Chapter Two
Mama.
Nasa tabi ako ni Mama hanggang sa huling paghinga niya. Halos dalawang taon na simula nang mawala siya, pero walang gabi na hindi ko siya napapanaginipan. Dahil na rin siguro alam ko kung gaano ko siya kailangan. Lalo na ngayon, lalo sa mga panahong ganito.
Lumaki akong kaming dalawa lang ni Mama kaya siguro siya natakot na iwan akong mag-isa. She was my rock, my constant. I was only sixteen when she died, just a teenager on the brink of becoming an adult, suddenly thrust into a world that seemed colder and more unforgiving. Hindi niya alam, wala siyang alam sa mga kalalabasan ng kaniyang desisyon noon. She had married again three years before her death, hoping to provide me with a sense of stability, a father figure to guide me. She had believed that this man, who had come into our lives with promises of care and security, would be able to offer me the support she knew she couldn't always give.
Nagkamali si Mama at hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataong malaman iyon. Her faith in him was misplaced. Ang akala niya'y magagabayan at maaalagaan ako ni Ricardo kagaya ng siyang ipinangako nito sa kaniya, siyang ipinakita nito noong una. I wish she had known, wish she could have seen the reality of the situation before it was too late.
Ibinaling ko ang aking tingin sa dagat. Nasa liblib na bahagi ako ng pampang, nakakubli sa malalaking bato sa takot na mapagdiskitahan na naman ng mga batang naglalaro sa mga bangkang nakahilera sa dalampasigan. Hindi rin ako masyadong lumayo sa bahay ni Manang Rosa para madali lang takbuhin sakaling may bumato na naman sa akin.
I watched as the waves rolled in, their frothy fingers reaching out to touch my feet before retreating back into the vast expanse of the sea. Each time the water lapped at my ankles, it felt like a fleeting connection to something larger, something beyond the confines of my pain and struggle. Marami ang natatakot sa dagat pero ako, napapayapa ako tuwing pinagmamasdan ko ito. Naiisip ko kasi na sa laki at lalim nito ay kayang-kaya nitong lunukin ang lahat ng problema sa mundo. I couldn't help but wonder if I could ever be as light and transient as the waves, if maybe, just maybe, the sea would swallow me whole if I let myself become as weightless as the water itself.
If I could become as insubstantial as a ripple on the surface, perhaps I could escape the relentless tide of pain and disappointment that had become my reality. Maybe if I surrendered to the sea, I could find peace.
Iniyakap ko ang aking mga braso sa nakatiklop kong mga tuhod. Minsan ay hindi ko maiwasang maisip kung gaano kaiba ang buhay ko ngayong sakaling hindi iniwan ng tatay ko si Mama. My real father had left before I was even born, an American soldier who had vanished once he realized my mother was pregnant. He never met me, never saw me grow up. Pero hindi nagkulang si Mama sa pagkukuwento sa akin tungkol sa kaniya. The features that drew so much attention to me were inherited from him. Iyon ang palaging sinasabi sa akin ni Mama, lahat ay nakuha ko sa kaniya. Kahit hindi ko siya kilala, minana ko ang lahat sa tatay kong walang paninindigan. I often wondered if he would have been proud, or if he would have remained indifferent. His absence left a void that my mother struggled to fill on her own, but she did her best, pouring all her love and effort into raising me alone. Hindi ko naman na kinailangan ng tatay kaya hindi ko maintindihan noon kung bakit kailangan pa niyang magpakasal sa iba. I had become aware of her reason nang lumala na ang sakit niya at hindi niya na iyon makuha pang itago sa akin.
The pain of her loss is a complex and persistent ache. Her love and sacrifice shaped me, but so did the harsh realities that followed her death. Akala niya'y naprotektahan niya ako.
"Nag-iisa ka na naman,"
Napapiksi ako mula sa aking pag-iisip nang marinig ang pamilyar na baritonong tinig na iyon mula sa aking likuran. I didn't know someone was around somewhere. Ang akala ko'y ako lang ang tao sa bahaging ito ng isla. I turned quickly, my heart racing as I caught sight of the man from yesterday emerging from behind the giant rocks. Iyong nakakita sa akin sa likod ng halamanan, naririto siyang muli.
His hair was slightly disheveled, and a few buttons of his shirt were undone, giving him a look of disarray. Kumunot ang noo ko sa ayos niya, isinusuklay pa ang kaniyang mga daliri sa magulo pa ring buhok. Hindi naman siya mukhang napahiya o nahihiya, para bang sanay na siya sa ganoon.
From the other side of the rock, a woman's voice rang out, clear and impatient. Doon mas naging malinaw sa akin ang ginagawa niya sa batuhan.
"Yves, I'll be waiting at the hotel."
Yves. Iyon ang pangalan niya. A yew tree, bagay sa kulay ng kaniyang mga mata. Nakatingin lamang siya sa akin habang bahagayang inaayos ang nagusot na damit. The realization hit me like a wave. Kasama niya ang babae sa likuran ng batuhan, and judging by the way he looked, they had been more than just casually involved. I turned back to the tiny space behind the rock formation, parang ako pa ang nahiya nang maglikot ang aking isipan sa maaaring ginawa nila doon. Doon talaga? Ang bababuy! I could never look at that formation the same way ever again. Just the thought of it made me want to grimace, to retreat further into the privacy of my thoughts.
Hindi sumagot si Yves sa sinabi ng babaeng halos padabog na umalis. Ayaw ko man ay hindi ko naman magawang alisin ang tingin ko sa kaniya. He seemed momentarily disoriented, para bang nakagulo pa ang presensya ko sa kung anong balak nilang gawin. Aba, nauna ako rito. At hindi naman para sa makamundong gawain nila ang mga naglalakihang bato na iyan. Doon sila sa hotel, ang daming hotel rito! May isa pa ngang bagong tayo sa may 'di kalayuan, doon sila. O 'di kaya sa mga nakakadenang bangka dyan sa pampang, huwag lang silang papahuli sa mga mangingisda.
"Ayos ka lang?" Malumanay niyang sabi, sinuri ang aking braso, maging ang binti kong hindi naman masyadong kita ang mga sugat.
Imbes na sagutin iyon ay ibinalik ko sa dagat ang aking tingin. Wala akong balak na makipag-usap sa kahit na sino. Hindi naman ako narito para magbakasyon at makipagkaibigan. Ni hindi ko nga rin alam kung ano pang ginagawa ko rito, eh.
Kahit nang maupos siya sa aking tabi ay hindi pa rin ako umimik. Despite the waves occasionally reaching the tips of his canvas sneakers, he made no move to shift away. Bakit ba narito ang isang 'to? Bakit hindi niya sundan ang babaeng sumigaw kanina na maghihintay daw sa hotel? At higit sa lahat, ano bang pakialam ko?
I kept my gaze firmly on the sea, hinayaan kong kunin ng malalakas na tunog ng alon tuwing hahampas sa baybayin ang aking atensyon. Ang akala ko'y muling magsasalita pa si Yves, o 'di kaya'y tatayo para iwan ako nang hindi ko sagutin ang tanong niya. Ngunit hindi, mas pumirmi pa siya sa tabi ko.
Minutes ticked by, and I could sense him fidgeting slightly beside me. Out of the corner of my eye, I saw him trying to rinse his hair with the salty sea water, hindi ba nito alam na mas malagkit iyon? Bukod pa sa magdidikit-dikit lang ang buhok mo sa ganyan.
Hindi ko na lang pinansin, bahala na siya, buhay niya 'yan. Tumanaw na lang akong muli sa malayo, malinaw ang kalangitan ni walang ibinabadyang pag-ulan sa mga susunod na oras. Sabagay, tag-araw.
"Kumusta ang mga sugat mo?" Tanong niya nang matapos ang ginagawa. Ramdam kong bumaling siya sa akin pero wala pa rin akong balak na makipag-usap. Sana ay makuha niya ang mensahe ko, ayaw ko ng kausap. Ayaw ko ng kasama.
Hinayaan kong dumampi sa aking balat ang malakas na ihip ng hangin. The salty breeze was beginning to dry the remnants of the sweat on my skin, making me shiver slightly. Mas umusog si Yves sa tabi ko, the sound of his sneakers squelching slightly with the wet sand.
Hindi ko gustong magmukhang may pakialam kaya hindi ako gumalaw, kahit pa nang 'di sadya niyang masagi ang aking braso.
"You don't have to talk if you don't want to," sabipa niya sa mababa at nakakaunawang tinig. "But I want to help if you need it. Your injuries look pretty bad yesterday."
Hindi ko kailangan ng tulong mula sa kaniya o kaninoman. Alam ko naman kuryoso lang siya sa lagay ko, but I still couldn't bring myself to face him, afraid that if I did, I might betray the struggle I was feeling.
Itinuon ko lamang ang aking mga mata sa dagat. The sea was a good companion in these moments, its ceaseless motion mirroring the storm within me. Sana ay iwan na lang niya ako dahil hindi ko talaga gustong makipag-usap.
Sandali pa siyang natahimik, para bang hinahayaan akong mag-isip. Then, with a sigh, he shifted again and spoke, mas naging malumanay ang kaniyang tinig. "Alam mo, I've seen people go through a lot of pain, but sometimes it's the emotional wounds that are hardest to deal with. Hindi ko gustong pakialaman ka o manghimasok, pero ayon sa ikinikilos mo ay nasisiguro kong higit sa mga sugat na natatanaw ang iniinda mo."
Still, I said nothing, my silence punctuated only by the sound of waves and Yves's occasional shifts in position. Ano bang dapat kong isagot sa sinabi niya? Wala naman, 'di ba? And yet, I couldn't help but feel his presence as a strange comfort. Hindi ko gusto, but it made me think that someone was willing to sit beside me even when I was determined to remain alone.
Kahit hindi kailangan...
Kahit hindi ko naman talaga siya kilala...
"Have you ever heard the myth about the silent waves?" Ang malumanay niyang tinig ay nakikipagpaligsahan sa ingay ng mga naghahabulang alon mula sa dagat.
Narinig ko siya, ngunit hindi pa rin ako umimik.
"Ayon sa kuwento ng mga matatanda," nagpatuloy pa rin siya sa sinasabi. "May paniniwalang ang mga alon ay hindi lang basta tubig-dagat ang dala tuwing humahampas sa pampang."
I turned my head slightly, just enough to catch a glimpse of him through my peripheral vision. Nasa dagat siya nakabaling kaya hindi niya mapapansin ang pasimple kong paninitig.
"According to the myth, the silent waves—the ones that don't make any sound when they reach the shore—carry the deepest burdens and sorrows of those who seek solace in them. It's said that these waves hold onto the pain and despair of those who come to the sea to escape their troubles. Kaya sabi nila ay nakakagaan raw ng loob na bumisita at tumanaw sa dagat tuwing may mabigat kang dinadala."
Tahimik lamang akong nakinig sa kaniya. Hindi ba't iyon ang tumatakbo sa aking isipan kanina? Kung paanong napapayapa ako tuwing tatanaw sa karagatan.
"They say," Yves went on, "that if you sit quietly by the shore and listen to these silent waves, you might catch a glimpse of the stories they carry. Hindi mo alam na nagkukuwento na pala ang mga alon, kailangan mo lang pakinggan ng husto. It's as if the ocean absorbs all the things we can't express ourselves."
I looked out at the water, the waves crashing and retreating with a rhythmic grace. Hindi ko maiwasang isipin na may katotohanan ang kaniyang mga sinasabi. Sa bawat hampas kasi ng alon ay parang may sariling lengwahe ang mga ito, one that spoke of pain and healing in ways words could never quite capture.
"It's an old folk tale," Yves said, binalingan niya ako atsaka ngumiti. "But I find it comforting, in a way. It's as if the sea understands us more than we realize, holding onto our burdens and offering us a chance to find peace."
The idea was strangely soothing, the myth providing a different perspective on my own troubles. I glanced back at Yves, who was now watching the waves.
It was a nice thought. May katotohanan man o wala ang kaniyang sinabi ay masarap iyong paniwalaan. After a few minutes of comfortable silence, muling nagsalita si Yves.
"Alam mo, nakakailang balik na ako rito sa Dorado pero ngayon lang kita nakita. Bagong lipat kayo sa isla?"
I hesitated, weighing whether to respond. The last thing I wanted was to provide personal information to a stranger, even one who seemed oddly comforting. Kinagat ko ang aking dila at hinayaan na lamang ang katahimikan na magpasuko sa kaniyang bawat subok na pagsalitain ako.
Yves turned his head slightly, his eyes narrowing just a bit in curiosity. Para akong hinihigop ng mga tingin na iyon kaya hindi ko maiwasang hindi siya balingan at titigan rin sa parehong paraan. Magulo pa rin ang kaniyang buhok kahit medyo basa na ito ngayon gawa ng ginawa niyang paghugas rito kanina. Masungit ang kaniyang mukha pero nababawi iyon ng paraan ng ginagawa niyang pag ngiti. He was charming to say the least. Wala naman siyang ipinapakitang masama pero naitanim ko na sa aking isipan na katangahan ang magtiwala.
He caught my hesitation with a small, understanding smile. "Hindi mo kailangan sagutin ang tanong ko, I'm just curious. Hindi naman kasi malaki ang islang ito para hindi kita makita kung noon ka pa nakatira rito kagaya ng iba."
His smile was disarming, a mix of charm and sincerity. Bihira ang ganoon. Ang kadalasang nakikilala ko ay puro kalokohan ang hatid sa tuwing ngingiti ng ganyan. But his smile... There was something about it that made me feel like he was genuinely interested without pushing too hard. Pero bakit? Bakit naman siya magiging interesado sa akin?
"Paige..."
Halos mapalundag ako nang marinig ang pagtawag ni Manang Rosa sa pangalan ko mula sa kabilang bahagi ng batuhan. Kanina ay hindi natuloy ang pamamalengke namin dahil bigla itong inatake ng rayuma. Nagpaalam akong dito na lang muna sa baybayin matapos kaming mananghalian kaya alam nito kung saan ako hahanapin.
"Paige..." Manang Rosa called out again, her voice growing nearer.
Hindi ko gustong makita ako ni Manang Rosa dito, lalo pa't narito rin si Yves. Agad akong tumayo, ganoon rin ang ginawa niya. Kuryosong nililingon ang pinanggagalingan ng tinig.
Mabilis akong kumilos at tatalikod na sana upang salubungin si Manang Rosa nang pigilan ni Yves ang aking palapulsuhan.
His touch was light, but it made me flinch involuntarily.
"Sorry," mabilis niyang sabi kasabay ng pag-atras. "I didn't mean to startle you, Paige,"
Hindi ko gustong alam niya na ang pangalan ko. Hindi ko gustong malaman niya iyon pero dahil sa ingay ng bunganga ni Manang Rosa ay syempre nalaman niya na kahit hindi ko pa ibigay.
"Gusto ko lang sabihin na kung kailangan mo ng kaibigan at makakausap ay puwede ako," sinsero niyang sabi. "I'd be happy to be your friend."
The word "friend" seemed foreign and distant, a concept I wasn't ready to embrace. Bigla ay napaisip ako kung may kaibigan nga ba ako. Wala. At ayaw ko. Umiling ako sa kaniya bago nagsalita sa tinig na hindi ko inaasahang basag, marahil ay sa tagal rin ng pananahimik ko kaya ganoon.
"Hindi ko kailangan ng kaibigan,"
Tinalikuran ko na siya at tinakbo ang distansya ng kinatatayuan ko at kinaroroonan ni Manang Rosa. I didn't look back as I sprinted away from the shore, my footsteps pounding against the sand. Pilit na inaalis sa aking isipan ang alok na iyon ni Yves. Hindi ko iyon kailangan.
"Paige!" Muling sigaw ni Manang Rosa nang matanawan na akong papalabas mula sa likuran ng rock formation. "Kanina pa kita hinahanap na bata ka!"
Naghahabol pa ako ng hininga nang balingan ko siya. To my surprise, she wasn't alone. Standing next to her was a boy who looked to be around my age. May nakahanda itong ngiti sa mga labi habang nakamasid sa akin.
Pilit akong lumapit sa kanila lalo pa nang kawayan ako ni Manang Rosa na magmadali.
"Halika, Paige. Ipapakilala kita sa pamangkin kong si Patrick, dito siya sa Dorado magbabakasyon ng ilang linggo. Taga Mandaue lang ito at sa syudad lang rin nag-aaral." Nakangiting pakilala ni Manang Rosa bago ito naman ang balingan. "Si Paige naman ay anak ng dati kong amo sa Manila,"
Simple ang ginawa niyang introduksyon sa akin pero para akong sinasakal. Anak. I didn't want to be called the demon's daughter. But then, she didn't even know he was a demon.
Isang puwersadong ngiti ang pinakawalan ko nang batiin ako ni Patrick at ilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon, agad ring binawi at ikinubli ang aking mga palad sa likuran.
"Nakukuwento ka na sa akin ni Tiya Rosa sa ilang beses naming pag-uusap sa telepono," sabi ni Patrick nang gumiya na kami pabalik sa bahay ni Manang Rosa.
Sa sinabi pa lang nito ay alam ko nang pinakiusapan siya marahin ni Manang Rosa na bumisita sa pag-aalalang kailangan ko ng kaibigan o makakausap na kaedaran ko habang narito ako. Bakit nga ba hindi siya mababahala? Ilang linggo na ako rito pero mabibilang sa mga daliri ng kamay ay pagkakataong nakipag-usap ako sa kaniya.
Pinanatili kong diretso sa daan ang aking tingin kahit pa natutukso akong lingunin ang batuhan. Naglilikot ang isip ko sa kung naroon pa ba si Yves o umalis na rin? Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang malaman.
Nang makarating kami sa bahay ay naging mas masigla ang usapan ng mag-tiya. Ako naman ay tahimik lamang na nakikinig. Napag-alaman kong nakailang bisita na rin pala si Patrick sa Dorado. Base sa pakikipag-usap niya sa kaniyang tiya ay mukha namang magalang siya bukod pa sa halatang malapit rin sila sa isa't isa.
Tinulungan ni Patrick si Manang Rosa na maghanda ng hapunan, nahiya naman akong hindi kumilos dahil hindi rin naman ako sanay na pinagsisilbihan kaya kahit hindi ako panay na umiimik ay nakitulong na rin ako.
"Si Patrick na ang paghugasin mo dyan, Paige," sabi ni Manang Rosa na pumuwesto ako sa harap ng sink. "Baka hindi ka sanay sa gawaing bahay,"
Hindi ako umimik, tinuloy ko na lang ang ginagawang paghuhugas ng plato. Siguro nga iyon ang natatak sa kanilang imahe ko. Mayaman kasing talaga si Ricardo Beltran, sa mansyon nito sa Manila ay batabatalyon ang kasambahay. Nang maikasal sila ni Mama noon ay nalula rin ako sa biglaang pagbabago ng buhay ko, hindi naman kami naghihirap ni Mama noong kami pa lang, kaya lang ibang-iba ang iginawad na karangyaan ng pagiging Beltran sa amin ni Mama. Hindi ko gusto iyon, hindi ko kailanman ginusto. But of course, people would think I was used to this kind of life. Iyong iba ang kumikilos para sa'yo. I wasn't. Bata pa lang ako ay sinanay na ako ni Mama na mabuhay mag-isa, kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya na lang ako hinayaang mag-isa nang mawala siya. Leaving me with her widower was as good as dying with her.
"Ako na 'yan, Paige," sabi ni Patrick nang tumayo siya sa gilid ko. Wala na akong nagawa nang agawin niya sa akin ang sponge na may sabon na. Maging ang basong nasa kamay ko ay nakuha rin niya.
I stepped away, not liking the proximity. Kinuha ko ang malinis na tuwalya sa gilid at nagpasyang tuyuin na lamang ang anumang mahuhugasan niya. Si Manang Rosa naman ay sige sa pagluluto ng aming hapunan.
"Tapos na pala ang itinatayong hotel dyan sa may pampang," nilingon ni Patrick ang tiya niya habang tuloy sa paghuhugas. Pakiramdam ko'y alam niya na kung ako ang kakausapin niya ay wala siyang makukuhang sagot. "Hindi ho ba't sa mga De Salvo rin iyon?"
"Oo, pero 3-star hotel lang 'yang itinayo nila 'dyan, iyon bang mas mura pero tiyak na maayos at de-klase pa rin naman," tinikman muna ni Manang Rosa ang nilulutong nilagang baka bago muling magsalita. "Kung hindi lang panay ang atake ng rayuma ko ay gugustuhin kong magtrabaho sa hotel na iyan. Mababait ang mag-asawang De Salvo na namamahala dyan."
Natapos na si Patrick sa dalawang baso na ginamit namin kanina ni Manang Rosa sa pananghalian, tinuyo ko iyon habang nakikinig sa kanilang usapan.
"Ay oho naman, Tiya. Mababait pareho sina Mr. at Mrs. De Salvo, hindi iilang beses na naimbitahan ang mag-asawang iyan sa eskwelahan namin sa Mandaue tuwing may importanteng okasyon dahil isa ang foundation nila sa nagpopondo ng iilang pampublikong paaralan sa buong probinsya." Lumingon siya sa akin tapos ay ngumisi bago iabot ang unang plato na nabanlawan. Tinuyo ko iyong muli. "Bukod pa sa likas na mapagbigay at matulungin sa kapwa, parang wala pa akong nababalitaan na nagrereklamong mga empleyado ng hotel nila. Maayos mamalakad at maki-kapwa ang mga De Salvo, Tiya."
"Alam ko tumatanggap ng part-time 'dyan ngayon, kung ayos sa'yo maging bell boy o waiter ay puwede kong kausapin ang manager para makapag-apply ka, habang bakasyon. Pandagdag lang ba sa ipon mo, sakto't babalik ka na sa kolehiyo sa pasukan." Suhestyon ni Manang Rosa kay Patrick.
"Talaga, Tiya? Sa tingin niyo ay papayag sina Nanay kung sakali?" Bumaling saglit si Patrick kay Manang Rosa bago sa akin, nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko naman alam ano ang dapat na maging reaksyon ko sa usapan nila. Hindi ko naman siya kilala.
"Bakit naman hindi? Eh, HRM pa rin naman ang kursong kukunin mo, 'di ba? Oh, maganda na rin na may kaunti ka ng kaalaman, tiyak matatanggap ka. May mapagkakaabalahan ka na, makakapag-ipon ka pa. Malapit pa ang hotel dito sa bahay, hindi ka mahihirapan." Pang-eengganyo pa ng Tiya niya.
Natutuwang tumango si Patrick, inabot na sa akin ang susunod na plato. Mukhang iyon naman talaga ang pakay niya kaya binuksan niya ang usapan tungkol sa hotel, he wanted to stir up the conversation to that direction. Matanda na si Manang Rosa, kilala ng mga lokal rito, madali lamang makakahingi ng pabor kung sakali. Hindi ito matatanggihan.
Habang naghahapunan ay walang ibang naging usapan ang mag-tiya kundi ang hotel at ang mga De Salvo. I knew of the De Salvos but didn't know much about them. Basta ang alam ko lang ay isa sila sa pinakamayayamang angkan hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa buong Asya. Lalo pang naging matunog iyan nang sumikat si Monique De Salvo, anak ng isang beteranang aktres na si Kourtney De Salvo-Cervantes. Kilala ko sila dahil fan na fan si Mama dati ng mga palabas ni Kourtney, kung minsan ay isinasama pa akong manuod ng cine.
"Bukas ay kakausapin ko si Marina, iyon ang nangangasiwa 'dyan. Titignan ko kung may opening pa sila." Si Manang Rosa iyon.
"Sige ho, Tiya. Kung wala ay ayos lang naman, dito na lang ako at sasamantalahin na lang ang dagat." Ngumisi si Patrick sabay baling sa akin.
Hindi ko alam kung likas lang ba siyang masiyahin o ano. I didn't smile. Hindi naman kasi ako nangingiti, bukod pa sa kumakain ako.
"Ang alam ko'y nariyan ngayon ang isa sa mga anak ng mag-asawang De Salvo, eh," biglang sabi ni Manang Rosa. "Hindi ko nga lang masyadong kilala ang mga nakababatang De Salvo, si Oxygen at Gabby lang ang tanda ko. Noong bagong tayo pa lang kasi ang rest house nila sa dulo ng Dorado ay panay ang bakasyon dyan ng mag-asawa, minsan kasama ang mga anak na maliliit pa lamang noon. Kaya nga naisipan bilihin ni Oxygen ang abandonadong gusali at lumang hotel na binagyo noon, nakitaan ng potensyal itong tagong isla natin dito."
Rest house sa dulo ng Dorado? Bigla kong naisip ang malawak na bakuran na basta ko na lamang pinasok noong nakaraan dahil wala akong mapagtaguan. Hindi naman siguro iyon ang tinutukoy ni Manang Rosa, 'di ba? Kanila Yves ang bahay na iyon, alam kong sa kanila dahil doon siya galing nang silipin niya ako. At hindi ba't tinawag pa siya ng mga batang naglalagi roon ng 'Señorito' so baka nagkakamali lang si Manang Rosa. Kung 'di naman ay may iba pang bahay bakasyunan ang nakatayo roon.
"Babae ba ang anak nila dyan, Tiya?" Usisa ni Patrick.
Ewan kung bakit mahalagang alamin niya iyon pero tinanong niya na.
"Lalaki," sagot naman ni Tiya. "Tatlong lalaki ang anak ni Oxygen. Natatandaan ko ang mga batang iyon noon ay panay kong nakikitang sumasama pumalaot sa mga mangingisda. May minsang ay naisama pa ni Tiyo Hernan mo ang isa sa kanila sa laot noong nabubuhay pa ito."
Tumango-tango si Patrick, tila may iniisip na kung ano dahil ang mga mata niya ay nakapirmi sa kinakain. Alangan ang baka ang gumugulo sa kaniya, 'di ba? He then lifted his eyes on me, may awtomatikong ngiti sa mga labi.
Hindi ko gustong matawag na masungit, but I didn't find the gesture friendly. It seemed creepy. Gayunpaman ay hindi ko iyon pinuna.
"Paige," tawag sa akin ni Manang Rosa nang matapos kaming kumain. "Bukas ng umaga ay maaari mo bang samahan na lang si Patrick na mamalengke. Hindi pa kasi ako makalakad ng malayong distansya dahil namamanhid pa ang mga binti ko."
"Tiya, ako na lang. Kaya ko na iyon," presinta ni Patrick habang pinagpapatong-patong ang mga plato na aming ginamit sa hapag. Nahihiya siyang ngumiti sa akin.
"Medyo marami akong ipapakisuyo sa inyo, eh," nakikiusap akong binalingan ni Manang Rosa. "Ayos lang ba, Paige?"
Sa ilang linggo kong pananatili rito sa bahay nito ay ni minsan hindi ako nautusan ni Manang Rosa. Wala ring kahit na anong gawaing bahay na pinatrabaho ito sa akin. Ang kapal naman ng mukha ko kung tatanggi ako sa munting pakisuyo nito gayong hirap na nga ang kalagayan ng mga binti nito.
I nodded. "Sige ho, walang problema."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro