Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06.16.2022

Kapag naabutan ng dilim sa daan,
Makatatanggap ng sermon na walang katapusan.
Parang nakagawa ng isang libong kasalanan.
Walang modo, at lapastangan.

Kahit.
Minsan lang naman gabihin sa daan.
Kahit.
Minsan lang tamaan ng sinag ng buwan.
Kahit.
Ang nais mo lang naman ay mawala.

Maraming pagwawala na kasi ang pinalipas.
Ang pagpapahinahon sa sarili'y sapilitan- labag sa kalooban.

Kaya, kahit sana panandalian lang.
Magbabakasakali.
Susubukan na hanapin muli.
Ang naligaw na kapayapaan ng puso't isipan.
Sa isang madilim na daan.
Sa dilim ng kawalan pero siguradong may matatagpuan- ang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro