Chapter 3
Ah! My favorite day of the week: Saturday!
Kahit na nasa school ako ngayon, it didn't matter. Isa lang ang subject namin tuwing Saturday, tapos favorite subject ko pa! Hoorah! Hindi lang 'yon, nakaporma 'ko today. Nilubos ko talaga ngayon dahil masyadong naubos ang self-esteem ko kahapon.
Kung dati, gustong-gusto kong nagpupunta sa De La Soledad, ngayon, ayoko na. Na-realize kong overrated yung place. Hindi ako belong do'n. Masyadong high maintenance ang mga tao. Hindi peaceful. Buti pa rito, kahit may pagkaprobinsya, masarap ang simoy ng hangin.
I breathed in and exhaled happily.
Aahh. Nakaka-relaaax.
Buti na lang, hindi ako nag-aral do'n. Muntik na rin, a. Pero mas gusto nina Mommy na rito 'ko sa Tagaytay kung saan ako nag-high school. Since mag-isa lang akong nakatira sa bahay, si Manang Judith lang ang kasama ko. Ayaw nilang sa Manila ako. Marami raw tukso.
Where were my parents? They were divorced. Halos buong high school ko, inatupag nila ang pagdi-divorce. Hindi kasi pwede rito sa Pilipinas. Naayos lang nila dahil si Mommy, naging citizen na sa UK. Nasa England na siya ngayon, living with her boyfriend. Si Daddy naman, nasa Cebu with a new family. Gusto pa nga ni Daddy na ro'n ako tumira, e. Buti na lang napilit namin ni Mommy na 'wag. Besides, I sort of liked living alone. It gave me peace. Hindi katulad dati, puro sigawan ang naririnig ko sa bahay.
"Pero hunk talaga si Zeo sa personal?" biglang tanong si Cass.
Tumingin ako sa kanya. Ang ganda talaga nito. Hindi lang nag-aayos. Buti na lang nakita ni Ryan yung ganda niya. Ang ganda pa ng buhok, parang silk sa lambot. Pero mukhang mataray. Mas mataray siya, actually, kaysa sa 'kin.
I rolled my eyes at her question. "Oo. Nag-uumapaw ang hotness ng kumag na 'yon."
"Ayeee!" tili ni Kylee.
"Nakakalaglag-panty?" deretsong tanong ni Cass.
Pumikit ako. Oh my God. Kung alam n'yo lang. Pero hindi, e. Ayaw ko sa kanya. Unreachable siya. Hindi pwede. So I just shrugged.
"Share naman," Cass said, pouting. "Ang damot mo."
"May boyfriend ka na," I reminded her.
Ang morenong heartthrob ng school na si Ryan ang boyfriend niya. O, ha. Kaya hindi talaga dapat minamaliit ang mga kaibigan ko. Malakas din ang kamandag nila sa lalaki.
"Hindi naman ako naghahanap ng iba, e," sagot ni Cass. "Tinatanong ko lang kung totoo lahat ng sinasabi nila kay Zeo."
"Mayabang siya, Cass."
"Ikaw naman, Lana," Kylee said. "Isang beses pa lang naman kayong nag-uusap. Malay mo, 'di ba? Ayeee!"
Pepektusan ko na talaga si Kylee sa kaka-ayeee niya.
"Gusto mo lang 'atang si Oliver ang pag-usapan, e," pang-asar ni Cass.
I frowned. "Ayoko ro'n. Tinawag ba naman akong 'd'yan'? Kapal ng mukha. Akala mo kung sino."
"So, ayaw mo sa kanila?"
"Ayoko," mariin kong sinabi.
"Woo," sabi ni Kylee. "Samantalang kahapon, nagwi-wish kang sana, may guwapo kang maka-group. O, ayan na. Wish granted. Doble pa."
"Bad trip," bulong ko.
Totoo talaga yung sinasabi nilang 'Be careful what you wish for. Because you just might get it, and more.'
"Pwede ba?" I said. "Ang ganda-ganda ng araw, o! 'Wag naman nating sirain dahil sa dalawang ewan na 'yon."
"Taraaay."
"Bitch-mode Lana is on."
Hindi ko sila pinansin. Pumikit na lang ako.
A few minutes siguro ang lumipas nang may dumaang dalawang babae.
"Ang guwapo. Sino kaya 'yon?"
"Mukhang may hinihintay, e. Baka may girlfriend na."
"Ay, sayang naman. Ang ganda ng kotse niya, 'no? Halatang mayaman. Ang suwerte naman n'ong babae."
"'Di bale. Magbe-break din sila."
Dumilat ako. Ang harsh naman nila. Pwede namang mangarap na lang sila, a. Kailangan talagang nega mag-isip? Inggit lang sila ro'n sa girl, e. Mga inggitera.
Nang makita nila ako, sabay silang ngumiti.
"Hi, Lana!"
Gusto ko silang irapan, kaya lang VP ako, e, kaya I still had to set a good example, so I smiled na rin kahit ayaw ko.
"Hi!" bati ko sa kanila.
Kumaway sila at umalis. Sa wakas.
"Ang plastik mo, girl."
Tumawa si Kylee. "Oo nga. Pero kapag kami, damang-dama namin ang pagtataray mo."
"Dapat ganyan ka rin kina Zeo at Oliver, e," sabi ni Cass.
"Oo nga," Kylee agreed. "Baka kinakaya-kaya ka nila kasi tingin nila, hindi ka papatol."
Tama sila. Naisip ko na rin 'yan. Thankful ako sa tough high school life ko. Dahil sa mga nam-bully sa 'kin no'n, natuto akong lumaban at mambara. Natutunan din nila akong respetuhin simula no'ng lumaban ako sa kanila. Ngayon, friends na kami.
Naglakad kami palabas ng gate dahil tapos na kaming tumambay sa school. Marami nang taong nakakalat sa gate. Uwian na kasi, e. As usual, maraming bumabati sa 'kin. Binati ko rin sila.
"Hindi ka ba makikipagkita kay Ryan, Cass?" tanong ni Kylee.
"Hindi e. May klase pa kasi siya," malungkot na sinabi ni Cass, pero agad nawala ang bakas ng lungkot sa mukha niya pagtingin niya sa malayo.
Sinundan namin ni Kylee ang tingin niya. Lumaki ang mga mata ko. Ang ganda ng kotse! Heto siguro yung sinasabi n'ong dalawang babae kanina. 2011 Dodge Challenger with blue paint and white stripes sa gitna. Hinding-hindi ako magkakamali kasi madalas akong manood ng street races noong kami pa ni Calvin. Hindi naman racer si Calvin. Malakas lang siyang pumusta sa mga gano'n.
At madalas akong makakita ng ganyan mismong kotse ro'n. Paminsan-minsan lang siya sumasali, pero parating nananalo 'yon sa race.
It . . . it couldn't possibly be the same car, could it?
My eyes wandered to the owner of the car. Nakasandal siya sa pintuan sa may passenger side. Lalong lumaki ang mga mata ko.
Oliver?!
Nang makita niya ako, he straightened up. He uncrossed his arms, and it looked as if he was waiting for me to come over to him.
Rule #3: Never assume. Sabihin na n'yang manhid ka, pero mas nakakahiya pa rin kung mag-a-assume ka tapos mali pala. That's the problem with guys. Gusto nilang ma-gets mo agad without saying anything or doing their part. Unfair, 'di ba? So make him SAY it. Kapag na-frustrate ka na, tanungin mo na lang siya nang pabiro. Kapag 'di siya umamin, e di, hindi.
Hindi ko siya nilapitan. Kung ako talaga ang ipinunta niya rito, siya ang lalapit. So patuloy kami sa paglalakad—actually, hinihila ko sina Kylee at Cass paalis. I briefly glanced at Oliver and saw him sigh . . . in exasperation, maybe?
"Ayeee!" tili ni Kylee. "Tumitingin siya rito!"
"Oo nga! Pero bakit . . ." Lumingon si Cass sa 'kin nang dahan-dahan. Lumaki bigla ang mga mata niya sa pagkakaintindi. "Siya si Oliver?!"
Pumikit ako sa kahihiyan.
"Damn it, Cass."
Pagdilat ko, nakita kong tumaas ang kilay ni Oliver sa 'min. Fudge. Narinig niya.
"Oh my. . . . Siya si. . . ." Ngumiti nang nang-aasar si Kylee. Alam ko na'ng susunod nito. Oh my God. Please, no. "Ayeee!"
Yumuko ako. I covered my face with my hands. Anak ng gulay.
"Hey."
I removed my hands from my face and looked up to see Oliver right in front of me. I realized that he was paler compared to Zeo. Para ngang mas maputi pa sa 'kin, e. And his eyes were almost black, contrasting with his white skin. His black hair was a bit long, enough for it to be swept to the side. It added more edge to his broody look.
Naka-blue shirt siya at naka-leather jacket. Mukha na sana siyang bad boy, kaso gentle yung mukha niya, e. He still looked good, though.
"What?" tanong ko. Bakit ba siya nandito?
"I'm here to pick you up for the you-know-what."
Pasimple siyang tumingin sa paligid. Napatingin na rin ako. Ang daming nanonood sa 'min. Ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya. Halatang hindi siya komportable sa atensiyon. Nahihiya yata 'tong makitang nakikipag-usap sa 'kin.
"No, thank you," sagot ko, suot ang fake smile. "Sabihin mo na lang sa 'kin ang time and place. Susunod na lang ako kung nasa'n kayo."
Tinitigan niya 'ko. "Why are you being stubborn?"
"Am I?"
"Oo."
Hallelujah! Nag-Tagalog din!
"Hindi ko naman kasi alam kung saan tayo pupunta. Am I dressed for the occasion ba or should I change? Bigla ka na lang kayang nagpunta rito nang walang pasabi."
"Ang dami mong sinabi," bulong niya sa sarili. "Okay na 'yang suot mo. Tara na."
Nakakabanas na 'tong lalaking 'to, a. Makakatikim 'to sa 'kin, e. Malaking pasalamat niya at maganda ang kotse niya at cute siya.
"'Di mo pa kami ipinakikilala," bulong ni Cass sa 'kin.
Ay, oo nga pala. "Oliver, mga kaibigan ko, Cass and Kylee." Itinuro ko sila. Kumaway sila kay Oliver. "Cass, Kylee, si Oliver."
Tumango si Oliver at ngumiti in a polite way, hindi labas yung ngipin.
"Sige, una na kami," paalam niya sa mga kaibigan ko.
"Ayeee! Okay!" sabi ni Kylee, todo ngiti.
"Ingatan mo 'yan, a," sabi naman ni Cass.
What the hell, Cass? Binigyan ko siya ng masamang tingin, pero hindi siya natinag. Nginitian niya lang ako. Ang tibay talaga nito.
"Bye," sabi ko sa kanila.
Sinundan ko si Oliver sa sasakyan niya. Nagulat ako nang pagbuksan niya 'ko ng pinto. Huh. May manners din naman pala siya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makaalis na kami sa Liberty.
Tahimik lang siyang nagmaneho. To be honest, na-impress ako sa taste niya sa music. Nakikinig din pala siya sa Imagine Dragons.
"MOA," maikling sagot niya.
Ah, malapit-lapit lang 'yon. One and a half hour away lang 'yon if we were gonna take Cavitex, at kung mabilis siyang mag-drive. Kaso alam ba niya yung shortcut na 'yon?
"Saan ka dumaan papuntang Liberty?"
"Cavitex, then Amadeo."
I was slightly confused. "Paano mo nalaman yung daang 'yon e hindi ka naman taga-rito?"
"GPS."
Grabe. Ang tipid n'yang sumagot. Mukhang hindi naman siya bored, hindi rin galit. Sadyang tahimik lang talaga. Mababaliw ako 'pag ganito ang kaibigan ko.
Hinayaan ko na siyang mag-drive. Nakinig na lang ako sa music at sumabay sa mahinang pagkanta ng lyrics.
"It's where my demons hide, it's where my demons hide . . ."
I even drummed my fingers on my lap, going with the beat.
"Alam mo yung Imagine Dragons?"
Napatingin ako sa kanya sa bigla n'yang pagsasalita. Traffic kaya nakatingin siya sa 'kin. Nakatingin siya sa 'kin na para bang first time niya 'kong makita.
Tumango ako. "Oo. Underrated sila, 'no?"
"Yeah," sabi niya. Akala ko tapos na, nang biglang dagdag niya, "Ano'ng favorite mong kanta nila?"
Okay, we were having a normal conversation like normal people who just met. This was a good sign, right?
"Marami e," mahinang sagot ko habang nag-iisip. "Hmm. Mga nangingibabaw yung Radioactive, America, at Demons. Pero gustong-gusto ko talaga yung It's Time. Maganda rin kasi yung meaning pati yung beat."
"Oo nga. Maganda yung It's Time."
As if on cue, biglang tumugtog yung It's Time. Nagkatinginan kami at sabay kaming tumawa. Umandar na yung sasakyan sa harapan namin kaya nag-drive na ulit si Oliver, pero nakangiti pa rin siya. In fairness, ang ganda ng ngiti niya, a.
No'ng nag-chorus na yung kanta, nahuli ko siyang sumasabay sa lyrics. Walang sounds pero nagmu-move yung lips niya. Tapos yung mga daliri niya, gumagalaw sa manibela sabay ro'n sa beat ng music.
"Ano pa'ng mga pinakikinggan mo?" Ayokong sirain yung moment niya kaso curious talaga 'ko e. "Any genres?"
"Acoustic, RnB, slow rock, classic rock . . . yung mga chill lang."
Tumaas ang kilay ko. "Chill ang classic rock?"
He chuckled. "Well, not really. Pero it sounds smooth to me. Ikaw ba?"
"Hmm. Eclectic ako, so anything goes."
He nodded. "So you probably know YouTube Narnia."
I gasped, my eyes widening. "Alam mo yung YouTube Narnia?"
"Oo naman. Napapadpad na lang ako bigla ro'n."
Napatawa ako. "Ako rin. Kapag nag-out ka, ang hirap nang makabalik."
"Hindi mo binu-bookmark?"
"Nope. Wala nang thrill kapag may susi ka papunta ro'n."
Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pag-drive. Napatingin ako kung nasaan na kami. Malapit na kami sa toll gate sa papasok ng Cavitex. Naalala ko yung Largo Avenue kung saan parating may street racing. At naalala ko 'tong sasakyan niya.
"Madalas ka ba sa Largo Ave?" I asked.
"Medyo."
"Sa gabi?"
Tumingin siya sa 'kin. Nakapila na kami sa toll gate. Umandar yung sasakyan sa harapan namin. Inalis niya ang tingin niya sa 'kin at pinaandar ang sasakyan. No'ng nakalagpas na kami sa toll gate, saka lang siya nagsalita ulit.
"Double O Seven?"
Holy shiz. Siya nga. Heto nga yung sasakyang nakikita ko ro'n. Oh my God. Nasa loob ako ng sasakyan . . . napatingin ako sa loob ng kotse niya. Ang linis. Hindi mo aakalaing may pagka-legendary 'to sa street racing.
"Double O Seven," I confirmed.
After hearing that, he nodded in understanding.
'Double O Seven' yung code word para sa street racing sa Largo Avenue. Illegal pa rin naman kasi 'yon kaya may nag-imbento ng word para kapag pinag-uusapan, medyo safe.
"Ang cool," I couldn't help but say. "Ikaw si Blue Blur?"
He smiled. "'Di ba, si Sonic the Hedgehog 'yon?"
"Psh. You know what I mean."
"Yeah, I do," pag-amin niya. "And I gotta be honest, I didn't peg you as someone na nanonood ng Double O Seven."
I bit my lip. Sasabihin ko ba? Oh, well. Wala namang mawawala sa 'kin 'pag sinabi ko. Hindi naman na big deal 'yon.
"Yung ex-boyfriend ko, dinadala 'ko ro'n no'ng kami pa," I admitted. "Plus, I'm a huge fan of the Fast and Furious series. Kaya ayos lang sa 'kin. Ang astig nga, e."
"Hindi naman ako parating sumasali, a," sabi niya.
"Kahit na. Kilala ka pa rin do'n."
Hindi siya nagsalita. Tiningnan ko siya. Parang may pinag-iisipan. Inilipat ko ang tingin ko sa bintana. Pinanood kong lumagpas kami sa kung saan-saan. Hanggang sa nasa may Coastal Mall na kami. Ang traffic talaga rito, lalo na't ginawa nang terminal 'to.
Habang naghihintay kami sa green light, nagsalita siya.
"May Double O Seven mamayang gabi, pupunta 'ko."
I waited for him to continue.
"Gusto mong sumama?"
Napalingon ako sa kanya. Seryoso ba siya? At nakita kong seryoso nga siya. Hala. Papayag ba 'ko? I barely knew him. Then again, hindi ba 'to yung whole point ng ginagawa namin? Getting to know each other and whatnot?
"Uh, sure." I shrugged.
Wala naman akong gagawin mamayang gabi, e. Ite-text ko na lang si Manang Judith na huwag akong hintayin sa pag-uwi ko. Buti na lang, nakaporma ako ngayon. Pwede na 'to hanggang mamaya.
"Wait, sigurado ka bang isasama mo 'ko?"
"Yeah, why not?"
"O—okay."
"Ayaw mo ba?"
Bigla ko lang kasi naisip na baka nando'n si Calvin. Parati pa naman 'yong nando'n sa mga gano'n. Ayokong makita ang pagmumukha niya, sa totoo lang. Pero kasama ko naman si Oliver, e. Wala naman sigurong mangyayaring masama.
"Pumayag na nga 'ko, 'di ba?" pabiro kong sinabi.
Ngumiti lang siya. Nag-green light na sa wakas at umandar na rin ang sasakyan. In no time, nasa MOA na kami. He parked the car, and we walked together close to the bay side. Sinundan ko lang siya, tinitingnan kung saan kami pupunta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro