Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

Hi, I'm still busy at school but I'm always trying to come back to writing para makapag-update sa inyo. Kaunting kembot na lang magbabakasyon na kaya kaunting hintay pa, hehehe. Thank you! I hope you enjoy this chapter. 

Love, A.G.

--------------

CHAPTER ONE

NAKANGITI kong pinagmasadan ang pinakamamahal ko habang masigla itong nakikipagbiruan sa mga babae naming kaklase sa harapan ng classroom.

Hmm . . . wala namang problema kung sa babae siya makikipaglapit dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang mga iyon. We have a secret kasi na kaming dalawa lang ang may alam.

He is gay. Hindi pa siya naga-out sa marami at sa 'kin pa lang umamin dahil nga best friend niya ako, and of course, pro-protektahan ko ang sikreto niya hanggang sa memetey ako. Ehe!

Natapos ako bigla sa pagmo-monologue ko ng mapansing may mainit na nakatingin sa 'kin. Hinanap ng mga mata ko ang pangahas na 'yon and there I saw my labidabs. Salubong ang kilay niyang nakatingin sa 'kin.

Pasimple ko siyang tinaasan ng kilay at inirapan naman ako ng bruha.

Gentleman at magalang si Demetrius my loves, kaya lahat ng gurls ay patay na patay din sa kanya. Syempre, gusto nila ng ganoon. Good boy at matalino pa. Talagang pwedeng ipanglaban, gano'n.

Umayos na kami bigla ng mga upo dahil biglang pumasok na ang Professor namain sa subject ng oras na 'yon. Nagsibalikan din ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Kaya si bestea ay lumapit na rin sa tabi ko. Matamis ko siyang nginitian saka nakinig sa 'ming Prof.

The first thing na ginawa ni Ms. Regalado is mag-attendance. She's so patient na araw-araw niya 'yong ginagawa. She makes sure everyone is present and doing their activities kaya nga bet na bet ko kapag siya ang teacher, pwera na lang sa panahon kapag napakarami niyang pinapagawa.

"Barrera, Lilac?"

"Present, ma'am!" Tinaas ko ang kanang kamay ko para makita niya ko. She continue to call my classmates. Until tawagin niya si Demetrius or Dem.

"Hernandez, Demetrius?"

"Present!"

Nang matapos matawag ni ma'am lahat ay nag-proceed na siya sa pagtuturo ng topic para sa araw na 'yon. Three units kami sa subject niya kaya naman three hours ang ginunol namin for that day in her subject. Kaya ng matapos kami ay drained na drained na ang utak ko.

"Beh! Ayoko na! Pagod na ako!!" madrama kong ani kay Dem ng maka-upo kami sa may canteen.

Ginulo niya ang buhok ko at nginitian ako ng matipid.

"Pahinga ka na lang. Ano bang gusto mong kainin? I-libre na lang kita para maalis 'yang pagod mo," aniya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi ko na napigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ko. Ikinawit ko ang braso ko sa kaniya ngunit 'di pa man nagtatagal ng five minutes inalis na niya at inikutan ako ng mata.

"Inaya lang kitang ilibre pero hindi 'yong magpaka-clingy ka ng ganyan!" maarte nitong bulong. Pasimpleng tumitingin sa paligid, hannggang binalik sa 'kin ang tingin. Inirapan niya ko bago tumayo. "Bibili na lang kita ng ice cream tapos mag-review na tayo para sa quiz mamaya, okay?"

I pouted my lips and nod. Binaba ni Dem ang bag niya sa upuang katabi ng sa 'kin bago dala-dala ang wallet na naglakad palayo. Pinanood ko lang siyang bumili.

Okay lang ang paminsang-minsang clinginess kay Dem, pero not in public dahil baka raw makita siya ng kaniyang crush at isiping magjowa talaga kami. Kasi naman, anteh, sa sobrang pagka-close namin at comfortable sa isa't isa pinagkakamalan na kaming mag-jowa no'ng mga taong nakakakita sa 'min at hindi kami kilala.

Pero sa mga pamilya naman namin ay wala ng kaso 'yon dahil nakita naman nilang sabay kaming lumaki ni Dem. Naka-diapers pa lang kami hindi na kami mapaghiwalay.

Nasa twenty minutes akong naghintay kay Dem bago siya nakabalik. May dala na itong tray na may lamang dalawang cup ng ice cream, smoothie, at fries.

Nagningning ang mga mata ko sa nakita. Ilang beses akong pumalakpak ng ibaba niya 'yon sa table at saka siya umupo sa tabi ko. Si Dem na rin ang naglagay ng ice cream sa harapan ko.

"Thanks!" I said before nilantakan ang ice cream. I was busy eating it ng mapansin kong natigilan si Dem.

Deretso itong nakatingin mula sa kung saan. Salubong ang kilay kong sinundan 'yon at doon ko napagtantong pumasok na pala ng canteen ang kuya ko kasama rin ang best friend niyang gusto ng best friend ko.

Cliché man pakinggan pero one sided lang talaga 'tong nararamdaman ko dahil never akong magugustuhan ni Dem. He only treats me like his younger sister. Dahil ang gustong-gusto niya ay si Antony.

Malungkot kong muling binalikan ng tingin si Dem bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko na keri ang makita ang admiration sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa iba. Nahu-hurt ang feelings ko. Ang sakit isipin na wala talaga kaming pag-asa. Kahit siguro magta-tumbling ako rito ay hindi niya ako papansinin kapag si Antony ang kalaban.

Napansin yata ni accla na nanahimik ako kaya bigla niyang binunggo ang siko ko. Nakatikwas ang kilay niyang nakatingin sa 'kin. I pouted my lips and sigh. Ayoko namang magpaka-emo sa kanya no, at baka malaman pa niya ang hidden feelings.

"Ano na namang problema mo, Lilac? Ice cream pa?" tanong niya habang deretso ang tingin sa mga mata ko.

Napalunok ako.

His blue eyes.

Nakakalunok ang mga matang 'yan. Dahilan kung bakit ako hulog na hulog sa mokong na 'to.

"Alam kong humaling na humaling ka na sa 'kin pero wag mo namang ipangalandakan," mapang-asar nitong sabi.

Napabalik ako sa reyalidad at nanlaki ang mga mata. Inirapan ko siya ng malala dahil sobrang lakas ng tawa niya anteh ko!

"Hoy! Hindi ako nahuhumaling sa 'yo, ha! Kapal naman ng mukha mo. Mukhang 'yan?! Mahuhumaling ako!" panlalait ko sabay subo at iwas ng tingin. Sana mapagtakpan niyon ang tunay kong nararamdaman.

Humalakhak lang ang gago at ginulo ang buhok ko.

********

NAPATINGIN ako sa labas ng kotse ng huminto ito sa tapat ng bahay nina Dem. Nauna na akong bumaba at sumunod siya sa 'kin. Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. Nakaharap siya sa 'kin habang nakahawak ang kanang kamay sa may bubong ng kotse.

Madilim na ang kalangitan at tanging poste na lang ng meralco at ilaw ng mga bahay ang nagbibigay liwanag sa paligid. Dumaan kami sa mall para bumili ng gamit sa project kaya ginabi kami ng uwi.

"Oh, ihahatid pa ba kita sa inyo, senyorita?"

Inirapan ko siya. "Huwag na mahal kong alipin nakakahiya naman sa 'yong hindi pa sa tapat ng gate namin nag-park, eh ayun lang oh!" Marahas kong tinuro ang gate ng bahay namin na katabi lang ng sa kanila.

Umikot ang mga mata ni Dem. "Malamang! Anong gusto mo ipasok pa kita sa bahay niyo, may paa ka naman! Kaya mong maglakad!" anito sa medyo boses nang mas malambot.

Iningusan ko siya bago ngumiti. Ganito talaga kami magbangayan kapag ka wala ng ibang makakakita sa kanya.

"Sige na. thank you sa paglibre sa 'kin ngayong araw. Bukas ulit, byee!" I wave my hand at him then walk towards our big gate. Binuksan ko ang gate, then lumingon ako and there I see Dem.

Nag-wave ako sa kanya bago tuluyang pmasok sa loob ng bahay namin. Sinalubong ako ng mga katulong at bumati sa 'kin. I greeted them with a bright smile before I proceed to the stairs. Dumeretso na ko sa room ko and bumungad lang halos sa 'kin si Demetrius na nakatayo sa tapat ng bintana nito.

Magkatapat kasi ang bintana sa kwarto ni Dem at ang maliit kong terrace. Nagtuloy ako sa may walk-in-closet ko para kumuha ng damit, then sa banyo para makapag-freshen up na. Nang matapos ko ang night routine ko ay lumabas na ko ng banyo at nagpunta sa study table ko para mag-umpisa ng mag-aral.

I'm taking education since educ din ang kinuha ni Dem. Syempre no'ng pumili ako ng course no'ng freshmen ako hindi ko pinag-isipan ng mabuti. Akala ko naman madali lang kasi turo-turo lang pero hindi pala, nakakaloka!

Dedication at pasensya ang kailangan sa course na kinuha ni Dem na marami siya at wala ako, eme!

Abala ako sa pagta-type ng activities ng mga bata sa laptop ko ng biglang umilaw ang aking phone. At first I hindi ko pinapansin pero ilang beses na nag-vibrate pa 'yon kaya napabuntonghininga ako. Kinuha ko ang phone.

Demitrius_Hrnndz

Anteh! Nakita mo ba yung bagong post ng Kuya mo?

Gagi! Soaper hottie nila ng bebeluvs kho!

I frowned when I read his message. Binuksan ko ang feed ko at doon bumungad sa 'kin ang post ni Kuya Vio kasama si Antony. Pareho silang topless at medyo wet looking dahil sa basang buhok. Mukhang kagagaling lang nila nito sa practice ng basketball.

Akma pa lang akong magtitipa ng reply para kay Dem ng sunod-sunod na naman itong nag-message.

Demitrius_Hrnndz

Anteh ko!!! Napaka-gwapo 'di ba? Bagay na bagay talaga kaming maging magjowa. Maganda at gwapo!!

Uyyy! Nakita ko sa story ni Tonylabs na nasa music room sila diyan sa bahay niyo. Punta ako para makita ko siya!

Nanlaki ang mga mata ko. Tumayo ako mula sa pwesto ko at sumilip sa labas. Nakita ko ang pagtayo at pagkuha ni Dem ng mga gamit niya. And before I could even react, our eyes locked.

My heart started to beat erratically.

Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Mas lalo lamang bumili ang tibok nito nang kumaway at matamis na ngumiti sa 'kin si Dem. Nadikit na yata ako sa ganoong posisyon dahil kahit wala na ang binata sa may bintana ay nandoon pa rin ako.

Mariin akong napapikit.

Kumalma ka, puso! Kalma! Utos ko sa puso ko ngunit hindi ito kumakalma. Hindi na yata siya kakalma kapag si Dem na ang usapan. 

Napatalon na lang ako sa gulat ng wala pang limang minuto ng may kumakatok na sa kwarto ko. Tapos bumukas 'yon at pumasok si Dem sa loob.

Dala-dala niya ang mga instructional materials niya, laptop, at isang malaking lalagyan ng iba pang gamit. Binaba niya 'yon sa ibabaw ng aking kama at saka lumapit sa 'kin. Sobrang lapit niya sa 'kin. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Napalunok ako.

"Ano ba yung ginagawa mo, anteh? Di ka pa tapos sa lesson plan? Akala ko pa naman gumagawa ka na ng PPT," anito habang nakatingin sa screen ng laptop ko.

Ilang beses akong napalunok ng laway muli kahit na wala na halos akong laway. Nang tumingala kasi ako ay kitang-kita ko ang magandang hubog ng mukha ni Dem, kasama na ang Addams apple nitong gumagalaw.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkaka-upo at lumayo sa kanya. Hindi naman nagtaka si Dem dahil kinuha niya lang ang laptop ko at hinila ako papunta sa gilid ng kama. Binawi ko mula sa pagkakahawak niya ang laptop ko saka umupo.

"Bilis mo namang nakita yung post ni Kuya, Dem. Nakabantay ka?" tanong ko makalipas ang ilang minuto.

"Nadaan lang kasi 'di ba gagawa dapat ako ng instructional materials para sa demo ko bukas? Tapos ayon, gusto ko ng pampa-goodluck at pang-motivate habang gumagawa ako at nagtuturo ako bukas."

Bakit hindi na lang ako ang gawin mong motivation? Andon naman ako papalakpak para sa 'yo. Gusto ko sanang isatinig 'yon pero pinigil ko na ang aking sarili.

Tumabi ng upo sa 'kin si Dem. Hinawakan niya ako sa braso at maka-ilang ulit na nag-beautiful eyes. I know he wants to go the music room to see kuya and especially Tony. I sigh.

"Sige na hindi mo na kailangan magpa-cute sa 'kin, Dem. We will go to the music room," pagsang-ayon ko rito kahit na nagsusumigaw ang utak ko na hindi at nadudurog ang puso ko.

Mahina itong nagtitili sa 'king gilid. Nakita ko siyang inayos ang kaniyang sarili na para bang naghahanda na talagang magpaganda. Ibinaba ko ang laptop sa gilid. Sabay kaming lumabas ni Dem sa kwarto ko.

Nasa first floor ang music room kaya bumaba pa kami. Ilang lakad pa at nakarating na rin kami roon, I didn't knock because it's slightly open. There's loud music coming inside and we saw them when I pushed the door open.

Kuya is using the guitar and then Tony is on the drums. They are playing so well. Napatigil lang sila ng mapansing nakatayo kaming dalawa ni Dem sa may pinto. Pinilit kong ngumiti kahit na hu-hurt ang feelings ko sa sobrang kilig ni Dem sa 'king tabi. May pasimple pa siyang paghawak sa 'king braso para pigilin lang ang kilig.

"H-hi, kuya!" kinakabahan kong bati. Pumasok kami sa loob, ang accla naman ay agad dumeretso sa tabi ni Tony.

Pinanood ko silang mag-usap habang nababasag ng maliliit ang puso ko. Eme! Para lang namang kagat ng isang t-rex at never niya talaga akong magugustuhan. Lumapit ako sa tabi ni Kuya na basang-basa ng pawis. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong ginagawa niyo rito?" medyo hingal niyang tanong.

"Wala naman. Sinilip lang kayo. Masama?" Inabot ko ang hawak niyang gitara at ini-strum ang string.

Pasimple itong tumingin kina Tony at Dem na sinundan ko na dapat ay hindi ko na pala ginawa dahil na-hurt lang ang puso ko. Masayang nag-uusap kasi sina Dem, may kung ano itong tinuturo sa may drums. Napanguso ako.

"Osige. Gagawa na ko ng lesson plan ko. Byee," paalam ko. Hindi naman na nagsalita si Kuya at uminom na lang ng tubig. Bumalik na ko sa kwarto ko na nakanguso.

Dapat kasi puppy love lang 'to. Crush lang. Paghanga pero kada araw na lumilipas. Nagiging iba hanggang sa ganito na. Love ko na siya. Pero support lang kung saan siya mas masaya. Happy na rin ako no'n.

Umupo ako sa may bed pagkapasok ko ng kwarto. I continue doing my lesson plan so I can start to do my powerpoint.

I was minding my own, busying myself to forget that Dem is with Tony when the door on my room burst to open. Napatingin ako do'n at pumasok ang bintana na may dalang tray. Nakasimangot siya sa 'kin.

"Iniwan mo naman ako sa ibaba! Paglingon ko wala ka na do'n lukarit ka!" anito sabay baba ng tray sa ibabaw ng kama. "Nakasalubong ko si Nana Mering, inabot niya sa 'kin 'to. Kain na raw," wika nito sabay abot sa 'kin ng isang sandwich.

"Thank you," ani ko sabay kuha sa tinapay. "Ayaw mo bang iniwan kita sa ibaba? Nagkaroon ka na ng quality time kasama ni Tony. Saka inire-revise ko pa yung DLP ko kaya nauna na kong umalis." Pagdadahilan ko nga naman.

"Bakit kasi hindi mo sinabi sa 'kin na 'di ka pa tapos sa DLP. Tinulungan sana kita para gagawa na lang tayo ng IMs."

"Ano ka ba? Mukha lang akong walanghiya pero may hiya pa rin talaga ako, noh. Nakakahiyang magpatulong sa 'yo palagi," pag-amin ko.

Dem is so matalino kasi. Kapag tinanong mo siya sa ganitong bagay sasagutin niya agad and sigurado siya sa sagot niyang 'yon. Kaya nga kilala siya ng karamihan ng mga instructor and prof sa school.

Madalas niya akong tinutulungan sa subjects na hindi ko maintindihan at almost lahat kasi minsan mabagal ko kung maintindihan ang gagawin. Kaya kung pati sa lesson plan ko magpapatulong ako grabe naman eyon.

"Sa 'kin ka pa nahiya, eh, kilala na kita mula ulo hanggang talampakan mo. Sabi ko naman sa 'yo kapag kaylangan mong tulog tawagin mo ko. Lalo na't alam kong hindi ka magaling sa arts," pang-aasar nito sa 'kin.

"Syempre need 'yon! Kapag naman hindi ko na kaya nanghihingi na ako ng tulong, eh."

He rolled his eyes at me. "Yeah. Yeah. Basta I will help you with that na. Madali lang naman 'tong sa 'kin."

Wala na akong nagawa pa dahil sinabi na ng reyna. Kaya naman tinulungan na muna ako ni Dem tapusin at i-print ang lesson plan ko bago namin pinagtulungang gawin ang instructional materials niya. Hindi ko nga alam kung anong oras kami natapos. Basta ang knows ko gumagawa kami ng activity. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro