Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter Eight

"Let us all wish happy anniversary to Mr. and Mrs. Auclair!"

Everyone clapped their hands as the host introduce the celebrants infront. Nakahawak si Mr. Auclair sa bewang ng asawa habang abala sa pagkaway-kaway sa harap ng maraming tao at nakangiti. Kahit ang itsura'y mas bata pa sa edad, nang ngumiti si Mrs. Auclair sa harap ng karamihan ay kitang-kita na ang kaniyang wrinkles. She has that slender body at hindi mo maiisip na may marami na siyang apo. Gayundin si grandpa kahit kumakapal na ang kaniyang bigote sa mukha. Ang ganda nila tingnan dalawa, parang mga hollywood actors kasi may mga camera din sa tabi-tabi.

"We were really glad to know that you are now with the Auclairs. They're great, aren't they?" tanong nitong isang ginang sa tabi ko na bigla nalang sumulpot habang nanonood ako sa moment nina grandpa at grandma. Sabi niya'y pinsan raw siya ni papa kaya kahit di ko siya kilala, ngumiti nalang rin ako at siyempre, may halong paggalang.

"Hmm, okay lang naman po."

She raised her brows. "Really? Sa pagkakaalam ko, they're very approachable. Especially Fabbiene and Jacques. Bata palang, naturuan na kung paano ang tamang pakipag-halubilo sa mga guests."

That. I don't know how to do that. Naisip ko na isa iyon sa mga pinagsasabi sa akin ni Séverine na shortcomings ko kasi never rin akong naturuan paano. O sayang di lang talaga ako interesado.

"Yes they are," awkward akong tumango at ngumiti. Gagi, baka bigla akong tumakbo paalis dito dahil sa hiya.

"You are so beautiful, hija. You look like Gustave!" she chuckled gently. Parang pilit naman itong pagtawa niya.

Kunwari ay nagkikislap ang aking mata sa papuri niya. "Talaga po? Thank you." Ginaya ko pa ang way niya ng pagtawa. Sana di ako nagtutunog mangkukulam.

"Welcome, hija. We're expecting high from you. All the Auclairs, actually, we're expecting high. You're no exception. Please don't disappoint us."

Nakipagbeso siya sa akin. Siguro'y aalis na'to sa harapan ko. Bahagya lamang akong ngumiti doon. "Thank you, Tita."

Nang umalis na talaga siya at pagkatapos nitong magpaalam, dahan-dahan rin akong naglalakad sa dagat ng mga tao. Hinay-hinay lamang ang bawat hakbang ko dahil sa taas ng takong na suot ko ngayon na hindi naman talaga ako sanay. Kung pwede lang siguro na nakapaa, matagal ko nang ginawa pero narealize ko naman na talagang nakakahiya iyon.

Pilit ang mga ngiti na iginawad ko sa bawat taong dinadaanan ko kahit hindi ko sila kilala. Hindi ko alam kung kamag-anak ba sila o ano basta um-attend lang sila sa party-party na'to.

Mas lalo akong nahihirapan na maglakad dahil sa mermaid dress na aking suot. Sobrang hapit nito sa katawan ko kaya biglang umurong ang confidence ko kanina the moment na sinuot siya sa akin. Kulay beige ito na sleeveless. Ganoon rin ang kulay ng aking high heels.

Sa huli ay nagtungo ako doon sa table kung saan naroon ang aking buong pamilya. Nakakalungkot lang dahil sa mga ganitong kaganapan ay hindi ko na makapiling pa si Mama. Kompleto na sana. Abala kasi ako sa pakikipag-halubilo slash plastikan sa mga taong hindi ko talaga kilala.

"Helly, my dear girl, hopefully you enjoy the party." Lumingon sa akin si Mommy sabay ngiti. May hawak siyang wine glass sa kanang kamay. Doon ako tumabi sa kaniya at nakapagitan ako sa kanilang dalawa ni Séverine na ang sama ng tingin sa akin. Hindi iyon nahalata ng iba at tanging ako lang.

"Thank you, my" I smiled at my mom genuinely.

"So they went home for their new business, I'm so proud for you monsieur et madame, you're still successful until now! Kaya hangang-hanga ang ibang businessmen sa inyo, eh." Maligayang sabi noong ginang na nasa aking harapan.

"Oui, moi aussi. Je suis content que vous soyez ici monsieur et madame."

"We need to widen the business for our apo's. Darating ang araw at silang tatlo ang maghahati-hati sa aming kompanya at sila na ang mangangalaga nito." Ngiti ng grandma.

"That is what my wife wants so I let her decide. After all, most of women's plans are successful." Chuckled grandpa beside her at nagtawanan rin ang mga tao sa lamesang iyon.

Marami pa silang pinag-usapan doon tungkol sa negosyo na hindi ko talaga maintindihan kaya hindi nalang ako masyadong nakinig nang biglang nabanggit nila ang aking pangalan.

"Gabriella will be the next heiress next to her father, Gustave. I doubt that she will be able to do her future job properly. Napag-alaman kong Gabriella is hard to train, her cousins have seen her sneaking out in the morning and goes outside in shirts and pants. Sa school naman ay umaaktong parang hindi babae. Tsk, tsk."

There it goes, sa akin na naman ang atensyon. Tsaka, sino ba ang nagsabing ako ang heiress?! Ako? heiress ni Papa? Tangina hoy, wala akong alam sa ganiyan.

Wala akong ibang magawa at napayuko na lamang sa sinabi ni Mrs. Mathilde, yung lola ko, sa akin. Namataan ko kasi siyang nakatingin sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon sa nadidisappoint na mga titig.

"Mother, I already told you to not to worry about it. Fresca is always there to teach and train her. I believe that my niece will act like what all of us are expecting," tugon ni Mommy at lumingon sa akin. "Right, Gabriella?"

I nodded.

"Hmm, Mother has the point. She will be the next princess when the time comes. The whole Auclair will surely expect her to do more. It's not that hard to change, Gabriella. You know, do it step by step," pahayag pa nung isang lalaki na Daddy ni Séverine. Guillaume daw ang pangalan. Hindi ko na naalala ang apilyedo kasi hindi ko ma-pronounce ng maayos. Sinang-ayunan naman ng lahat ang kaniyang sinabi.

Hindi ko alam pero nahihirapan akong lumunok habang nakikinig ng mga pinagsasabi nila. They were expecting too high for me. Nakatutuwa iyon dahil kahit papaano ay alam kong may tiwala sila sa magagawa ko pero may mga oras na para kang nape-pressure doon. Gusto ko naman sumunod pero I ended up doing the things that I used to do. Kinakaya ko at hindi alam kung kakayanin.

"If Gabriella will fail to be the heiress, I believe that Fabbiene will suit to be like one too. A woman with proper manners on everything. I believe that my daughter can also do it, right Mother?" tinaasan ako ng kilay ni Clementine Auclair-mommy ni Fabbiene at saka nilipat ang atensyon kay Mrs. Mathilde.

"I don't think so. A woman with bullying records at school? She can't even beat their top one, she may bankrupt our companies," tugon naman nito.

"You like a woman that has more violent records, a woman who doesn't act like one more than a firm one? My daughter will suit it better. It's normal for teenagers to enggage in bullying cases but not in punching and kicking type of doing," sambit naman ni Sir Guillaume.

Sa ilang salitang kanilang pinagpapalitan, ramdam na ramdam ko ang tension sa buong hapag. Bayolenteng bumuntong-hininga si Daddy at kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang mga panga at madilim na titig sa mag-asawa.

"Gabriella isn't like that!" Biglaang singhal ni Mommy.

"Really? Then ask Fabbiene and Séverine, they're in the same campus, right? I even heard from here that they were used to be as enemies. Gustave, your daughter is a pain in the ass." She smirked.

"Fabbiene's words will be the least thing that I will trust too, stop your shits, Clementine."

"Gustave-" akmang awat ni Tito Damien.

That Clementine sarcastically smirked. "Really? Then why the hell Gabrielle is one with the boys? Didn't you see all of her friends are even-ugh, I can't trust your daughter, Gustave. She would fail everyone."

"Toughts are mutual, I can't trust yours too." Dad glanced at Fabbiene who's arms are now in cross.

"Both of you, stop!" Halos mapatalon sa gulat ang halos lahat ng nasa hapag dahil sa sigaw ni Mr. François Auclair. Mabuti na lamang at may klase-klaseng ingay sa lugar kaya malakas ang kutob ko na hindi naman iyon narinig ng halos lahat ng tao dito sa venue.

Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking dibdib nang madama ko ang mga matulis na titig sa akin ng mag-asawang nasa harapan ko. Both Damien and Clementine. Si Séverine ay umaaktong parang walang nangyayari at narito lamang sa aking tabi, walang imik.

"My apologies, Mother" wika ni Mommy sa mababang boses.

Ngunit kahit na ganoon ay wala pa ring pinagbago sa atmosphere ng lahat. Kung kanina ay mga titig lang nung Clementine ang nagdala ng goosebumps sa akin, ngayon naman ay pati na rin ang titig sa akin ng sariling lola.

"Is that true, Gabriella? One of the boys? Have violent records at an International School? Admit it or I will kick your butt of here."

Lumunok ako ng ilang beses at lumanghap ng hangin sa ilang sandali. "Y-Yes po,"

"Oh, tingnan niyo na-"

"You're a living disapointment."

Iyon na yata ang pinakamalutong na salitang aking narinig sa araw na'to. Lumunok ako ng ilang beses at parang may dumagan sa aking dibdib resulta ng pagbigat ng aking mga mata. Para bang nakakonekta ang dalawa.

"Boys are untrustworthy, why are you still with them?"

Unti nalang talaga, hindi ko na makakaya ito. Hindi lang ako ang naiinsulto sa mga sinasabi nila kundi pati na rin ang mga kaibigan kong wala namang masamang ginagawa sa akin.

You're wrong grandma, because aside from Mama and Papa, they are the most trusthworthy people that I've known. Gusto ko sanang sabihin iyan kaso feeling ko mas dadagdag lang iyon sa gulo.

Noong unang apak ko palang sa Luther International School, wala akong ibang kaibigan aside from Lai na kapit-bahay ko dati. Sa kaniya lang ako palaging sumasama dahil walang interesadong makipag-interact sa akin nang makita nilang hindi mamahalin ang mga gamit ko. Same kami ni Lai actually, and that's what the funny thing. Dahil doon mas naging close kami sa isa't-isa.

Not until Laikynn joined the basketball team, doon niya nakilala si Callum, kasunod ay sina Vio at Jezz. Dahil palagi akong sumasama sa kaniya lalo na tuwing game, naging close ko na rin sila. It turned out na nagka-interes na rin ako sa basketball.

Noong una nag-alala pa ako dahil baka abusuhin lang nila ang pagkababae ko pero kabaligtaran ang nangyari. My boy bestfriends respects me so much to the point na pinoprotektahan nila ako.
The moment na naging kaibigan ko ang mga iyon, naramdaman ko ang pagmamahalan ng isang tunay na kaibigan na hindi ko pa naranasan noon. Sobrang komportable ako kapag kasama sila. Hindi nila ako hinahayaan na masaktan kaya sa t'wing malungkot ako, gumagawa sila ng paraan para mapasaya ako. Pinapangunahan pa iyon nina Lai at Callum.

Nang matapos ang pag-uusap ng buong pamilya, medyo nabawasan naman na ang tensyon sa pagitan nina Mommy at Ms. Clementine. Nagpaalam ako kina Mommy at Daddy na magpahangin muna. Pinayagan naman ako ni Daddy dahil deserve ko daw na magpahangin muna after sa mga nangyari kani-kanila lang.

"Anong mukha 'yan? Mukhang malungkot?" bungad sa akin ni Lai nang dumiretso ako sa table nila. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang nakapunta na ako sa kinaroroonan nila.

Bumuntong-hininga ako. "Wala, may napag-usapan lang kanina. Medyo mabigat sa ears, tsaka puro english-an at french sila doon halos 'di ko maintindihan!" pagrarason ko sabay ng bahagyang tawa.

"How was it? The meeting with your whole family?" Vio asked.

"Medyo okay na parang hindi. Ayon, nalaman nila na may bad records ako sa eskwelahan. Hindi ko naman kasi alam dati na bawal pala sa pamilya namin ang magulo."

Jezz sighed. "We're sorry about that."

"Luh, wala naman kayong kasalanan. Desisyon ko naman iyon na makihalo sa mga gawain niyo. Totoo namang ang plain ng life kung puro aral lang tayo. Dapat may kunting bayolente,"

"A philosopher once said," wika ni Callum.

"Oh? Nakapag-speaking dollars ang jejemon, pucha! Saan galing 'yon dre?" Humalakhak si Jezz. Pabirong sinuntok ni Callum ang tiyan ni Jezz.

"Alam mo Gabi, mas lalo kang gumanda ngayon." Biglaang sambit ni Lai dito sa tabi ko. Kumunot ang noo ko.

"Bukas, pogi ulit ako."

"Lai, baka gusto mo rin ma-meet buong pamilya ni Gabi. Wala, baka trip mo lang," sabing bigla ni Callum.

"Ay, oo nga 'no. Suportado ka namin, Lai." That was Jezz.

"Kayo, ah. Puro kabulastugan kayo, dapat sabay tayong magpakilala doon kung gusto niyo, di'ba Gabi?" sagot nito at binalik ang tingin sa akin.

"Oh? Sunod na, baka mamaya maghasik pa ng lagim si lola kong nakataas ng kilay doon," tugon ko.

Ngumisi si Callum. "Yiee, pustahan excited na iyan si Lai."

"We are looking forward to it, maybe now's not yet the right time na makipagpakilala sa kanila. Look oh, parang malungkot pa ang itsura ni Gabi." Turo sa akin ni Vio.

"Hindi pwedeng wala tayong gagawin para diyan," sabi naman ni Callum habang sumusulyap kay Jezz.

"Sige na, tara libre ko." Pinakita sa amin ni Jezz ang kaniyang wallet.

Ang mga mata naman ng mga kumag, biglaang kumislap at animo'y magdidiwang dahil naglabas lang naman ng wallet si Jezz.

In the end, namalayan ko nalang ang sarili kong kasama sila. Mabuti at sinunod ni Lai ang bilin ko na dalhan ako ng extrang tsinelas at damit dahil baka magpalit ako pagkatapos ng party o di kaya'y baka mamaga ang paa ko pagkatapos ng party. Pinahiram niya rin ako ng coat na suot niya kanina dahil showy ang damit ko, malamig pa naman sa labas.

Sabay-sabay naming nilakad ang labas ng aming mansion, wala namang pumigil sa amin. Ang madilim at tahimik na daanan ay napupuno ng klase-klase naming tawa. Sa ilang sandali ng paglalakad, nakarating kami sa night market na may klase-klaseng street foods na paninda. Sa food court.

"Bulalo po, lima" Jezz handed the money to the man na nagbabantay ng mga paninda.

"Ngayon, gutom na'ko." Madramang akto ni Callum.

"Palagi naman," sagot pa ni Vio.

Nang patungo kami sa aming table ay inakbayan ako ni Lai. "Hindi ka pa kumain doon sa party niyo?"

"Nawalan ako ng gana," walang emosyon kong sagot.

Nang nasa table na kami ay magkatabi pa rin kami ni Lai. Si Callum ang nagdala ng mga orders namin at naupo na rin. Mainit pa iyon dahil umuusok pa. Doon lamang kumalam ang tiyan ko dahil sa amoy nito.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang biglaang tumayo si Lai mula sa tabi ko. "Bibili ng isaw, gusto mo iyon di'ba?"

"Oh? Okay,"

"Mga galawan ni Laikynn Atticus, umi-improve." Callum bursted out a laugh.

"Kudos, Laikynn!" sabay na sambit ni Vio at Jezz. Tinawanan lamang sila ni Lai at napahawak sa batok saka um-order.

The whole time I was eating with them, mas nakaramdam ako ng kabusugan. Siyempre naman, Laikynn at Jezz na ang nanlilibre sa aming lahat. Kahit papaano ay nakalimutan ko rin ang mga salitang narinig ko kanina lang. Napalitan iyon ng saya at tawanan. Thanks to all of them.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro