
Lady With A Sixth Sense
Story #1: Ladies' Restroom Encounter
Handang-handa na sa pagpasok sa kilalang unibersidad sa Maynila si Camille at inaantok pa niyang binaybay ang madilim na kalsada papuntang sakayan.
Sa araw na iyon, ang tanging nasa isip niya ang mga inaral noong gabi at ang magiging lunch niya matapos ang gaganaping quiz sa isang asignatura.
Tiningnan nya ang relong pambisig at nalamang malapit ng mag-alas singko pasado ng umaga. Hindi siya maaaring mahuli sa klase.
Alas-otso pa naman iyon pero hindi pa din pwede na maabutan siya ng traffic sa daan. Mabuti na lang at saktong tingin nya sa harapan ay dumating na ang service nila pampasok ng tito niyang sinasabayan niya tuwing umaga. Naging advantage iyon sa kanya dahil hindi sya mag-aalala na wala syang masasakyan.
Binagtas nila ang mahabang daan papuntang unibersidad at saka lamang siya bumawi ulit ng tulog sa byahe.
Pasado alas-sais ng umaga ay nakarating na siya sa unibersidad.
Kagaya ng nakagawian nang maagang magpapasok ang guard on duty sa building nila, tangan ang bag ay tahimik na tumungo si Camille sa restroom hindi alintana ang naghihintay na nakakakaba at nakakagimbal na maaari niyang maranasan sa loob.
Mabigat ang pintuan ng restroom at hirap niyang hinatak ito. Maingay naman itong sumara sa likod niya.
Nalaman niyang siya lang mag-isa ang nandito kaya kampante siyang tumungo sa isa sa mga cubicle sa dulo, ang palagi niyang pwesto sa mga restroom dahil madalas ay ito ang isa sa pinakamalinis.
Ang bawat cubicle ay may grills sa pintuan kaya kita ng nasa loob kung may daraan papunta sa dulo ng restroom. Katabi nito ay isang maliit na kahoy na nagsisilbing lalagyan ng mga gamit para hindi mahirapan sa pagbuhat nito habang ginagawa ang mga personal na bagay sa loob ng cubicle.
Sinara agad ni Camille ang pintuan sa pangalawang cubicle sa dulo ng CR nang napahinto siya ng tingin sa grills nito. Akmang itataas na niya ng tuluyan ang palda niya para umihi ng may makita siya.
Sa hindi malamang kadahilanan, tumaas ang mga balahibo niya ng may naaninag na puting brasong dumaan ng panandalian sa harap ng cubicle na kung nasaan siya.
Napatigil pa siya ng mapagtanto niyang hindi niya narinig na bumukas ang pinto ng restroom considering na napakabigat nito at maririnig mo na may taong papasok.
Dahan-dahan din niyang ibinaba ang palda at sinuot ang bag.
Ilang segundo din niyang kinakalkula ang bawat kilos niya at bahagyang tumingin sa ibaba ng pinto ng cubicle ngunit wala siyang nakitang sapatos na maaaring magkumpirma na may estudyante ngang pumasok sa loob.
Ni walang ingay na narinig sa loob ng banyo na pambabae na may lima hanggang anim na cubicles.
Pigil hininga niyang binuksan ang banyo at kumaripas ng takbo palabas nito.
Hindi na siya naglakas-loob na balikan pa ang restroom na iyon sa building nila ng walang kasama.
Hinintay niya na lang ang kaibigan niya na dumating saka nagpasama sa restroom.
Hindi na niya ito kinwento sa mga kaibigan niya dahil alam niya sa sarili niyang hindi maniniwala ang mga ito sa kanya.
Pero alam niya sa sarili niyang hindi estudyante ang kasama niya sa banyo ng umagang iyon.
Buong akala niya na isang beses lang niya mararanasan ang ganoon hanggang sa malipat sya sa ibang unibersidad sa lungsod ng Quezon at isa na namang kahindik-hindik na pangyayari ang mararanasan niya.
Story #2: Doppelganger
Ilan sa mga kinatatakutan at ayaw maranasan ng kahit sino ay magkaroon ng doppelganger.
Ano nga ba ang doppelganger?
"A doppelganger is a mysterious, exact double of a living person. It's a German word that literally translates to "double walker" or "double goer". A doppelganger isn't someone who just resembles you, but is an exact double, right down to the way you walk, act, talk, and dress." -westportlibrary.libguides.com
Ngunit sa isang pagkakataon sa kanyang kolehiyo ay nangyari ito kay Camille.
Hapon, sa loob ng silid-aralan sa nilipatan niyang unibersidad sa Quezon City, kasama nya ang mga kaklase at nagkukwentuhan sila sa harapan ng kaibigan niya. Hinihintay nila ang propesor nila sa huling asignatura at malakas din ang ulan ng araw na iyon.
Patungo na din sa silid na iyon ang ilan pa nilang kaibigan dahil magkaklase sila sa huling subject na iyon ng nagulat ito pagkakita kay Camille.
"Cams!" Gulat na lapit sa kanya ni Vina kasama si Jino.
Napalingon si Camille sa kanya pati ang kaibigan nilang si Mylene na katabi niya sa upuan sa harapan.
"Oh, bakit?" Pagtatakang tanong niya sa kaibigang gulat na gulat at humahangos tila ba namumutla sa takot.
"Gagi, kanina ka pa ba andito? Kakakita ko lang sa iyo sa Room 114!" Sabi ni Vina na siyang nakapagpakunot ng noo nila Camille at Mylene. "Diba, Jino? Nakalingon ka pa nga sa amin, sabi ko pa, uy si Cams hindi nakikinig oh! Nakangiti ka pa nga sa amin eh!"
Literal na tumayo ang balahibo ni Camille maging ng mga kaibigan nila.
"Hala, Ate Cams! Picturan kita! Doppelganger yun! Pag nagblurred daw ang picture mo, ibig sabihin may kasama ka. Dali na!" Nagpapanic na sambit ni Mylene na mas bata ng dalawang taon sa kanya.
Nag-aalangan at kinakabahan man sa sariling kaligtasan, pinilit ni Camille na kumalma at umaktong hindi siya apektado. Gaya ng sinabi ng kaibigan, ngumiti sya ng kuhanan sya ng litrato sa cellphone nito.
Pagkakuha ng litrato, wala naman silang napansing mali sa larawan. Nagrequest si Camille na isend sa kanya ang picture na ginawa naman agad ni Mylene.
Nang matapos ang klase, huminga ng malalim si Camille at nagpasya ng umuwi.
Nang dumating sa bahay, nagchat sa kanya ang mga kaibigan gamit ang Group Chat nila.
Napatingin siya sa larawan at abot-abot ang kilabot niya ng makitang may kasamang matanda sa litrato.
Ang pagkakuha kay Camille sa litrato ay naka-sideview siya. Ang posisyon ng matandang lalaki ay nakaharap sa kanya at hindi agad ma-aaninag dahil ang pader ng silid na iyon ay kulay brown.
Pero, malinaw na makikita ang hugis ng naka-sideview ding matanda na nakaharap sa kanya at tila nakangiti din. Kita ang bigote niya at wari ba ay nang-aasar pa.
Kasunod ng pangyayaring iyon, sa labas ng mismong silid na iyon, ang mga kaibigan sa kabilang pangkat na may klase hanggang alas nwebe ng gabi ay nakaranas din ng kababalaghan.
Nakuha sa litrato ang puting tela na tila damit pangkasal na pababa ng hagdan.
Nang tanungin ng mga kaibigan ni Cams ang janitor ng gabing iyon, totoong meron nga daw na nagmumulto at mga nagpaparamdam doon sa tuwing gabi o alanganing oras.
At ang matandang lalaki na nasa litrato na nakita kasama ni Camille ay si Mr. Brown.
Story #3: The Elevator
Masayang nag-iimpake ng mga gamit ang pamilya nila Camille para sa apat na araw na pagbabakasyon nila sa Korea. Matagal na nilang plano iyon ng kaniyang mga magulang simula ng magtrabaho siya at nahilig silang manood ng mga Kdrama sa Netflix.
Sa wakas, makakarating na din sila sa Nami Island at iba pang mga magagandang lugar doon.
Sa kanilang itinerary, may isang libreng araw sila para sa mga gusto nilang puntahan na wala sa itinerary nila sa travel package.
Nang makarating sila sa hotel, sa anim na elevator doon, may isang palagi nilang ginagamit sa doon bilang grupo at doon na din sila ng kanyang mga magulang sumasakay kapag patungo sa hotel restaurant para sa free breakfast at kada lalabas sila para sa scheduled itinerary.
Hanggang sa umabot ang libreng araw nilang tatlo. Inabot sila sa labas ng Dongdaemun Plaza ng 6° kaya ng hindi kinaya ang lamig, pumasok sila sa Lotte Mall at doon na din naghapunan.
Matapos ang dinner, nagplano na silang umuwi sa hotel. Nakuha pa nilang mag-anak na magkuhanan ng litrato sa mga magagandang upuan sa lobby ng hotel.
Hanggang sa pumasok na sila sa elevator na palagi nilang sinasakyan. Hindi gumana ang 13th floor samantalang palagi nilang ginagamit yun.
Napagdesisyunan nilang lumipat sa kabila. Ayaw ding gumana. Lipat uli sila hanggang sa lahat ng anim na elevator ay ayaw gumana ng 13th floor.
Nagdesisyon ang ama ni Camille na sa 14th floor na lang at bababa na lang sila patungo sa kwarto nila.
Nagkatinginan ang mag-anak ng may ibang tao na pumasok sa elevator at pinindot ang 12th floor.
Maayos naman lahat ng buttons nito. Pero bakit ayaw sa 13th?
Lumipas ang gabi at dumating ang huling araw nila sa hotel, nagtanong ang ina ni Camille sa isa sa mga kasama nila sa bus kung kamusta ang mga elevators noong gabi na hindi nila na iyon magamit.
"Ayos naman. Working naman lahat." Nang malaman ang sagot ng kasama ay tahimik na nagkatinginan ang mag-anak at napangiti.
Mukhang may pa-remembrance ang bakasyon nilang iyon sa Korea.
END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro