Epilogue
Sha Pov
Napatingin naman ako sa labas nang mansyon ilang taon din akong nawala rito dahil nga umalis ako para mamuhay nang normal heto ako ngayun nakatunganga sa veranda habang nakatulala sa langit nihindi kasi pumunta rito si Clyde mula pa nang kahapon tinawagan ko naman sya may ginagawa,Ang sakit talaga nung ganun no tas yung mga messages ko seen lang na mas kinadudurog nang puso ko imagine birthday ko ngayun pero wala syang time sakin para kaming walang pinagsamahan masakit sa dibdib na ganun pero wala akong magagawa kapag talaga nagmahal ka dalawa lang ang pwedeng mangyari manalo at matalo mukhang wala naman ding pake sakin si Cylde nagpahanda pa nga nang birthday party si Mom kaya di na ako makatanggi saka may binili narin silang damit sakin na kinangiwi ko para akong bumalik sa Debut ko sabi ko simple lang sana pero ayan ang gusto nila Mom minsan na nga lang daw kaya bonggahan na yung nararamdaman ko talaga ngayung kaarawan ko ay labis na kalungkotan at pananabik Nasaan na kaya si Cylde ni hindi sya nakabisita sakin dito Tatlong araw na akong nandito sa mansyon pero wala paring Cylde na dumadalaw sakin.
Napabuntong hininga nalang ako saka umupo sa veranda ang presko sa pakiramdam nang hangin na dumadampi sa katawan ko napakasarap sa pakiramdam.Kung sana lang dito si Clyde buo na ang birthday ko pero wala kasi busy na ang lahat sa paghahanda nang hapunan nilagay nila kasi dun ang schedule nakahanda naman ang dekorasyon ngunit yung mga pagkain di pa naluluto yung iba noon bigla kung naalala ang ginagawa namin tuwing birthday ko nila mom at dad bumili kami nang Streetfood saka yun nalang ang handa ko yun kasi ang paborito ko saka ang hiling ko ayaw na ayaw ko kasi yung gumastos nang malaki mabubuhay at tataas din naman ang edad ko kahit walang handa.
Napatayu nalang ako saka kinuha ang cellphone ko gusto ko sanang tawagan si Clyde para naman malaman ko kung nasaan sya pero panigurado busy nanaman yun mamaya kabisado ko na lahat nang dahilan nya ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano bang kinaaabalahan nya?Nakaleave muna kami sa Company tapos ano naman kaya ginagawa nun?
"Hello, Cylde nasan ka?"tanong ko sa kabilang linya rinig na rinig ko naman ang ingay nang mga sasakyan ss paligid.Lumabas sya?ang ingay nang paligid saan ba nakikita ang sasakyan Diba sa Kalsada baka may binili lang to o ginagawa doon pero sadyang nakakapagtaka talaga si Cylde nang nagdaang araw nagiging makakalimutin na kasabi ko lang na birthday ko ngayun pero mamaya kumg tatanongin ko makakalimutan agad naku kaya nga pinabayaan ko nalang sya.
"Nasa daan kasi ako sha saka may gagawin pa akong trabaho"sabi nya kaya napalunok nalang ako nang laway gusto kung ipaalala na birthday ko pero di naman sya intresado na kausapin ako.
"Sige Magii–"napatigil naman ako nang marinig ang malakas na pagkalabog sa kabilang linya naku nasa daan pa namn si Clyde baka ano nang nangyayari sakanya doon.Anong gagawin ko?
"Cylde jan ka pa ba?Wag kang ganyan sagot ka!Pinapakabahan mo na ako,Wala lang ganitohan sumagot ka!"sigaw ko sa kabilang linya hindi ako galit nagaalala lang ako yung tunog kasi na narinig ko kanina parang may nagkabangga or may nabanga ang isang sasakyan.Ilang minuto pa ang lumipas ay di parin nakasagot si Clyde na makinakaba ko baka ano nang nangyari kay Cylde kailangan may gawin ako pero ano pano?Napatulo nalang ang luha ko saka agad akong tumakbo pababa nang mansion pero di ko parin pinutol ang tawag umaasa ako na may sumagot at ayos lang si Cylde hindi ko man alam kung saan ako pupunta pero patuloy lang ako sa pagtahak nang daan palabas nang biglang may humawak nang kamay ko kaya napaupo nalanh ako sa lupa dahil sa tqkot at kaba naghalo halo na ang emosyon ko.Si Mom pala ang humawak sa kamay ko nakita nya siguro ako na lalabas alam kung di talaga nila ako papaalisin kaya napahagulgul nalang ako saka nagpupumiglas para puntahan saan man si Clyde hindi pwede hindi ko kayang mawala sakin si Cylde hinding hindi mas gugustohin kong mawala narin ako dahil mawawala na ang buhay ko.Sya nalang yung gusto ko hindi sya pwedeng mamatay.Napahagulgul nalang ako habang patuloy parin ang pagluha ang saya saya naman nang kaarawan kong to hindi ko man alam kung ano talaga ang nangyayari sa kabilang linya pero natatakot ako baka si Clyde nayun lalo na hindi na sya sumagot pagkatapos nang nangyari sa time nayun di pwedeng mangyari yun Sana lang ligtas ka kung saan ka man ngayun Cylde saka Mahal ko sya natural boyfriend kuna kasi sya ilang taon na ang lumipas nang manyari ang mga nangyari noon pero malinaw pa sa alaala ko ang nangyari bago pa maging kami ni Clyde marami pangpagsubok ang hinarap namin nagsimula lang kami sa pagiging magkatrabaho tapos magkasamang lumutas sa isang paranormal activity walang iba kundi si Dre tapos ngayun ito na kami.
Parang dinurog ang puso ko sa mga nangyari ngayun buti nga wala pa ang busita nila Mom at dad kung dito malamang Center of attraction talaga kami.Pagkatapos naman nang pagkikita namin ni Rayner noon kung saan pinagtapat nya ang katutuhanan hindi na namin sila nakita pa sa Company silang dalawa ni Samantha di narin nagparamdam.
Yung tanging inaalala ko lang ngayun ay si Cylde baka ano na ang nangyari sakanya tanong nang tanong ang mga taong nagaayos nang decorations kanina saka si mom kung ano daw ang nangyari pero hindi ko lang sila sinagot bagkos napahagulgul nalang ako hindi kuna talaga alam kung ano ang gagawin ko hindi pwede kung sakaling mawawala si Cylde hindi ko kakayanin.
Dahil sa subrang kalungkotan bigla namab akong nakaramdam nang antok parang nawala ang lahat nang mga lakas ko nang mga oras na ito Si Clyde ang lakas ko at ang kahinaan ko sya lang talaga.unti unti naman akong napapikit nalang nakakapagod ang araw nato kailangan ko nang lakas para mahanap si Clyde pero pano ako makakakuha nang kalakas kung alam kung may possibilidad na nasa panganib si Clyde.Dahil sa subrang kalungkotan napapikit naman ako habang patuloy na nasa bisig ni mom na sigurado akong mad matataranta.
Nakita ko nalang ang sarili ko sa isang hardin na punong puno nang bulaklak napatingin tingin naman ako kung may kasama ako rito hindi naman ako nagkamali meron nga akong kasama dito nakatalikod sya sakin kaya di ko masyadong naaninag ang mukha nya pero pamilyar ang pangangatawan nya parang may naalala akong ganun bigla naman akong nakaramdam nang matinding kasayahan nang makita ko ang lalaling pinakamamahal ko kaya agad akong napangiti saka tumakbo palapit sa kanya ngunit kasabay din nun ang unti unti nyang paglaho parang ilang kisap mata lang Sigaw ko naman nang sigaw ang pangalan nya hindi pwedeng ganun alam kung masama ang ibig sabihin nang panaginip kung yun pero hindi yun pwedeng mangyari di ko hahayaan yun kailangan ko talagang tulongan si Cylde hindi kaya kailangan ko syang pigilan pero anong magagawa ko?Papano?Guatohin ko man na gawin yun ngunit hindi maaari napakaimposible nung mangyari hindi naman ako si Wonderwoman o Si Darna ngunit kakayanin ko para lang sa mahal ko at sa lakas ko tama nga sila kung sino ang kalakasan mo ay sya ding ang kahinaan mo mahina talaga ako sa mga bagay nato lalo na sya ang nakasalalay.
Napamulat naman ako saka napatingin sa paligid Sana panaginip lang ang lahat nang nangyayari hindi ko ata kakayanin ang sakit.Hindi sya pwedeng mawala hinding hindi.Tumayo naman ako saka napatingin sa bintana gabi na pala napadako naman ang tingin ko sa relo its 6pm na mamaya na ang hapunan pano ako makakalabas nang di nila nalalaman? napatingin tingin naman ako sa paligid wala na talagang ibang daan kundi sa pinto or sa bintana saka napakataas kaya nang bintana mula sa lupa alam kung may nakabantay din paligid para sa siguridad at sigurado pagnahuli nila ako ibabalik parin nila ako sa loob kahit na Anak nga ako nang amo nila Sina mom at dad parin ang nasusunod kaya wala akong magawa pero pinilit ko naman na bumaba sa bintana nang biglang may bantay na tumigil sa tapat mismo nang veranda kaya napabalik ako saka nagtago naku wala nang ibang paraan kundi pasimpleng lumabas nang kwarto na alam kung mahirap gawin rinig ko kasing marami rami nading tao ang naguusap kahit nga maingay ang sounds dahan dahan ko namang binuksan ang pinto nang bumulaga sakin ang mukha ni mom di ko naman pinahalata na nabigla ako para saan pa?Alam kung di naman nya ako papayagan.
"Anak you should change your clothes the party might start a minute before dinner saka ako nalang ang magmamake up sayu anak"sabi ni mom saka nilock ang pinto.Hindi ako sigurado kong ligtas ba si Cylde pero ito sila nagsasaya hindi ko kayang magsaya habang di ko alam ang tunay na kalagayan ni Cylde hindi pwede.Agad naman akong pinabihis ni Mom nang dress like what the hindi talaga ako sanay sa ganitong damitan pero nagsusuot din naman minsan kung kinakailangan ako yung tipo nang tao na hindi maarte sa sinusuot saka may pagkaboyish astig daw pero grabe magmahal nakakalungkot.Na nangako sakin Si Clyde na pupunta pa kami sa amusement park pero bakit ganito?
Wala naman akong nagawa dahil nga Ina kuna ang namimilit sakin saka wala rin akong lakas na komuntra ang gagawin ko nalang ay umakto na ayos lang kahit hindi alam ko magaalala ang mga bisita kung nakasimangot ang may birthday panigurado puro pa naman mga bigating tao ang bisita nila Mom at dad dahil nga rin sa mga kabusiness nila puro hindi ko pa kilala sympre di naman ako nakikibusiness kasi.
Nangpangiti naman si mom nang matapos akong lagyan nang make up pero ako nakasimangot parin kaya sinabihan nya naman akong ngumiti kaya napangiti ako nang pilit saka napatingin sa salamin ayos ang ganda talagang magmake up ni Mom kung hindi lang ako malungkot saka nagaalala maaappreciate ko to nang mas maayos.
"Ang ganda Mom Salamat"sabi ko saka niyakap sya kaya napangiti naman ako agad nya namang hinawakan ang kamay ko saka sabay kaming lumabas nang silid na yun dahil nga nasa ikalawang palapag kami nang bahay bumaba muna kami kasunod nang bisita.Napangiti naman ao nang pilit sa mga tao nandito din pala ang mga katrabaho ko pero iba talaga ang hinahanap ko walang iba kundi si Cylde ang mahal ko pero di ko sya makita sa paligid nagpunta naman kami sa stage saka doon nga nagsimula nang magsalita ang Host.
"Good evening everyone Let as all welcome the birthday girl and her Mom! Let's give them around of a clause!"sabi nang host saka pumalakpak agad naman nitong binigyan nang Mic si Mom saka ako narin.
"Good evening again everyone before we start let's all hear the opening prayer"sabi ni mom saka ayun na nga nang matapos yu agad nya naman akong pinalapit sa pinakagitna sympre center of attraction ako dahil ako ang may birthday saka ngayun nabuyagyag na sa buong mundo sa pamamagitan nang mga media na ako Si Isha ay nagiisang anak nang mga Sandes na isa sa tanyag na pamilya.
"Hello everyone I know most of you are shock because of this, I'm Isha Sandes the only daughter of rich businessman and businesswoman,At start I just hide my self from anything even the truth Because I want to live as a normal person but Facts ramains a Facts I always go back to where I start I know you might know this but I don't care I just want to live in peace, Enjoy the party everyone!"sabi ko wala na kasi talaga akong maitopic kaya ayun lang saka alam kung paguusapan din ang isyung yun kaya uunahan kuna kesa ano ano pa ang mga sabi sabi na lalabas.
Agad naman akong napaupo sa isang tabi habang pinapanood ang ibang nagpaparty nakapagblow narin ako nang cake ang kulang nalang talaga ay si Clyde pero nakakabigla di padin sya nagpaparamdam hanggang ngayun kung ayos lang ba sya tinatawagan ko naman di ko macontact ang saya talaga nang kaarawan kung to subra.
Bigla naman man tumakip sa mata ko na kinabigla ko pero agad naman itong nagsalita isa yun sa mga staff ni Mom agad nya naman akong pinaakyat sa stage ulit alam kung stage yun kasi may hagdan yun na may 5 step paakyat pagkatapos nun nagpunta kami sa gitna.
"Handa ka naba sa supresa namin para sayu Isha?"tanong nya naman hindi ko alam pero parang kinabahan ako baka pagbukas nang mata ko ano ang makita ko.Wala talaga akong idea kung ano ang surpresa nila.Napatango naman ako kaya binuksan nya naman ang mata ko nabigla naman ako nang makita ang kanina ko panghinahanap na tao nakatayu sa harap ko habang may dala nang Teddy bear na malaki kulay kayumanggi iyun saka mayroon din syang bouquet nang Flowers Red roses pa at may chocolates pang marami agad nya namang binigay yun sakin lahat kaya wala sa sariling tinanggap ko naman yun rinig ko naman ang tilian nang mga nariirto dahil sa nakikita nila pero di ko lang pinansin kahit hirap na hirap ako sa binubuhat kung mga binigay sakin ni Clyde pilit ko namang di pinapahalata may kabigatan din to lalo na ang bouquet nang bulaklak habang tumatagal bumibigat habang patuloy parin sa pagclick ang camera unti unti namang may kinuha sa bulsa nya isang maliit na box na kulay pula parang nagslow motion naman ang lahat nang lumuhod sya sa harap ko saka unti inting binuksan ang laman nang box isa yung singsing na gawa sa dyamante may kalakihan din ang dyamante nito na alam kung may kamahalanan din.hindi ko alam pero nakaramdam ako nang matinding saya nang mga oras nayun parang wala lang kaming problema na sa dinamidami nang problemang nagdaan sa buhay namin alam kung makakaya namin lahat.May lumabas naman sa Screen nang stage na "Will you Marry me?"
"Again Isha Sandes Will you Marry me?"sabi naman ni Cylde kaya napangiti naman ako nang mas malapad hindi ko akalain ito akala ko kanina ito ang worst birthday party ko pero hindi pala bagkos ito ang naging pinakamasaya.Napatango naman ako saka sumagot.
"Yes Cylde I will Marry you"sabi ko kaya agad nya namang sinuot ang singsing sa kamay ko saka ako niyakap.Ang saya pala sa pakiramdam pero nakakakaba din kanina pero ang mas mahalaga nandito na sya.
"Thank you Sha Btw Happiest Birthday to you"bulong nya sakin habang nakayakap parin kaya doon ko nalang naisipang magtanong tungkol sa narinig kung kalabog kaya natawa naman sya.
"Wala yun Sha it's part of the plan, Sorry napagalala pa kita"sabi nya kaya agad ko naman syang sinagot saka humiwalay sa pagkakayakap.This is it na talaga hindi kuna alam ang gagawin ko talaga.
"Wag ka nang magsalita pa"sabi ko saka hinalikan nalang sya sa gitna nang stage with live audience at nakakapanood pa ang buong mundo pero wala akong pake ang mahalaga I treasure the moments na magkasama pa kaming dalawa wala kaming sasayangin na oras para sa isat isa.
Natapos ang party nayun na masaya ang lahat including ako dahil nga sa nangyari hindi man naging maganda ang umpisa pero worth it naman ang saya hanggang sa matapos ang gabing iyun.
"Cylde binabangongot ka uyy gising!"sabi ko sabay yugyug kanina pa kasi to parang may sinasabi di ko naman naiintindihan naging alien na ata Fiance ko pagkatapos kung sagutin?Naku po naman
"Sha?Sorry nagising ba kita?"tanong nya kaya umiling lang ako di pa naman ako nakatulog umaga na pero di ako dinadapuan nang antok kahit pagod kakaparty kagabi hanggang 4 nang umaga din yun.
"Hindi pa naman ako nakatulog saka ano bang napanaginipan mo para kang alien magsalita kanina"sabi ko saka inayos ang unan ko actually walang malisya to.
"Nakita ko sa panaginip ko Si Dre masaya daw sya para sating dalawa pinapaabot nya daw na Congrats at sorry ulit"sabi ni Cylde kaya napatingin naman ako sakanya si dre talaga naku ginawa pang alien ang pinsan nya makikipagusap lang pala.
"Ganun ba?Dre Salamat saka Pinapatawad na kita ulotin mong gawing alien ang pinsan mo ahh sa susunod kukuha na ako nang video nito habang natutulog at nagaalien talk ito"Sabi ko sa hangin na kita tawa naman ni Cylde kiniliti naman ako kaya hinampas ko nalang nang unan kaya ang ending naghampasan kaming dalawa habang tawa nang tawa.
"Cylde!Tulongan mo si ate jenny manganganak na ata sya!"sigaw ko kay Clyde na ngayun natutulog pa kaya napabalikwas naman ito kakagising ko nga lang din nang biglang tumawag si ate jenny kaya ayun napatalon naman ito saka tumakbo palabas kahit nakapambahay lang kami ayos lang emergency nato saka di naman masama talaga ang mukha namin.Ilang oras na ang lumipas nang ipasok si ate sa Emergency room pero di parin lumalabas ang doctor kaya napatayu naman ako saka napalakad nang pabalik balik kaya hinawakan nalang ni Cylde ang kamay ko para pakalmahin ako hanggang sa.
"Kaano ano kayu nang pasyente?"tanong nang doctor kaya agad namang sumagot si Clyde.Hindi ko alam kinakabahan ako na masaya na hindi ko maintindihan talaga.
"Kapatid nya ako doc, Kamusta na ang ate ko?"sabi ni Cylde kaya napatango naman ang doctor saka sumagot.napatingin tingin nalang ako sakanila alangan sumabat ako nakakahiya wala din naman akong sasabihin.
"Ililipat na namin sya sa magiging kwarto nya healthy nakalabas ang baby boy na ngayun nasa nursery na inaalagaan nang mga nurse, Excuse me"sabi nang doctor saka umalis na walang ano ano niyakap ko naman si Clyde subrang saya ko ngayun lalo nat lumabas narin sa wakas ang baby ni ate jenny.
"Isha wala kapa bang balak bigyan nang kalaro ang baby ko?"tanong ni ate jenny kaya napatigil naman si Clyde sa ginagawa nito saka napangising tumingin samin.Hindi ko alam pero medjo natawa ako doon gusto kung sakyan ang Kalukuhan ni ate jenny kaya kinindatan ko naman ito saka napatingin kay Cylde.
"Ilan ba gusto mo ate jenny"sabi ko habang nakangisi epic ang mukha ni Cylde dahil doon di ko maipaliwanag pero natawa talaga ako doon agad ko naman kinuha ang isang unang sa sofa saka binato sakanya kaya binato naman nito pabalik sakin.
"Kambal na agad"sabi ni ate jenny kaya mas natawa ako nilalaro nya kasi ang baby nya nakalabas na kami nang ospital ilang araw narin ang lumipas kaya may lakas na si ate para magig Mommy na sa baby nya na Si Ivan Fritz ayan pinangalan ni ate in memory kay fritz saka anak nya yun kaya may karapatan sya.
"Grabe naman iyan ate"sabi ko pero agad namang sumabat si Cylde na medjo kinainis ko sino ba namang hindi?Gagawin na ata akong Baboy nito imagine.
"Quadraplets pa gusto mo ate?"sabi nya kaya agad ko naman akong napatayu kaya tumakbo naman sya agad saka lumabas nang bahay dahil nga medjo malapad ang espasyo nang bahay edi para kaming bata di kaya asot pusa na naghahabulan pero sa huli ako pa ang hinabol nya at dahil nga mabilis syang tumakbo agad nya namang akong nahuli saka niyakap kita naman kami sa labas nang gate pero wala kaming pake.
"Isha! Cylde!Sigaw nang isang pamilar na boses matagal tagal na nang marinig ko ang boses nayun na hindi ko talaga inaasahan na marinig kaya napatingin kami sa labas nang gate agad naman naming binuksan ang gate kaya pumasok na silang dalawa papasokin pa sana namin sa loob pero ayaw nila dumaan lang daw sila.
"Wag na Isha dumaan lang kami para mangamusta tignan mo nga naman kayu talaga ang para sa isat isa"sabi nang babae kaya napangiti naman ako saka aya niyakap hindi ko alam pero magaan na talaga ang pakiramdam ko sakanila.
"Kaya nga kaunti nalang magpapakasal na din kayu tulad namin"sabi pa nang lalaki sabay nilang pinakita ang Wedding ring na suot nilang dalawa matagal narin wala akong balita sa dalawang to kaya pala.
"Salamat at Congrats sainyu dalawa"sabi ni Cylde kaya nagapir naman sila nang lalaki saka pagkatapos nun nagpaalam na ang dalawa Flight na daw nila pabalik sa Ibang bansa 1 week na silang umuwi dito pero na hihiya daw silang magpakita kung di lang nila last day nanaman dito di nagpakita mabilis lang din naku pero naintindihan namin.At masaya kami naging magasawa na nga sila Samantha at Rayner.
Bigla namang pumatak ang malakas na ulan kaya di kami nakatakbo agad kaya basa kaming dalawa.
"Cylde Sayaw tayu"sabi ko sakanya kaya napangiti naman ito sa bawat patak nang ulan saksi ito sa nagpagdaanan naming dalawa.Mula sa nagkakilala kami hanggang sa ngayun.Sa totoo lang di ko naimagine ito kahit kailan ang sarap talaga sa piling nang mahal mo.
~Meeting a guy like this was the best gift I ever received~
(◍•ᴗ•◍)♡Wakas(◍•ᴗ•◍)♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro