Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Naliligaw yata ako.

Oh, no. I was already late.

Well, may five minutes pa naman. Pero kahit na, nakakahiya pa rin.

Habang naglalakad ako sa corridor na malapit sa quadrangle, I looked around and couldn't help but admire this place. Ang ganda talaga rito sa De La Soledad University. Ang dami pang guwapo. 'Yong tipong guwapo talaga, unlike 'yong 'guwapo' sa Tagaytay. May difference 'yon, a.

I picked up my pace, almost bumping into someone. Ito yung moment na parati kong nababasa sa novels at napapanood sa movies at sa mga TV series. 'Yong you'd bump into a cute dude, tapos he'd smile at you, and you'd smile back. He'd ask for your number, and then boom! May potential boyfriend ka na.

True to its tale, ang cute n'ong nakabunggo ko. Medyo matangkad, may pagka-buff nang kaunti, maputi, tapos chinito. May pagka-broody rin ang itsura niya. Type ko . . . nang kaunti.

"Sorry!" I said.

He nodded and walked past me. Walang ngiti-ngiti. Taray ni kuya.

I sighed. Okay, pakapalan na ng mukha. I was lost and I needed help. So, I cleared my throat and loudly said, "Excuse me!" I smiled no'ng lumingon siya. "Pakituro naman yung Aguinaldo Hall, o. Please, late na kasi ako."

"Kanan ka lang d'yan, tapos dere-deretsuhin mo," he answered, pointing to the corner, without showing any expression at all. "You'll see it right away."

Nilingon ko ang tinuturo niya. "Okay, thanks!"

"No problem." He shrugged and then walked away.

Habang nagmamadali sa paglalakad, I couldn't stop thinking about the chinito guy. Alam kong hindi ako sobrang kagandahan, pero kahit papaano naman, may mga napapalingon din ako. Kaya medyo unsettled ako na hindi man lang siya natinag ng beauty ko.

The big, glamorous building that came into view removed all my insecurities about how I looked. I just stared at what was in front of me. It looked cool. Ito na siguro yung Aguinaldo Hall. Ang astig!

"Lana Lopez?"

I looked at the person who called my name. She seemed like she was about my age, but with a kinder expression. Yeah, mukha kasi akong bitch, e, kahit hindi naman. At least, not most of the time.

"Yes po?" sagot ko, smiling all the same.

"Hi! I'm Bea." She pulled out her hand for a shake, which I accepted. It was quick and firm, indicating na she was taught well for these kinds of things. "I was asked to usher you inside. You're from Liberty University−Tagaytay Campus, right?"

"Ah, yeah. Um, late na ba 'ko?" tanong ko, kinakabahan din nang kaunti habang naglalakad kami.

"Not really." She laughed. "Sa totoo lang, may mga kulang pa."

I nodded. Sinundan ko siya sa escalator. Sabi sa 'kin ng prof ko, may unwritten rule daw sa De La Soledad na the students should always keep right. Napansin ko 'yon kay Bea nang pumunta agad siya sa right side habang nasa escalator siya. Papantayan ko sana siya, but then I remembered the rule, so I followed it na lang.

No'ng nakarating na kami sa third floor, she faced me.

"We're here," she said in a singsong voice sabay turo sa pintuan that led to the conference room.

Napahawak agad ako sa buhok ko. I quickly combed it with my fingers para man lang kahit papaano, mukha akong presentable. Pagpasok namin, na-feel ko na naman ang kaba ko.

Ang daming tao!

Bawat isa sa 'min, galing sa isang university. Siyempre, may mga university na iba-ibang branch, pero kahit na.

Sa three thousand students sa university namin, ako ang pinili to be the representative for this psychological research na ginagawa ng De La Soledad University. Feeling ko tuloy, umaapaw ang kawirduhan ko kaya pinili ako ng school namin for this. Pero ang totoo n'yan, Vice President of Internal Affairs kasi ako ng student council. And since halos wala akong ginagawa dahil mas masipag yung isang VP sa school activities kaya parati siyang kinakausap ng President, ako yung v-in-olunteer dito.

No complaints, though. May excuse letters ako for the subjects that I didn't get to attend today. Plus, nakapunta ako rito sa De La Soledad kung saan umuulan ng mga guwapo. Bwahaha!

"Hey, Lana."

Tumingin ako kay Bea.

"I'll join you with the other Liberty U representatives, okay?"

"Sure."

She led me to a table filled with students. One of them instantly looked familiar. Lumaki ang mga mata ko habang papalapit kami ni Bea sa table. I smiled. She introduced me to everyone at nakita kong lumaki rin ang mga mata ng kakilala ko.

"Lana!"

I smiled wider.

"Jordan," I greeted.

Nagulat si Bea pero tumango lang. "See you guys later, then. Good luck!" With that, she left. Nagkatinginan kaming lahat sa table.

Tumayo agad si Jordan at niyakap ako. "'Musta na? Gumaganda ka lalo, a."

Napatawa ako. Parang hindi siya makapaniwala. Well, two years na kaming hindi nagkita. The last time was when the student council invited its fellow leaders from other branches of Liberty during a school event. Sa Laguna Campus si Jordan. Chairperson pa lang ako noon, so ako ang nautusang mag-entertain sa kanya. Naging friends kami.

Sa loob ng dalawang taon na 'yon, natuto akong mag-ayos ng sarili ko. Sabi nila, may natural beauty na raw ako na na-enhance ko pa lalo sa pag-aayos ko. Gumanda at humaba ang buhok ko, at pumuti ako. Nagkaroon pa lalo ako ng confidence sa sarili ko ever since.

"Nagpa-Belo ka, 'no?" He laughed out loud.

"Kapal mo, a. Inner beauty ko 'yan," biro ko.

Mas lalo pa siyang tumawa.

"Tumangkad ka," I commented while looking at his lanky figure. Hindi guwapo si Jordan pero may itsura na siya kahit papaano. Payat siya at palangiti. At saka likable din. Kaya nga student leader, e.

Napakamot siya ng batok niya. "Talaga?" Para siyang nahihiya nang tumingin sa akin.

Uh-oh. I knew that look.

Hindi naman sa assuming ako, malakas lang talaga ang radar ko sa mga ganyan. Sa dinami-rami ng mga nanligaw sa 'king playboy, naging predictable na ang mga lalaki for me. Not to mention, ang dami ko ring pinsang mga gano'n.

To divert his attention, ngumuso ako sa table.

"Mukha tayong eng-eng. Upo na tayo," yaya ko.

He nodded and followed me. Umupo siya sa upuan niya kanina at umupo naman ako sa harapan niya. Nakipagkilala sa akin yung mga nasa table na co-Libertians ko. Merong taga-Manila Campus. Meron ding sa Batangas Campus pa galing.

Friendly naman akong nakipag-usap hanggang sa tumahimik yung conference room. Biglang nagbulungan yung mga tao. Siyempre, napalingon kami kung bakit. Suddenly, the girl beside me gasped.

"Oh em gee!"

Sinundan namin ang tingin niya sa may pintuan. May kapapasok lang na lalaki, kinakausap ng mga operator. Parang pinipilit nilang suyuin siya or something, which was odd.

The first thing that came to my mind was: ang pogi niya.

Ang tangkad niya, mestizo pa! Halatang defined ang muscles niya from his green T-shirt. Kahit from afar, kitang-kita ko na yung jawline niya. Wow. Ang cool n'yang tingnan. Noong tumawa siya, may nahuli akong dimples.

Sino siya?

Mukhang magkasintanda lang naman kami pero hindi ako sure. Napatingin ako sa paligid at nakitang ang daming sumusulyap sa kanya habang nagbubulungan.

I frowned. Ang OA naman makapag-react ng mga tao rito. Sino ba 'yan?

"Ang cute niya sa personal!" the girl from Batangas said with a giggle.

"May picture akong kasama siya no'ng championship last year," the girl from the Manila Campus boasted.

Championship? Hmm. Basketball championship ba ang ibig n'yang sabihin?

"Iba talaga ang dating ni Zeo Alcante sa mga babae, 'tol," patawang bulong ng lalaking taga-Makati kay Jordan. "Buti na lang, magaling siyang mag-basketball, 'di lang siya puro mukha!"

My jaw dropped. Slowly, I returned my eyes do'n sa sobrang guwapong nilalang who caught almost everyone's attention.

Zeo Alcante? Siya si Zeo Alcante?

Huh. Ngayon, alam ko na kung bakit kinababaliwan siya ng mga kaibigan ko sa school. Wala 'kong idea sa itsura niya kasi hindi naman ako nanonood ng UAAP. Ni hindi nga ako lumalabas ng kuwarto ko, e. Puro books and movies and TV series lang ang inaatupag ko. Kapag hindi 'yon ang ginagawa ko, nasa labas ako with friends. Drive-drive lang sa Tagaytay, minsan nagba-bar na rin do'n.

Hindi ko naman siya ginu-Google kasi hindi ako interesadong malaman ang itsura niya, pero I had heard of his name many times before. Medyo sikat siya sa college students across Luzon. Magaling daw mag-basketball, tapos star player pa ng De La Soledad University.

Long story short, maraming nagkakagusto sa kanya.

And I refused to be one of them. Ayoko nga. Sayang lang ang panahon ko sa mga unreachable na tulad niya. No, thanks.


Rule #1: Define his status. There are two kinds of guys: one is unreachable (out of your league), and the other is reachable (kaya pang pantayan kahit papaano). Alamin mo kung nasaang category yung gusto mong guy. Kapag nasa unreachable siya, stop fussing over him. Kalimutan mo na. Hanggang pangarap na lang 'yan, girl. Pero kapag nasa reachable siya, malaki pa ang pag-asa mo.


Sinimulan na yung program (thank goodness). Ang simple lang pala. We just had to answer some sort of exam with very strange questions na pang-psychological talaga. Mahigit two hours din kaming nagsasagot. Gutom na gutom na 'ko. Buti na lang, natapos na.

They told us na they would e-mail us for the results by the end of the month. Matagal-tagal pa 'yon pero ayos lang. May pipiliin daw sila, and those na mapipili nila would continue with the project for another month. After that, tapos na talaga.

Hindi nila binanggit nang deretsahan pero parang magbabayad sila ro'n sa mga mapipili. Torn ako kasi baka kung ano'ng gawin nila ro'n sa mga mapipili nila, pero at the same time, gusto ko rin for the money. Duh. Pera din 'yon! Kahit na may fifteen thousand Pesos allowance ako every month, mas masaya kung makakaipon pa 'ko, 'no? Matatanggap kaya ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro