Langgam May Kumakagat Kung Nasasaktan
Langgam may kumakagat kung nasasaktan
Kami'y kadalasay may payak na buhay
Pilit nilalabanan itong hagupit ng tag-ulan
Munti naming pagkatao'y kadalasa'y di natatanaw
Langgam may kumakagat kung nasasaktan
Ang pinakamapanirang bagyo'y ang pagyurak sa'min
Mga kapwa taong mapagmataas
Na ang akala yata sa'mi'y wala ng damdamin
Langgam may kumakagat kung nasasaktan
Ang dali nilang magbitaw ng pangungutya
Silang nabiyayaan nitong yamang materyal
Kung manghamak akala mo'y sila lang ang may karapatang huminga
Kaya inihanda ko na ang aking pangil
Uminum ng pinakamabangis na lason
Ikamatay ko ma'y ipapaunawa sa mga maniniil
Kung paano kumagat ang langgam sa tuwing kami'y sinasaktan
written: August 4, 2015@6:40 pm
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro