twenty-seven | narration
//
lavi | narration
Pagkatapos ng klase ko sa last subject, agad akong lumabas ng building. Icha-chat ko sana si Tanari kaso may narinig akong pamilyar na boses sa likod ko.
"Lavi." si Cadmien. Napairap na lang ako at dere-deretso sa paglalakad.
"Lavi, please let's talk," sabi pa ng multo sa likod ko pero hindi ko pa rin nililingon.
Habang hinihintay kong magloading ang messenger, bigla niya na lang akong hinawakan sa braso dahilan ng pagkahinto ko.
Nilingon ko siya, "Anong kailangan mo?" ani ko.
"Let's talk," sabi niya, "please?"
"Then let's talk here."
"Can we go somewhere else? Masyadong maraming tao." aniya at nilingon 'yong mga estudyanteng dumadaan.
Tumango lang ako at sinundan siya.
***
Matapos ang ilang minutong paglalakad, napunta kami sa isang eskinita. Hindi na lang ako nagtanong kung bakit dito pa dahil mas gusto kong tapusin na agad ang pag-uusap namin.
"Spill."
"...I'm sorry." tiningnan ko siya sa mata, maluha-luha.
Anong bonding ang ginawa nila ni Rielle dati at naging best actor na 'to?
"If that's what you all want to say, then let's end this conversation." kinuha ko ang cellphone ko nang may makita akong message galing kay Tanari. Ibinalik ko na rin agad sa bulsa ko pagkatapos kong reply-an.
Tatalikod na sana ako kaso hinakawan niya ulit ang braso ko. "Ano ba?" may pagkainis sa sabi ko.
"Please, Lavi. Let's start all over again. I promise, I will be better."
Napatawa ako sa sinabi niya. "You will be better? Sinong binibiro mo? I've given you so many chances pero lahat ng 'yon ay sinayang mo lang. Kaya pwede ba, bitawan mo ko."
Pero imbis na bitawan niya ako ay lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Cadmien, let me go." nakatitig kong sabi sa kanya.
"Cadmien, ano ba?!" sigaw ko. Mariin akong napakagat sa labi ko ng lalong humihigpit ang hawak niya sa akin.
"Nag-sosorry na nga ako, diba? I didn't even bother you for so many months after our break up. Kung nagseselos ka kay Rielle, please don't. We're not even together in the first place, siya lang yung dumidikit sa 'kin."
"I just don't care about you anymore. Wala na kong pake if you and Rielle are together or not, basta I just don't really care! Ayaw ko na sayo, okay? Kaya bitawan mo 'ko!" at pilit na tinatanggal ang paghawak niya sa braso ko.
"Cadmien, nasasaktan na ako, please."
"I am, too! Nasasaktan din ako! Lavi, please!"
"Ano ba?!" at sinampal siya gamit ang isang kamay ko. "Tigilan mo na 'ko!"
Akala ko bibitawan niya na ko, pero hinila niya ako papasok ng eskinita.
"Cadmien, let me go!" at pigil na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa 'kin, kaso sa sobrang lakas ni Cadmien, hindi ko magawa.
Hanggang sa tinulak niya ako sa pader dahilan ng pagkasakit ng ulo ko.
"If you don't want me anymore, let me do this then."
Hindi ko na maramdaman sarili ko that time. Umiikot na rin ang paningin ko dahil sa pagkakatulak niya sakin sa pader.
All I did was to cry, and thinking why this shit is happening to me... again.
'Stop, please.' I want to say those words but I can't. Walang lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa lumuwang ang pagkakahawak sakin ni Cadmien.
I don't know what happened. Basta nawala lahat ng lakas ko at napahiga sa sahig.
All I saw through my tears was a guy asking me if I'm okay... then I closed my eyes as if I want to sleep forever and never wake up.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro