64 [narration]
Charie's POV
"Charieeeeeeee!!!! Chan hyunggggg!!!!!" malakas na sigaw at paghampas sa pintuan ang narinig namin ni kuya chan. "Anong meron?" Nagkatitigan muna kami bago niya buksan ang pintuan. Hindi maganda ang pakiramdam ko bakit ganito?
Sumalubong saamin ang pugtong mata nila hyunjin at seungmin. Hindi kami mapakali ni kuya dahil sa inaakto ng dalawa. Ano ba talagang nangyayari? "Anong nangyari? Bakit ganyan itsura niyo?" tanong ni kuya sa dalawa pero hindi padin sila makaimik at patuloy padin sa pag-iyak.
Ilang minuto ang nakalipas bago simulang umimik ang dalawa. "S-si h-hyung. Si m-minho h-hyung!" sabi ni hyunjin. Medyo naguguluhan pa kami dahil utal ito magsalita at hindi namin masyado maintindihan. "Si minho? Anong meron kay minho?" tarantang tanong ni kuya dito. Tahimik lang ako at nakikinig sa kanila. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko anong nangyayari?. "Hyung, charie noona, n-naaksidente si m-minho hyung" halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko ngayon sa sinabi ni seungmin. "Wala siyang malay hanggang ngayon." Sunod sunod ang patak ng luha ko. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan okay na kami ulit? Paanong naaksidente? Magkausap lang kami kanina ah? Okay naman siya eh.
Mabilis akong inakap ni kuya. Ang sakit ng puso ko. Ang bigat sa pakiramdam. Halos dugo na ang lumabas sa mga mata ko sa sobrang pag-iyak. Medyo nahihilo ako, hindi ko kinakaya ang mga nangyayari.
"Noona!!!"
"Charie!!!!"
Mga salitang huli kong narinig bago dumilim ang paningin ko
--
"Charie okay ka lang?"
"Noona!"
"May masakit ba sayo noona?"
"Heto o tubig"
"May dala kaming prutas"
Sunod sunod silang nagsalita at halos mabingi ako. "Okay lang ako, daldal niyo" sabi ko. "Buti naman akala namin kung ano na nangyari sayo eh" sabi naman ni woojin. Ano nga bang nangyari sakin? Dumating si hyunjin at seungmin sa bahay ng umiiyak at sinabing naaksidente si----- "May malay na daw ba si minho hyung?" tanong ng biglang sulpot na si jeongin. Sinamaan nila ng tingin si jeongin saka tumingin sakin at hindi nagsalita. So hindi pa siya nagigising? Nagsimula na namang pumatak ang luha ko. Bakit nangyayari to sa kanya? Ang bait bait niyang tao. Bakit?!
Dahan dahan akong bumaba sa kama pero bigla akong natumba. Nanlalambot ako. "Sabi mo okay ka na. Hindi pa naman eh. Sinungaling ka talaga noona!" sermon ni felix sa akin. "Jan ka lang sa kama mo. Magpahinga ka muna" sabi naman ni kuya. Unti unti nila akong tinulungang tinayo at ibinalik sa higaan ko. "Saan ka ba pupunta?" tanong ni woojin. "Gusto ko lang makita si minho" mahinang sabi ko.
"Alam mo noona wag ka ng umiyak. Papangit ka, chaka magagalit lang sayo si hyung. Happy lang tayo dapat, mamaya magigising na si hyung. Pray lang tayo" sabi ni hyunjin. "Wow, nagsabi ang di umiyak. E halos singahan mo na damit ko kanina eh" singit naman ni seungmin. "Sino ba namang hindi iiyak?" nagsimula na namang umiyak si hyunjin. Tingnan mo, ang gagaling nilang patigilin ako pero sarili nila di nila mapatigil. Mga loko!
"Paano ba kasi nawalan ng preno yung kotse?" napaisip kaming lahat sa tanong ni felix. "Hindi kaya---"
"Changbin?" lahat kami ay napatingin sa dumating na changbin
"Charie, ano nangyari sayo? Nabalitaan ko nangyari kay minho hyung. Dadalaw lang ako." sabi nito. "Ah sige upo ka muna" Parang may dumaang anghel sa buong kwarto sa sobrang tahimik. Walang umiimik. Nag iisip ako ng way para basagin ang katahimikan ng biglang umimik si kuya "Guguluhin mo na naman ba kami?" sabi ni kuya. Medyo naiinis ako kasi pota kuya wala kayong alam okay? "Kuya nagsorry na sakin si changbin." sabi ko kaya napatingin silang lahat sakin.
"Alam ko na lahat. Sinabi niya na sakin. At alam kong nagsisisi siya sa nagawa niya. Nakakagawa lang siya ng kagaguhan dahil kay jisung. Tinatakot siya ni jisung kaya no choice siya kung di sumunod." tahimik lang ang lahat habang nakikinig sa sinabi ko. "Kaya please para sa earth, PEACE na!" inarapan lang ako ni kuya. "Pagkatapos mong dumalaw kay minho pwede ka ng umalis." sabi nito kay changbin. Hays bahala nga kayo jan!
Tatlong katok mula sa pintuan ang narinig namin bago ito buksan ni jeongin. "Magandang araw po, mga pulis po kami. Nandito po kami para iparating sainyo na sinadya po ang nangyaring aksidente. Nakita po sa cctv ang sumabotahe at tumanggal sa preno habang naka parada ang kotse sa harap ng tindahan ng donut---
"Donutan ni mang dodong!!!"
"Tumahimik ka hyunjin kung ayaw mong itlog mo yang gawin kong preno. Sige mamang pulis, continue" sabi ni kuya
"Dala po namin ang sketch ng mukha nf lalaking gumawa noon." may dinukot na papel ang pulis sa kanyang bulsa. "Heto po, kung may nakakakilala po sa kanya pakialam po agad sa amin." Tinititigan nila ang sketch habang ako ay nanonood lang sa kanila. Andito ba naman ako sa kama habang sila nandun sa may pintuan. Nagkatitigan muna sila bago sila humarap kay changbin.
Teka-- wait-- BAKIIIIITTTTT?????
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro