ONE SHOT
Nasa byahe kami ngayon papuntang prbinsya dahil namatay ang Lola ko. Isipin niyo isang dalagang taga syudad pupuntang probinsya. Nakakabaliw diba?
Sa totoo lang ayoko namang sumama eh, si mama lang talaga ang mapilit sa pagkakaalam ko nga ay wala daw masyadong signal doon. So ano ang gagawin ko doon? Tutunganga?
"Nandito na tayo, Issey ayusin mo nan ang mga gamit mo," Si mama iyon.
Umirap muna ako bago inayos ang bag na dala ko. Maleta sana ang dadalhin ko pero hindi pumayag si mama.
"Mabuti at nakarating kayo Amelia." Sambit ng tita ko na sumalubong sa amin pagkababa sa Van.
"Syempre naman ate, kahit naman ampon lang ako ni Ina ay hindi niya naman ako pinabayaan noon." Tugon ni Mama
Oo, hindi tunay na anak ni Lola si mama pero mahal na mahal siya nito.
"Ito naba si Issey? Ay kay gandang dalaga naman itong anak mo Amelia," pagpuri niya sa akin.
"Oo naman tiya nagmana ako kay Mama eh," sabad ko kaya napatawa sila.
"Hala sige pumasok na tayo sa loob, nandun din ang mga iba pa nating kapamilya." Saad ni tita at nagpatiuna sa paglakad papasok.
Nang makapasok na kami sa loob ay inilabas ko ang aking salamin at suklay. Akmang magsusuklay na ako ng may pumigil sa kamay ko.
"Bawal magsuklay sa burol ineng," saad nito.
"Seryoso? Aayusin ko lang naman ang buhok ko."
"Bawal din ang gumamit ng espiyo hija," dugtong pa nito.
"And bakit na naman?" May bahid ng inis na tanong ko.
"Pamahiin," sagot ng kung sino sa likod ko.
Nilingon ko ito. "Eh ano naman ang pakialam ko sa pamahiin na yan?"
"Mas mabuti pang sumunod kaysa magsisi sa huli." Sagot nito at umalis.
Padabog ko namang pinasok sa sling bag ko ang salamin at suklay ko. Atsaka lumapit kay Mom.
"Ma? Hanggang kailan po tayo dito?"
"Hanggang sa malibing ang lola mo," sagot nito.
"Ano? Ma naman walang signal dito. Paano ako magkakaroon ng komunikasyon sa mga kaibigan ko?" Pagmamaktol ko.
"Hindi ka mamamatay sa isang linggong walang signal Issey." Sagot ni Mom at tinalikuran ako.
Lumabas nalang ako ng bahay at tumungo sa mini kubo sa likod. Pagkarating ko doon ay marami akong nakitang tuyong dahon at iilang basura sa paligid. May nakita akong walis tingting at daspan kaya kinuha ko ang mga ito.
Nag umpisa na akong walisin ang mga tuyong dahon at iba pang basura.
"Alam mo bang bawal magwalis kapag may lamay?" Saad ng pinsan ko.
"At bakit na naman? Pamahiin na naman?"
Tumango ito.
"Naniniwala ka rin sa mga ganun? Insan nasa taong 2022 na tayo tapos naniniwala ka parin sa mga ganyan?"
"Walang masama kung maniniwala Issey." Suhestiyon niya at umalis.
Pabarag ko namang binitawan ang walis tingting at daspan.
"Puro nalang bawal pest*ng lamay to." Sambit ko at inilabas ang cellphone ko na mas lalong nagpadagdag sa inis ko. "Bakit ba kasi walang signal sa lugar na ito, kakaasar!!!!!" Nanggigil ako habang hawak ang cellphone ko.
Panay mura ako habang naglalakad papasok sa bahay.
"Oh saan ka galing?" Tanong ni Mama.
"Sa likod ng bahay." Tugon ko at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko. "Isang linggong parang impyerno, walang signal at ang dami pang bawal."
"Aalis na kayo?" Rinig kong tanong ng kung sino sa labas.
"Oo tiya may klase pa kasi bukas," sagot naman nung isa.
"Oh siya magpagpag muna kayo bago kayo umuwi hah, O hindi kaya ay mag tuob kayo nang hindi kayo sundan ng kaluluwa ng Lola niyo," saad ni lola Miranda. Siya pala ang kausap ng kung sino sa labas ng kwarto ko.
Pagpag? Ano na naman iyon? Ang daki talagang alam na kung anu-ano ang mga taga rito.
"Opo tiya salamat po, kayo rin po huwag kayong matulog lahat ha, baka bumagon si Inay at sukatin kayo habang natutulog baka hindi na kayo magising bukas," sagot sabay paalala ng kung sino.
"Alam ko na iyon Ester huwag kang mag alala, magsasalitan naman kami sa pagpupuyat nila Amelia eh, Oh siya sige na mag ingat kayo at gumagabi na," rinig kong utos niya kanila tita Ester.
Susukatin? Ano si Lola mananahi? Nakakatakot talaga ng mga taga Probinsiya tsk.
Nagpasya akong lumabas ng kwarto ko upang makausap si Lola Miranda. "La? Ano po ang pagpag?" Agarang tanong ko.
"Ito ay isa sa pamahiin ng mga matatanda sa Probinsya nating ito Hija," sagot niya sa akin.
"Para saan? At bakit kayo naniniwala sa mga ganyan?"
"Ang sabi ng mga matatanda ay pumunta muna kayo sa kahit anong lugar bago kayo umuwi o hindi kaya ay magtuob kayo sa inyong mga tahanan upang hindi kayo sundan ng kaluluwa ng namatay," mahabang paliwanag niya.
"Tuob?" Taka kong tanong.
"Istem ang tawag niyon sa englis, pwede kayong gumamit ng insenso o hindi kaya ay mga damo mula sa lugar kung nasaan ang lamay." Saad niya at sinuklay ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri niya.
"Totoo po ba iyan? Na kapag nakatulugan niyo ang bangkay ni Lola is susukatin niya kayo at hindi na magigising bukas?" Pagtatanong ko na naman.
"Noon hija hindi ako naniniwala sa ganyan, pero ako mismo ay nakasaksi ng pangyayaring iyon sa Lolo mo na Ama ng Lola mo. Nakatulugan kasi nilang lahat ang bangkay at kahit isa ay walang bantay. Nagkataon naman na gising ako pero hindi ako umimik at nagtago sa sulok, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano bumangon ang Lolo mula sa kanyang kabaong. Naghanap pa ito ng isang rolyo ng sinulid, mananahi kasi ang Lolo at isa isa niyang sinukat ang mga taong natutulog at isinilid niya ito sa kanyang bibig bago bumalik sa kabaong. Kinabukasan ay hindi nga nagising ang mga taong nakatulog." Pagkwekwento ni Lola Miranda.
Ayaw ko mang maniwala pero kinilabutan ako. What if totoo ang mga pamahiin? What if hindi sila mga Kathang Isip lamang?.
"Kaya ikaw huwag mong susuwayin ang mga pamahiin," saad ni Lola.
Pasimple naman akong tumango. "Lola sasama ako mamaya sa magpupuyat ha, ayoko matulog nakakatakot." Sambit ko kaya natawa siya.
#WattadAThonChallenge2022
#WattpadOctoberEntry
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro