Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

Maybe: Yves Benedict De Salvo

Morning. Kumain ka na ba?

Napatigil ako sa akmang pagsubo ng champorado nang muling mag-vibrate ang cellphone kong nakalapag sa gilid ng lamesa. Halos mapairap ako. Pang-ilang text na ba ito ni Yves simula nang ibigay ko kahapon ang numero ko sa kaniya nang nasa palengke pa kami. Apat? Lima? Ni isang mensahe ay wala akong sinagot. Paano'y puro pagpapapansin lang naman! Bakit kailangan niyang malaman kung kumain na ako? Hindi naman kami close.

Natutok ang tingin ko sa apelyido niya, kahit walang gold dust ay kumikinang iyon. Kagabi nang una akong makatanggap ng text sa kaniya ay nakumpirma ko na kung paanong ganoon na lang ang asta niya. He was a freaking De Salvo! They practically owned Cebu! Kahit saan ka lumingon ay makikita mo ang mga hotel na pag-aari ng pamilya niya.

Tutuloy na sana ako sa pagkain nang may pumasok na naman na mensahe mula sa kaniya. Tignan mo nga naman ang isang 'to, De Salvo pero halos magmakaawa na sa reply ko. Bahala ka dyan, Yves! Nangako siya kahapon na magme-message lang siya kung kailangan. Ano't panay ang tanong niya kung kumain na ako?

Maybe: Yves Benedict De Salvo

Kumain ka na. Just had breakfast with my cousin.

Diyos ko? Kailangan ko pa bang malaman iyon? Napairap ako. Hindi ko tuloy mawari kung pinagtitripan ba ako ni Yves o ano, eh. Baka naman pinagpupustahan nila ako! Puwes kung ganoon, ay mas lalong hindi ko sasagutin ang mga mensahe niya. Kung bakit rin naman kasi hindi ko na lang pineke ang number na binigay ko sa kaniya, eh! Sometimes I hated that I was too honest.

Maybe: Yves Benedict De Salvo

I wonder what's keeping you busy. Kahit isang message ko ay hindi mo magawang replyan.

Hindi pa rin ako nagtipa ng sagot, pinagmasdan ko lang. At the same time, I was wondering kung bakit parang wala siyang ginagawa sa buhay niya. Panay ang message, unnecessary naman! Again, bahala ka dyan, Yves!

Dapat kasi ay hindi ko na talaga binuhay ang cellphone ko. Kung bakit ba na-curious pa ako sa maaaring maging mensahe sa akin ni Yves ay hindi ko na talaga alam. Kainis.

"Sasamahan ko mamaya itong si Patrick sa hotel para makapag-apply," nilingon ako ni Manang Rosa. "Gusto mo bang sumama, Paige?"

Agad akong umiling. Ayaw ko naman talagang makihalubilo, mas sumidhi lang ang disgusto ko lalo't alam ko na ngayon na De Salvo si Yves at may malaking posibilidad na naroon iyon. I didn't want to see him. Hindi sa kung anupaman, kundi dahil hindi naman kailangan.

Makahulugan ang mga tingin na ibinabato sa akin ni Patrick, kahapon kasi ay panay ang tanong niya kung kaibigan ko raw ba si Yves. Paano'y hinatid ako nito pabalik kay Patrick nang matapos kaming mamalengke. He even offered na ihatid kami, tumanggi lang ako ng husto at mukhang hindi rin naman gusto ni Patrick tanggapin ang alok nito kaya hindi nagwagi si Yves.

"Baka matagalan kami roon," si Manang Rosa pa rin. "Mag-isa ka lang dito kung sakali,"

"Ayos lang ho," sumubo muna ako ng champorado bago dugtungan ang sinabi. "Magbabasa na lang ho ako sa itaas habang naghihintay."

Hindi man kumbinsidong iwan ako ay tumango na lang si Manang Rosa. "Puwede ka namang lumabas, mag-iingat ka lang."

I could sense concern in her tone. Hindi nga ba't ginamot nito ang mga sugat ko noong nakaraan. Tipid akong ngumiti sa dalawang kaharap na agad ring nabura nang muli na namang mag-vibrate ang cellphone ko. I sighed and looked down at it, tamad na pinadaan ang daliri sa screen upang mabuksan ang mensahe na mula kay... Kanino pa nga ba.

Maybe: Yves Benedict De Salvo

Mahal ba reply mo? Tell me if you're charging for a reply so I can subscribe.

I twitched my lips to suppress a laugh. Kung ano na lang ang masabi ng isang 'to. Muli kong ni-lock ang cellphone ko, didn't bother to respond. Bahala na, magsasawa rin 'yan mangulit. Itinuon ko na lang ang aking pansin sa kinakain. Kahit ang ginagawang paninitig sa akin ni Patrick ay hindi ko rin pinansin.

Nang matapos ay nagpresinta na akong magligpit at maghugas ng pinagkainan namin para makagayak na sila. May job interview si Patrick sa hotel kaya mas importante na makapaghanda ito. And besides, kaya ko naman ang simpleng gawain na iyon.

"Babalik rin kami agad pag natapos ang interview, Paige," sabi ni Manang Rosa bago tunguhin ang pinto kipkip ang maliit na pitaka sa kilikili nito. "Mag-lock ka na lang at may susi naman akong dala."

"Sige po," sabi ko, nakatayo sa entrada ng kusina at hinahatid lamang sila ng tingin.

Si Patrick ay nakasunod kay Manang Rosa, bago ito tuluyang lumabas ng bahay ay sandali pa akong nilingon. Para bang may hinihintay na sabihin ko. Eh, ano naman ang sasabihin ko?

I cleared my throat, choosing to do the polite thing. "Good luck sa interview,"

"Salamat," nagliwanag ang anyo nito kasabay ang malapad na ngisi. "Kapag natanggap ako'y ililibre kita."

Tumango na lamang ako para makaalis na sila, kahit pa sa totoo lang ay hindi ko naman kailangan ng libre niya o ng kahit sino pa.

Nang tuluyang makaalis ang mga ito ay inabala ko na ang sarili ko sa paglilinis. I scrubbed the countertops, wiped away crumbs, and washed the dishes that had piled up from the morning's breakfast. Mas nagging mabilis ang kilos ko dahil mag-isa lang ako, walang mga namimilit sa akin na makipag-usap o ano. Puwera syempre sa wala dito, kay Yves. Oo, alam kong siya ang dahilan kung bakit hindi na natigil sa kaka-vibrate ang cellphone kong basta ko na lang ipinatong sa ibabaw ng dispenser. Kapag 'yan nahulog sa kakulitan niya ay papapalitan ko 'yan sa kaniya.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Ni hindi ko na nga binuksan ang mga sumunod niya pang mensahe dahil gusto kong abalahin ang aking sarili sa ginagawa at hindi sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang buong kusina nang hustong malinis ko na iyon. I dried my hands with a towel, kahit paano ay may ambag na ang paninirahan ko rito sa bahay ni Manang Rosa. With nothing left to do downstairs, I decided to head upstairs to find something to occupy my mind. Bitbit ko naman ang cellphone ko, hindi ko lang talaga tinutugunan ang pangungulit ni Yves.

Sa silid na tinutuluyan ko ako dumiretso. Ngayon ko lang napagtuonan ng hustong pansin ang malaki at antigong shelf doon, may ilang hanay ng mga libro, koleksyon at ano pa. Itong silid ng anak ni Manang Rosa ang pinagamit niya sa akin nang ihatid ako rito may ilang linggo na ang nakalilipas. Ang sabi niya'y ayos lang naman daw kay Rosana na tumuloy ako roon. Bilang respeto ay wala akong ginagalaw sa mga gamit nito maliban sa kama kung saan ako natutulog. Ultimo mga damit ko ay nasa maleta lang, hindi ako nangahas na isalansan ang mga iyon sa bakanteng aparador kahit pa sinabi naman ni Manang Rosa na ayos lang. Hindi ko naman ito silid.

Pero ang mga hanay ng libro na nasa aking harapan ngayon ay sapat para matawag ang aking atensyon. I hadn't had much of a chance to read lately, and the thought of losing myself in a good book was a welcome distraction. Siguro'y hindi naman mamasamain ni Rosana kung makikibasa ako ng libro niya, hindi ko naman sisirain o lulukutin, eh. Gusto ko lang magbasa.

I scanned the shelves and spotted a book that caught my eye: a crime thriller with a dark cover and an intriguing title. Maingat ko iyong hinila paalis sa hanay, makapal at mabigat. Mukhang mahaba-habang pagbabasa kung sakali. The title and blurb hinted at a gripping narrative full of twists and turns—just what I needed to escape my own tangled emotions.

Dinala ko iyon sa kama kung saan ko napagpasyahang magbasa. Propped up by a pile of pillows, I opened the book to the first page. Napangiti ako dahil gustong-gusto ko talaga ang amoy ng libro, lalo na 'yung mga matagal na hindi nabuksan. It was comforting.

As I began to read, I found myself quickly drawn into the world of the novel. Maganda ang kuwento, agad na matatawag ang atensyon mo dahil kapanapanabik. The story followed a hard-nosed detective unraveling a complex murder case. Hindi ko maiwasang mabilib sa taong nasa likod ng magandang akda. I could almost hear the click of typewriter keys as the narrative unfolded, each sentence pulling me deeper into the plot. Daig ko pa ang nanunuod ng Stanley Kubrick film! Tuwing kakabahan ang bida ay ganoon rin ang nararamdaman ko.

I got lost in the book's world, the problems and mysteries of the fictional characters serving as a perfect diversion from my own reality. Pansamantala kong nakalimutan ang nagiging malubak na takbo ng aking buhay, kung hindi nga lang biglang nag-vibrate na naman ang cellphone ko mula sa bulsa ng shorts na suot.

I reached into my pocket and pulled out my phone, the screen lighting up with his name. Napabuntong-hininga ako. Hindi talaga siya napapagod, noh? I unlocked the phone and opened the message. There it was—an unexpected limerick from Yves.

Maybe: Yves Benedict De Salvo

There once was a girl with a scar,

Whose beauty was truly bizarre.

Though her face had a mark,

Her spirit did spark,

And she left quite a memorable scar.

What the hell? Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa aking nabasa pero agad na bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi malamang kadahilanan. Ano ba itong pinagsasabi nito? Bakit parang kung gumanyan siya ay malapit na kaming agad sa isa't isa? Nagbuhat lang naman siya ng mga pinabibili ni Manang Rosa kahapon, ah!

Was this his way of trying to get me to respond? Did he actually think that sending a limerick would be enough to coax me into engaging with him? Okay, sige. Maayos naman ang sinend niya, but it would take more than that to get me to reply to him.

Teka.

Ano bang sinasabi ko? Hindi. Hinding-hindi kita rereplyan, Yves. Mapapagod ka rin.

I couldn't help but shake my head, a small smile tugging at the corner of my lips despite myself. Lalo nang muling nasundan ang message niya na iyon, simpleng panunukso lang na hindi naman daw masama kung magrereply ako. Yves was persistent, that was for sure. It was almost endearing, though I wasn't ready to admit it. I had half a mind to ignore the message altogether, but curiosity got the better of me.

Tatapatan ko pa nga sana ang mensahe niya kaya lang ayaw kong isipin niya na gusto kong minimessage niya ako, baka lalong mangulit. I wanted to be direct, to put an end to this awkward exchange once and for all. I tapped out a brief response:

Me:

Tigilan mo ang kaka-message, Yves. Hindi ako interesado.

I hit send and placed the phone back in my pocket, hoping that would be the end of it. I picked up the book again, trying to recapture the escape I'd had before Yves's message.

Pero dadalawang salita pa lang ang nababasa ko ay umugong nang muli ang cellphone ko, indicating his quick response to what I said.

I picked up my phone again, a mix of dread and curiosity fluttering in my stomach. Hindi ko rin maintindihan kung para saan ang kuryosidad na iyon. I swiped the screen and opened his message, trying to brace myself for whatever he had to say next.

Maybe: Yves Benedict De Salvo

Well, that's a bit blunt. I guess the limericks aren't working then?

Puna niya sa naging tugon ko. He didn't seem to take offense, mas gusto ko sana 'yung mairita siya o maartehan at masungitan sa akin para hindi na lang siya mangulit. Magtitipa pa lang sana ako ng reply nang muling umugong ang hawak kong cellphone dahil sa kasunod niyang mensahe.

Maybe: Yves Benedict De Salvo

But seriously, why so harsh? I'm just trying to be friendly.

Gusto ko sana iyong sagutin at sabihing hindi ko naman kasi kailangan ng kaibigan. Kaya lang ay nirendahan ko ang sarili. His persistence was starting to wear me thin, but there was something about the way he phrased his messages that made it hard to stay irritated. Sa totoo lang ay wala namang ginagawang masama sa akin si Yves, kahit noong nakita niya ako sa bakuran nila. Palagi pa nga niya akong tinutulungan sa iilang beses na pagkukrus ng aming mga landas. I took a deep breath and decided to respond, hoping to make my point clear without escalating things.

Me:

I appreciate the gesture, but I really don't need a friend. Please stop messaging me.

Hindi ko alam pero may maliit na bahagi ng puso ko ang gustong puwersahin ang aking kamay upang burahin ang dulo kong mensahe. I sent it anyway. I placed the phone back in my pocket, but no sooner had I done that than another notification popped up. Yves had replied almost instantly.

Ngayon ay naniniwala na akong wala nga siyang ginagawa sa buhay niya.

Maybe: Yves Benedict De Salvo

I get it. I'll stop. Just wanted to let you know that if you ever change your mind, I'm here.

Hindi magbabago ang isip ko. Alam kong hindi kaya ibinalik ko na ang cellphone sa aking bulsa ng hindi nagrereply kay Yves. His message was straightforward and sincere, and for a moment, I felt a pang of guilt for being so dismissive. Kaya lang sinabi ko naman na sa kaniya ng ilang ulit na hindi ko gustong makipagkaibigan. Siya lang talaga itong makulit.

I tried to refocus on my book, but my thoughts kept drifting back to the conversation. Yves seemed to genuinely care, even if I couldn't fully understand why he was so insistent. Maingat na ako ngayon at hindi na basta-bastang naniniwala sa mga nagpaparamdam at nagpapakita ng kabutihan. Who knew about the truth that lies beneath?

Halos pagabi na rin nang makabalik ang mag-tiya sa bahay. Ang hapunan ay napuno ng kwento tungkol sa job interview ni Patrick sa hotel. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang kumakain.

"Mabuti nga ho at natanggap ako, kahit paano ay makakapag-ipon ako habang nagbabakasyon." Sabi ni Patrick nang matapos niya ibalita ang kinahinatnan ng interview niya. "Sa restaurant ako na-assign, umaga ang shift ko. Waiter ako doon,"

Sa akin niya iyon kinikwento kasi kasama niya naman ang tiya niyang nagtungo roon kanina. She already knew what happened. Tumango na lamang ako at ngumiti. Good for him, magiging productive ang bakasyon niya.

It was also good for me. Ibig sabihin lang ay magiging abala na ito at mababawasan ang oras na gugustuhin nitong kausapin ako o 'di kaya'y lapitan.

"Sa unang sahod ko, dadalhin kita sa restaurant para naman makita mo." He kindly offered.

Again, I smiled. Hindi naman ako sasama kung sakali. Siguradong mahal ang mga pagkain doon, hindi ko naman hahayaang gumastos siya ng ganoon sa akin. Lalo pa't pinagtrabahuhan niya ang gagamitin. Isa pa, iniiwasan kong magkaroon ng utang na loob sa kahit sino.

Nagpatuloy ang usapan, hindi ako halos nakikisali bukod sa pasimpleng tango at ngiti. Nang matapos kumain ay si Patrick na ang nagpresinta na magligpit dahil ako na raw ang gumawa noon kaninang umaga. Hinayaan ko na siya dahil gusto ko rin talagang balikan ang binabasa kong libro.

Kinuha ko iyon sa silid nang matapos kaming kumain tapos ay nagsabi ako kay Manang Rosa na sa labas muna ako, doon ko kasi naisipang magbasa para sa sariwang hangin. I settled into a comfortable spot on the porch, the book propped open in my lap. Medyo mahina ang ilaw, pero ayos lang nakikita at nababasa ko naman iyon. The sea stretched out before me, a dark, serene expanse beneath the blanket of the night sky. Ito talaga ang dahilan kung bakit mas palagay akong dito tumambay kaysa sa taas—ang dagat.

I was deeply engrossed in the book when a movement near the water caught my attention. Naningkit ang aking mga mata sa pilit na pagtanaw sa mga paparating. Dalawang lalaki, iyon lang ang nasisiguro ko dahil matataas ang bulto. They seemed to be making their way towards the nearby rock formation. Hindi ko halos makita dahil wala namang ilaw sa baybayin bukod sa nagmumulang liwanag sa parola 'di kalayuan.

One of the figures moved with a familiar, confident stride that made my heart skip a beat. Natigilan ako, hindi ko gusto ang reaksyon ko doon. Ibinalik ko ang aking mga mata sa librong binabasa. How did I know it was Yves? Eh, ang layo at ang dilim!

Pero ewan ko ba. Maybe because there was something about his posture and the way he walked was unmistakable. Ang kasama niya ay hindi ko matukoy, wala rin akong interes na tukuyin. Maliit lang ang Dorado, normal lang na makita ko si Yves na nagagawi sa bahaging ito ng isla kagaya ng iba pang mga taga rito.

Kahit anong gawin kong tutok sa aking binabasa ay naaagaw ng mga ito ang atensyon ko. I put the book down, curiosity piqued, and watched them closely. Sa batuhan nga ang tungo nila. Nakita kong huminto ang dalawa tapos ay may itinuturo si Yves na kung ano sa kasama niya, possibly indicating a spot he wanted to reach or something he wanted to show, ewan ko. Basta nagpatuloy lamang sila sa pagtungo roon. They were now hidden behind the large rocks, their silhouettes partially obscured. I could still see Yves's outline, though, and his body language suggested he was talking animatedly, parang nagtatawanan pa nga.

I tried to refocus on the book, but my mind kept drifting back to the figures by the rocks. Anong oras na, ah? Maaga pa marahil na maituturing ang alas-otso ng gabi sa syudad, pero dito sa isla ay patay na oras na ito. The fishermen would wake up before the break of dawn, kaya normal na tulog na ang mga tao rito ng ganitong oras.

"Mukhang maganda 'yang binabasa mo, ah?" Si Patrick iyon, sumungaw mula sa loob. Nakangiti niya akong binalingan na para bang winawari kung ayos lang sa akin na samahan niya ako rito sa labas.

Kung ako lang ay ayaw ko. Kaya lang, hindi ko naman pag-aari ang beranda. I moved a little to the side para magkaroon siya ng espasyo sa bangko kung gugustuhin nga niyang maupo.

And he took that as a sign, naupo nga siya roon.

"Tungkol saan 'yan?" Nginuso niya ang librong aking hawak.

I sighed. Hindi ko sana gustong sagutin kaya lang naabala na rin naman ng presensya ni Yves ang ginagawa kong pagbabasa, might as well stop. "Thriller,"

Tumango si Patrick, kinuntento ang sarili sa matipid kong sagot. Sinilip niyang muli ang pabalat ng librong hawak ko. "I've seen the film. Hindi ko pa nababasa ang libro dahil hindi naman ako gaanong mahilig magbasa."

I wasn't one to judge quickly pero hindi na ako nagulat sa sinabing iyon ni Patrick. He didn't strike me as someone who would spend hours with a book. Ako, mas gusto kong binabasa kaysa pinapanuod lang. I enjoyed reading so much because it wasn't just about the stories themselves, but how they were experienced and interpreted.

Para bang natatangay ako sa mundong iyon ng walang ibang nakakaalam kundi ako.

"Pareho lang ba ang kwento?" Pang-uusisa pa ni Patrick.

I shrugged, letting a quiet sigh escape. Paano ko naman kasi masasagot ang tanong niya? I hadn't seen the film myself, so I couldn't really say how it compared to the book. All I knew were the comments and reviews I'd heard—Daniel Craig and Rooney Mara were supposed to be exceptional in their roles, pero hindi ko pa talaga iyon napapanuod.

"Napanuod mo na ba iyon?" Tanong niyang muli.

Akala ko ay hindi na siya mangungulit kapag hindi ko sinagot. Ano bang problema nila ni Yves? Bakit parang pareho silang magulo? Wala ba silang magawa sa buhay? Well, thankfully, Yves had stopped bugging me simula kaninang hapon na sabihan ko itong tigilan na ang kaka-message.

I shook my head. "No, I haven't."

Hindi ko siya gustong kausapin pero hindi ko rin naman gustong maging bastos.

"The movie was actually good," mas dumikit siya sa akin tapos ay sumilip pa sa libro. Akala ko ba'y wala siyang interes magbasa? Bakit parang panay ang usisa niya kung ganoon? "And if the movie's even half as good as the book, it must be pretty great."

"I wouldn't know." Sabi ko na lang.

"Parang gusto ko tuloy basahin," sabi niya pa. "Maaari ko bang hiramin 'yan kung matapos mo na?"

Isinarado ko na ang libro dahil mukhang walang balak si Patrick na lubayan ako. I turned to face him before I nodded. "Nakuha ko lang ito sa itaas. Sa silid ni Rosana, kung matapos ko na'y ibibigay ko sa'yo."

I was hoping that was enough for him to leave me the hell alone. Hindi na kasi ako talaga kumportableng nakikipag-usap ng matagal. It felt like letting someoe in farther than I should have.

Patrick leaned back, mas tinitigan ako. Kung wala lang kalakip na ngiti ang mga tingin na iyon ay napaatras na ako. From everything I had experienced, natuto na akong bumasa ng galaw ng kaharap ko. Mabilis na akong maalerto at matakot, hindi ko nga lang ipinahahalata.

"Iyong naghatid sa'yo pabalik kahapon sa palengke," biglang sabi niya. Inaasahan ko nang babanggitin niyang muli ang tungkol kay Yves pero nagulat pa rin ako. "Nasa hotel siya kanina. De Salvo pala ang kaibigan mong iyon."

Hindi ako umimik. Hindi ko rin naman alam na De Salvo si Yves kung hindi lang sa mga message niya. At isa pa, hindi ko naman kaibigan si Yves. Napakunot ang noo ko kay Patrick, ano naman kung De Salvo nga si Yves?

"Ang sabi ni Tiya Rosa ay wala kang kaibigan dito sa Dorado," mahinahon niyang dugtong. "O nagkamali ang Tiya?"

Kung kaibigan ko man o hindi si Yves ay hindi naman na mahalagang malaman pa iyon ng kahit sino. Pero hindi ko siya kaibigan!

"Tinulungan niya ako dahil mabigat ang mga pinamili ko kahapon," ibinalik ko ang aking tingin sa madilim na dagat. I didn't like the feeling of being asked about my actions. Hindi naman kasi kailangan magpaliwanag. "Hindi ko kaibigan si Yves,"

Nasa batuhan nakatuon ang aking atensyon, sakto namang paglabas ni Yves at ng lalaking kasama nito. Ngayon ay parang nakikilala ko na iyon, ang kasama rin ata nito iyon kahapon sa palengke kung ang pagbabasehan ko ay ang taas at tindig. They were headed back toward the hotel on the other side of the beach, their figures silhouetted against the moonlit water.

"Sigurado kang hindi?" Si Patrick ulit na nasundan na ng tingin ang tinatahak ng aking mga mata.

Nasabi ko ng hindi. Kailangan ko pa bang ulitin? Hindi na ako sumagot, kay Yves nakasunod ang aking tingin. Wala akong pakialam kung ano pa ang isipin ni Patrick dahil hindi rin naman ako natutuwa sa mga pang-uusisa niya.

"Mag-iingat ka, Paige," halata ang pag-aalala sa tinig ni Patrick. "De Salvo si Yves, huwag kang basta magpapadala sa damdamin mo. Ang sabi mo'y hindi kayo magkaibigan, pero kung ang pagbabasehan ko ay ang pakitungo niya sa'yo kahapon... Yves was quite... involved, even if just helping you."

I shook my head, unwilling to get into a deeper discussion about Yves or my own personal life. Kaya ko na ang sarili ko kung iyon ang ikinababahala niya. Hindi ba't naisip ko na rin naman iyon? Kaya nga kahit anong pagpapapansin sa akin ni Yves ay hindi ko pinapansin. I wasn't sure if he was playing me or not, kung ano ang makukuha nito kung sakali. But I knew how to distance myself. I had to learn the hard way, hadn't I?

"It's not that complicated. Naroon siya, nakita niya akong nahihirapan. Hindi ko hiningi ang tulong niya, He just... insisted. And it's not like it changes anything. Kung totoong may balak man sa akin si Yves na hindi maganda," tumayo ako mula sa bangkong kahoy at binalingan si Patrick. "Kaya ko na ang sarili ko. Wala kang dapat ipag-alala."

"Sorry, Paige." Sinsero niyang sabi, marahil natanto na ang kakulitan tungkol sa usaping iyon. "I didn't mean to..."
I gave Patrick a tight smile, trying to mask the irritation that had been brewing. "Thanks for looking out for me, Patrick. Goodnight."

Hindi ko na hinintay pa ang pagtugon niya, dala ang libro ay bumalik na ako sa loob. I started up the stairs, tutungo na sana sa silid na aking inookupa sa itaas nang biglang mag-vibrate na naman ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong shorts. I didn't understand why I suddenly felt giddy! Para bang alam ko na agad kung sino ang nag message sa akin kahit hindi ko pa nasisilip.

I pulled it out and saw a new message from Yves.

Well, my instincts were right.

Maybe: Yves Benedict De Salvo

"So you two can be friends and we can't, huh?"

Kumunot ang noo ko, madilim kanina sa tapat imposibleng nakita niya ako roon. Hindi ko nga sigurado kung alam niya ang bahay ni Manang Rosa, eh. Kaya lang maliit lang naman itong Dorado at halos lahat ng nakatira dito ay magkakakilala. Pero ano naman ibig sabihin ng mensahe niya? And why was he so insistent on this? What was he trying to prove?

Hindi ko nireplyan, muli ko lang ibinalik sa bulsa ang aking cellphone atsaka nagtuloy-tuloy na sa itaas.

Yves's persistence was starting to wear on me, and I wasn't sure what his endgame was. Did he really expect me to just open up to him after a couple of encounters? It seemed absurd.

Kung sila na lang kaya ni Patrick ang maging magkaibigan tutal pareho naman silang makukulit!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro