Chapter 2
"Isha hali kana rito sasalubongin natin ang bagong katrabaho natin sabi daw nila cute..Bilisan mo na jan!."sabi nang katrabaho ko ka mas binilisan ko naman ang kilos naku may inaasikaso pako ehh pero excited din kasi may makikilala nanaman akong bagong katrabaho.Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko naman iyung dinukot sa bulsa saka sinenyasan na mauna nalang sya ang kulit kasi saka si Mom ang tumatawag kailangan ko talagang sagutin.
"Isha anak wala ka bang balak na umuwi na rito sa bahay?Ikaw nalang kaya ang magmanage nang Comp-."pinutol ko naman ang sasabihin agad ni mom alam kung tungkol naman to sa companya ayaw ko kasi gusto kung mamuhay bilang normal lang hindi ko naman kailangan nang maraming pera kuntento na ako sa buhay ko ngayun bilang ordinaryong employee.
"Mom ayoko magmanage nang Company please wag nyu na akong pilitin hindi iyan ang pangarap ko,Hayaan nyu nalang akong maging masaya at dito ako masaya sa normal kung buhay pakiusap.'sabi ko kaya rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito dito ako masaya kaya mas pipiliin ko na rito nalang manatili Mahal ko sila pero gusto kung mabuhay nang ako lang yung malaya at normal.Palibhasa ako lang ang nagiisang anak nila kaya hindi nakakapagtaka na ganto ako kasi ang magmamana nang lahat nang ari-arian namin.
"Sige na nga ako pero kung magbago ang isip mo laging bukas ang mansyon natin para sayu,Mahal na mahal kita anak."sabi ni mom kaya napangiti nalang ako ang sweet talaga ni Mom masaya ako naiintindihan nya ako.Napatingin naman ako sa lahat nang employee nagtipon kasi sila sa harap nang pintuan panigurado paparating na ang bagong Katrabaho namin.
"Sige Mom Salamat,Mahal na mahal din kita,Ibaba kuna ang tawag."sabi ko saka binaba agad naman akong naglakad palapit sa pinto para salubongin ang bago hindi alam nang mga boss at katrabaho ko na galing ako sa pamilyang may kaya sa buhay kaya mas Maganda kasi ang trato nila sakin parang normal ayaw ko kasi sa lahat ay special treatment parepreho lang naman kaming lahat.
Nauna namng pumasok ang Boss namin kasunod nun ang isang lalaki tama nga ang sinabi nila ang cute, Matangkad,maganda ang tindig,may maalon along mga mata nahindi ko maipaliwanag bigla akong naging curious sa buhay nya like sinong nanay at tatay nito Pwedeng pa lahi? Hahaha lokoloko tong isip ko pero yan talaga ang nasa isip ko hindi ko nga alam bakit pero may iba akong nararamdaman.
"Magandang Umaga sainyung Lahat,Pinatawag ko ang lahat para salubongin natin ang bagong employee nang ating Kompanya ang magiging bago nating kapamilya,Si Clyde."sabi ni boss kaya napatango nalang ako ang ganda nang name bagay na bagay sakanyang maamong mukha.Ano ba itong isip ko kanina pa to medjo nakakainis na.
"Hi sainyung lahat magandang Umaga,Sana maging magkakaibigan tayu lahat."sabi nito kaya sumagot naman ako sympre.
"Oo naman mababait kaming lahat rito panigurado magiging magkakaibigan tayung lahat, Welcome to the company and to the family,We treat each other here as a family kaya wag ka nang mahiya."sabi ko nalang kaya napangiti naman ito ewan ko lang nakakatunaw ang mga ngiti nya na hindi ko alam.
Matapos ang tagpong iyun mabilis na lumipas ang mga oras nagumpisa nang magtrabaho si Cylde naging magkakilala narin kami napatingin naman ako sa ginagawa ni Clyde sa computer nya ang bilis nyang gumamit mukhang alam na alam talaga ang pasikot sikot nito ginalaw ko naman ang upuan ko saka mas tumabi pa sakanya gusto ko kasi mas makita ang ginagawa nya.
"Ang galing mo naman gumamit Clyde,Ang bilis mo pang magtype."sabi ko saka napatingin sa tinatype nyang balita.News company kasi ang pinagtratrabahohan namin.Ako nagpapart time minsan na anchor kung kinakailangan may alam naman kasi ako roon.
"Hindi naman nasanay lang"sabi naman nya saka nagkalap nang mga source magaling din pala ang isang to.Napatingin nalang ako sa tinataype nya alam kung abala na kasi ang gawa ko saka baka magkamali sya nang maitype.
"Clyde di kaba uuwi na?kanina kapa jan uwian na"sabi ko kaya napatigil naman sya saka napatingin sa orasan Alas 6 na nang hapon alam kung nangangalay nayan kanina pa nakaupo sino ba namang hindi ang sipag kasi kaya nga hanga ako sakanya unang araw palang nagpakitang gilas na sya siguradong matutuwa si boss nito sakanya.
"Mamaya nalang Sha taposin kulang to mauna nalang kayu"sabi nya kaya napatango naman ako Sha daw binigyan pa ako nang nickname maganda naman kaya no problem.Kahit magkaganun hindi parin nawawala ang curiousity ko kay Clyde na ewan ko basta intresado ako sa buhay nya.
"Sige mauna na ako nauna narin kasi ang mga kasamahan natin,Bye Clyde kita tayu bukas"sabi ko saka lumabas na nang companya hindi naman ako nagmamadaling umuwi kaya susundan ko muna sya Hindi ko nga alam bakit ko ito ginagawa pero may kutob kasi ko na hindi ko alam.Napaupo naman ako isang tindahan sa tapat nang companya saka nagorder nang makakain nakakagutom din kasi ang trabaho.Mga ilang minuto na ako dito ngunit hindi parin lumalabas si Cylde ewan ko ang kasipagan nya grabe.Napahigop naman ako nang coke saka napakagat nang biscuit.
Ngunit agad naman akong napatayu nang makita ko syang lumabas na nang companya palihim ko naman syang sinundan naglalakad lang sya pauwi?siguro maapit lang ang bahay nila.
Napadaan naman kami sa isang eskinita na laging may tumatambay na masasamang look kaya nagtago nalang ako sa gilid may mga matataguan naman saka awkward pagnalaman nyang sinusundan ko sya.Napalingon naman sya sakin buti nalang nakatago ako agad kaya di nya ako nakita naku kung magkataon kasi naman hindi ko alam pero masama ang kutob ko may mangyayari talaga.
Napahinto sya sandali sa paglalakad saka naglakad ulit hindi ko alam pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko kung makita ko sya na hindi ko alam hindi ko naman nararamdaman to sa iba.Bahala na basta ayun.
Medjo madilim na ang paligid nang may kaunting ilaw nalang sa daan kaya medjo mapanganib ang paligid alam ko kung anong meron dito maraming tumatambay na lasingero or ano pa jan rito pagpatak nang ganitong oras pero ngayun swerte ata kami kasi Hindi ako nakakita nang ni isang lasingero.
Napatigil naman sya sa paglalakad nang may makitang dalawang lalaki sa di kalayuan halatang nagaaway sila mukhang kilala nya ang mga yun.
"Dre--"napatigil naman sya tatawagin na sana nya ang mga ito pero masama ang kutob ko kaya agad kung tinakpan ang bibig nya para hindi ito makagawa nang ingay agad naman kaming nagtago sa gilid nang basurahan wala kaming choice ehh.Nanatili kami sa ganung posisyon dahil ayw kung makapagingay ito nasa likod nya ako kahit na mas mataas sya sakin pinilit kung abutin at tinakpan ang bibig nya.
"Shh..tumahimik ka muna Clyde mapanganib ang isang lalaking yun"bulong ko sa tenga nya saka tinuro nang isang kamay ko ang lalaking sumisigaw na naksuot nang itim na jacket pero hindi ko parin kinuha ang kamay ko nanakatakip sa bibig nya.Napatingin naman kami sa Dalawang naguusap halatang galit ang nakaitim na jacket alyas kamatayan kilala ko yan kasi wanted yan dahil sya ang kinukuha nang mga mayayaman kung may papagoodjob sila o ipapapatay.
"Sabihan mo si boss na magbabayad naman ako kinapos lang ako nang pera ngayun alam nyu naman kailangan ko nun para sa chixs ko hindi ko kayang ?mawala sila sakin saka nagbabyad din naman ako"sabi nang isang lalaki kaya napangisi naman si kamatayan saka kwenelyohan ang lalaki saka tinulak buti nga di ito natumba.
"Lagi naman ganyan ang sagot mo sawang sawa na si boss sayu,Kung hindi ka magbabayad papatayin nalang kita!Alam mo naman pano sya magalit magbayad ka o papatayin kita?!"sigaw ni kamatayan nagpupumiglas naman si Cylde gusto nya atang makigulo naku pero hindi ko sya binitawan tinatakpan o parin ang bibig nya saka mas niyakap ito ang lapit nang katawan naming dalawa ngunit wala akong pake alam kong mapanganib.
"Kausapin ko nalang si boss pakiusap papasukin mo nalang ako,Magbabayad din naman ako wag mo lang akong patayin pakiusap!"sabi pa nang isa kay kamatayan pero ngumisi lang si kamatayan saka may kinuha sa bulsa nya na mas kinakabahan ko hindi ayaw ko namn sana nang gulo hindi naman sa takot ako may kinuha naman syang kutsilyo saka nilaroan.
"Kung hindi ka magbabayad papatayin nalang kita, Ikamusta mo ako kay satana(s) pagkapunta mo doon!"sigaw nang lalaki saka tawa nang tawa tinarak naman ito sa tyan nang isa pang lalaki kasabay nun ang pagkawala ni Clyde sa pagkakayakap ko mas malakas kasi sya kumpara sakin kaya hindi nakapagtataka makawala sya agad nya namang pinuntahan ang lalaking sinaksak habang ako hinabol ko ang salarin binato ko namn iyun nang bag ko kaya napatigil ito agad kung hinawakan ang damit nya saka sinuntok sa mukha wag nya lang akong maliitin hindi ako basta basta sa mga Ganito.Dumugo namn ang ilong nya dahil sa ginawa kung iyun pero wala akong pake alam lkinuha nya namn sa jacket nya ang kutsilyo kaya medjo kinabahan ako kita ko namang napangisi ito kaya ganun din ang ginawa ko nginisihan ko lang sya saka sinipa ang kamay nya balak ko sanang patalasikin ang kutsilyo pero malakas ang pagkakahawak nya nito kaya di to yun napatalsik agad nya namang akong inatake kaya hinanda ko nalang ang aking sarili sasaksakin nya din sana ako ngunit agad ko namang nahawakan ang kamay nya kaya nagagawan kami nang kutsilyo ngunit hindi ako papaya na daigin nya ako ngunit masyado syang malakas bigla namang nanghina ang kamay ko dahil sa pagod hindi kuna ata kaya pero lalaban parin ako.
Hindi ko naman inaasahan ang susunod nyang ginawa mas nilakasan nya ang kanyang pwersa kaya hindi ko na napihilan pa ang kutsilyo ramdam ko namang bumaon iyung sa tyan ko ngunit hindi ako papayag na mawala ako nng ganito lang binunot nya naman iyun kaya napadaing naman ako di namn masyadong malalim pero mahapdi dahil nga sa galit ko agad ko namang sinipa ang maselang bahagi nang katawan nya hindi ko alintana ang saksak kung natamo.
Binalibag ko naman ang kamay nya kaya napadaing ito kasabay nang tulog nang ambulasya ang pandidilim nang paningin ko ramdam ko nang namanhid ang katawan ko.Nakita ko naman pano tumakas Si kamatayan sa pinangyarihan.Agad naman akong inalalayan ni Clyde buti nalang nanjan sya bago lumambot ang mga tuhod ko kasunod nun ang pandidilim nang paningin mo medjo marami na kasinhg dugo ang nawala sakin Kaya hindi nakakapagtaka.
--
"C-clyde"sambit ko sa pangalan nito patuloy namn ang paglandas nang tila walang kataposang luha nito sa mga mata.Bigla ko namang naalala ang nangyari kanina kaya napahawak nalang ako nang tyan ko may benda na ito medjo kumikirot din.
"Sha? Kamusta na ang pakiramdam ayos kana ba?"tanong nito kaya napatango naman ako kahit parang hindi naku grabe naman ang swerte dito kay Clyde unang araw nang trabaho yan muntik nang mapahamak ewan lang kung binitawan ko yun sigurado nasaktan din yun naku namn.
"Medjo ayos na ako pwede pala magtanong kaano ano mo ang kaaway ni kamatayan?Nasaan na sya?"tanong ko rito bigla namang lumungkot ang mukha nya dahil roon hindi ko man alam pero parang gets kuna.
"Kahit wag mo nang sagutin ang tanong ko ayos lang naiintindihan ko"sabi ko pero umiling lang sya saka napatingin sakin naku ilang oras na ang lumipas higit 3 oras ang tulog ko.
"Ayos lang,Sya si Andrei pinsan ko kaya pala nanghihiram sya nang pera dahil pala roon ngunit wala pa naman akong maipapahiram sakanya isa pa kakadating lang ni ate buntis pa sya kaya wala talaga akong pera na maipapahiram kakahanap ko palang nang trabaho pero ito na ang mangyayari,Sana pala naghanap nalang ako nang paraan para mapahiram si drei nng pera sana buhay pa sya ngayun"kwento sakin ni Clyde kaya pala pinsan nya pala yun naku kawawa naman sila kapos sila sa pera kaya nagkakaganito ang buhay nila samantalang ako yung tumatakas sa pera dahil gusto ko nang normal na buhay minsan nasasabi ko nalang na sana.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Clyde hindi mo kasalanan wala kang kasalanan,Wala nmang may gustong mangyari yun kumalma ka nasaan na ngayun ang kanyang labi?"tanong ko naman sakanya pinahid nya nman ang kanyang mga luha saka kaya inabutan ko nalang sya nang tissue na sa tabi lang nang mesa ko.
"Naroon pa sya sa morgue inaayos pa ang labi nya, Salamat nga pala sa ginawa mo sha kung hindi sayu baka pati ako napahamak din"sabi ni Clyde kaya napatango namn ako yung nakangiti mukha noong unang pagkakita ko sakanya ay tila naglaho dahil sa nangyari nagkaroon nang kaunting katahimikan saming dalawa nang bigla kung maalala ang pamahiin ni lola.
"Sunogin nyu ang mga damit nang pinsan mo ,Clyde kung hindi magpapakita ang patay sainyu "sabi ko naman kita ko naman ang pagaalinlangan kay Clyde kaya pilit ko naman syang kinumbensi pero hindi daw pwede hindi rin daw sila naniniwala sa ganun kaya napbuntong hininga naman ako naku naman.
--
"Wag ka nang umiyak jan Clyde alam kung masakit yan pero kailangan nyung tanggapin wala na talaga sya"sabi ko pero napatulala lang ito habang nakatingin sa kabaong nang pinsan nito habang tumulo ang luha hindi ko alam pero grabe ang sakit na nararamdaman ko kung alam kung nahihirapan sya na ano.Alam kuna kung ano tong nararamdaman ko pagmamahal di lang basta basta pagmamahal bilang kaibigan kundi mas higit pa roon kaya gagawin ko ang lahat para maprotectahan sya sa kapahamakan.
Tatlong araw matapos akong makalabas sa ospital dumalaw agad ako rito sa bahay nila para makiramay alam ko kung gaano ito kasakit tulad nang pagkawala ni lola.Oo nga pala ang pamahiin pero minabuti ko munang manahimik dahil alam kung nagdadalamhati sila.
"Simula noong bata pa kami lagi na aking magkasama sya lagi ang nagtatanggol sakin ang kakampi ko sanggang dikit kami sa halos lahat mahal na mahal nya ako at itinuring na kapatid napapangiti nalang ako nang pait tueing naalala ko ang mga pinagsamahan naming dalawa may mga masasaya, Malulungkot at ano ano pa magkasama kami lagi nagkahiwalay lang kami nung umalis na si tita(Nanay ni andrei)sa bahay pero di parin natigil ang samahan naming dalawa, Nakakainis nanghihiram sya nang pera sakin pero hindi ko aya mapahiram kung sana naghanap nalang ako nang paraan sana buhay pa sya ngayun kasalanan ko ito!"sabi nya saka hinahampas ang sarili kaya kinuha ko naman ang kamay nya para hindi nya yun magawa alam kung masakit pero kailangan nyang tanggapin dahil ganyan ang buhay walang permanent.
"Kumalma ka Clyde-"may sasabihin pa sana ako nang biglang humangin nang malakas ang kurtina na nakasabit ay nagsipalidan medjo nakaramdam narin ako nang panlalamig na hindi pangkaraniwan.
"Nandito sya"bulong ko kaya napatingin naman si Clyde sakin.Hindi ako pwedeng magkamali sya yung nakita ko sa bintana nakatayu lang sya roon habang pinagmamasdan kami.Nasa harap din namin ang kabaong kung saan nakalagay ang kanyang bangkay napayakap nalang ako sasarili ko dahil sa nangyari at nakita ko ang lamig kasi saka napatingin lang nang diretso kay andrei daw bigla naman itong naglaho kasabay nang paghupa nang malakas na hangin.
"Andrei aha yun!P-pero paano?"tanong ni Clyde alam kung nakita nya rin ang nakita ko at di kami Pwedeng magkamali roon.Napabuntong hininga namn ako bago pa man mag salita saka napatingin sa puting kabaong nito may mga bulaklak na nakapaligid rito saka may picture nito habang nakangiti sa kanang bahagi saka may malaking picture ni Brother Jesus sa pinakagitna ayaw ko na sana makakita nito pero gusto kong makiramay tuwing nakakakita kasi ako nito naalala ko ang mga namatay kong mahal sa buhay.
"Yung pamahiin Clyde"sabi ko nalang saka napayuko hindi kuna alam ang gagawin pati sakin nagpakita rin yung multo.Pero isa lang ang naiintindihan ko rito kailangan nya nang hustisya tinutugis narin namn nang mga pulis ang pumatay sakanya kaya ang magagawa namin ngayun ay magdasal na makita at mahuli ang salarin at ang pinakaugat nang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro