
Prologue
Lady In Bed
MyJaff©2017
~
GRADE twelve student si Zal ng makilala niya si Timothy Tianco, it was her eighteen birthday the first time she saw him. Professor pala ito sa eskwelahang pinapasukan ng Ate Zera niya. Hindi niya akalain pero sa unang pagkakataong nagkita sila ng binata, bumilis ang tibok ng puso niya. Love at first sight? Oh literally! Pakiramdam kasi ni Zal hulog na hulog na siya sa binata.
“You're here again, hinihintay mo ang Ate Zera mo?” Baritono ang boses nito na halos nakapagpatunaw ng sistema niya.
Nagyuko siya ng tingin at uminit ang mukha. “I-i-ikaw iyong hinihintay ko.”
“Really?” Sumilay ang ngisi sa labi nito. “How about we go and have a coffee then?”
Mabilis siyang tumango sa binata at kahit na hindi niya pa ito masyadong kilala, sumama siya rito.
Timothy Tianco is a good man, he showed to her different sweet gestures that captures her heart. Ang pagkikitang nasundan pa ng nasundan hanggang sa tuloyan na siyang nahulog sa binata. Kasing bilis ng kidlat ang pakiramdam niyang iyon pero lunod siya sa pag ibig para sa binata.
Hanggang sa isa pang taon ng lihim na relasyong mayroon sila, inaya siyang magpakasal ni Timothy mabilis pero wala ng mas isasaya pa si Zal ng mga oras na iyon o akala niya lang ay magiging masaya siya, iyon pala'y isang malaking bangungot ang pinasok niya.
“P-pa-pakakasalan mo rin si Ate Zera?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa asawa. “B-bakit? Di.. Diba ako na ang asawa mo?”
“I need to do this Zal, akala ko ba handa mong intindihin ang mga kondisyon ko basta isipin mo na lang na kasal na tayo Zal at ikaw ang legal kong asawa.”
“Pero Timothy...”
“Continue being in a relationship with Higgy Wang, iyon lang ang tanging paraan para matapalan ang totoong relasyon natin. Saglit lang naman ito Zal, kapag naglaon aamin din tayo sa pamilya mo.”
Hindi niya lubos maintindihan ang mga sinasabi nito pero dahil bata pa siya, mapusok at baliw sa pag ibig. Bulag bulagan na sinunod niya ang gusto ng asawa. Being in a relationship with her classmate Higgy Wang, pantapal nga lang iyon pero nakaka-guilty din dahil nakikita niyang seryoso ito sa kanya. What now? Hindi niya kayang magmahal ng iba bukod sa first love niyang si Timothy.
Dumating ang araw ng kasal, sa Czech Republic iyon naganap bagay na hindi niya kinayang puntahan kahit na sinabihan na siya ni Tim na pumunta para hindi makahalata ang Ate Zera niya. She didn't get the point of her being there but hindi ba maunawaan ni Timothy na madudurog siya kapag nasaksihan niya ang kasalang iyon? Pakiramdam niya kasi ito na ang araw na makakapagpabago ng buhay niya.
Nag alibi siya na may importante siyang aasikasuhin at hindi kailangangang ipagpaliban iyon pero ang totoo, dumiretso lang siya sa ETClub at nilunod ang sarili sa alak.
Kasabay ng bawat lagok sa matapang na alak ang sakit na nararamdaman ni Zal sa puso niya.
“So wasted, beautiful lady.” Nakakatuyo ng lalamunan ang baritonong boses ng lalaking iyon. Mas lalong nakaramdam ng uhaw si Zal. Hindi pamilyar pero magkakasala ka talaga sa uri ng pananalita nito.
“Go away!” Pagtataboy niya sa lalaking iyon.
“Why? I just want to watch you beautiful.” Nakakalokong anito. “You look so wasted yet you're so fucking breathtaking.”
Marahas na hinarap ito ni Zera at halos malaglag ang panga niya ng makitang nakasuot ng maskara ang kalahating bahagi ng mukha nito. Mula sa kaliwang mata nito hanggang sa pisngi. Parang iyong napanood niyang nakakaiyak na Korean Drama. Ang pinagkaiba nga lang, the dark eyes of the man is intimidating. Hindi ito singkit tulad ng bida sa dramang napanood niya pero nakakauhaw ang tindig nito.
Napalunok si Zal. “Sino ka?” Alam niyang hindi lang basta basta ordinaryong tao nag nakakapasok sa ETClub. “Bakit ka nakamaskara?”
“Do you need to know me beautiful? I just want to accompany you tonight.” His voice were seducing her insides. “But if you insist, I'm just a customer here, lady. Call me Zhercez.”
“Your name is so mouthful.” Walang habas na aniya.
“And your lips looks delectable.”
She gasped at his bold words. Damn it! She supposed to be slapping the hell out of his face but she finds him hot.
Really hot to made her wrapped her arms around his nape and crash her lips to his.
Oh God!
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro