Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06.16.2022

Mabuti na lang.
Mabuti na lang at hindi sumasabog ang utak.
Hindi nasabog kapag puno na.
Puno ng isang baldeng hinanakit.

Mabuti na lang.
Mabuti na lang at hindi pumuputok ang puso.
Hindi naputok kapag umapaw na.
Umapaw ang balon ng sama ng loob.

Mabuti na lang!
Pero hindi mabuti ang lahat ng sobra.
Sobra-sobrang hinanakit.
Pakikiusap.
Pag-ibig.
Pagpapatawad.
Pagmamakaawa.

Kukulangin ng bigay sa sarili.
Kukulangin ng pang-unawa.
Pagmamahal.
Pag-intindi.
Kukulangin ng panahon.
Na unahin naman ang sarili.

Bukambibig na ito'y pagiging makasarili.
Mali—
Sila.
Sila ang makasarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro