Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Mabining simoy ng hangin ang dumapyo sa aking mukha nang umahon akong saglit mula sa tubig. I saw my assistant, Chastity, coming in. Ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa kong paglalangoy at hindi inalintana ang presensya nito. I wasn't done with my laps, kung anuman ang ipakikipag-usap niya sa akin ng ganito kaaga ay makapaghihintay naman siguro iyon.

Alam ni Chastity na hindi niya ako maaabala kapag ganitong naglalangoy ako sa umaga. Kaya nga pinili kong gawin ang routine swim ko sa patay na oras ng madaling araw para walang kahit anong masasagasaan na gawain kung sakali, tapos ay sasabayan niya naman. This was in my schedule, siya ang wala kaya maghintay siya.

I continued my strokes, buong puwersang ipinaparte ng aking mga braso ang tubig na hindi mahati-hati sa gitna. I knew Moses did it effortlessly, ni hindi man lamang nga ito nabasa. For so many times, I thought of how people in that era could do something that impossible. Walang sapat na eksplinasyon para doon mula sa kahit na sino pang eksperto. Kaya pinaniwalaan na lang ng lahat ang mas madaling eksplinasyon: God did it.

But was there even a God? I thought bitterly. Siguro maging ang konseptong iyan ay nakadepende na rin sa kani-kaniya nating paniniwala. I grew up in a home where faith was foundational, where prayers were whispered before meals. I had attended religious services, listened to sermons, and read scriptures that proclaimed the existence and benevolence of a divine being. Madaling sabihin na naniniwala ako dahil madali lang naman talagang maniwala. I wanted to believe, not just for myself but for everyone. Pero hindi ko kailanman naramdaman. Could it be considered a sin if you never felt God?

I pushed off the wall, mas binilisan pa ang ginagawang paglangoy. Ten more laps to reach my goal of sixty before six o'clock. The challenge exhilarated me, bumibilis akong lalo na akala mo'y may nilalabanang sadya.

Underwater, time seemed suspended. My thoughts drifted between the rhythmic pull of my muscles and the subtle play of light refracted through the water. Ganitong klaseng kapayapaan at katahimikan ang gusto ko.

Malapit na akong matapos ngunit tila ba hindi na iyon mahintay pa ni Chastity, sa muli kong pag-ahon para sumagap ng hangin ay tumayo na siya sa edge ng pool. Her voice broke through my underwater reverie, muffled and distant.

"Haze, we need to talk. Nakatanggap ako ng message kagabi mula sa isang detective. Maaga akong natulog kaya pagising ko na ito nabasa. Pinuntahan kitang agad because it seemed urgent!"

If I could only groan underwater, nagawa ko na. Hindi ko gustong itigil ang aking ginagawa dahil lang sa sinabing iyon ni Chastity. It would bug me the whole day kung hindi ko tatapusin.

It took me about fifteen minutes to finish my exercise and complete my goal. Umahon na ako, water dripping from my hair. Inabot agad ni Chastity sa akin ang tuwalya kong nakasabit sa lounger, ni hindi na ako hinintay pang makapagtuyo ng husto ay nagsalitang muli.

"Pinabubuksang muli ng Uncle Enrique mo ang kaso ng daddy mo."

Hindi na ako nabigla pa sa sinabi niya. Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng aking mga braso, hindi pa rin nagsasalita dahil gusto ko munang marinig ang lahat ng ibabalita ni Chastity bago tumugon para isahan lang. Alam kong hindi pa siya tapos.

"The detective assigned to this case contacted me, gusto ka raw niyang makausap sa lalong madaling panahon." May bahid ng pag-aalala ang tinig niya, kinuha mula sa akin ang tuwalya nang matapos akong magpunas atsaka ako inabutan ng tubig na nasa lamesita sa gilid. "Dahil siguro ito sa ilang beses na pagsubok ng tiyuhin mo na makausap ka. Tahasan niya namang ipinahahayag, kahit noon pa, na gusto niyang mapunta sa kaniya ang ancestral house niyo sa Vigan. At ngayon na nasa Pilipinas na siyang muli, iipitin ka na lang niya sa intriga para mapwersa kang ibigay nga ito sa kaniya. Even if it means disrupting the peace of the dead."

I took my time emptying the bottle of water she handed me, tapos ay isinara ko iyon at muling ipinatong sa lamesa. "Uncle Enrique is free to do whatever the fuck he wants. I don't care, Chastity. Kahit paulit-ulit pa niyang ipa-exhume ang bangkay ng kapatid niya para ipa-autopsy sa kahit sinong eksperto. The death had already been ruled a suicide. Hindi niya lang matanggap dahil hindi niya inaasahan iyon mula sa kuya niyang buong buhay niyang tiningala at hinangaan."

"Wala ka ba talagang balak na bahagian siya ng yaman na iniwan sa'yo ng daddy mo? You know, para matahimik lang siya."

"Wala," walang awa kong sabi. "Kahit umiyak pa siya ng dugo."

Ricardo Beltran's wealth was left under my name for a reason. Naupo ako sa lounger atsaka nagsindi ng sigarilyo. Balak ko pang samantalahin ang magandang sikat ng araw, si Chastity naman ay mukhang walang balak na pagpawisan ng husto kaya naupo siya sa kabilang lounger, mas nasisilungan ng puno ang bahaging iyon.

"He's a chronic gambler. Kung pagkakalooban ko siya, kahit isa lang na ari-arian ng kapatid niya, sa tingin mo'y ilang buwan magtatagal sa mga palad niya ang titulo? Maswerte kung abutin nga ng buwan."

"Sinasabi niya na dati na malakas ang kutob niyang may kinalaman ka sa pagkamatay ng daddy mo, lalo't ikaw ang solong tagapagmana ng lahat ng kayamanan nito. Ganoon pa rin ang narrative niya hanggang ngayon. No wonder gusto ka agad makausap ng detective na assigned sa kaso."

Umirap ako, muling humithit sa sigarilyo. I filled my lungs with poison and took my time exhaling smoke. "He already tried that, hindi ba't siya lang ang napahiya nang korte na mismo ang humusga. It was then ruled that the great business tycoon had indeed taken his own life. He just couldn't accept na ang suportang pinansyal sa kaniya ng nakatatanda niyang kapatid ay natapos na rin sa kamatayan nito."

"Sa tingin mo ba ay naghihirap na ang uncle mo kaya naghahabol ngayon? Eh, 'di ba, kahit naman hindi siya napamanahan ni Sir Ricardo, dapat ay may pera pa rin siya. Iyong iniwan ng kanilang mga magulang."

"Mabilis lang ang pera sa sugal, Chastity. Kahit gaano pa karami 'yan, kung hindi ka napapagod umasang kaya mong doblehin ang lahat sa isang gabi ay walang mangyayari." Ipinikit ko ang aking mga mata, dinadama ang init mula sa sikat ng araw na humahaplos sa aking balat.

"Kunsabagay," sang-ayon niya. "Hanggang ngayon pa rin ba ay nagsusugal siya?"

"Sa tingin mo ba ay magbabago pa ang taong iyon?" Muntik ko nang gamitin ang salitang demonyo, buti at hindi ako nadulas.

"Hm, tapos ay syempre masama ang loob niya dahil pati ang ilang ancestral houses ng pamilya ay sa'yo napunta gayong hindi ka naman nga tunay na Beltran."

I smirked at that, muling inipit sa aking mga labi ang stick ng sigarilyo na aking hawak para walang masabing hindi dapat. It was true, though. I wasn't really a Beltran. Not by blood, at least. Pero sa lahat ng dokumento ay legal akong anak ni Ricardo Romualdez Beltran. A canning mogul. Isa ang RRB Canning sa pinakamalalaking kompanya sa industriya, kahit nang mamatay na ito ay nanatiling namamayagpag ang negosyo. And I didn't even need to manage any part of it, kaya na iyon ng mga tao doon. Myembro ako ng board pero ni minsan ay hindi ako umattend sa kahit anong meeting nila. But that didn't change the fact that I own the company now that he was gone. Ako ang ginawa nitong solong tagapagmana ng lahat ng ari-arian nito. I didn't expect that. Ni wala nga sa hinagap ko na nasa kahit anong bahagi ng will nito ang pangalan ko, let alone solo pa talaga.

Hindi kami close.

Sa totoo nga, nang ipakipag-usap sa akin iyon ng abogado ng pamilya ay gusto kong matawa. Kundi nga lang panahon iyon ng pagluluksa ay baka ginawa ko na. Ricardo Romualdez Beltran legally adopted me when he married my mother. I was thirteen at the time, sa kompanya niya nagtatrabaho noon si Mama. I could vaguely remember how it happened, basta isang araw ay sinabihan na lang ako ni Mama na ikakasal na siya sa boss niya. He was so much older than my mother, labing dalawang taon marahil ang agwat nila. Hindi lang halata dahil matikas at matipuno si Ricardo noon. Their marriage didn't last dahil nawala rin naman agad si Mama, cancer.

"I don't care... I don't care at all, Chastity." Pikit pa rin ang aking mga mata habang bumubuga ng usok sa hangin.

"Pero iyon nga, Haze. Iyong detective na nag-text sa akin kagabi, sinubukan pa nga akong tawagan kaya lang ay hindi ko na nasagot dahil nga tulog na ako. Eh, ang sabi niya'y pupuntahan ka raw niya ngayong umaga. Dito mismo sa bahay mo. I know you're a very private person at iilan lamang kaming nakakaalam ng address mong ito, but he's a detective. Hindi na siguro natin kailangan pang pagtakhan ang kakayahan niya sa ganitong bagay."

Nagmulat ako ng aking mga mata tapos ay pinatay na ang nakasinding sigarilyo sa ash tray na nakapatong sa gilid ko. I combed my fingers through my wet hair, hindi naman na bago sa akin ang ganito pag dating sa kasong iyan. Iilang beses na rin akong nakausap ng awtoridad para hingan ng statement at sa bawat pagkakataon ay iisa lang ang sinasabi ko. Wala akong alam at wala akong pakialam. They all found my apathy brutal, lalo na't ito na lang ang natitira kong "pamilya" na maituturing. But to me? Normal lang na mawalan ako ng pakialam.

"Does this eager detective have a name?" Tumaas aking kilay.

"Detective Yves De Salvo," Chastity replied.

Natigilan man ay agad rin naman akong nakabawi. Hindi ko ipinahalata kay Chastity iyon, bumaling ako sa may bahagi ng pool at nagkunwaring may kung anong interesanteng lumulutang sa tubig kahit kung saan saan na lumilipad ang aking isipan. Kung anu-ano nang ala-ala ang nauungkat roon sa simpleng banggit lamang ng pangalan nito. You fool! Hindi ka na bata, Paige!

"Nang mabasa ko sa text ang pangalan na ibinigay niya ay agad akong nag-research. Konektado nga siya malaking pamilya ng mga De Salvo. His father is Oxygen De Salvo, a hotelier. They practically own Cebu, kung ang pagbabasehan ay ang bilang ng mga hotel nilang naroon. Bukod pa sa branches nitong kalat sa buong Pilipinas at iba't ibang panig ng mundo!"

I almost rolled my eyes. Hindi niya na kailangan pang idetalye ang mga bagay na iyon. Sino bang hindi nakakakilala sa mga De Salvo? Their family is one of the most influential clans in the country, if not the most.

"Do I have anything scheduled today?" Tumayo ako mula sa lounger, inabot ko ang kremang roba na nakasampay sa sandalan ng lounger. Isinuot ko iyon at muling binalingan si Chastity.

"Virtual meeting with the publisher by ten o'clock para sa distribution ng bago mong libro," kabisado niya na ang lahat ng kailangan kong gawin sa araw na ito dahil hindi na siya nag-abala pang basahin iyon mula sa cellphone. "Invited ka sa ilang events, dinner at lunch. Dalawang auction at isang birthday ng anak ng senador. Hindi pa ako sumasagot sa mga iyon. You usually decline those kind of invites, pero kung may gusto kang daluhan sa mga iyon ay sabihin mo lang so I could RSVP."

Umiling ako. Simula nang mamatay si Ricardo ay naging ako na ang madalas na iniimbitahan sa kung anu-anong social events. I didn't care for it at all. Wala ni isang ribbon cutting, seminar, graduation, birthdays o anuman akong pinaunlakan. Those were his things, not mine.

"Clear my schedule," itinali kong mahigpit ang sinuturon ng robang suot. "Kahit ang meeting sa publisher ay i-move mo. Sabihan mo si Guilles na hindi ako nagpapaabala ngayon sa buong araw."

Nagtatakang tumango si Chastity. "Bakit? Magsusulat ka ba? O dahil ito sa bibisitang detective?"

Inirapan ko lamang siya. "Hindi ko alam kung anong pakay sa akin ng sinasabi mong detective, but worse comes to worst, I might need to come down to the police station again. Maghahabol lang ako kung itutuloy ang alas-diez na meeting."

"Kunsabagay," pabulong niyang sagot, tumayo na rin at sinundan ako sa loob ng kabahayan.

Chastity had been my dutiful assistant for three years now. Bago pa mamatay si Ricardo ay tinutulungan na ako nito sa lahat ng trabaho ko. I'm a crime fiction author. I don't hide in pseudonym, but I never participate in any book signing events or promotional activities. Kung kakailanganin pirmahan ang mga libro ay gagawin ko na iyon bago pa ma-distribute, reason why my identity has always been a mystery to those who read my work.

I took a quick shower upstairs, hindi pa man ako nakakapagbihis ng ayos ay narinig ko na ang pagtunog ng doorbell. Saglit kong sinulyapan ang wall clock, wala pang alas otso ng umaga. If only he was this dedicated back then... Ipinilig ko ang aking ulo upang pigilan ang sarili sa kung anu-anong naiisip.

Inabot ko ang nakasabit na pulang roba sa rack tapos ay basta na lamang iyon ibinalot sa aking katawan. I rushed down the stairs, my feet slapping softly against the polished wooden steps as I made my way down. Hindi ko na inalintana pa ang buhok kong hindi ko man lang natuyo, for unknown reason alam kong sa kaibuturan ng aking damdamin ay gusto ko siyang makita.

As I reached the landing, I paused midway and peered down to see Chastity and one of the maids guiding a tall figure into my home. Para akong pinanlamigan, iyon ang awtomatikong dulot ng kaniyang presensya sa akin. He was clad in a leather jacket and worn jeans, tulad pa rin ng dati na kahit wala siyang gawin o sabihin ay matatawag at matatawag niya ang atensyon mo. His presence seemed to fill the space with an intensity that made my heart pound in a familiar rhythm.

Anim na taon. Anim na taon ang matuling lumipas. The years had altered much, yet there was something timeless about his presence. Na para bang kahit mag doble pa ang mga taon na nakapagitan sa amin ay ganito pa rin ang magiging epekto niya sa akin. Pinagmasdan ko siyang maiigi, the look in his eyes, and the subtle strength in his posture all spoke of a man who had weathered his own storms and emerged changed but unmistakably himself.

Yves Benedict De Salvo.

Lumingon siya sa kinaroroonan ko ata agad na nagtama ang aming mga mata. His green eyes, striking and intense, locked onto mine with a depth that felt almost tangible. For a moment, time seemed to stretch, the world narrowing to the space between us. Bigla kong naisip kung nakikilala pa nga ba niya ako. Sa anim na taon ay maraming nagbago sa akin, pisikal man o natatago. I had reinvented myself into someone I didn't know I could be.

My chest hammered with a mix of old feelings and new uncertainties. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ipagpatuloy ang pagbaba. Despite the dampness of my hair and the hastily thrown robe, I squared my shoulders and walked towards him with deliberate steps.

Ano bang ikinababahala ko? Malaki ang posibilidad na hindi niya na ako kilala. It had been six years, for Christ's sake. He stared at me intently, his green eyes searching, assessing. It was as though he was trying to reconcile the person before him with the memories of who I once was. I felt his scrutiny like a physical presence, but I stood my ground, refusing to cower or look away.

"Good morning, Detective De Salvo," pilit kong pinakaswal ang aking tinig. I was aware of the changes I had undergone over the years—the scar on my face had long healed, my chestnut hair was now a lighter shade, and I had shed the terrified girl who once sobbed by the bushes. Alam kong ibang-iba na ako ngayon dahil ako rin naman ang may gawa ng mga pagbabagong iyon.

His gaze softened slightly, though there was still an underlying hesitation. Para bang hindi makapaniwalang ako nga ang kaharap niya. "Paige,"

The way he said my name was both familiar and strange. Hindi ko gustong makita niyang apektado pa rin ako sa simpleng bigkas lamang niya sa aking pangalan kaya bahagya akong nag-iwas ng tingin. I no longer go by my middle name.

"It's Hazel," pagtatama ko bago muling salubungin ang kaniyang mga tingin.

Yves nodded, seemingly acknowledging my subtle hint that I wasn't eager to delve into personal matters just yet. Kung anuman ang namagitan sa amin ay nasisiguro kong hindi iyon ang ipinunta niya rito. I wasn't even sure he knew who I was before he saw me walking down the stairs.

"What can I do for you, Detective De Salvo?" Kung saan ako nakakakuha ng tapang ay hindi ko rin maunawaan.

He cleared his throat, shifting his stance slightly as if preparing for something more formal. "I'm here to look into the case of Ricardo Beltran. Pinabubuksang muli ng kaniyang kapatid ang kaso."

Tumango ako, gusto kong matawa pero hindi ko ginawa. "You're investigating Ricardo's case? Sabagay, wala ng bago. Whenever he's bored, Enrique will always dig up the past."

Yves gave a brief, almost imperceptible smile, one that didn't quite reach his eyes. "It seems there are some new developments or details that need clarification. Enrique thought it best to involve me."

"Bakit nga ba hindi? You're now a reputable detective," I chuckled softly, hindi ko gustong maging patuya ang dating noon. Pero baka ganoon na rin nga ang isipin niya. "Well, I suppose that's one way to get me to see you again."

I signaled to Chastity and the maid, who stood by quietly, to leave us alone. Tumango silang pareho bago kami iniwan.

With the hallway now empty, I turned back to Yves. "Let's move to the garden. It's a bit more comfortable there, and I could offer you a drink. Would you like that?"

"A drink sounds good." Iyon lamang ang naging tugon niya.

I led him through the hallway and out to the garden, umihip ng malakas ang hangin sa bahaging iyon kaya mas niyakap ko ang suot na roba sa aking sarili. The garden was a serene oasis, filled with blooming flowers and the gentle rustle of leaves. Iginiya ko siya sa lamesang naroon.

"Please, have a seat," I offered, motioning to one of the chairs. Walang salitang naupo naman roon si Yves.

I took the seat across from him, ni minsan sa loob ng anim na taon ay hindi ko na naisip pang magkakaharap kaming muli. Ni minsan sa loob ng anim na taon ay hindi ko na hinayaan ang sarili kong makibalita pa sa kaniya.

"Would you like something specific to drink?" Muli akong tumayo para ako na mismo ang kumuha ng kaniyang inumin. I walked toward the small bar cart that was set up nearby. Maaga pa, pero sa bahay ko'y walang oras na pinipili ang alak.

"Surprise me," Yves replied, his tone light but with an undertone of seriousness.

Hindi na ako sumagot pa, I reached for a bottle of chilled white wine. Dalawang baso ang sinalinan ko dahil sigurado akong kung anuman ang sasabihin niya sa akin ay kakailanganin kong uminom. Muli ko siyang binalikan sa lamesa, I handed him one and took a sip of my own.

"So," I began, trying to steer the conversation into more neutral territory, "what can you tell me about your investigation into Ricardo's case? I assume you can share some details? Kung hindi ay hindi ka naman paparito."

Hindi siya agad na sumagot, sumimsim lamang sa inuming ibinigay ko. Tulad pa rin ng dati, winawari niyang maigi ang anumang lalabas sa kaniyang bibig. Something I had always appreciate about him.

I took a seat again, letting the serenity of the garden help me focus on the conversation at hand. Nagpatuloy rin si Yves sa ginagawang paninitig sa akin na para bang iyon ang ipinunta niya rito.

"Hindi ka ba muna magbibihis?" Biglang tanong niya sabay hagod ng tingin sa akin. There was an undercurrent of something unspoken in his tone, perhaps an edge of discomfort.

I raised an eyebrow and gave him a playful smile. "Does it bother you that I'm wearing nothing but a silk robe?"

"Sanay kang makiharap ng ganyan?" Masungit ang pagkakatanong niya, walang halong insulto o ano.

I crossed my legs nonchalantly, letting the silk robe fall in a way that accentuated its fluidity. "Well, I suppose I'm not as formal as you expect me to be. Ikaw ang maagang bumisita sa bahay ko, Detective De Salvo. Hindi ko naman gustong paghintayin ka lalo't alam kong mahalaga ang pakay mo. Shouldn't I get some leniency for not being fully dressed?"

Hindi niya na inimikan ang tanong kong iyon, nag-iwas na rin ng tingin at muling ibinalik ang usapan tungkol sa kaso ni Ricardo. "The details of Ricardo's supposed suicide were somewhat familiar to me. I've reviewed the file thoroughly, and there are elements that echo a case I read about a while ago."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. It didn't surprise me at all. "Familiar?"

Tumango siya, umangat muli sa akin ang kaniyang mga mata. "There was a case involving a staged suicide in a novel I read. The circumstances were strikingly similar. It's a technique used to mislead investigators by mimicking the appearance of a genuine suicide."

I leaned forward slightly, inilapag ko sa mesang nakapagitna sa amin ang wineglass na aking hawak. "What details caught your attention?"

Yves set his glass down, mas sumeryoso ang kaniyang anyo. "The method used in Ricardo's case—putting the victim to a chair, using a firearm, and then setting the scene to look like a self-inflicted wound—mirrors a scene from a book I came across. In the novel, the antagonist orchestrated a similar setup to divert suspicion from the real cause of death."

"That's unsettling. What was the method in the book?" Balewala kong tanong.

He took a deep breath, clearly recalling the details. "In the book, the antagonist used a chair in a secluded room, positioned in a way that made it look like the victim had committed suicide by firearm. They used a combination of restraints and a particular angle to ensure the scene appeared credible. The trick was in the subtlety—making sure the details were convincing enough to mislead any investigating parties."

"That's quite elaborate," I commented. "And if someone was trying to mimic that in real life... it would require a deep understanding of both the method and the psychological impact."

"Exactly," Yves agreed. "The attention to detail in setting up the scene, the choice of location, and the way the weapon is used all contribute to creating a facade of authenticity. It's a sophisticated approach to staging a death."

Muli ay inabot ko ang aking inumin, hinayaan si Yves na panuorin ang bawat galaw ko hanggang magsawa siya. "So you think someone might have used this method to frame Ricardo's death as a suicide, to obscure the real cause?"

"I actually came across that specific scene in one of your books," Yves said, his tone measured.

I raised an eyebrow, napangiting sumandal ako sa aking kinauupuan upang matitigan siya ng husto. "Oh, did you? I've written so many things over the years that I can barely keep track of them all."

Siya naman ang mas umusog palapit na para bang sinusukat ako gamit ang tingin. "It's just... interesting that a method described so vividly in your book would appear in a real-life case. Makes one wonder if there's a connection."

I chuckled softly, shaking my head. "Are you suggesting that because I write about crime, I might somehow be involved in actual crimes?"

Hinagod niya ako ng tingin, naroon sa kaniyang mga mata ang simpleng pagdududa. "It's not that I think you're necessarily involved, but it's worth considering if there's a connection between your writing and the case. After all, you have a lot to gain if the investigation were to be steered in a certain direction."

Mas napahalakhak pa ako sa sinabi niya. Pinagbibintangan nga ako ng isang 'to. "So, you're saying that just because I write crime novels, I could be a killer? That's a rather dramatic leap."

Yves gave a slight shrug, his eyes reflecting a thoughtful glint. "It's not that dramatic if you think about it. Writers, especially those who deal with intricate crime scenes and motives, often explore the darkest corners of the human psyche. It's not uncommon for real-life cases to mirror fictional scenarios, and sometimes the lines between reality and fiction can blur."

"Well, if you're suggesting that my crime novels could somehow implicate me in this case, then you'd have to consider every author of such stories as potential suspects. Where does it end?"

"True, it's a stretch. At hindi ko naman sinabing ikaw nga ang gumawa, maari pa marahil isa sa mga nakabasa ng akda mo ang sinadyang gayahin ang sinulat mo para ikaw ang idiin. It could be that, too. It's part of the investigative process to consider all angles. Your work, with its detailed descriptions, does create an intriguing link to the method used in Ricardo's case. Lalo pa't ikaw ang natatangi niyang tagapagmana."

I smiled, my eyes meeting his with a playful twinkle. "I suppose I should be flattered that my writing is so impactful it could be considered in a real investigation. But rest assured, I'm as much a part of the literary world as you are of the investigative one. My novels are fiction, designed to entertain and engage, not to orchestrate real-life scenarios."

Yves gave a half-smile, para bang hindi niya inaasahan ang nagiging mga sagot ko. What? Did he expect me to be so defensive? Bakit ko naman gagawin iyon?

"I appreciate your candor. It's just that in cases like these, every detail is scrutinized, and sometimes even the most seemingly irrelevant things come into play." Sabi pa niya.

"I get it. If you need any further information or insights from my end, don't hesitate to ask." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. "You know, Yves, it's perfectly okay if you want to treat me as a suspect or someone you should investigate. Naiintindihan ko."

"You're not taking offense, huh?" Umangat ang sulok ng kaniyang mga labi.

Umiling ako. Hindi ko alam kung para saan ang galit na gumuhit sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako. "Why would I? It's part of your job to consider all possibilities, even if it means investigating someone like me. Maybe, just maybe, tama ka ngang imbistigahan ako."

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko," tahimik niyang sabi. "Though I must admit, I find it unusual to meet someone so accepting of the possibility of being investigated."

I chuckled softly, raising my glass in a small toast. "Well, if you're going to delve into my background, you might as well find something interesting. I've lived a full life, and while I haven't orchestrated any crimes, I'm not averse to a bit of scrutiny. It keeps things lively."

Yves seemed to consider this, pero sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ay tila ba may iba pang tinatakbo ang kaniyang isipan. "Most people would be defensive or upset at the suggestion of being a suspect."

"I'm not most people," I shrugged, the motion gentle. "I have nothing to hide, and if anything in my life can shed light on Ricardo's death, I'm more than willing to provide it."

Yves's gaze lingered on me a moment longer than necessary, his eyes searching mine as though trying to reconcile the person sitting before him with the memory of someone he once knew. There was an intensity in his look that spoke of more than just professional curiosity; it was as if he was trying to piece together fragments of the past that didn't quite align.

Anim na taon. Inaasahan ba niya na walang nagbago sa akin?

"Gusto mo pa ba?" I noticed that his glass was now empty, the wine having long since been consumed. Itinuro ko ang kaniyang baso.

He blinked, pulling himself from whatever thoughts had momentarily absorbed him. Tapos ay umiling. Hindi pa rin nagsalita.

I stood up, making my way to the table where the wine bottle was. Nagsalin ako ng sa akin. Habang ginagawa ko iyon ay inoobserbahan ko rin si Yves. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid na para bang ngayon niya lang iyon napagtuonan ng pansin. Nang makabalik akong muli sa kaniyang harapan ay tumalim na naman ang tingin niya sa akin.

"Is it worth it, Paige?"

Halos pigil ang paghinga ko nang tawagin niya akong muli sa pangalang iyon. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niyang iyon. Isa pa, I didn't even know what he meant.

"Is it worth leaving me... for Patrick?"

Gusto kong matawa sa tanong na iyon. Bakit parang ako ang may kasalanan sa kaniya? I smiled faintly.

"Detective De Salvo, I think I need to remind you that we're in a professional setting here." Seryoso ko siyang pinagmasdan. "Let's try to keep our interactions focused on the matter at hand. Iniimbestigahan mo ang kasong ito, suspect mo ako. Huwag nang kung anu-ano ang pinapatakbo mo sa isip mo. It might cloud your judgment towards the case, don't you think?"

Hindi nagsalita si Yves, nakatingin lamang sa akin. Hindi pa rin nawawala ang galit sa kaniyang mga mata na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung para saan. He wronged me six years ago. Baka limot niya na iyon!

"For the duration of this investigation, you'll be Detective De Salvo to me. And I'll be Ms. Beltran. We need to maintain clear boundaries to ensure that everything remains above board and professional." Mariin kong sabi. Hindi para sumugal pa ako sa kung anong kalokohan ang tatakbo o tumatakbo na sa isipan ni Yves.

I've learned my lesson the hard way. Katangahan nang maituturing kung uulitin ko pa iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro