
08.04.2021
Umaasa pa rin na muling magkrus ang ating landas.
Kahit sana sa maingay na palengke,
O hindi kaya'y sa paradahan ng bus.
Sa mga lumang parke,
Sa tindahan ng mga libro,
O sa bilihan ng kape at mamon na hugis puso.
Batid ninoman na imposibleng mangyari.
Maski ikaw,
Lalo na ako.
Ngunit malay natin balang-araw,
Muli tayong magtagpo.
Kahit suntok sa buwan,
Para muli tayong masaktan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro