Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter Nine

“Grabe, nabusog ako ng sobra!”

Matapos higupin ni Callum ang panghuling bowl ng bulalo, madrama itong napahawak sa kaniyang tiyan. Siya ang pinakaunang natapos sa amin. Sa dami ba namang pinamili ni Laikynn eh parang huling araw ko na sa mundo o bibitayin ako bukas. Talagang ang daming binili, parang uubuisin na mga paninda dito!

“Siyempre, libre eh,” sagot ko naman.

Rinig ko ang mahinang halakhak ni Jezz. Nandoon lang siya sa dulong parte ng lamesa namin at tahimik na kumakain habang abala sa pagta-type ng kung ano-ano man iyon sa kaniyang cellphone. Halatang jowa na naman. Grabe  si Jezz, bawat minuto niya yatang inu-update ang kaniyang jowa. Pati siguro pagsubo ng pagkain ina-update sa jowa niya eh.

“Sarap pala kapag kasama natin lagi si Gabi 'no? May bigla-bigla nalang kasing maglalapag ng pera.” Dagdag pa nito.

Tumango naman silang lahat doon.

“Para kang sira, Callum.” Rinig kong sabi ni Lai. Ewan ko nalang dito kay Callum eh kung ano-ano ang pinagsasabi kay Lai. Siguro naman at nagkapera lang to si Lai ngayon kaya naglalapag na ng pera. Dati eh sobrang kuripot ni Laikynn! “Ikaw naman ilibre ko sunod, Callum. Nagseselos kana ata riyan eh.”

“Pucha ka tol!” Ngumiwi ito na para bang nandidiri pa.

“Seems like Gabi wants to eat more pa, Lai.”

Halos maibuga kona ang aking kinakain nang sabihin iyon ni Vio. Gagi lang, eh sobrang busog kona kaya! Grabe, pinagsawaan ang bulalo.

“Gusto mo pa?” agad na tanong ni Lai sa akin at agad naman akong umiling.

“H'wag na, bukas mo nalang ulit ako ilibre,” sabi ko naman habang punong-puno pa ang bibig sa pagkain. Nang muntik akong mabulunan ay binigyan ako nito ng mineral water.

“Ako, Lai. Gusto ko pa.” Nakatingala si Callum kay Lai na para bang batang humihingi ng lollipop.

“Di ka naman inaaya.”

Hindi ko mapigilan ang paghalakhak ko roon. Umaakto pa kasi si Callum na napahawak sa kaniyang dibdib na para bang nasaktan ng sobra. Si Vio naman ay naroon sa kaniyang tabi sabay tapik sa kaniyang balikat. Iyong parang chini-cheer up si Callum.

Kami na yata ang pinakamaingay doon sa table na iyon kaya ang ibang mga tao ay napalingon nalang sa amin. Nang umihip ang malamig na hangin ay inayos ko ang aking suot na coat. Buti nalang pala at pinahiram ‘to sa'kin ni Lai kundi baka talagang lalamigin ako ng sobra kinabukasan. Malapit na rin kasing maghating-gabi kaya palamig ng palamig ang hangin.

Nang nakaalis na kami sa lugar na iyon ay habang naglalakad kami sa tahimik na kalye, pinag-uusapan nila ang mga taong kasuntukan noong una. Iyong grupo ng kapatid ni Avery. Tsk, iyong utak nilang may saltik. Bigla-bigla nalang nag-aaya ng suntukan. Akala siguro'y weak kami.

Gusto ko sanang huwag munang umuwi sa mansion dahil hindi kona alam kung may mukha pa ba akong maihaharap doon. Kaya naman, sinubukan kong i-text si Papa at nagpaalam na doon ako matutulog sa Penthouse niya. Hindi naman siguro siya magagalit, isang gabi lang naman iyon. Tsaka may mga guards naman sa building.

“Nagkausap na ba kayo ni Avery, Jezz?” Si Lai na nasa tabi ko lang ay nagtanong kay Jezz. Nakapamulsa lang ito habang naglalakad kami.

“Sinubukan ko.” bumuntong-hininga siya. “Pero wala eh, ayaw na akong makausap.”

Bakas ang dissapointment sa kanilang lahat. Alam ko naman na halos kaming lahat ay hate na hate na si Avery. Halos lang dahil halata namang may gusto pa rin ng slight si Jezz doon pero nagmomove-on naman siya.

“Iyong kapatid niya talaga, parang asong naulol. Ang pangit ng itsura, yuck!”

Pabirong binatukan ni Vio si Callum na exaggerating magsalita. Pero tama naman siya sa part na iyon.

“Mas maganda pa nga si Gabi doon, eh” ani Lai.

“Wow, smooth bro.” Nagpipigil ng tawa si Vio.

“Ano ibig-sabihin mo pre?” Makahulugang nilingon ni Callum si Lai. Umiling naman ang lalaki kaagad.

“Wala ah, sinabi ko lang naman ang totoo.”

“Aaminin ko, sobrang nagandahan ako kay Avery. Plus mahinhin pa, iyon bang parang si Séverine lang ang datingan? Kaya nagkagusto ako roon dati eh, sobrang hulog!” sabi pa ni Jezz.

“Nakausap mo ba si Séve kanina?” Pakikipag-usap ko kay Lai. Kaming dalawa lang ang nakakarinig sa boses kong iyon.

Umiling si Laikynn. “Hindi, bakit naman kami mag-uusap?”

Bagsak ang balikat ko dahil sa sinagot ni Lai. Kahit kailan talaga itong lalaking 'to, parang nung una lang ay halos hindi na siya umuwi sa amin dahil nakikipag-date roon sa pinsan ko. Siyempre kung may gusto siya roon, gumawa dapat siya ng diskarte! Para naman magkajowa siya. Habang-buhay na yata itong nakadikit sa aming lahat.

Noong gabing iyon ay hinatid nila ako pabalik sa mansion namin. Hindi ko na sinabi sa kanila na plano kong magpahatid sa driver namin doon sa building ni Papa para magpalipas ng gabi. Ayaw ko namang mag-alala sila ng sobra sa akin. Sapat na iyong pinasaya nila ako kanina. Papa haven't seen my message yet pero plano ko nang  dumiretso sa building niya dahil hindi ko nagustuhan ang atmosphere ng chateau kanina. Bahala na nga sila.

“Yes, Ma'am?”

Agad kong tinawagan ang driver namin at sumagot naman ito kaagad. “Kuya, si Gabriella pp ito. Pwede bang pahatid? doon po sana sa penthouse ni Papa.”

“Sigurado po ba kayo diyan, Ma'am? Baka mayari ka po kay Madame Bridgitte lalo na't gabi na ngayon.”

I sighed. Alam ko naman iyon. Pero gusto ko lang sana magpakalayo-layo muna ng isang gabi kasi nasu-suffocate ako sa amin. “Kailangan lang talaga, kuya. Don't worry po, ako po'ng bahala sa inyo. Tsaka, nagpaalam naman na po ako kay Papa.”

“Sige po, Ma'am. Hintayin niyo lang po ako saglit diyan sa parking area.”

“Salamat talaga ng marami, kuya.”

Noong gabing iyon ay hinatid nga ako ni Kuya Darson, ang family driver namin rito sa chateau. Tahimik lang kami sa buong biyahe at tsaka hindi naman kalayuan ang penthouse ni papa. Katabi lang din ito ng hotel ng mga Auclair. Nang makarating kami sa destinasyon ay agad na akong bumaba at nagpasalamat kay Kuya Darson.

Hindi ko naman first time ang pumunta rito kaya hindi ako gaanong naiignorante sa kabuuan ng La Vi En Clair. Lalo na nung bata pa ako ay palagi akong sinasama ni Papa sa kaniyang opisina at si Sir Carlo ang nagbabantay sa akin. Ang secretary ni Papa. I immediately dialed the passcode para makapasok sa loob. Madali lang naman kasi birthdate ko lang maman ang passcode nun.

Compared to the Chateau Auclair, this house is in a modern design. It composed of gray and black designs and it was plain. Malinis naman siyang tingnan. Wala masyadong furnitures since hindi mahilig si Papa roon. All I could see in the living room is the gray couch, the glass center table na wala namang vase man lang at ang flat screen television sa harapan. Kahit picture frames ay wala.

Hindi na ako nagtagal pa at dumiretso na paakyat sa aking kwarto. Mayroon naman akong mga extrang damit dito kaya hinubad ko na ang akong masikip na dress at sandals. Bago ako natulog ay binihisan ko ang sarili ko. Siyempre, plantsado ang coat na pinahiram sa akin ni Lai kaya hinanger ko nalang iyon. Isang malaking t-shirt ang aking suot at board shorts.

Nag-shower ako ng saglit at minutes after matuyo ang buhok ko ay naghanda na ako para sa pagtulog. Ngunit bago pa man iyon ay naalala ko si Papa. Baka mag-alala iyon.

Me:
pa dito ako matutulog sa penthouse mo pleaseeee

Papa:
okay anak. sleep well

Buti naman at mabilis lang ito kausap si Papa.

Naaalala ko na naman. Bakit ba naman kasi ang gusto nilang maging heiress eh mas bagay iyon kay Séverine o di kaya'y kay Fabbiene sa totoo lang. Elegante gumalaw at manamit, sobrang ganda at kinabibighani-an ng halos lahat. Halatang maalam sa bagay-bagay tungkol sa negosyo. Mga bagay na halos kabaliktaran sa akin. Baka nga ako pa ang makapag-bankrupt sa mga kompanya namin. Tsk, bakit ba naman kasi ganun.

“Papa!”

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga at pagkababa ko palang mismo sa living room ay sumalubong sa akin si Papa na naka business suit. Siguro handa na ito para pumunta sa opisina niya.

Sinalubong ko ng yakap si Papa. Rinig ko pa ang bahagyang pagreklamo ni Papa dahil sa biglaan kong pagyakap. Malaking ngiti ang naigawad ko. Sobrang na-miss ko lang si Papa kasi hindi ko siya nakita bago ako natulog.

“Good morning, anak. What made you go here in the middle of the night? Hindi na kita nakita kagabi sa event. Paano kung napahamak ka sa daan? Baka mahold-up ka!”

“OA ka naman, Pa. Nagpahatid kaya ako kagabi kay Kuya Darson papunta rito. Don't worry, safe and sound anak mong pogi dito oh.”

“Okay, fine. Buti nalang talaga at safe kang nakarating rito at nagtext ka kagabi. Baka mabaliw kami ni Mommy mo kakahanap sa'yo kung sakali.”

Ay hala shit. Si Mommy pala. Baka grounded na naman ako nito! “Ano palang sabi ni Mommy, Pa? Naku, lagot ako dun!”

“Don't worry, 'nak. Akong bahala sa Mommy mo. Naiintindihan naman kita sa nararamdaman mo kagabi, 'nak kaya hinayaan nalang kita.”

Kusa akong napangiti roon. Heaven knows kung gaano ko kamahal si Papa. Tsakaa ang boring kaya doon sa mansion, sa sobrang laki ay parang nagsawa ako kaagad. Sobrang laki ng bahay pero ang unti lang naman ang nakatira. Minsan tuloy nagtataka ako, para saan ba iyong mga extra na space ng bahay?

“Kasama ko po pala sila Laikynn kagabi sa may ihawan doon sa malapit. Tsaka hinatid rin nila ako pagkatapos doon sa mansion. Kaya huwag kang mag-alala sa akin, Pa. Kung may mananakit man sa akin, kaya ko silang patumbahin gamit itong muscles ko!”  I flexed my muscle. Kahit maliit lang naman iyon basta may muscle lang na mai-flex.

“By the way, nag-breakfast ka na ba? I brought foods.” Sobrang laki ng ngiti kong sumunod kay Papa patungo sa living area. Agad din akong kumuha ng mainit na tubig para makapagkape.

Sinamahan ako ni Papa kumain ng breakfast. Dinalhan niya ako ng toasted sandwich at iba pang mga pagkain. Dinalhan pa niya ako ng blueberry cheesecake para sa desert.

“By the way, Papa. Totoo po ba iyong mga pinag-usapan kagabi? Na ako ang magiging heiress ng hotel natin?”

Papa stopped for a bit. “Yes, anak. Your lolo wants it ever since before.”

Napanguso ako. Paano naman ako magpapatakbo ng kompanya? Eh halos wala nga akong interes sa mga ganoong bagay eh. “Eh Pa, bakit hindi nalang si Kuya Jacques? Matalino siya at maraming alam. I bet kung siya ang magmamana ng hotel ay mas lalago pa ito, Pa.”

“Anak, iyon ang gustong mangyari ng grandpa. No one wants to defy it. Bilang ako ang nakatatandang kapatid sa aming lahat, sa akin nakalahad halos lahat ng responsibilidad sa La Vie En Clair. At pagkatapos ko, ikaw naman ang mangangalakad.”

Hay, ganoon pala iyon. Ngayon ko lang narealize na heir din pala si Papa doon. The moment na aalis si Grandpa sa kaniyang posisyon ay awtomatikong si Papa ang magti-take over. Mahusay din kasi si Papa sa pamamalakad. Palagi ko nga siyang nakikita na nakakatanggap ng awards dahil sa kaniyang determinasyon sa trabaho.

“Eh paano po kung mabigo ako? Ang laking responsibilidad naman po niyang naghihintay da akin pagkatapos kong mag-aral. Wala naman akong puso para doon, Pa. Sina Fabbiene at Séverine nalang piliin niyo!”

Bumuntong-hininga si Papa. “Anak, alam mo ba kung bakit lahat kaming magkapatid ay nakatingala sa iyo? Dahil ako alam ko mismo na may potensyal ka. Matutunan mo rin ang mga bagay na iyon. May college pa. Pag-aralan mo iyon, nak. This is the perks of living in this kind of family. Masarap sa feeling na hindi ka naghihirap financially but there are still a lot of challenges out there.”

“Pa, napag-iisipan ko na rin ang lahat. I am not deserving in that kind of work. Hindi ako magiging handa sa mga ganoon. Tsaka disappointed na sa akin si Grandma kagabi dahil sa records ko sa school. Isali pa iyong ginagawang masama ang pakikipagkaibigan ko sa mga lalaki. Masyado rin akong dependent sa inyo, Pa. Lalo na kay Mommy at Freska. Totoo naman ang sinasabi nila sa akin kagabi. Masakit pero kailangan ko iyong i-absorb sa aking sarili.

“Good thing you walked out in that event, nak. I can't withstand watching you being uncomfortable there because of their harsh words. Pasensya na rin at hindi kita maipagtanggol. Buti nalang at nariyan ang mga kaibigan mo.”

“Masama ba akong tao, Pa? Alam mo namang nadadawit lang ako sa gulo sa school kasi maraming bullies doon na nilalabanan namin. Malamang, ayaw naming lima na inaapi kami ng mga gagong iyon!”

“Anak, naiintindihan naman kita. But I also understands our family. Ayaw nila ng bad records. Our surname carries the good image in the field of business. We need to take care of our reputation. It's the most important. Kaya, please refrain from involving in any violent actions. It is also for your betterment, nak. Matutuwa ang Mama mo pag nalaman niyang hindi kana nadadawit sa gulo.”

Somehow, I understand Papa. Totoo nga namang pinapasan ng mga Auclair ang magandang reputasyon lalo na sa larangan ng negosyo. Gusto kong maki-fit in sa kanila. I don't want to be the black sheep in this family. Kaya naman naisip ko rin. I guess I need to fit in their standards. I have to be a prim lady who have a heart in business and knows how to speak french.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro