Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

Hapon na pero heto at nakakubli pa rin akong pirmi sa palumpong ng santan, hinawi ko iyon ng bahagya upang silipin kung naroon pa rin ang iilang mga bata na nagtatawanan at nangungutya. Hindi ko na sila makita pero naririnig ko pa rin ang tawanan nila mula sa pampang.

Sweat trickled down my forehead, mingling with the dirt on my face. Agad kong pinahid iyon gamit ang likuran ng aking palad. Ramdam ko ang lalong paghapdi ng ilang maliliit kong sugat sa tuhod at mga braso dahil sa tama ng sikat ng araw sa mga ito. The kids had their best time throwing tiny stones at me earlier, pero walang wala ang sakit na dulot ng mga sugat na iyon sa lahat ng kailangan kong pagdaanan at patuloy pang pagdadaanan. My life was already hard as it was without these people hating me for looking different.

Pumikit akong sandali bago iligid muli ang tingin sa paligid upang humanap ng panibagong pagtataguan. My hiding spot was suffocating. Hindi sapat na panangga sa araw ang mga halamang ito, kahit pa sabihing mabango ang mga bulaklak ay namimitig pa rin ang mga binti ko mula sa aking pagkakatalungko. Bukod pa sa tumutusok na sa aking balat ang matutulis na dulo ng mga dahon nito, kung hindi lang ako sugat sugat ay baka kaya ko pang indahin iyon ng mas matagal. I could feel my heart pounding, isang patunay ng kahinaan ko.

Pang ilang araw na ba ito? Pipilitin ako ni Manang Rosa na lumabas ng bahay at huwag magmukmok, tuwing gagawin ko naman ay sasalubungin ako ng mga mapanghusgang tingin. I couldn't stand up to bullies, tuwing titignan nila ako ay parang gusto ko na lamang matunaw o 'di kaya'y maglaho.

But I did want this, didn't I?

Ako ang may gawa nito sa akin, sa labis na kagustuhan kong huwag mapansin ay mali pala ang naging solusyon ko. Now, people would look at me longer than they had before. Pero hindi tulad ng dati na puno ng paghanga at inggit, ngayon ay mas nangingibabaw ang hilakbot at pandidiri.

The throbbing pain in my limbs seemed to pulse in time with my racing heartbeat. Kailangan ko nang tumayo, kailangan ko nang umalis. Bukas ay hindi ko na hahayaang mapilit pa ako ni Manang Rosa na lumabas, magkukulong na lang ako sa loob ng aking silid. Kahit pa mabulok na lang ako roon, ayos lang.

I shifted slightly, trying to find a more comfortable position, but the effort only made my wounds ache more. Hinawi kong muli ang halaman upang tignan kung naroon pa rin ang mga bata na nanunukso at namamato sa akin, gustong gusto ko na kasi talagang umuwi. Ngunit sa halip na ang dagat at dalampasigan ang matanaw ko ay pares ng kupasing maong ang sumalubong sa akin mula sa kabilang bahagi.

Mas nagdoble ang bilis ng tibok ng aking puso, halos hindi na ako makahinga sa biglang pagsalakay ng takot sa aking dibdib. Gayunpama'y tiningala ko pa rin siya ng tingin. His tall figure loomed over me, hindi naman siya umaktong sasaktan ako o ano pero hindi rin naman nabawasan ng kalmado niyang anyo ang takot na pirmi nang namamahay sa aking dibdib.

Sisilip sana akong bahagya sa likuran niya ngunit mas ihinarang pa niya ang sarili sa aking harapan. His eyes were the first thing I noticed—an arresting shade of green that seemed almost unnatural in their intensity. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong klase ng mga mata, sa telebisyon marahil, pero sa totoong buhay? Ito ang unang pagkakataon. They locked onto mine with a piercing gaze that held me captive. Biglang lalo ay hindi ako makagalaw.

Sasaktan niya ba ako?

Aatakihin?

Sukat doon ay agad akong napaatras hindi pa man tuluyang nakakatayo ng tuwid. I just wanted to get away from him, fast. I scrambled instinctively, nagmamadali. My movement was clumsy, lalo pa't sugat sugat rin ang buong katawan ko. I stumbled, my foot catching on a root, and I nearly toppled over. Inaasahan ko na ang pagbagsak ko sa buhanginan ngunit hindi iyon dumating.

Agad niyang naabot ang aking braso upang pigilan ang akma kong pagbagsak, itinayo niya ako at ipinirmi, mahigpit ngunit maingat ang paraan ng kaniyang pagkakahawak sa akin. His touch was electric, gustuhin ko mang pumiglas dahil sa epekto noon sa akin ay hindi ko rin magawa dahil wala akong lakas.

"Careful," iyon ang unang salita na lumabas sa kaniyang bibig. Mababa at baritono ang kaniyang tinig, hindi naman dapat na nakakatakot o nakakabahala pero iyon pa rin ang naramdaman ko.

I quickly pulled my arm away from his grip, crossing it over my chest as though it would guard me from whatever danger he might pose. Hindi ko na alam kung tama ba ang naging asta ko pero iyon ang pakiramdam kong nararapat kong gawin.

I watched him warily as he stepped back slightly, kumunot ang noo sa aking ginawa. His eyes—those striking green eyes—were intense as they fixed on me, but there was no immediate sign of threat in them. Pinagmamasdan niya lang talaga ako, iyon lang. Inangat niya ang kaniyang kamay, I flinched instinctively. Ngunit sa halip na lumapit sa akin ay itinaas niya lamang iyon na para bang ipinapakitang wala siyang masamang pakay. Isinuksok niya iyon sa bulsa ng suot na maong.

The man was tall, towering over me with a rugged, commanding presence. Sa bulto niya pa lang ay alam kong dapat na akong matakot, pakiramdam ko ay kaya niyang basta na lang akong damputin at ihagis ng walang kahirap-hirap. Sandali ko siyang pinagmasdan. Base sa suot niya ay halatang hindi siya taga rito sa Dorada. Mainit ang panahon ngunit nakasuot siya ng kulay berdeng cargo jacket, it looked weathered and well-used. Sa ilalim ay ganoon rin, a plain white tee that had seen better days. Maging ang kupasing maong niya ay hindi naman mukhang bago. And yet, he didn't look like an average worker, sa malalapit na hotel man o pabrika ng kabilang bayan.

Pinagmasdan kong maigi ang kaniyang itsura. His dark hair was tousled but clean, and his face was ruggedly handsome with sharp, defined features—high cheekbones, a strong jawline, and a stubble that hinted at days of being unshaved. Gayunpama'y alam kong hindi nalalayo ang edad niya sa akin, kung matanda man ay ilang taon lang.

Napahinto ako sa aking naiisip, I didn't like how I was using adjectives I read in books to describe him in my head. Hindi ako ganoon. Lalo sa mga bagong kita at hindi ko naman kilala.

"Who are you?" Siya ang bumasag sa katahimikang kumakapal na ang pag gitna sa aming dalawa. "At anong ginagawa mo dyan sa likuran ng mga halaman?"

Niligid niya pa ang tingin, he seemed to be trying to piece together the situation. Nang hindi pa rin ako magsalita ay bumalik na naman sa akin ang kaniyang mga mata. There was no hint of disgust or judgment in his gaze, even as he took in the state of my appearance—my scrapes, the dirt smudged on my skin, and the bloodstains on my clothes.

Napaatras ako, bahagyang tumitingkayad pa para siguruhing hindi ako makikita ng mga nananakit na bata. Baka kasi bigla na naman akong patamaan ng bato rito matanawan lang ako ng mga ito.

"N-nagtatago lang ako," nilingon ko ang bahay bakasyunan sa aking likuran at naisip na baka taga roon siya at bakuran nila itong pinagkukublihan ko. Agad naman akong nahiya, I turned to him, handang humingi ng tawad. "B-bawal ba? Pasensya na kung ganoon—"

Hindi niya ako pinansin, sa halip ay gumapang ang kaniyang tingin sa hantad kong mga braso, pababa pa sa tuhod kong hindi na inabot ng hugpungan ng suot kong pedal pushers.

"You're hurt. Are you okay?" May bahid ng pag-aalala ang kaniyang tinig na siyang ikinabigla ko.

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi naman ako sanay ng may nag-aalala sa akin lalo't hindi ko naman kilala. The pain in my limbs making it hard to maintain my defensive posture, pero hindi ko pa rin ibinaba ang mga iyon mula sa pagkakakrus sa aking dibdib.

"Wala ito, ayos lang ako. Pasensya na kung dito ako sa bakuran niyo nagtago—"

"Ang dami mong sugat," balewala niyang putol sa sinasabi ko. Mas na nangunot ang noo habang pinagmamasdan pa ako ng husto. May sasabihin pa sana siya nang marinig namin pareho ang tawanan ng mga bata sa pampang, muli akong napaatras. "Sila ba ang may gawa niyan sa'yo?"

Hindi ko na kailangan pang tumango para makumpirma niya iyon. Bakas marahil ang takot sa aking mga tingin dahil agad siyang napailing. Bumaba ulit ang mga mata sa sugat ko.

"Kailangang magamot ang mga iyan," sabi pa niya.

Tatanggi na sana ako nang mas lumakas ang tawanan, papalapit na naman ang mga bata. Sa takot na baka makita nila ako ay muli akong napaatras. The guy seemed to notice my reaction. Agad siyang kumilos upang talikuran ako at harapin ang mga paparating. He walked towards the edge of the bushes, positioning himself between me and the sound of the children. He looked back at me briefly, making sure I was still hidden from view.

"Doon kayo sa kabila dumaan, huwag dito." Maawtoridad niyang utos sa mga bata na agad nagpulasan upang tumalima.

"Opo, señorito," rinig ko pang sabi ng isa sa mga ito.

Señorito? Napako ang aking tingin sa nakatalikod na lalaki, tama ba ang rinig kong tinawag siya ng mga ito na señorito? Bakit? Sino ba siya? Totoong malaki ang bahay bakasyunang ginaguwardyahan ng bakurang pinagtaguan ko. Kung dito nga siya nakatira ay paniguradong mayaman siya.

Nang tuluyang mawala na ang mga bata ay muli niya akong nilingon. "Pasensya na sa biglang pagsulpot ko kanina. I didn't mean to make you feel more scared, sinigurado ko lang na hindi ako nilalaro ng paningin ko nang mapansing panay ang galaw ng mga halaman."

Tumango ako. Hindi niya naman kailangang humingi ng paumanhin dahil wala naman siyang ginawang mali. But I was glad he did it anyway.

"I really didn't want to make things worse for you." Sabi niya nang mapansing hindi na ako kumportable sa tayo ko dahil sa sikat ng araw. "Let me help with those wounds."

I shook my head, a bit more firmly this time. "Hindi na kailangan. Kaya ko na ito."

Hindi naman na siya namilit pa, hinayaan niya akong humakbang palabas mula sa pagkakakubli ko. Agad akong nakahinga ng maluwag nang madampian ng masarap na simoy ng hangin na nagmumula sa tabing dagat.

"Salamat sa pagpapaalis sa mga bata," sabi ko sa mahinang tinig nang makitang makakabalik na ako sa bahay ng payapa.

"It was no trouble." Tumango siya, mukhang nag-aalangan na hayaan akong lumayo ngunit hindi rin naman ako pinigilan pa. "I'm glad I could help."

I took a few more steps away from the bushes. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kaniya o kung may dapat pa nga ba akong sabihin. "Maraming salamat ulit,"

Iyon na lamang ang nasabi ko bago siya tuluyang talikuran at takbuhin na ang daan pauwi. Ininda ko ang hapdi ng aking mga sugat. Hindi na rin ako lumingon pa kahit narinig ko ang pagtawag niya sa akin. Babalik na ako sa bahay habang walang mga salbaheng bata na nagkalat sa dadaanan ko. I wouldn't risk being seen para mabato lang muli.

"Oh, Paige, nariyan ka na pala!" Salubong sa akin ni Manang Rosa nang marating ko ang puting gate ng bahay, hindi pa ako hustong nakakapasok at abala rin siya sa pagdidilig ng mga halaman kaya hindi pa niya nakikita ang itsura ko. "Kumusta ang pamamasyal mo sa dalampasigan, anak?"

Hindi ako makasagot. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na sugatan ako dahil lang pinilit niya na naman akong lumabas? I closed the gate before turning to face her, hawak ang hose at mukhang inabala rin niya ng husto ang sarili sa pagkausap sa mga mabubulaklak na tanim. Iyan naman ang palaging ginagawa ni Manang Rosa sa iilang araw kong pananatili rito sa Dorada.

"Nakakilala ka ba ng kaibigan? Baka bukas ay gusto mong maligo, may mga damit panligo diyan na naiwan ni Rosana. Maaari mong gamitin dahil magkasukat naman kayo," tukoy niya sa anak niyang nasa Manila na ngayon para sa kolehiyo. "Kung hindi ay puwede naman tayong bumili sa bayan, isasama kita sa pamamalengke ko bukas para hindi ka maburyong dito sa bahay—"

Nabitin na ang mga sasabihin niya nang tuluyan akong balingan at makita ang itsura ko. Lumigid agad ang kaniyang mga tingin sa aking sugat at dungis. Agad na binitawan ni Manang Rosa ang hose at iniwan ang ginagawa upang lapitan ako, bakas ang labis na pag-aalala sa kaniyang anyo.

"Anong nangyari sa'yo anak? Sino ang may gawa nito sa'yo?" Magkasunod niyang tanong.

Sinubukan ko pa ring ngumiti kahit pa mahirap at masakit gawin dahil sa mga sugat ko. "W-wala ho ito, Manang. Napagkatuwaan lang ako ng mga bata sa dalampasigan, siguro'y natakot lang rin po sila sa itsura ko kaya pinagbabato nila ako."

Agad niya akong kinuha at maingat na hinawakan para suriin ang mga sugat ko. "Halika at gamitin natin. Bukas ay pupunta ako sa dalampasigan para pagsabihan ang mga batang 'yan! Mukhang hindi nagagawa iyon sa kanila ng kanilang mga magulang. Hindi kailanman magandang pagtawanan lalo't saktan ang kapwa mo."

Dinala niya ako sa loob at pinaupo sa sala habang kinukuha ang first aid kit na itinago niya sa kung saan. Naghintay akong makabalik siya na hindi rin naman natagalan. Manang Rosa sat next to me and began tending my wounds. Her hands deftly working to cleanse and bandage the scrapes. Tahimik ko lamang siyang pinanuod sa ginagawang pag-aalaga sa akin habang ang aking isipan ay naglalakbay sa nangyari kanina.

How could people be so cruel? Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakaranas ako ng kalupitan. But it had always struck me as a random act of malice, something I couldn't quite understand. Ang mga batang iyon na namato sa akin kanina dahil lang natatakot sila sa itsura ko ay patunay na walang pinipiling edad ang kasamaan. They had laughed and jeered, hindi iyon simpleng katuwaan at paglalaro lamang dahil kung makakasanayan nila ang ginagawa ay hindi malabong tumanda silang halang ang kaluluwa.

Mga mapanakit at mapang-uri.

Siguro nga ay takot lang sila sa akin—perhaps they hadn't meant to be evil. Maybe, in their small minds, they thought they were protecting themselves. Kahit pa sabihin na wala naman akong balak na saktan o lapitan man lang ang mga ito.

"Ang dami mong galos, Paige," puna ni Manang Rosa habang patuloy sa ginagawang paglilinis ng sugat sa aking mga binti. "Magpipilat ang mga ito, ang puti pa naman ng balat mo."

Sa totoo lang ay wala naman akong pakialam sa iiwang marka ng mga sugat na 'yan. Kung ang kaanyuan ko ang lubos kong pinagtutuunan ng pansin, eh 'di sana hindi ko sinugatan ang sarili kong mukha. Eh, 'di sana ay hindi ko bastang ginupit-gupit ang mahaba kong buhok.

"Maraming salamat po," tahimik kong sabi nang lahat na ay magamot ng ayos ni Manang Rosa.

Tumayo siya ng tuwid sa aking harapan at niyuko ako ng tingin. Alam ko ang tumatakbo sa kaniyang isipan, bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Sa halos dalawang linggo kong pamamalagi rito sa Dorada ay hindi kailanman siya nagtanong kung ano ang nangyari sa akin, mas na pinagtuonan niya ng pansin na siguraduhing ayos lang ako, ligtas.

"Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari sa'yo, Paige. Kung bakit ako pinakisuyuan ni Ricardo na kupkupin ka hanggang sa mga susunod na buwan," malumanay niyang sabi.

I flinched at the mention of the name. Wala siya dito, malayo siya. Nasa malayo siya pero pakiramdam ko ay nakamasid pa rin siya sa akin. Ganoon kalala ang takot na binuhay niya sa dibdib ko. I wanted to crawl away and find a place where I could hide. Nagyuko ako ng tingin sa aking mga palad na pinagsiklop ko sa aking kandungan.

"Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, Paige. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Sinubukan rin magrebelde noon ni Rosana nang mawala ng maaga ang tatay niya, hinayaan ko dahil nasasaktan siya. Nasasaktan kaming pareho." Umupo siyang muli sa aking tabi at sinakluban ng kaniyang palad ang aking mga kamay. "Maganda ka anak, matalino. Marami pang puwedeng mangyari sa buhay mo. Hindi masamang malungkot, lalo na tuwing maaalala mo ang Mama mo, pero huwag mo sanang sirain ang buhay mo, Paige. Hindi siya matutuwa sakaling napapanuod ka niya ngayon."

My chest clenched with feelings I was trying so hard to conceal. Her attempt to comfort me was kind and sincere, yet it also unearthed a deep well of frustration and sadness. Malupit ang mundo. Malupit ang mundo ko at hinding-hindi iyon maiintindihan ng kahit sino gaano man nila kagustong subukin na unawaan. The world, in its cruel twist of fate, had often reduced my struggle to a simple narrative—one of rebellion born from grief. Hindi ako nagrerebelde dahil namatay si Mama, bago pa man mangyari iyon ay tanggap ko na. I was there when she got sick, masakit pero alam ko naman na kung ano ang kahahantungan nu'n. People around me, those who thought they knew me, had always perceived my actions as a reaction to her death. They saw the surface, the visible signs of my struggle, but they failed to grasp the depth of what I had truly experienced.

It wasn't just about losing a parent; it was about the cascading effects of that loss. Gustong-gusto kong isisi kay Mama ang lahat. Gustong-gusto kong magalit. But every time I thought of how clueless she was, hindi naman niya inaakala na magiging ganito ang buhay ko kapag nawala na siya. Sa buong pag-aakala niya ay iiwan niya ako ng maayos, akala niya kapanatagan na maiiwan niya ako sa mabuting mga kamay. My mother didn't know what kind of person she was leaving me to, kung anong klaseng demonyo.

Losing her wasn't merely an emotional blow—it was like being thrust into an abyss, left to navigate a world that had suddenly become far more hostile and frightening. Kung magagalit ako kay Mama ay maitatama ba noon ang lahat ng naging desisyon niya nang nabubuhay pa siya? Hindi.

"Nakita mo ang ginawa mo sa sarili mo," hinaplos niya ang bahagi ng aking mukha na may sugat.

Sinugatan ko. Hindi pa tuluyang naghihilom at kahit pa mawala na iyon doon ay habang buhay ko nang dala ang sanhi noon. Inabot niya rin ang dulo ng maiksi kong buhok na basta ko na lang ginupit dahil hindi ko na gustong napapansin iyon.

I had deliberately made myself look hideous, a conscious act of defiance against a world that seemed to prey on my appearance. Palagi kasing napapansin ng karamihan ang maamo kong mukha at maganda kong buhok. Boys and men of all ages dig them. The scars on my face were a physical manifestation of what I had been going through. Husto kong sinira ang lahat ng nagugustuhan nila sa akin dahil ayaw kong matitigan, ayaw kong maabuso. I thought if I looked hideous they would turn away and leave me alone. Hindi na ako masasaktan at maaabuso. It was a drastic attempt to escape the devil, ginawa ko pa rin.

It was my way of repelling the kind of attention that had always been too much to bear.

"Nag-aalala si Ricardo sa'yo. Panay ang tawag, tinatanong kung kumusta ka," sabi ni Manang Rosa.

Gusto kong pangilabutan sa sinabi niyang iyon. Her voice was filled with warmth and worry, but it only heightened the chilling reality that I had faced for a while. Hindi totoong nag-aalala si Ricardo, natatakot siya kaya maya't maya ang ginagawa niyang pagtawag at pagkumusta. Iyon ang totoo!

He was scared that I might expose the truths hidden beneath the facade of his polished image. Tumatawag siya hindi dahil gusto niyang malaman ang lagay ko, gusto niya lang siguraduhin na tikom ang bibig ko sa lahat ng kademonyohan niya.

Hindi miminsan kong naisip na magsalita at panlabanan ang takot ko sa kaniya, pero sino bang niloko ko? Ano namang laban ko kumpara sa kaniya? Sinong maniniwala sa akin? In the eyes of those around me, Ricardo Romualdez Beltran was a paragon of virtue and charm, a figure whose every move was scrutinized with admiration. Anghel ang tingin sa kaniya ng lahat ng nakakakilala at nakakasalamuha. They would never believe the truth of what I endured. To them, Ricardo was a saintly figure, someone whose every action was above reproach. Hindi ang katulad ni Ricardo ang mang-aabuso, lalo ng menor de edad.

"Sa susunod na tumawag siya ay sana'y bigyan mo ng pagkakataon na makausap ka. Alam kong hindi siya ang tunay mong ama, pero nagsusumikap siyang gampanan ang papel na iyon sa buhay mo, Paige. Pareho kayong nagluluksa sa Mama mo," patuloy ni Manang Rosa nang hindi pa rin ako umimik.

Pilit kong isiniksik sa aking isipan na wala siyang alam kaya ganyan ang mga nasasabi niya. For her, Ricardo was a grieving widower. Dakilang maituturing sa ginawang pagkupkop sa taong hindi niya naman kadugo. My insides were screaming in disgust, hindi ko siya ama at kailanman ay hinding hindi ko matatanggap ang kaisipang iyon. Sa papel marahil, pero hanggang doon lang. No father would ever take advantage of a child. Demonyo lang ang may kaya noon. Demonyo lang ang makakagawa noon.

I had been thrown into Dorado not because of genuine concern or out of some misguided attempt to protect me, but because my presence had become inconvenient. Simula nang dungisan ko ang mukha ko at halos kalbuhin na ang sarili ay ni hindi na ako magawang titigan ni Ricardo. He no longer found me appealing or useful; my scars and cuts had rendered me a liability rather than an asset. My once beautiful appearance, which had drawn him and others like him, had now become a reason for him to discard me.

Mas pabor sa akin na ayawan niya ako, na ilayo niya ako sa kademonyohan niya. The reality was harsh: my efforts to obscure my beauty, to make myself unrecognizable and unappealing, had only served to reveal how deeply I had been scarred. I had hoped that by disfiguring myself, by making myself less noticeable, I could escape the kind of attention that had so often led to abuse. But in doing so, I had only highlighted the very nature of the cruelty I faced. Ricardo had seen me for what I had become—damaged.

"Siguro'y nagugutom ka na. Kaunti lang ang kinain mo kaninang tanghali," isang pisil pa ang ginawa ni Manang Rosa sa aking mga kamay bago tumayo nang walang makuhang kahit anong sagot mula sa akin. "Ipaghahanda kita ng makakain, Paige."

Pinanuod ko siyang tunguhin ang kusina hanggang mawala na siya sa aking paningin. Rinig ko ang pagkilos niya mula sa loob, naghahanda nga ng makakain. Hindi ako sumunod, hindi naman ako nagugutom. Nitong mga nakalipas na buwan ay pakiramdam ko unti-unti na akong pinapanawan ng kagustuhang mabuhay. Ano pang silbi?

Niyuko ko ang mga sugat na ginamot sa akin ni Manang Rosa. Ilang linggo lang ay gagaling rin ang lahat ng ito, hahaba muli ang aking buhok. Tapos ano na ang mangyayari sa akin?

Ricardo would want to see me again. He would desire to reclaim what he had discarded, to reassert his control over someone he had once held in his grasp. It was a cycle of abuse and manipulation that I feared would continue.

Saan ako kukuha ng lakas para labanan siya? Para labanan ang hinaharap na nakapinta ng pirmi para sa akin?

I felt a pang of loneliness and resignation. The world was quick to judge based on what was seen on the surface, failing to grasp the deeper, more painful realities that lay beneath. Alam kong kahit hindi tahasang sabihin ni Manang Rosa ay iniisip niyang wala akong utang na loob, na hindi ko man lang sinusuklian ang pinapamalas na kabutihan sa akin ni Ricardo. Of course, iyon naman talaga ang iisipin ng lahat. Bakit nga ba hindi? Ricardo had married my dying mother, inalagaan hanggang sa oras ng kaniyang kamatayan. Little did they know, ako ang kapalit ng "kabutihang" iyon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro