigaw at talon na din ako. Hindi naman iyon halata dahil madami ding ibang babaeng dumating na sumisigaw sa likuran namin para mag cheer.
Pagod na si Cairo, wala silang suot na pangitaas kaya naman kitang kita ang pamumula ng kanyang dibdib. Hingal na hingal din dahil sa kanyang pagtakbo. I felt sad for him ng makita kong palihim siyang sumusulyap kay Tathi. Maybe he feels a bit nahihiya dahil hindi siya makashoot.
Nanlaki ang aking mga mata ng muli nanamang makashoot ng tres si Eroz after ng lay up. Nasa half court pa lang ay naka steal na ang isa sa kanilang kagroup. In that one run. 5 points kaagad ang na idagdag ni Eroz sa score nila.
In the middle of the game ay inasar nanaman si Tathi ng mga lalaking nagbabasketball duon sa kababata daw niya. Napatingin ako kay Cairo, then kay Eroz. Nagulat ako ng kahit malayo sila sa isa't isa ay nakatingin si Eroz sa pinsan. May something sa tingin niya, I don't know what.
"Go Eroz!" malakas na sigaw ko ng makashoot nanaman siya. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili.
Lumapit si Cairo sa aming gawi. Nakasimangot at nakapamewang.
"Gertrude" suway niya sa akin.
Nakanguso akong umupo. "Ayaw ko sayo. Hindi ka naman makashoot"
Sinabi ko iyon hindi para asarin siya. Napansin ko kasi ang pagpipigil din ni Tathi na magcheer para sa kanya. I think, I can push her to do it kung makikita niyang I'm not supporting Cairo.
Mas lalong naging intense ang laban pag dating ng last minute. The ball should be, between Kuya Raf and Eroz. Tie ang score so they need to make a three points.
Their plan didn't go well. Napunta sa kamay ni Cairo ang last na tira. Everyone was shouting na ipasa niya sa iba. Because wala silang bilib kay Cairo. Napatingin ako kay Tathi.
"Go Cairo! Ishoot mo na!" sigaw niya dito. Nangingibabaw iyon sa buong court.
Uminit ang pisngi ko. Kinilig ako para kay Cairo. Then because of that, Cairo got the last shot. He made a miracle three points.
He was about to run towards Tathi ng maunahan siya ni Eroz. Dahil sa nangyari ay kaagad niya akong hinila palayo sa bleachers.
"Napakaepal niyang crush mo" pagmamaktol niya.
"Congrats..." mahinang sambit ko. I don't want to sound bitter or hurt.
Umigting ang kanyang panga ng tumingin siya sa akin. He even tapped my head. "That's okay, Gertie. Someday, someone will love you the way you deserve..." pangaral niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian.
I understand it naman. I never been in a relationship. For now, ang alam ko lang na love is yung nararamdaman ko towards Eroz. But in the back of it, kung dumating ang araw na mas lumawak pa ang insight ko pag dating sa love. I hope, it's still him.
Soon, maiintindihan ko din na some love is not perfect. That some needs a painful process na kailangang tawirin. Hard to admit, but some heartaches is a lesson.
Hindi natigil ang pagaasaran kahit pa naglalakad na kami pauwi sa aming bahay. Ininvite ni Kuya Rafael ang mgakaibigan niya para kumain. Before hand ay tumawag na siya para magpahanda sa may garden.
Itinuro ko kay Tathi ang dating bahay ng alagang manok ni Papa nung binata pa siya. Kahit ako ay natutuwa din sa tuwing nakikita ko iyon.
Kinaumagahan ay natuloy ang aming pangangabayo. Maaga akong gumising para duon maya naman pinaghandaan ko talaga kahit ang aking outfit.
I was wearing a white polo shirt na nakatuck in sa dark maong pants. I also wear a brown boot. My hair is on a high pony tail with a big black ribbon.
"Hi. Good morning!" nakangiting bati ko kay Tathi ng makita kong nakatingin siya sa akin pagkalabas ko pa lang ng main door. She greet me back, humapyaw lang ang tingin ko sa kasama niyang si Eroz.
Nakasuot lang din ito ng simpleng white tshirt, dark pants with his usual brown boots. Napanguso na lamang ako at mabilis na nagiwas ng tingin. Walang kahirap hirap akong sumakay sa puting kabayo.
"Isasakay kita, hanggang sa may field" rinig kong sabi ni Eroz kay Tathi.
Bago ko pa man masaksihan ang pagbubuhat niya dito pasakay sa kabayo ay nauna na akong umalis. Nakakatakot din palang masanay sa sakit, sanay na nga ba talaga ako? O nawawalan na ako ng pake? This is so confusing.
Pagdating sa malawak na field ay mabilis kong pinatakbo ang kabayo. Malayo pa lang ay nakita ko na sina Kuya Rafael at Ate Xalaine sa ilalim ng malaking puno ng acasia. Sa ibaba nuon ay nakalatag na ang kulay red na picnic cloth. May mga foods na din na sila mismo ang nagprepare.
Napailing na nakangisi si Kuya Rafael ng huminto ang kabayong sinasakyan ko sa kanyang harapan.
"Brave..." sambit niya na ikinangisi ko.
Tumalon ako pababa ng aking kabayo. I tapped his head bago ko hinubad ang suot kong gloves.
"Gertie, si Cairo?" tanong ni Ate Xalaine sa akin.
Bago pa man ako makasagot ay napalingon na ako dahil sa pagdating nina Eroz at Tathi. Nakita kong nakatingin kaagad si Tathi sa akin na para bang hinihintay din niya ang sagot ko.
"Umalis siya kanina. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta" sagot ko.
Maaga akong nagising kanina. Naabutan ko siyang palabas ng bahay. May pupuntahan lang daw siya pero hindi naman niya sinabi sa akin kung saan.
"Magkarera na lang tayo. Ano Eroz?" hamon ni Kuya Rafael sa kanya.
Palihim akong tumingin sa kanya. Tipid siyang ngumiti dito at marahang umiling. I guess, I know why.
"Ano? Sasakyan lang ba ang kaya mo?" patuloy na panghahamon ni Kuya Rafael sa kanya.
Napanguso ako at nagiwas ng tingin. Ofcourse, hindi lang iyon. Magaling si Eroz sa lahat ng bagay na gagawin niya. I know that kasi malaki ang tiwala ko sa kanya. I admire him, I look up on him. Kahit sa mga desisyon niya, hinahangaan ko.
Sa huli ay napilit din siya ni Kuya Raf. By pair ang laban, nagsuggest si Ate Xalaine na hindi naman niya nagustuhan.
"Bakit hindi na lang sila nang pinsan niya at tayong dalawa na lang dahil magkapatid naman tayo" mahabang paliwanag niya.
Imbes na masaktan ay napairap pa ako. Ang haba pa ng sinabi niya. Pwede naman niya sabihing ayaw niya akong ka-pair.
"Ang sungit mo naman. Kayo na ni Gertie" si Ate Xalaine na walang balak magpatalo sa kapatid.
Napabuntong hininga ako. Magaling akong mangabayo. I can win naman kahit ako lang magisa. Kahit silang tatlo pa ang kalaban ko. I can do it.
"Kaya ko naman kayong laban na tatlo. Kahit ako lang magisa" I say out loud.
Kung ayaw akong kateam. Edi don't.
Tumikhim si Eroz. "Basta ayokong matalo" masungit na sabi niya sa akin.
Sandaling napaawang ang aking bibig. Iniisip ba niyang malaki ang possibility na matalo siya dahil sa akin?
"Mabilis ako!" laban ko sa kanya.
"Siguraduhin mo" masungit na sabi niya sa akin.
Matapos niyany sabihin iyon sa akin at kaagad niyang hinarap si Tathi. Sabi ko na nga ba, nagaalala siyang maiwan si Tathi na magisa dito kaya naman ayaw niyang tanggapin ang karera kanina.
Pasampa na ako ng kabayo ng makita ko kung paano niya hinalikan si Tathi sa noo. Dahil sa nakita ay namali ang pagsakay ko dahilan kung bakiy napasigaw si Ate Xalaine, muntik na akong malaglag.
"Ayos lang ako" alanganing sabi ko sa kanila. I don't want them na magalala sa akin.
Napangiwi ako ng maradaman ko ang pagkirot ng aking ankle. Akala ko ayos na iyon, pero mukhang dahil sa maling pagkakaapak ko ay bumalik ang sakit.
Sumigaw si Kuya Rafael bilang hudyat ng paguumpisa ng laban. Hindi ako kaagad nagpatalo. Hindi ko gagawin ito para lang may mapatunayan kay Eroz. Gagawin ko ito dahil gusto ko ding manalo. Eventhough this is a friendly fight, I'm sports when it comes to this.
Mabilis ang patakbo ko at ganuon din si Eroz. Rinig na tinig ko ang hiyaw naming apat para mas lalong pabilisin ang pagtakbo ng aming mga kabayo.
"Gertrude, papunta sa may sapa!" sigaw ni Eroz sa akin.
Wala namang rule kung paano pumunta duon. We can take the short cuts. Tumango ako kay Eroz at sumunod sa kanya. Dahil sa nangyari ay nahiwalay kami kila Kuya Rafael ng way.
"The sapa is not malalim, we can pass thru!" suggestion ko. Pareho kaming sumisigaw na para lang magkarinigan.
"Malakas ang agos, hindi kakayanin ng mga kabayo" masungit na sabi niya sa akin.
But, umiral ang pagiging matigas ng ulo ko. Hindi ako nakinig kay Eroz at dumiretso ako papunta sa may sapa imbes na umikot pa kami.
"Gertrude!" galit na sigaw niya sa akin pero huli na ang lahat, nagpatuloy ako. Hanggang sa napahigpit ang hawak ko sa tali ng magiba ang takbo ng kabayo dahil sa malalaking ugat ng puno.
"Oh my..." napahiyaw ako ng malakas at napapikit na lang ng mariin. Handa na sana akong bumagsak sa may lupa ng magulat ako sa sumunod na nangyari.
Sinalo ako ni Eroz. At dahil sa ginawa niya, pareho kaming nahulog sa kabayo. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa akin. Nagpagulong gulo kami sa lupa, pero wala akong naramdamang sakit. Ikinulong niya ako sa kanyang bisig hanggang sa mapahinto kami. He was on top of me.
Dahan dahan akong napadilat. Naabutan ko kaagad ang seryosong tingin niya sa akin. Ang kanyang malaking kamay ay nasa likuran ng aking ulo.
"I'm sorry..." naiiyak na sabi ko. Natatakot ako, sisisihin nanaman niya ako. Kasalanan ko nanaman.
Hindi siya nagsalita. Hanggang sa umalis siya sa pagkakadagan sa akin at napahiga sa aking tabi. Mukhang nahilo dahil sa aming paggulong. Siya ang mas napuruhan dahil iningatan niya ako.
"Eroz, don't close your eyes" natatakot na sabi ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya dahil sa iniindang sakit. Umayos ako ng upo para iunan ang ulo niya sa aking mga hita. I hope, he just need a little rest. Sana ay hindi ito malala.
"Dito lang ako...palagi" mahinang sabi at paninigurado ko sa kanya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro