Chapter 21 - Save
Lady In Bed
MyJaff©2017
~
“OKAY ka na ba? Sinabi sa akin ni Zendrix iyong nangyari kanina sa hallway.” Hinawi nito ang buhok niya at inayos pa iyon. “Dapat hindi ka muna bumangon, may gusto ka bang kainin?”
“Tania...” Tumigil ito sa ginagawa. “Yung unit ko,”
“Don't worry about that Zal, na-sold na iyon last week. Hindi ka na babalik doon.”
Tumango siya. Mabuti naman, ayaw niya na ring bumalik doon matapos ang lahat ng nangyari, parang di niya kayang makita iyong lugar kung saan nangyari ang lahat, the exact spot kung saan namatay si baby ZL, the exact spot kung saan siya...
“Nasa infirmary ngayon si Rocky—”
“I don't wanna hear it.” Iniwas niya ang tingin.
Ayaw niyang pag usapan, ngayon nandito siya sa kwarto ni Tania dito sa ETHQ para magpahinga, dito siya tutuloy. Ayaw niyang pumunta sa quarters ng parents niya. She didn't want to see her parents, totoo, inaamin niya na may sama ng loob siya sa ama niya.
Ang unfair kasi, bakit sa kanya nangyari ang bagay na ito? Bakit sa kanya pa? Di ba nga mahina ang loob niya, kung ngayon pa lang durog na durog na siya, paano pa kaya kapag nakita niya si Zhercez, hindi nga siya sigurado kung matatanggap pa siya ng binata matapos ang nangyari.
“Life is unfair, Zal. Only ourselves can make it fair.” Tania sighed. “Alam kong maraming nawala sayo, hahayaan mo bang maging si Zhercez ay mawala rin sayo?”
Iniiwasan niya ang tanong na iyon. Bakit? Hindi naman siya sigurado kung talaga bang nawawala si Zhercez o sumama ba ito sa pekeng Thea na iyon. What will she do now? E?
“Zal...” Tania called her but the door opened and Green entered her room.
Napaayos siya ng upo. “What happened, Green?”
“He's currently on a pirate ship with emblem of 'M' I already research about that emblem but results not found. Maybe it is really connected of what's Master Demon wants me to investigate.” Inabot sa kanya nito ang file folder. “He's there by force and by now maybe he's already in sea.”
“What?!” She exclaimed. “I need to go! Damn it! I need to go!”
“Zal, calm down. It's too late, there is only 10% chances that we'll see him there. 8% of that is his lifeless body.”
She slapped Green. “Take it back! Take it back!”
“I'm sorry, Zal.”
No! She run out to her room, Tania and Green was tailing her. She needs to go in that sea immediately. As in, now! She can't let this happen. Goodness!
Hindi pa man siya gaanong nakakalayo nang maramdaman niya ang yakap ng pagpigil sa kanya ng kanyang pinsang si Green. Her eyes are full of tears, her heart was shuttering into pieces.
“I want to save him, Green. I really do want to save him.”
“What if you can't, cous? What will you do?” Marahang tanong nito sa kanya. “Sasamahan ka namin ni Tania kahit na anong mangyari.”
She felt relief, totoong gusto niyang iligtas si Zhercez pero hindi niya alam kung paano. Matagal siyang nalayo sa grupong kinabibilangan ng mga kamag anak niya; ng mga magulang niya. Hindi siya marunong sa mga bagay na ganito unlike Tania na kahit na nakabukod sa Torturers ay marunong pa rin ito sa kalakaran ng grupo.
She's weak but she can always turn her weakness as her strength.
SINAMAHAN siya ng dalawa sa West Philippine Sea kung saan huling na-track ni Green ang pirate ship na kumuha kay Zhercez, sa totoo lang kinakabahan si Zal dahil hindi naman niya alam kung ano ang nakaabang sa kanya.
Nawalan na siya ng baby ZL, her unborn child at hindi niya na kakayanin kung pati si Zhercez ay mawala sa kanya. Hindi naman siguro ganoon kapait ang kapalaran kay Zal diba?
Timothy Tianco is dead, tho para sa kanya hindi pa sapat ang kamatayang natamo nito para pagbayaran ang nagawa nitong pagwasak sa buo niyang pagkatao. Mahirap talaga kapag nagmahal ka, nagiging bulag ka sa katotohanang nasa harapan mo. Good thing that Zhercez came to her life, at hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang binata.
“This is one of Erziel's ship, hiniram ko ito sa kanya tho hindi ko siya macontact ngayon dahil hindi ko alam kung nasaang lupalop ng dagat ba siya naroon ngayon.” Sabi ni Tania habang papaakyat sila sa malaking barko ng kapatid nito. “Let's go, we need to find that Pirate ship.”
Doon niya napagtantong hindi lang pala sa lupa ang delikado, maging sa dagat ay may kalakip na panganib.
“Si Red na ang bahala sa himpapawid, may nakaabang na chopper sa atin if ever that something will happen. It's better to be ready than nothing.” Si Green iyon habang inaayos ang mahabang baril.
They're good at this. She can't believe na sa kabila ng matinong mukha ng pinsan niyang si Green ay ganito pala ito kapag nasa loob ng grupo. Seryoso ang mukha, kunot ang noo habang tinitignan ang baril. Tahimik lang ito madalas maliban na lang kapag ang mga kapatid nito ang kausap.
“G-green, T-tania are you sure about this? I mean... Baka mapahamak pati kayo.” Don't get her wrong. She wants to save her bad but hindi niya yata kakayanin kung may mangyaring masama sa pinsan niya at sa bestfriend niya.
“Don't worry, Zal. Remember we are torturers.” Tania said.
“What's the status of the ship?”
“Freed is there, don't worry, Green.” Even her cousin Freed is here?
Nilingon niya si Tania na may hawak na binoculars, hindi napansin ni Zal na malayo na pala sila. Hindi na niya makita ang isla kaninang nakadaong ang barko ni Erziel. Medyo madilim na and of course, there's a thick fog around the air.
“I can see their ship. The "M" emblem on it.” Kunot noong sabi ni Tania habang nakatingin pa rin sa binoculars nito. “Green! They're going to throw him at the sea!” Frantic na sabi ni Tania.
“On it!” Ani Green at walang atubiling sumisid sa dagat.
“Green!!” Sigaw ni Zal, mabilis na tumakbo para tignan ang pinsan. Is he crazy?! Medyo malayo pa ang barkong tinutukoy ni Tania! Lalangoyin iyon ni Green?! Nilingon niya ang best friend niya na ngayon ay may hawak ng kung ano. “What are you doing Tania? Si Green baka malunod siya. And what is that?”
“Bazooka.” Simpleng saad nito matapos ilagay ang sinasabi nitong bazooka sa kanang balikat nito. “Three minutes.”
“Tania! What about Green?”
“Don't worry about him Zal, swimmer ang mga pinsan mo. He can do it, trust him.”
“You're going to blow the ship?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumigil saglit si Tania sa ginagawa nitong pagsilip sa target nito at saka lumingon sa kanya. “Yes.”
“What about Zhercez?”
“He's already at the sea, Green must save him. One minute left.”
Walang nagawa si Zal kundi tanawin ang barkong ngayon ay papalapit na ang distansya sa barko nila. Green is no where to be found, wala man lang itong suot na kahit na anong swimming gear or kahit oxygen man lang. Paano kung mapahamak ito? God! Hindi kaya ng konsensya niya.
“Twenty seconds.” Si Tania iyon.
“Tania, hindi mahanap ni Green ang target.” Ang pinsan niyang si Freed iyon na kalalabas lang at may hawak na iPad. “He's on safe place now, maybe inanod sa ibang banda ang katawan ng target. Blow the ship now.”
“On it!” Muling pumwesto si Tania at walang atubiling tinira ang bazooka na hawak nito, malakas na ingay ang lumukob sa kanila nadagdagan pa iyon ng malakas na pagsabog.
Binaba ni Tani ang hawak nitong bazooka at sumilip muli sa binoculars. “Damn! I missed it! Half lang ng ship ang tinamaan. We need to move bago pa nila makilala ang barkong gamit natin.”
“How about Zhercez, Tania?”
Tania sighed. “We can search at the nearest Island later, Zal. But for now we need to get our asses off here. Our safety first.” Malungkot na sabi nito. “I'm sorry but I can't promise that your man will be alive of ever that we saw him.”
Oh no! No, no, no. Alam niya kapag ganitong seryoso si Tania, hindi ito magsisinungaling sa kanya lalo na sa ganito bagay. Prankang babae si Tania kung tutuosin.
Nilingon ni Zal ang karagatan. No! It's really impossible that he's still alive but she can't lose another love of her life.
THE SEARCH and rescue didn't stop for three days, all of their men in torturers gathered to different Island to find Zhercez but still no trace of him. Nawawalan na ng pag asa si Zal. Parang iyong mga nasa telanovela lang na napapanood niya. Alam niyang imposibleng buhay pa ang binata pero kakapit siya hangga't hindi niya ito nakikitang buhay.
Ngayong araw ay umuwi muna siya para magpalit ng damit, mamaya ay sasama siya kina Red at Freed sa search and rescue operation.
Pagod ang katawan ni Zal pero mas pagod iyong utak niya kakaisip. Hindi niya kasi alam ang gagawin niya. Nangangapa siya sa mga pangyayari sa buhay niya bagay na hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba.
Naglalakad siya papunta ng silid niya nang makasalubong niya si Rocky Costalles, nag init kaagad ang dugo niya ng makita ito. Gusto niya itong sugoring muli pero wala na siyang lakas para doon. Hindi man kasalan ni Rocky ang lahat pero naging parte parin ito. Kumbaga sa isang krimen, accessories of the crime ito.
Walang atubiling nilagpasan niya ang binata. “Zal, can we talk?” Anito na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.
“Wala tayong pag uusapan Rocky. I despise you! I hate seeing your face and I will loathe you forever.”
“I'm sorry.” Mababa ang boses nito, hindi na nag abala pa si Zal na lingonin ang binata. “I'm sorry, I've gone too far. Pati kayo ng ate mo nadamay sa kahayupan ko. I know my mental illness is just a scapegoat. I'm sorry for causing you all the pain Zal, I know I don't deserve to be happy for all the things I done. I'm a sinful man. I'm nothing but a crazy killer or innocents of this group.”
“Why are you telling me all of this?” Malamig na aniya.
“Because it's hard to make myself happy whenever I think of the people who's been hurt because of me.”
Naiinsultong tumaas ang sulok ng kanyang bibig. “You're not happy? You started a new life with Ate Zera, you have a child, papel na lang ang kulang at kumpleto ka na pero ako ito, unti unti pa ring nawawalan.”
“You're wrong Zal. I can't start all over again for me and your sister because after I heard about what happen to you, I completely lost it. I don't deserve to be happy. This is my forever punishment for my self, I won't marry again the only woman I loved for the rest of my life, I am setting her free for all the shits of me.” He said. “I will help you to find him Zal.”
“If you're doing this to ease your mind, well then, no thanks.”
“I'm doing this for you and for your Ate Zera, not for myself. I will save him no matter what it takes.”
She didn't speak more. Dumirerso na lang ng lakad si Zal papunta sa janyang silid at doon binuhos ang luhang hindi niya mapakawalan kanina. How pathetic she is para isisi ang lahat kay Rocky! But hell! Iyon ang nakikita niyang dapat! Ito ang nakikita niyang may kasalanan sa lahat.
Gulong gulo na si Zal. “Zhercez... Please comeback.”
**
A/N: Sa wakas nakapag update din!! Yung next chapter ni Blue ilang araw ko ng di matapos tapos. Hahaha! Anyway, mamasko kami ni Sugo at Jalko sa inyo sa Christmas! I-ready na si Nana este ang lechon. Haha!
Di pa rin daily updates ngayon ha? Busy ako sa self pub books natin :) Xie xie!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro