Chapter 2
-Zerisha's POV-
"Zerisha, iwan mo na kami rito. May susunod pa kayong klase. Ako na lang ang mag-babantay sa kaniya." Sabi ni Kuya Calix saka lumapit sa naka-higang si beshywaps.
Kasalukuyan nandito kami sa San Fordrex University's Hospital.
Na-istress raw si Zarianna kaya siya nahimatay at baka dahil na rin daw sa sobrang init ay nag-dugo ang ilong niya.
Tumango na ako at tinawag ang iba para sundin ang inutos ni Kuya Calix.
Sinabi ko sa kanila na umalis na kami para sa susunod naming klase. Ang totoo niyan, wala kaming pake kung mala-late kami. Sama-sama na kami rito, si Aria ang nahimatay eh.
May dahilan naman kami kung bakit mala-late.
Lumingon muna ako kay Kuya at kinuha saglit ang atensyon niya, "Kuya, paki sabi na lang sa kanya kung magigising na siya ay babalik kami agad." Matamlay kong wika kay Kuya Calix.
Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti saka ito tumango-tango at nag paalam na sa amin.
Ano kaya nangyari sayo besh? Sana gumaling ka na.
****
"I haven't told those students who brought her here about this matter. Kase mas magandang sa guardian niya muna malalaman ang patungkol rito." Sabi ng kung sino. Argh, nakaka-silaw.
Masakit sa mata, teka asan ba ako?
"She's awake, I think she needs to know about it too." Sabi ng Doctor nung maayos kong imulat ang aking mga mata.
Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi ng Doctor. Ano ba kailangan kong malaman?
Biglang lumapit sa akin si Kuya Calix ng may lungkot sa kaniyang mukha at niyakap ako.
"Aria, Kuya is here okay. Doc, if this is a serious matter I think we need to talk about it privately. Your tone is scaring my sister. Ako na lang mag-sasabi sa kaniya pag nag-usap na tayo." Sabi ni Kuya at tumango-tango na lang ang doctor.
"Unfortunately, it would be the best if she would know about it from me right now, but since you are the guardian, I respect your decision." He uttered it that gave me a lot of confusion.
Ano bang pinag-sasabi nila? Gaano ba ka-importante itong pag-uusap na ito.
Umigting ang panga ni Kuya Calix saka umiling. "Zarianna, excuse us for a bit." Sabi ni Kuya at dahan-dahan akong tumango ako.
Umalis na si Kuya kasabay ang doctor at naiwan akong tulala. Pinag-mamasdan ko muna ang paligid at ang aking sarili.
Ngayon ko lang napag-tantuan na nasa University of San Fordrex Hospital kami.
Ano ba nangyari? Ang alam ko ay kumakain kami dahil nilibre ako, tapos dumugo ang ilong ko at-
Tama! Hala, nahimatay ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko nung nagnose bleed ako kahit wala namang englishero sa aming mag-babarkada. Maaarte meron, isa na ako don.
Tinanggal ko yung kumot ko at nakita ko ang mga pasa sa aking katawan.
Ba't dumami? Di ko napansin 'to ah. Ano ba nangyayari sa katawan ko? Hindi naman ako nilalagnat! Bukod sa pinawisan lang ako doon kahit malamig.
Ilang saglit ay bumalik na si Kuya na mukhang problemado. Nagulat ako ng biglaan akong niyakap. Niyakap ng napaka-higpit.
"K-kuya..." Pag-tawag ko sa kaniya habang naka-akap pa rin sa akin. "'Di ako maka-hinga." Saad ko dahil sa sobrang higpit ng yakap niya.
Unti-unting kumalas sa pagka-kayakap sa akin si Kuya saka ko siya inismiran.
Bigla-bigla na lang mang-yayakap e. Parang wala ng bukas. Hahahaha.
Tumayo ito na akala mo'y tatay ko saka umiwas ng tingin.
Ano ba itong kinikilos ni Kuya? Ba't ba siya nagkaka-ganito?
"Let's go Aria, uuwi na tayo. Napag-paalam na kita kaya wala ng problema sa pag-absent mo sa klase." Sabi niya na napag-pakunot ng noo ko.
OA na ata si kuya ah! Nahimatay lang ako hindi naman ako namatay!
"Pero-" 'Di ko naituloy ang pagtutol ko nung nag-salita na muli si Kuya.
"Walang pero pero ngayon, Aria. Simula ngayo sumunod ka muna sa akin. Ayaw mo bang malaman kung ano ang nangyayari sa katawan mo. Diba may mga pasa yang katawan mo?" Seryosong untag ni Kuya habamg tinuturo ang katawan kong tinatakpan ko ngayon ng kumot.
Napa-kagat lai ako habang nagda-dalawang isip kung itatago ko pa ang patungkol rito.
Hindi naman ako sigurado kung saan 'to nanggaling! Gusto ko malaman kung saan ko nakuha itong mga pasa na ito.
Pero sa tono ng pananalita niya, may parte na sa sarili ko na sobrang natatakot na malaman ang totoo.
Anong klaseng kutob ito? Wala lang siguro to. Nagiging OA na rin ata ako. Nadamay ni Kuya sa pagiging over, tsk.
Hindi ko siya sinagot at umiwas ng tingin habang tumango-tango ako, saka ako inalalayan ni Kuya tumayo.
Nag-paalam na kami sa Doctor at nag-lakad papuntang kotse ni Kuya.
"Kuya, gaano ba kaseryoso 'tong pasa kong ito?" Tanong ko kay kuya habang nag-mamaneho siya.
Tinitignan ko pa ang bawat pasang makikita ko sa aking katawan. Hindi siya normal eh, malalaki ang mga pasa ito. Imposibleng natamaan lang.
Wala siyang imik at seryosong nag-mamaneho lang siya. Ngumuso ako saka humalukipkip. Tsk, kahit kelan talaga bipolar itong si kuya. Hayish!
'Di pa ako naka-pagpaalam kila Risha, magch-chat na nga lang ako.
Pochie yan, lowbat pala ako. Bulok naman itong cellphone ko.
May naisip akong ideya saka ngumiti ng parang naloloka.
Aha! Alam ko na gagawin ko. Bwahahahaha!
Lumingon ako kay Kuya saka nag magandang kumurap-kurap ng mata.
"Kuya," Malambing na pagtawah ko sa kaniya.
"Pahiram ako phone ah." Sabi ko at agad na hinablot ang phone niya.
Nagulat si Kuya sa paghablot ko pero nginitian ko lang siya. Sinamaan niya ako ng tingin, senyales na wala naman siyang magagawa.
Love akong kapatid ni Kuya eh!
Sosyal si Kuya eh, may pa-pocket wifi.
Nag-login na ako sa messenger at agad nag-bigay ng mensahe kay Risha.
-Beshywaps-
"Beshywaps, gising na ako! Umuwi ako ah, 'di na ako pinapasok ni Kuya. Masyadong OA si mayor. Chat ka lang pag tapos na kayo, Mwah!"-Aria
"Thank you pala sa inyo sa pag-dala sa akin sa hospital. Love you beshywaps! Ingat, God bless!"-Aria
"Aria, we're here." Wika ni kuya kaya agad kong ni-logout ang messenger ko sa phone niya at ibinalik ito.
Bumaba na kami ngunit hindi ko lang alam kung bakit ako kinakabahan.
Ayaw ko talaga pag-ganitong ka-seryoso si kuya.
Lagi kasing may,
Mali.
****
Nandito na kami sa sala kasama si mama. Naluluha siyang naka-tingin sa amin.
Bigla naman kumunot ang noo ko at binaling muli ang tingin ko kay Kuya Calix na ngayo'y mukhang seryoso.
Bakit? Ano bang nangyayari? May namatay ba na hindi ko agad nalaman?!
Pero ka-abnoyan ko nga naman. Ano kaya ang rason? Dahil ganito sila, alam kong may mali.
At kahit anong klaseng pagsubok man ito, tatanggapin ko ano pa man mangyari.
"Aria anak, kakayanin mo ba?" Tanong ni mama at lumapit sa akin.
Ngumiti ako at tsaka tumango.
"Ma, okay lang sa akin noh. Spill ithe beans, I can handle it." Sabi ko sa kanila at tinignan muna ni mama si Kuya Calix.
Bumuntong hininga muna si Kuya at tinignan ako ng may luha sa mata.
Ganito ba kaseryoso ito? Pati si Kuya kong hindi umiiyak sa harap ko noon ay napapaiyak na ngayon?
"Anak, kailan pa? Ba't hindi mo agad sinabi sa akin yang mga pasa mo?" Naiiyak na saad ni Mama.
Pinagmasdan ko sarili ko at nagkibit balikat na tumingin sa kanila.
"Eh baka kasi natamaan lang po. Alam niyo naman na mabilis ako magka-pasa-" Hindi ko naituloy ang paliwanag ko ng mag-salita si Kuya.
"Aria," Nakuha ni Kuya ang tono ko saka siya tinignan. May namumuong mga luha sa kaniyang mga mata.
"May s-sakit ka, meron kang acute lymphocytic leukemia at napaka-hina na talaga ng katawan mo. Kailangan mong mag-undergo sa c-chemotheraphy." Nababasag na tonong saad ni Kuya. Dahilan ng biglaang pag-bagsak ng luha ko na parang binagsakan ng langit at lupa.
Di ko alam irereact ko, ba't ako pa ang kailangan magdusa agad?
Tumingin ako sa kanila ng naka-ngiti habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
Nagtaka sila kasi kahit alam kong may sakit ako ay ngumingiti pa rin ako sa harapan nila.
Umiwas ako ng tingin habang huminga ng malalim, "Ma, wag na nga kayo umiyak. Papanget kayo oh, Hahahahha. Kaya ko 'to, diba? Please wag na lang kayo umiyak. Kuya, ilang years na lang ba ako mabubuhay?" Sabi ko sa kanila at nag-tanong kay kuya.
"H-hindi talaga patas ang buhay, ba't pa i-ikaw?" Umiiyak na saad ni Mama. Humagulgol ito sa tabi ni Kuya.
Malungkot ako ngumiti, "Patas ang buhay, ma. Lahat naman tayo may hangganan." Paliwanag ko kay Mama.
"Hindi pa sigurado taon ka pang mabubuhay. Malala na raw ito ngunit mapapatagal naman iyon kung mag-papa-chemotheraphy ka." Malungkot na tugon sa akin ni Kuya.
Tumango-tango ako saka umiwas ng tingin. "Sasabihin mo ba ito sa mga kaibigan mo?" Biglaang tanong ni Kuya kaya't napa-isip ako.
Sasabihin ko ba? Pero baka mag-iyakan sila. Ayokong kaawaan, ayokong mang-iwan.
Hayst, bahala na.
Nag-kibit balikat ako sa kanya at napa-kagat ng labi
Bigla na lang nila ako niyakap. Yakap na kahit wala na si papa ay masaya sana.
Pero dahil nga wala na si papa... at mawawala na ako. Hindi na ako mabubuhay pa kasama nila.
Malulungkot na naman si Mama. Pero ga'nto na eh. Sakit yung kalaban ko sa buhay ko.
I'm Zarianna Hailey Nixaliyah Ventrias, the girl who lives with an acute lymphocytic leukemia. A girl who just wants to be happy before I'll die.
****
Chapter 2 is updated! Hope you'll like it! Please vote and comment! Thank you Syammiers.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro