forty-nine | narration
//
lavi | narration
"AY SHOCKS!" I exclaimed when Adriel came out of the fitting room wearing the beige polo shirt that I picked.
Napatingin pa 'yong ibang tao sa akin nang isigaw ko iyon.
Grabe naman kasi mga mare, ang gwapo!
Tall, broad shoulders, sakto lang ang muscle, mabango.
Kakaiba ang genes ng mga Morais.
"So handsome! hahaha!" I laughed and clapped in front of him.
He just gave me a warm smile.
"Do I look good?" he asked.
"Oo naman, no! Lapit ka sa 'kin." lumapit naman siya.
Inayos ko 'yong creases ng polo.
At dahil hanggang balikat niya lang ako, iniangat ko ang ulo ko para makita ang mukha niya.
He's staring at me.
"Why do you look so nervous? First date mo ba 'to?"
"Yes." Nagulat ako sa sagot niya.
"Totoo? As in? Hindi ka pa nagkakajowa?"
"Well, yes."
Ano kaya 'yon, ang gwapo gwapo pero hindi pa nagkakajowa.
Aayusin ko sana 'yong buhok niya pero iniwas niya 'yong ulo niya sa 'kin. Ba't kabang-kaba 'tong batang 'to?
"Aayusin ko lang, papagwapuhin nga kita, 'di ba?" inilapit niya naman at inayos ko na 'yong buhok.
Lumayo ako para makita 'yong kabuuan ng outfit.
Nilagay ko pa 'yong kanang kamay ko sa baba ko at nag-isip.
Actually, kahit pangpulubi yung suutin niya, gwapo pa rin.
Lumapit ulit ako sa kanya at in-unbutton 'yong isang butones, dahilan na medyo makita ang dibdib niya.
"What are you doing?" gulat niyang tanong, then held my hand to pushed it away from the polo shirt.
"Ano bang klase ng babae ide-date mo mamaya? is she into sexy type or simple, innocent type?" I asked, tiningnan ko siya at nagmeet ang mga mata namin.
He tooked a gulp. Ano kayang iniisip nito?
"Ay, oo nga pala, first date. Let's keep it simple muna," sabi ko at binutones ulit 'yong tinanggal ko kanina.
"You should buy it na! Anong oras na, oh! Susunduin mo pa si ate girl!"
***
Nasa labas na kami ngayon ng mall and Adriel looked more nervous than before.
"Hay, vice. Huwag kang kabahan! Just enjoy the date," I said and smiled at him. "8:10 na, oh. Susunduin mo pa 'yung ide-date mo. So, I need to go na."
Maya't maya pa ay may dumaan na bus. Ipapara ko sana kaso kinuha ni Adriel 'yong kamay ko at hinawakan 'yon.
I looked at him confused. "Bro, I already picked an outfit for you, baka gusto mo rin akong gawing chaperon, haha." pagbibiro ko but he just looked at me.
Papara na sana ulit ako pero medyo hinigpitan niya 'yong hawak sa kamay ko.
"Bakit, vice? Baka malate ka sa date mo. I need to go home na rin." Sinuri ko 'yong itsura niya ngayon. He looked nervous, serious, and he's thinking something.
"Tatlong bus na 'yong dumaan. May sasabihin ka ba? O napipe ka na?"
He just looked at me. No words came from his mouth.
I looked at his hand holding mine. And then at him.
Ngayon medyo naiinis na 'ko kasi ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang sinasabi.
"Vice, I said I need to go na nga," pag-uulit ko. "May date ka, 'di ba?"
Marahan siyang umiling, "I don't know." he said while looking at our hands.
"Anong you don't know?" I confusely asked.
"I haven't asked her yet." Nagulat ako sa sagot niya. Nagpareserved siya sa restaurant pero 'di pa niya natatanong? Medyo idiot, vice.
"So, you need to hurry na nga. Ask her. 8:30 pa naman reservation niyo sa restaurant."
"Okay, I'll ask her."
"Ayan, good good. Now, let go of my hand. I need to go na." pero imbis na bitawan ang kamay ko, hinigpitan niya pang lalo hawak dito. Hindi gano'ng kahigpit na masasaktan ako, pero mahigpit na hindi ko mababawi ang kamay ko sa pagkahawak niya.
Ano bang meron dito kay Adriel? Medyo kinakabahan na rin ako.
"Lavender." tawag niya sa'kin.
"Hmm?"
"Would you go out on a date with me?"
Huh, ano daw?
Tinaasan ko siya ng kilay. He tooked a gulp and I can feel his hands getting colder.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Pinagsasabi mo, vice? Haha, ba't ako ang niyayaya mo?" kinakabahan kong tanong.
He just looked straight into my eyes. I can feel my heart beats faster because of nervousness... I think.
"I.." bigkas niya.
shit, puso kalmahan mo lang.
"I like you, Lavender."
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro