Epilogue
Laikynn Atticus Silvestre
“Iyakin! Iyakin!”
“Ang dami pang sinasabi eh, ba't 'di nalang ibigay ang papel at lapis? Tutal mayaman naman kayo ah!”
I was grade one that time the first time I saw her. Sa aming section, si Gabriella ang pinaka-iyakin. Kapag inaasar ito ng mga kaklase naman ay luluha na kaagad. Hindi ko naman siya masisisi, araw-araw ba naman siyang sinasaktan ng iba naming classmates kapag wala si teacher. Alam ko na agad na ayaw ng mga kaklase namin sa kaniya. Sa tuwing nagsusumbong kasi ito na inaaway, walang naniniwala sa kaniya. Hindi rin ako makapagsalita dahil sabi ni Mama sa akin, huwag daw akong makialam sa mga gulo.
But now is different. I pouted while watching them. May meeting ang mga teachers kaya iniwanan lang kami ng schoolworks.
“I-Isusumbong ko k-kayo sa P-Papa ko..." Hagulgol ni Gabriella gamit ang basag na boses. Ngunit imbes na kaawaan, tinawanan lang siya ng mga kaklase namin. Bumuntong-hininga ako dahil sa ingay nila. Bakit ba sila nang-aaway? Di'ba bad 'yun? Tsaka naiinip na rin ako sa kanila. Kaya naman, nilapitan ko na ang kanilang kinaroroonan at hinatak patayo si Gabriella.
Bumaling sa akin ang kaniyang maamong mukha at mapungay na mga mata. Sabi ni Mama ay may dugong French daw sila Auclair kaya naman maputi ito at mata palang, kitang-kita mo na ang banyagang anyo. Napalunok ako at hinatak siya papalapit sa akin.
“Tara na Gabi, isumbong natin 'yan sa Papa mo. Alam mo, nakita ko siya kagabi, ang dami niyang kasamang malalaking lalaki. May dala-dala rin na malalaking sasakyan. Kaibigan daw 'yun ng Papa mo? Tsaka sabi ni Mama, nangunguha daw 'yun ng mga batang nangangaway,”
Napasinghap ang mga kaklase ko nang marinig ang aking sinabi. Kwento-kwento ko lang naman 'yun para matakot sila. Kaso parang naniwala yata dahil natahimik sila at nagsisikuhan sa isa't-isa.
Ang luhaang mga mata naman ni Gabriella ay takang nakatingin sa akin. I swallowed hard when I saw how she pouted a bit. Ang ganda niya...
“Tara alis na tayo, baka pabalik na si Ma'am.”
Kaniya-kaniyang nagsialisan ang mga kaklase kong nakapalibot kay Gabriella. I slightly smirked. Gabriella looked down. Para siyang isang babasaging bagay na dapat ingatan ng mga pagkakataong ito. I sighed. I wanna be her friend. The friend that will always defend her in many ways. I would be a type of friend that will chase the monsters away so that she won't cry anymore.
Kaya naman nang mag-uwian, sinadya kong magpahuli para magkasabay kami. I was so eager to be her friend. Wala din naman kasi akong gaanong kaibigan dito dahil kadalasan sa mga kaklase naming lalaki ay nangangaway kaya ayoko sa kanila.
“Hi. Ako nga pala si Laikynn Atticus. Okay ka na ba?”
She gripped her bag ang stared at me innocently. “Nagsinungaling ka kanina, bad 'yun.”
“Ah sorry,”
She smiled. “Thank you, Laikynn. Kahit wala naman dito si Papa. Tsaka wala rin siyang mga malalaking kaibigan na may malalaking sasakyan 'no.”
“Nasaan ba Papa mo?”
“Nasa malayo. Sabi ni Mama nagwo-work daw.”
Simula noong araw na iyon, siya na ang naging best friend ko. Magkatabi lang naman ang bahay namin ni Gabi pero hindi kami close dati dahil hindi naman siya gaanong lumalabas. Kapag lang lumalabas din ang Mama niya, saka lang siya lumalabas ng bahay. Pero simula noon, palagi ko na siyang sinasama sa paglalaro. Minsan ay kasama namin ang mga pinsan ko at naglalaro ng baril-barilan. Tapos minsan, naliligo sa ulan o di 'kaya ay naghahabulan.
I had the best childhood memories because I have Gabriella with me. Iyon nga lang, hindi ko siya masyadong inaasar dahil madali lang siyang mapikon. Tas pag napipikon, umiiyak agad edi todo sorry naman ako. At kapag nagso-sorry ako, dapat may yakap para tuluyan siyang tumahan.
“Ano ba 'yan, nagbo-brownout na naman!” reklamo ni Gabi nang isang gabi na nasa kanila ako at nanonood ng TV, biglang nawala ang kuryente. Maganda kasi ang TV nila eh, iyong flat screen tapos maraming Cartoons.
“Anak, Lai, dito lang muna kayo ah, bibili lang ako ng kandila sa kabila.” Marahang bilin ng Mama ni Gabi. “Oh eto, gawin niyo munang flashlight 'tong cellphone ko. Tsaka kapag tumawag ulit Papa mo, sagutin mo 'nak ha.”
Masunuring tumango si Gabi. “Opo, Mama.”
Nang tuluyan nang lumabas si Ate Aderina para bumili ng kandila, nakaramdam ako ng panginginig dahil sa dilim ng paligid. Hindi naman kasi lahat ng sulok ay saklaw ng flashlight noong cellphone. Kaya kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at dahan-dahang pinatong ang paa sa couch. Lumalamig na rin kasi ang hangin.
Unti-unting nanginginig ang aking mga kamay habang tinitingnan ang bawat sulok ng bahay. Baka may multo... iyong white lady na nakikita ko sa TV kapag madilim ang paligid. Lumalakas ang pintig ng aking puso, ang 'di ko namalayan, habang nanginginig ako ay may tumulo na pala na luha mula sa mga mata ko.
“Hala Lai, bakit ka umiiyak?” Nag-aalalang bumaling sa akin si Gabi.
“Gabi... matagal pa ba bumalik ang ilaw?” tanong ko sa garalgal na boses.
“Hindi ko alam, pero huwag kana matakot, wala namang multo dito sa bahay.”
Imbes na makinig sa kaniya, tuluyan na nga akong umiyak. Hagulgol ako ng hagulgol doon at nakatingin lamang sa akin si Gabi na para bang nag-iisip kung anong dapat gawin. Makailang sandali, nakaramdam ako ng mainit na yakap mula sa aking tabi. Gabi's small and soft palm wrapped into mine and hugged me gently.
“Huwag kana matakot, kasama mo naman ako eh!”
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin at inaalu ako ng ilang sandali hanggang sa gumaan na ng tuluyan ang aking pakiramdam. Siya na rin ang nagpunas ng mga luha ko sa mata ko. Matapos iyon ay ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. And then suddenly, I found myself smiling with her.
“Sabi ni Mama, kapag daw malungkot iyong tao, yakapin mo raw para mapawi ang lungkot nila. Alam mo ba, natutunan ko iyon dahil niyayakap ni Papa palagi si Mama kapag namomroblema kami sa mga babayarin. Kaya ayon, ginagaya ko na rin.”
Hindi ako nakapagsalita at tahimik lang. Hanggang sa hindi nagtagal ay sinundo ako ni Mama pauwi dahil gabi na rin. Saktong dumating ang Mama niya galing sa tindahan.
Gabriella is the friend of mine that I couldn't asked for more. Iyong basta nariyang pang siya lagi wala dapat akong ipag-alala. Siguro nga dahil na rin sa akin kaya mas nahihiligan niya na rin ang mga panlalaking laruan. Pati mga pormahan ko ay ginagaya niya na. We were like soulmates who can't be separated. Kaya no'ng pumunta siya sa amin isang umaga para ibalita ang paglipat nila ng tirahan, para akong gusaling gumuho.
“Gabi!” Nang tinawag ako ng kasambahay namin dahil hinahanap ako ni Gabi, agad-agad akong tumakbo palabas para makita siya. Gusto ko kasi siyang samahan dahil malungkot siya kasi pumanaw bigla si Ate Aderina.
"Wow, ang bango mo, ah? Hindi kana amoy araw! Mag-sho-shopping kayo 'no?” tanong ko rito. Simula kasi noong naging magkaibigan kami, palaging nangangamoy-araw itong si Gabi.
Napawi ang ngiti ko nang malungkot itong umiling. “Lai, aalis na kami ni Papa. Wala na kasing ibang mag-aalaga sa'kin kaya kay Papa nalang ako titira. Pero huwag kang mag-alala, alam mo ba, nag-promise sa'kin si Papa na pwede pa rin akong makipaglaro sa iyo kahit hindi na ako dito nakatira?”
That hit me so hard. Kaya unti-unting bumigat ang aking paghinga sa narinig. Iiwan mo ako dito, Gabi? Eh gusto kitang makita palagi...
“Huwag kanang malungkot, magkikita pa naman tayo sa school, eh.”
My tears immediately fallen. “Gabi...” I sobbed infront of her. “Huwag ka nalang umalis...” Sobbed again. “Wala na akong kalaro na kapitbahay...” humagulgol ako ng malakas sa kaniyang harapan dahil hindi ko na talaga napigilan. Gusto kong magmakaawa sa Papa niya na dito nalang dahil gusto ko pa makalaro si Gabi pero hindi naman pwede 'yun.
“OA mo naman, Laikynn. Di'ba nga, sabi ko sa'yo makikipaglaro pa rin ako sa'yo? Pinayagan kaya ako ni Papa.”
Umiling ako. Iba pa rin iyong simpleng tawag ko lang sa iyo mula sa labas ng bahay niyo ay makikita kita kaagad. “Kahit na...”
When she realized that nothing of her words could comfort me, she pouted and leaned closer to hug me. Katulad no'ng pagyakap niya sa akin noong gabing nag-brownout. Dinama ko ang kaniyang yakap habang humagulgol ng malakas.
“Huwag ka ngang iiyak diyan, sige ka papangit ka.”
Mahirap man, kinaya ko ang mga araw na hindi ko siya kasama. Sa isang linggo, isang beses lang kaming nagkikita pero may kasama siya palagi. Iyong driver nila na may malaking katawan at malaking sasakyan. Habang tinititigan iyon ay halos manginig ang kabuuan ko. Nakakatakot naman ang isang 'to. Kaya dapat huwag kong paiyakin si Gabi dahil iyong Papa niya, parang tunay nga'ng may kaibigang malaki ang katawan at may malaking sasakyan.
Hanggang sa naging high school na kami. We went to the same school. Sa Luther International School at doon ay nagkaroon ako ng mga kaibigang sina Callum, ang pinaka-maingay at basagulero sa amin. Si Vio, englishero at mayaman. Matalino din siya kaya Valedictorian daw noong Elementary. Tapos si Jezz, ang pinaka-tahimik na nilalang pero matinik sa babae. Hindi naman siya playboy, marami lang nagkaka-crush sa kaniya kasi mabait masyado.
Kasama ko sila palagi sa paglalaro ng basketball bilang past time at gumaya na rin si Gabi. Napapailing nalang ako sa tuwing bubuksan ko ang locker ko at wala na roon ang jersey ko. Iyon pala, suot-suot na ni Gabi habang nakikilaro din ng basketball kasama sila Callum.
Ever since I met her, never in my mind occured that I would feel something more than a friend would feel towards Gabi. Noong grade 8 kasi kami, may topic sa MAPEH tungkol sa love. At habang dini-discuss iyon ng teacher namin ay walang ibang pumasok sa isipan ko kundi si Gabi.
Isang malaking palaisipan iyon hanggang sa naging grade nine kami. Gabi grew up acting like a boyish girl. Nasanay na kasi sa akin pero hindi ko na iyon pinupuna. Komportable naman siya sa panlalaking pormahan niya eh. Minsan nga ay napapagkamalang tibo pero alam ko namang hindi ganoon si Gabi. Babae pa rin naman siya mag-isip.
She's growing and she became prettier than ever in my eyes. I love looking at her because it makes me feel at ease. Lalo na kapag yakap-yakap niya ang mga braso ko habang naglalakad kami.
“Psst dre, crush mo si Gabi 'no?”
Halos mabulunan ako sa biglaang sinabi ni Callum. Narito kami sa cafeteria at umiinom lamang ng tubig. Shit, crush ko ba talaga si Gabi? Di'ba magkaibigan lang kami?
“P-Paano mo naman nasabi?” inosente kong tanong.
Umismid ang kumag. “Sobrang halata dre. Palagi ka ba namang nakatingin sa kaniya tapos naalala ko noong Year-End Party, isang bouquet talaga ng bulaklak? I mean normal lang naman iyon pero pagdating sa iyo, namumula ka no'n dre. Para bang nahuhulog kana sa kaibigan natin."
Napalunok ako at napahilamos sa aking mukha. Rinig ko palang ng pangalan niya ay parang lumiliwanag na ang mundo ko. Siguro tama nga si Callum, I'm slowly falling for her.
“Anong gagawin ko dre?”
“Yun oh! Di'ba tamang hinala na naman ako! Huwag kang mag-alala dre, support kita. Gusto mo, gumawa pa ako ng FanPage ng LaiGab Couple? Willing din ako maging President ng Fanclub niyo! Ano?”
Hindi ko mapigilang mapatawa. “Gago ka talaga. Hayaan mo na, mawawala rin 'to.”
“Bahala ka. Sayang naman offer ko.”
Iyon na nga ang problema. Akala ko noong una ay mawawala rin ang feelings ko sa kaniya. Kaso dumating na kami sa Senior High ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Tapos siya parang wala namang feelings sa akin. Takot na baka masira ang ilang taong pinagsamahan namin bilang magkaibigan, I kept my love for her a secret. Ito nga lang si Callum masyadong halata. Palagi akong inaasar kay Gabi buti nalang manhid ng medyo itong crush ko.
Akala niya nagbibiro lang si Callum iyon pala totoo na. Kaya naman, at the same time I want to thank Callum's effort. Until I found myself asking and wondering, how does it feel to be her boyfriend? Siguro quality time namin naglalaro ng basketball.
Akala ko ay habang-buhay ko nang ililihim ang nararamdaman ko sa kaniya. Not until one time she was slowly taken away from me. Nagiging malamig na siya sa akin. Pinapansin naman ako pero hindi na katulad noong dati. May ibang boyfriend na ba siya? Shit.
“She went to the rooftop bro. I think she has problems.” Wika ni Vio nang tanuning ko ito kung nakita niya ba o alam niya kung asan si Gabi.
“Parang may problema nga. Baka family problem. Puntahan mo na Laikynn, ikaw kailangan no'n ngayon.”
I sighed heavily. Baka may mahal siyang iba. Ang sakit naman no'n. Baka abutin ako ng ilang gabi bago ako makakamove-on sa sakit? Bakit hindi nalang ako? Gwapo rin naman ako ah, I also can treat her better like a queen. Napapikit ako ng mariin. Aangkinin ko nalang siya para kung sakaling may nagbabalak agawin siya sa'kin, magbaback-out na.
“Sige, maiwan ko muna kayo.”
“Yun oh! Lalayag na ang barko ko!” Callum shouted in delight.
And starting that day, I claimed Gabriella Adrienne as mine. Of course, she's mine, only mine. No one else have her. And I swear to myself I will love her more than she wished for.
***
Abot-tenga ang ngiti ko habang inaayos ang sariling buhok. I composed myself and prepared for what will going to happen. Immediately, I dialed her number and slowly pacing towards Eiffel Tower.
“Ang tagal mong tumawag ah, 'di naman halatang nakalimutan mo na ang fourth anniversary natin?”
I chuckled secretly. Damn, babe. I wouldn't forget the very day you said yes to me. The day you became my girlfriend. Pero hindi ko muna sinabi iyon dahil parang galit siya ngayon. Eh kasi naman, tulog ako kanina sa airplane buong biyahe kaya hindi ko na rin magawang bumati. Tsaka sinadya ko rin. Kinda. Para ngayong gabi, she'll be surprised to see me here in France.
Ako makalimot? Eh ang tagal ko na kayang pinag-ipunan 'to. Grabe 'no, four years na din pala kami. It feels surreal. Just wow because I survived being in a relationship with her and reached four years. Besides sa pagiging Cum Laude noong gum-raduate ako sa College, ito rin ang isa sa pinakamalaking achievement ko.
“Love, sorry na. Halika, kiss nalang kita.”
Dahil doon, nase-sense ko tuloy na umiirap na ito ngayon. Tumingala ako sa matayog na Eiffel Tower. This scene is so beautiful and I can't help but to fall inlove with it. Sinadya ko talaga na pumunta dito dahil sabi ni Séverine sa akin, dito daw pupunta si Gabi ngayong gabi. Ganoon naman daw palagi sa tuwing anniversary namin, pupunta siya dito sa gabi para tumambay tapos tatawag sa akin para mag-celebrate.
My girl is so romantic. Mas lalo tuloy akong kinikilig at nangangati na akong makita siya ulit. Boyish pa rin kaya siya? I think not anymore. Ever since she got her in Paris, hindi na siya masyadong pumopormang panlalaki. Mas lalo tuloy nadedepina ang kagandahan niya. Parang ang sarap ibulsa.
“Kapag nasa Pilipinas, huwag na mag-demand ng kiss, ha?”
I smirked. “Sino namang nagsabi sa'yo na nasa Pilipinas ako?”
“H-Huh? Teka lang, hoy nasaan ka ba? Nasa Mars?”
When I took a few steps, that's when I saw a familiar steps. The face of the love of my life that I've been longing for years. Napaawang ang aking bibig at walang duda sa nakikita. Si Gabi ito, sigurado ako! Kita mo nga naman, sa laki-laki ba naman ng lugar na ito ay makikita ko siya ng ganito kabilis? Tsk, effective pala talaga ang manifesting sa Twitter.
“Harapin mo ako love,”
Then suddenly, I saw the woman infront of me turning around. Punong-puno pa ito ng pagtataka. Luminga siya sa kabilang gilid, sa likuran, tumalikod ulit, hanggang sa humarap na nga ito ng tuluyan sa akin.
Kitang-kita ko ang pag-awang ng kaniyang bibig at ang pagkalaglag ng kaniyang panga. Of course, I didn't tell her na pupuntahan ko siya dito sa Paris para sa anniversary namin. I smiled widely and slowly paced towards her. Napako siya sa kaniyang kinatatayuan para bang hindi makapaniwala na narito ako. Of course my love, I'm here to see you. Wala eh, sobrang miss ko na.
“Oh my gosh...” Tuluyan na siyang napatakip sa kaniyang bibig habang nakatitig pa rin sa akin. Hindi pa rin makapaniwala. So I chuckled and leaned towards her for a tight hug. Damn, sobrang na-miss ko talaga ang ganito.
“Joyeux Anniversaire, mon amour. Mon seul amour...” (Happy Anniversary, my love. My only love).
Suddenly I heard her crying. “Gago ka, hindi ka man lang nagsabi! Akala ko tuloy multo ang nakikita ko!” She sobbed and I only kissed her in her cheeks.
“Mahal, sorpresa nga hindi ba?”
Because of that, she sobbed again. Kaya naman kumalas na ako sa pagkayakap sa kaniya at pinunasan ang kaniyang magandang mukha. Bata pa lang kami ay tumutingkad na talaga ang kaniyang ganda pero mas lalo pa iyong tumitingkad ngayon.
“Nasaan kiss ko?”
She pouted and then suddenly, she leaned forward and tiptoed a bit to kiss me. At first, it was a gentle kiss but I made it rough. Sorry na Gabi, namiss ko lang talaga ang halikan ka ng ganito.
I held her waist for her support and bowed down to kiss her more. Everything was heartfelt. Damn, the best anniversary we ever had. I almost forgot that we are in a very public place. But I don't care, this is our scene and I couldn't take it anymore. Miss na miss ko na siya kaya naman ang halik ko sa kaniya ay punong-puno ng panggigil.
Right here in the City of Love, me and my lover kiss each other and busy feeling our heartfelt love. Eiffel Tower witnessed that night how I was so inlove with her and while being lost in her kisses, there was a random thought crept in my mind. This isn't the end of our story, this is just a new beginning. Dahil sa susunod na babalik kami dito, hihingin ko na ang kamay niya.
I am more than sure that Gabriella is the woman I want to be with for the rest of my life. Even when we grow old, our love for each other will he timeless. Magdaan man ang ilang taon, mananatili akong nagmamahal sa kaniya.
“Thanks Laikynn, for saving me that day from our bully classmates. Thank you for being here with me in this lifetime. I enjoyed my life because I was with you. At hindi ko kakayanin---mahihirapan ako ng todo kapag nawala ka sa'kin. I can't lose you... my love.”
I can't help but to smile genuinely. Akalain mo 'yun, siya pala ang taong para sa akin. Hinawi ko ang nakatabon na strand ng buhok sa kaniyang mukha. “Salamat at palagi kang nariyan. Thank you for this healthy and strong love. Thank you for waiting for years. Huwag kang mag-alala, simula sa araw na'to, hindi na tayo magkakalayo. Ikaw palagi ang aking mahal, ikaw lang ang aking minahal, at ang aking mamahalin.”
Ngumiti din siya at tumango. I leaned again to kiss her forehead.
My love for Gabriella has been engraved in my soul and I would never removed it. She is the only woman who's forever tattoed in my mind. Ang tanging babaeng mamahalin ko sa lagi-lagi.
I, Laikynn Atticus Silvestre, promising myself and to the only woman that I love that I will be forever with her. Forever by her side and continue to love her, protecting her. I will continue chasing the monsters away so that she wouldn't be scared anymore. Huwag kang mag-alala mahal, narito lang palagi ako sa iyong tabi.
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro