Chapter 23 - Forgive and Forget
Lady In Bed
MyJaff©2017-2018
~
HINDI binibitawan ni Zal ang kamay ni Zhercez habang titig na titig siya sa binata. Baka kasi ilusyon niya lang talaga iyon, baka tulad ni baby ZL bigla na lang maglaho ang binata. Hindi iyon kaya ni Zal lalo na't ngayon niya lang ulit nakita at nahawakan ang binata.
“Totoo ka bang talaga?” Paulit ulit na tanong niya.
Sumandal ito sa backrest ng sofa sa opisina niya. “I am.”
“Parang hindi ako makapaniwala.” Bulong niya, hindi inaalis ang titig sa binata.
Eksakto namang may kumatok sa pinto ng office ni Zal. It might be her secretary nagpakuha kasi siya ng coffee at snacks para sa kanila ni Zhercez. Ayaw man niyang tumayo at bumitaw sa kamay ng binata, napilitan siya para pagbuksan iyon. Bumngad sa kanya ang secretary niyang may dalang paper bags ng isang sikat na coffee shop.
“Ito na po Miss Chui.” Magalang na abot nito sa kanya.
Tinanggap niya iyon. “Sanya, do you...” nilingon at tinuro niya si Zhercez. “...see him?”
Tumango ang secretary niya kahit na parang nawi-wirdohan sa tanong niya. “Yes po, Miss Chui.”
Nakahinga siya ng maluwag. “I'm so glad. Thanks Sanya.” Aniyang nakangiti at sinara ang pinto. Humarap siya kay Zhercez na nakatitig sa kanya. “Bakit?”
“Naniniwala ka talagang patay na ako?” Tanong nito.
Nagbaba ng tingin si Zal bago bumalik sa tabi ng binata. “Natatakot lang ako na baka hindi ka totoo, natatakot lang ako na imahinasyon ko lang kita. Natatakot ako na baka mawala ka sa akin.”
Hinawakan ni Zhercez ang kanyang mukha. “Don't be afraid my Snow White. I'm not going to disappear again.” He gently kissed her forehead.
“I'm so glad.”
“Where is baby ZL, anyway?”
Doon siya natigilan. Sa sobrang saya niyang makitang muli ang binata, nawala sa isip niya ang masasakit na pangyayaring pinagdaanan niya. Her being abused, baby ZL being killed in front of her, and also loosing her precious unborn child. How can she explain this to him?!
Tila namutla ang kanyang mukha sa tanong ng binatang hindi na niya masagot.
“Miss Chui.” Muling katok ni Sanya na ngayo'y pinagpapasalamat na niya. “Nandito po si Mr. Leon Chui. Utos niya po na mag usap po kayo sa rooftop.”
Her father? Anong ginagawa ng Daddy niya rito?
Napatayo si Zal. Nilingon niya si Zhercez na tumango naman sa kanya para bang hinihikayat siyang pumunta doon.
Lumingon siya kay Sanya at tumango. Sinarado nito ang pinto kaya muling bumaling siya ng tingin sa nobyo. “Huwag kang aalis. Pagbalik ko dapat nandyan ka pa rin.”
“Uhm.” Tango nito.
Naglakad na si Zal papalapit sa pinto. She grab the doorknob pero lumingon pa siya kay Zhercez bago pinihit iyon pabukas. God! She's so paranoid. Sana lang talaga pagbalik niya'y naroon pa ang binata. Hanggang ngayon kasi parang hindi pa siya makapaniwala.
Hinatid siya ng secretary niyang si Sanya sa rooftop pero hindi na lumabas ng elevator para bumalik pababa sa office niya. Nagbilin pa si Zal na huwag na huwag palalabasin ng office niya ang bisita niya.
Humakbang si Zal palabas, nakita niya ang bulto ng amang nakatanaw sa himpapawid. Walang ingay siyang naglakad papalapit sa Daddy niya. Huminto si Zal sa bandang likoran nito. Bigla niyang naalala iyong mga sinabi ng Mommy niya at ni Tania sa kanya.
Tumikhim siya handa na sanang magsalita nang unahan siya ng ama.
“Your EZ Building is pretty huge; your employees are accommodating.” Kumento nito, hindi mabasa ni Zal ang ekspresyon ng ama sa pamamagitan ng boses nito. Hindi ito nag abalang humarap sa kanya, nanatili lang nakatanaw sa kawalan. “Are you mad at me, Zia Larraine?”
Iyan iyong tanong na kayang kaya niyang sagotin noon pero ngayon parang umurong ang dila niya kaya hindi magawang masagot ni Zal ang tanong na iyon.
“I guess your silence means yes.” She heard him sighed. “Can I explain my side if you want to hear it? I cannot if you don't want it.” Mahinahong tanong nito.
Hindi pa rin nakasagot si Zal. Nanatili siyang nakatayo at sa hindi malamang dahilan ay kuyom ang kanyang kamao.
“I have always been proud father of you, Zia Larraine. Ever since you are born, I have always love you. Alam kong iniisip mong mas mahal ko ang mga Ate at Kuya mo because I've been on their side since their day one of training of being a part of a torturer.” Anito. “Pero nung dumating ka, I admit, I was planning to let you join and learn everything about the group but I saw your mother's eyes. I knew what she really wants for you and they say that mothers know best. Sabi ko sa sarili ko, hindi naman siguro masama kung isa sa mga anak ko gawin kong malaya. Your Ate Zera wants that, freedom from the group pero hindi ko naibigay so I am to blame to what happen to your Ate Zera that's why I am always on her side.
“Your Ate Zera is fragile, your Kuya Zaj and Kuya Zendrix are playful. I need to look for them up until now but you, I know that you're independent. You're always climb up to the top at your own, Zia Larraine. Ang akala mo lang mahina ang loob mo pero sa mga nakuha mong achievements sa buhay mo ng walang tulong na kahit ano mula sa akin, doon pa lang napatunayan mong malakas ka. I want you to learn how to be strong by your own preferences. I want you to learn how's life outside the ETHQ. Letting you go and letting you flock your wings of freedom is the hardest thing on my part but I don't want to do the same mistakes like I did to your sister. Gusto ko malaya ka, kahit na hirap akong makita ka. Ikaw ang bunso ko Larraine, hirap akong mag-adjust pagdating sayo kaya kahit na mahirap nilayo ko ang sarili ko sayo para hindi kita mahila pabalik sa mundong ginagalawan ko lalo na't nakikita ko kung gaano ka kasayang maging malaya sa labas ng mundo ko.”
Hindi alam ni Zal pero kusang tumulo ang mga luha niya. Ang sakit sakit sa dibdib na pakinggan iyong mga sinasabi ng Daddy niya. Hindi niya man matanggap na nagkaganito ang relasyon nilang mag ama pero naiintindihan na niyang lubos.
She wonder kung sino ang mas nasasaktan sa kanila ngayon. She can feel her father's sacrifices for her.
Nakayuko lang si Zal at umaalog ang balikat dahil sa labis na paghibi. Narinig niya ang yabang ng ama, tila humarap na ito sa kanya.
“I want to apologise but seeing how successful you are right now, all my sacrifices to let you go are worth it. I am so proud of you Zia Larraine.” Ginulo nito ang buhok niya, gaya ng ginagawa ng ama noong bata pa siya. Niyakap siya ng ama—her father, not the Master of ETHQ. Just her father. “I love you bunso, sana hindi mo kalimutan iyon.”
“Daddy...” Hagulgol niya. Niyakap niya ito pabalik. “Daddy...”
She felt him kissed her temple. “Let go of that anger inside your heart. Ako na ang bahala sa lahat.”
Iyong mga salitang iyon ang nakapagpagaan ng loob ni Zal. Parang tuloyan nang nawala iyong galit na nararamdaman niya sa puso, parang nakalaya na iyong galit na kinikimkim niya sa puso.
“Ako na ang bahala.”
Walang kahit na anong salitang lumabas sa kanyang bibig. Isang mahigpit na yakap pabalik lamang ang kanyang naging sagot.
NAMUMULA ang mga mata ni Zal na bumalik sa office niya, hindi na bumaba pa ang ama at nagpasundo na sa chopper nito. Gustohin niya mang pormal na ipakilala si Zhercez sa ama'y alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon.
“Don't think about what happened to you anymore, don't think about your dark past. Think of it, ako na ang bahala. I don't want you to get involve with this Zia Larraine, ako na ang bahala para sayo.”
Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng ama sa sinabi nito. Ayaw ng Daddy niya na maging involve pa siya sa paghahanap ng sagot kung sino ang nasa likod ng mga pangyayaring ito sa buhay niya. Timothy died, somehow alam niyang mas may malalim pang dahilan but at the same point, si Timothy ang nagkasala sa kanya at sa mga nawala sa kanya.
“Okay ka lang?” Boses iyon ni Zhercez, ni hindi man lang niya naramdaman na nasa harapan na niya ito. “Namumula mga mata mo.”
“Zhercez, may gusto akong sabihin sayo.” He needs to know everything.
Ngumiti ito ng bahagya. Iyong ngiting halatang may lungkot na kasama. Nagulat siya ng kayapin siya nito ng mahigpit. “Don't talk, alam ko na ang lahat.”
Nanlaki ang mga mata niya. “P-p-paanong...”
“Tania stopped by.” Mahinahong anito habang hinahaplos haplos ang buhok niya. “Nagulat siya ng makita ako but I asked her what happened to you, pansin ko kasing iba ka ngayon. I'm sorry Snow White, I'm sorry for not being with you at the time like that. I'm sorry I wasn't able to protect you like I promised. I'm sorry Snow White and I promise that I will never ever leave you again.”
“Zhercez...” Hagulgol niya.
“Shhh... I'm here, Snow White. I will never ever fall from their traps again. Lahat aalamin ko, lahat gagawin ko para sayo, Snow White.”
She shook her head. “Ayaw kong mapahamak ka na naman dahil sa akin.”
Hinaplos ni Zhercez ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luha niya. “Para sayo mahal, handa akong mapahamak ng paulit ulit. Mahal na mahal kita Zia Larraine Chui.”
“Mahal na mahal din kita Zhercez...”
“It's so good to hear that.” He smiled. “Let's move forward. Let me marry you and be your Prince, Snow White.”
She gasped. Ilang saglit pa siya bago makahuma. “You're willing to... Even if I am...”
“For you, Snow White.”
Again she cried. “I am no princess, I don't need a prince. I just need you, Zhercez.” She wraps her arm around his neck and kiss her lips.
Sa sobrang bilis at sa sobrang dami nang nangyari sa kanila. Hindi na dapat patagalin pa ang ganitong bagay. Mahal niya si Zhercez at mahal din siya ng binata. Ayaw ni Zal na may masayang pang panahon sa pagitan nilang dalawa. Natatakot siyang maulit ang lahat ng nangyari.
Iba ngayon na nasa tabi na niya ang lalaking mahal niya. Iba ngayon na nakalaya na ang galit sa puso niya.
Zal and Zhercez...
**
A/N: Epilogue na next. Huhuhu ang hirap pakawalan ng dalawang baby ko na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro