Chapter Two
hiiiii, I hope you like this one. mwuaps!
--------
CHAPTER TWO
KINABUKASAN ay napabalikwas ako ng bangon ng maalimpungatan at makitang maliwanag na sa labas ng aking bintana. Gulat akong tumingin sa paligid ko para hanapin si Dem ngunit wala na ito roon. Malinis na rin ang kwarto ko, wala na yung pinaggupitan namin at kung ano-ano pang kalat kagabi. Nasa lamesa ko na ang laptop ko pati DLP.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa may orasan. Seven am pa lang pala. Nine kasi ang umpisa ng klase ko ngayong araw.
Sinapo ko ang ulo ko't dahan-dahang bumangon. Natakot pa naman ako. Akala ko na-late na ko sa klase. Antok na antok pa ko pero naligo na ko para hindi na ako magahol mamaya at ido-double check ko pa kasi ang mga gamit ko.
Nang matapos kong gawin ang morning ritual ko ay mabilis akong nagbihis ng uniform ko. Humihigab pa ko habang nagsusuklay ng na-blower kong buhok. Nagising lang yata ang diwa ko ng may malakas na boses ang tumatawag sa pangalan ko.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinanggalingan ng boses at nagsalubong ang kilay ko ng makitang galing 'yon sa nakabukas kong terrace. Nang silipin ko ay nakita ko si Dem na nakangisi sa 'kin.
"Oh, gising na pala ang mahal na prinsesa. Baka gusto mong mag-almusal na. Sabay ka na sa 'kin pagpasok," anito.
"But I will double check my lesson plan pa," ani ko sa kanya.
"No need to worry okay na 'yan. Go eat your breakfast and we will leave exactly at eight," he said like a king before leaving me there.
I rolled my eyes at him. Such a bossy gay. Hmp! Tinapos ko na ang pagsusuklay ko at naglagay lang ng light tint at blush on before ko kinuha ang mga gamit at instructional materials ko.
Bumaba ako sa kusina kung saan ko naabutan si Kuya Vio na nag-aalmusal na. Nakataas ang kilay niya sa 'kin.
"Oh, kaninang madaling araw ko nakitang lumabas ng kwarto mo si Demi, ha, anong ginawa niyo?" strict nitong tanong.
Umirap ako dahil sa paraan niya ng pagtatanong na para bang may ginawa kaming masama ni Demi. Mas matakot siya kapag ka sa kwarto ni Antony lumabas ng madaling araw si Dem, for sure may ginawa talaga 'yong dalawa.
"Tinulungan niya kong gumawa ng instructional materials at lesson plan, Kuya. Wag kang ano diyan!" ani ko sa kanya sabay bagsak ng mga gamit ko sa lamesa. Umupo ako malapit dito at nagsandok na rin ng pagkain ko.
"Bakit kasi nag-educ ka pa? You didn't take business management, mas makakatulong sa company natin 'yon lalo na't sa 'tin ipapamana nina Mom at Dad ang lahat," anito.
I sigh.
My brother is taking business management kasi. He is on his last year and after he graduate he will handle our company's branch in US while taking his masters. Kaya gusto nila akong kumuha ng business management dahil habang nasa ibang bansa si Kuya ay ako ang magha-handle ng main branch dito sa Pilipinas.
Eh, I'm not good with that naman. Lalo pa't may math. I really hate mathematics kaya. Buti pa rito sa Education, medyo madali compare with that. Magtuturo ako sa mga bata, hindi masyadong masakit sa ulo.
Besides, kung hindi ko sinundan si Dem sa educ, baka nag-culinary arts na lang ako because I love cooking.
"Kuya, we talked about this na. I don't like handling the company. It's too much for me to handle. Imagine, I will have to study those numbers. No," maarte kong ani dito.
Wala ng nagawa si Kuya kundi ang bumuntonghininga. Naawa naman ako. Lahat kasi ng pressure nasa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at tipid siyang nginitian.
"Don't worry, Kuya, mag-aasawa ako ng marunong mag-handle ng company so he can help you," suggestion ko rito.
But instead na matuwa ito ay marahas niyang binawi ang kamay niya at pinanlakihan ako ng mga mata. Malakas akong natawa dahil doon.
"Are you really out of your mind? Boyfriend nga hindi ka makahanap, asawa pa kaya?"
"Ay, wow. Mapanaket. Baka kapag nagka-jowa ako mag-iiyak ka diyan," pambawi ko.
And our breakfast go on with us ranting at each other. Mabuti na lamang at wala sa bahay ang mga magulang namin kundi papagalitan na naman nila kami dahil puro kami away.
Tinulungan ako ni Kuya magdala ng mga gamit ko palabas. Akma niyang ipapasok ang mga gamit ko sa backseat ng kotse niya ng biglang may bumusina sa harapan ng bahay namin. He frowned, but I didn't. I know who that is.
"Sabay kayo ni Demi?" he asked.
"Yap." I popped the 'p' when I said it. Kinuha ko mula sa kaniya ang hawak niyang IMs at tumingkayad para bigyan siya ng halik sa pisnge. "Bye, Kuya. Take care."
Tinakbo ko ang gate namin para makalabas agad. Lumabas ng kotse si Demi para buksan ang backseat ng sasakyan nito. I put my things there when I noticed a box of cupcakes. It's color lavender. His favorite color.
Umikot ako papunta sa passenger seat at sumakay sa loob. Nang nasa tabi ko na si Dem ay tinuro ko ang box ng cupcakes sa likod.
"Para kanino 'yon?" mahina kong tanong.
Ngumiti siya sa 'kin at ini-start na ang sasakyan. He started driving before he answer me.
"For Tony. You know it's his birthday today," he said while smiling. "Syempre hindi ko sasabihing ako ang nagbigay. Iiwan ko lang sa locker niya like what I always do."
Pinilit kong ngumiti kahit na nahu-hurt ako. Bakit sa 'kin wala? Always na lang si Tony ang meron. I actually never taste his pastries. He always bake, sometimes I help him but he never let me try one. Palaging lahat kay Tony.
Tumikhim ako para alisin ang barang nakaharang sa lalamunan ko. I don't want us to have an awkward atmosphere sa kotse lalo na't matagal pa kaming magkaakasama.
"Thank you for finishing my PowerPoint, ah, you don't have to do that naman, but thank you talaga." When I checked my laptop kasi kanina I saw my power point finished. And the only one who can do that is him.
"Welcome. Next time sabihin mo sa 'kin, kapag ganyan, para matulungan kita, okay?"
"Okay."
Tinuon ko ang mata ko sa labas ng bintana. Marami na ring sasakyan ang nasa daan, mabuti na lang at hindi masyadong traffic. Naisipan kong kumuha ng picture para i-post siya sa IG ko kaya naman sa tuwing humihinto kami ay kumukuha ako ng picture. Sa loob ng kotse—rear-view mirror, yung manibela kung saan kita ang isang kamay ni Dem na nakahawak, and it looks really manly since it has ugat na nakalabas.
I took another one naman with my thighs and then hand. Nang enough na ang makuhang picture ay pinindot ko ang icon ng app then nag-post na. I caption it 'morning shine', then closed it afterwards.
Para hindi masyadong tahimik sa loob ng kotse ay binuksan ko ang radio. Saktong tumutugtog ang kanya kanya ni Yeng Constantino na 'Siguro'.
Ano ba 'yan ang sakit naman.
Relate na relate ako.
Kailan kaya mapapatingin sa 'kin si Dem para malaman niyang may pagtingin din ako sa kanya? Forever ko na lang bang ike-keep 'tong nararamdaman ko?
"Siguro'y umiibig kahit 'di mo pinapansin, maghihintay na lang ako baka sakaling ika'y mapatingin!" pagbirit ni Dem ng dumating sa chorus nito.
"Ako kaya kailan mapapansin ni Tony? Want na want ko na ang pagmamahal niya!" anito. Marahas itong lumingon sa 'kin. "Paano niya ko mapapansin?"
"B-bakit hindi mo subukang umamin? Baka . . . malay mo . . . matanggap ka at same pala kayo ng feelings," mahina kong sabi ang shaket.
Napanguso ito bago binalik ang tingin sa daan. Ako naman ay tumingin sa labas ng bintana habang nakakuyom ang kamao.
"Paano mo kasi malalaman kung may pag-asa ka kung hindi ka aamin? Try mong umamin malay mo same pala kayo ng feelings." Ay, payo ba yan para kanino Lilac? Sa 'yo o kay Dem?
Hindi sumagot sa 'kin ang lalaki, bagkus ay tumahimik lamang ito at mukhang inisip ang mga sinabi ko. Hanggang makarating kami sa school ay wala siyang kibo. Nauna na tuloy akong bumaba ng sasakyan dahil ibibigay niya pa naman kay Tony ang regalo niya.
Pagdating ko sa classroom ay padabog akong umupo sa upuan ko. Maingay ang mga kaklase ko at nagkakagulo kaya yumukyuk ako sa lamesa ko. Sobrang bigat sa pakiramdam. Ang sakit naman kasi magmahal ng hindi ka mahal.
Ilang minuto rin akong nakayukyok bago nagpasyang umayos na ng upo. Nang gawin ko 'yon ay nagulat pa ako ng hindi ko man lang namalayang may naka-upo na pala sa tabi ko. Kinunutan ko siya ng noo. Hindi ko natatandaan ang mukha nang lalaking katabi ko.
Maybe napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya ako, nang magtama ang mga mata namin ay malaki itong ngumiti.
"Hi! I'm Vince!" pakilala nito sa 'kin. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
Tipid akong ngumiti, "hi, Vince. I'm Lilac." Tinanggap ko ang kamay niya at nakipag-shake hands, pero akalain mo ba namang bago ko mabawi ang kamay ko'y may kung sino nang gumawa noon para sa 'kin sa marahas na paraan.
"And I'm Demitrius," ani Dem sa malamig na boses. Napalunok ako. Lalaking-lalaki ang boses niya kaya tuloy ang iba naming kaklase ay napapalingon.
Alanganing tumawa si Vince at bumaba ang tingin sa kamay kong hawak pa rin ni Dem. Tapos tumingin ito sa 'kin at matipid pa rin nakangiti habang tumatango.
"Sorry, bro, I thought she's sing—"
Hindi na natapos ni Vince ang sasabihin niya dahil bigla akong hinila ni Demi palabas ng classroom. Sobrang bilis ng takbo ng puso ko kahit na parang nag-slow motion kaming dalawa habang naglalakad palayo sa kanila. Para tuloy kaming mga characters sa nobela kung saan nagseselos ang male lead ng bidang babae.
Dalawang building yata ang nalagpasan namin bago kami nakarating sa pinaka likod ng school na walang masyadong pumupunta.
"Anong nangyari?" mahinahon kong tanong sa kanya kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa nito.
Mangiyak-ngiyak niyang binitawan ang kamay ko't madramang umupo sa bakanteng silya. We're inside the abandoned classroom, it still has electricity kaya naman nagawa namin itong hideout.
"Umamin ako," pabulong niyang sabi.
Dahan-dahan akong napa-upo sa tabi niya. He looks so hurt. Ngayon ko lang napansin ang sobrang pamumula ng mga ilong nito. Hinila ko siya payakap sa 'kin, at wala pang isang minuto ay gumanti ito at nag-iiyak.
"U-umamin ako at sinabi niyang hindi siya magkakagusto sa k-katulad ko!" puno ng pait niyang bulalas sa 'kin.
Hinaplos ko ang buhok nito para pakalmahin siya. I can already feel my neck being soaked by his tears.
Double pain naman 'to, di na ka nga love nang love mo tapos sinasaktan lang siya ng taong gusto niya!
"B-bakit ba kasi ako ipinanganak na lalaki kung sa lalaki rin pala ako babagsak? Bakit?!" Humigpit ang hawak nito sa 'king bewang.
"Shhh . . . walang mali sa 'yo, tandaan mo 'yan."
"Pero bakit?!"
Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Hindi ko kayang sagutin, Dem. Hindi ko kaya."
"A-ang sakit-sakit, Lilac. Sobra. S-sana pala hindi na ako umamin . . . alam ko naman kasing w-walang pag-asa pero pinilit ko pa," anito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I feel guilty. Ako kasi ang nag-suggest no'n sa kanya. Kung hindi ko 'yon sinabi baka hindi niya talaga ginawa.
"Lilac, ang sakit!!" pabulong ngunit puno ng diin nitong ani.
"I'm sorry na sin-suggest ko pa 'yon sa 'yo, Dem. Akala ko talaga magiging okay ang lahat sa inyo."
Umiling ito.
Pinabayaan ko na muna siyang mag-iiyak dahil wala naman akong maibibigay na matinong payo sa kanya. Hanggang lumipas ang tatlumpong minuto at tumahan din ito. Absent na kami sa unang klase namin at hindi ko sigurado kung makakapasok pa kami sa susunod dahil sa estado ni Dem ngayon. Siguro'y aayain ko na lang siyang umuwi para makapagpahinga.
"Gusto kong uminom," ani Dem na nagpagising sa kaluluwa ko.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya at inilayo siya sa 'kin. Baka naman kasi nagkakamali lang ako ng dinig. Nagsalubong ang mata namin. I see coldness in his na ngayon ko lamang nakita sa kanya.
"Gusto kong magpakalasing, para makalimutan ang ginawa ko kanina. Please, Lilac, help me forget about him," he pleaded.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag. He used his puppy eyes on me na. Ano pang laban ko, right?
Nag-stay lang kami roon ng ilan pang oras hanggang mag-lunch, then, we took our things and went to the grocery store to buy liquor.
Sa bahay nila kami dumeretso. Sakto namang wala ang parents nito kaya solong-solo namin ang buong bahay. I doubt if magsusumbong ang mga katulong nila lalo na't hindi naman nila nakitang may dala-dala kaming alak. Dapat nga, uuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit pero hindi ito pumayag.
Pumasok kami sa kwarto niya, binaba ko ang bag ko sa may gilid ng pinto at si Dem naman ang naglabas ng alak na tinatago namin sa bag nito. We also bought chips para hindi na rin kami magluto.
Bumuntonghininga ako ng isarado ni Demi ang mga bintana at buksan ang AC ng kaniyang kwarto.
"Don't tell me magkukulong tayo rito just to drink, ha," ani ko.
Malamig ang tingin niyang bumaling sa 'kin, "oo."
"Demetrius, ha, umayos ka," may warning kong ani sa kanya. And we started to drink na.
Bumili lang kami ng dalawang dosena ng Smirnoff beer. Hindi naman masyadong nakakalasing 'to unless masobrahan ka talaga.
"Alam mo, hindi ko nga alam kung ano nagustuhan ko kay Tony! Pogi lang naman. Mabait! Magaling sa music. Magaling sumayaw. Magalang pero babaero lang," pagra-rant nito.
"Tapos, mabango lang naman siya. Tapos . . . ano pa ba? Basta crush ko siya kasi ang pogi niya kapag nagi-smile."
Nakakailang bote na kami pareho at paulit-ulit na rin ang mga sinasabi ni Demi. Panay puri kay Tony kahit minumura naman niya.
I feel dizzy lang dahil nakaka-apat na bote na rin ako. Nasasaktan din ako para kay Dem dahil sa nangyayari sa kanya ngayon. I sigh.
"Gusto ko na lang siyang makalimutan. Gusto kong makalimutan 'tong feelings ko sa kanya. Assuming kasi ako, akala ko naman yung mga ginagawa niya sa 'kin ay dahil gusto niya ako, friendly lang pala siya!" reklamo nito sabay atungal ng malakas.
Gusto na niyang makalimot?
Ewan ko kung dala lang ba ng kalasingan o sadyang may sariling utak ang bunganga ko para sabihin ang bagay na 'yon.
"Gusto mo talagang makalimot?" naninigurado kong tanong.
Mapupungay ang matang tumingin siya sa 'kin sabay sunod-sunod na tumango. Tumayo ako at lumakad palapit sa kanya, pagkatapos ay nag-squat ako sa harapan niya.
"Siguradong-sigurado?"
"Oo! Basta makalimutan ko na ang huda—"
Before pa niya matapos ang sasabihin niya at bago ko pa ma-realize ang gagawin ko ay napaglapat ko na ang mga labi naming dalawa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin 'to. All I know is Demitrius 'the great' is frozen because of my lips on his.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko't dinama ang malambot niyang labi sa 'kin. Ang tamis pala ng labi ni Demi. Ang lambot-lambot nito. Para akong tumikim ng cotton candy.
Nang ma-realize ko kung anong kagagahan ang ginawa ko ay mabilis kong inilayo ang mukha ko. Dinilat ko ang mga mata ko't nasalubong ang madidilim na mata ni Demi. I thought he is angry for what I did but what shocked me is the next thing he did.
He pulled my nape and kissed my lips again.
My eyes widened.
This time, his lips moved slowly. His eyes were closed, and he seemed to savor our little moment. I closed my eyes as well and responded to his kisses, even though I didn't know how.
Demi . . .
--------
Whats your thoughts about this chapter? Comment it down and push the star button to vote if you like this chapter!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro