Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter Seven

“I assumed that after the welcome party, this Gabrielle will practice herself more on putting make-up on her face. She can't rely on Fresca all the time.” Nakataas ang kilay na sabi ni Fabbiene sa akin.

Narito kami ngayon at nagkatipon-tipon sa hapag para sa dinner. Kumpleto kaming lahat dahil nagkataong wala silang ibang appointment.

I saw how Mommy glared at Fabbiene. “Fresca can serve her until forever.”

“Mom, Fabi’s right. Without, Fresca, Gabriella looks nothing! So plain and I don't know—madungis? She shouldn't be like that. She's very dependent on everyone here.”

Yumuko ako at binitawan ang kubyertos. Hindi ko alam bakit may parang sumasakit sa lalamunan ko nang marinig ko ang kanilang sinasabi. Totoo naman na masyado nga akong naka-depende. Lalo na kay Fresca. They are right. I don't know how to put a make-up. Eh eighteen naman na ako, dapat alam ko na iyon. Maybe, they were just spoiling me and not teaching things I need to learn. Pagkukulang nila o pagkukulang ko.

Sa tabi ni Séverine ay tumikhim naman ang kaniyang kapatid na si Jacques. “She's still young, though. She could learn those things someday.”

“Come on! When I was twelve, I already know how to do makeups! that was much younger than eighteen, wasn't it? Look at her now, she looks so immature.” Séverine rolled her eyes.

“Girls, relax. Sèverine and Fabbiene, give your cousin a time. At pwede ba, huwag kayong magsalita ng ganiyan sa harap ng dinner. You're ruining Gab's night,” singit ni Mommy at napanoon ko kung paano ni-rolyo ni Séverine ang kaniyang mata. Oh di'ba, ginawa niya yan sa harap ng Mommy niya.

“Enough, everyone. You're pressuring my daughter.”

“Okay lang naman ako, Pa.” I smiled simply—maybe that was forced pero ayoko nang masira pa ang gabing ito. Siguro nga tama si Séverine, at this age, dapat marunong na akong mag-alaga sa sarili ko. Tama siya, madungis ako lalo na pag galing basketball pero naliligo naman ako after nun para di ako mamaho. I don't know why they're making it such a big deal. Hindi naman lahat ng tao, necessarily mag-make-up.

“Don't mind them, anak, there's nothing bad to depend on us—on me. You're my daughter and I'm willing to give you all you want.” He whispered beside me and tapped my shoulders. Huminga lang ako ng malalim at ngumiti ng kaunti. Malay ko ba sa mga make-up make-up na iyan.

But maybe I should try it for them.

***

“Woah, totoo ba 'yan? Sa wakas makakapunta na kami sa greatest mansion niyo, Gabi?” Kumikislap ang mga mata ni Callum nang sabihan ko sila tungkol doon sa party na gaganapin sa amin at naibigay ko na rin ang invitations isa-isa sa kanila.

“Talaga bang invited kami doon? Baka mamaya mamulubi lang kami doon, Gab.” That was Laikynn.

“Oo naman! Sabi ni Daddy invited daw mga tropa ko eh. Tsaka ayaw mo nun, nandoon kaya si Séverine tapos kasama niya pa mga alipores niya sigurado ako.” Ginawaran ko nang mapanuyang ngiti si Lai.

“What? No way. I've heard pa naman they were befriending that Avery. Sana naman the tension of both sides will be set aside for a while.” Si Vio habang may hawak na libro. Iyon yung sikat na sikat na libro ngayon. Iyong mga katulad ni Vio, mahilig talagang magbasa ng mga libro. Hindi ako maka-relate. Para kasing ang boring kasi puro words lang ang makikita. Mas prefer ko iyong may mga pictures, ganun. O di kaya'y movies.

“Siyempre naman bro, hindi dapat natin hahayaang magulo ang party na pinaghahandaan ng family niya. Kailangan talaga nating mag-behave” katwiran ni Jezz habang sumsipsip roon sa milktea na hawak niya.

“I doubt Callum, baka mamaya'y magtitili pa iyon doon dahil ang daming magaganda,” pang-aasar ni Lai kay Callum. Agad siyang binato ng bola nito.

“'Di ako ganoon, ha. Hoy magbebehave kaya ako siyempre para kay Gabi.”

Hindi ko mapigilang mapatawa sa sinabi nila. Totoo naman, parang kaduda-duda talaga si Callum dahil biglang nagiging softie pagdating sa mga babae. Nagfafanboy-ing nga ito sa t'wing may pageant sa school eh. Lalo na sa intrams.

“Po-protektahan namin ang image namin para sa'yo. Kasi nga di'ba, sabi sa qoute, ‘tell me who your friends are and I'll tell you who you are.’ Ganoon namin kamahal ang diyosa sa tropa namin.” Agad kong sinapak ang dibdib ni Lai nang ambang yakapin niya ako. Putek, pawisan siya eh!

“Diyosa mo mukha mo,” I made face to him.

“Grabe si Lai, dinamay pa talaga kami,” sabi ni Callum at sabay-sabay silang nagtawanan.

Vacant time namin ngayon dahil may meeting ang mga teachers inside the campus kaya heto kami, sa usual na tambayan namin. Sa basketball court.

Pagkatapos nung date kuno ni Lai at Séverine, bumalik naman na sa dati ang hype ni Lai. Buti nalang kundi masasapak ko talaga siya. Daig pa ang babae kung maka-topak.

Kinwento niya sa groupchat naming magto-tropa ang naging date nila. Sabi na nga ba, hindi iyon simpleng date lang. Dinala daw siya sa isang mamahaling restaurant at after nun ay nag-aya pa si Séverine na samahan siyang mag-mall. Nang gumabi na raw ay nag-aya na naman daw si Séverine na manood sa isang live band concert. Grabe, parang date lang ng mga mag-jowa. Siyempre, feeling ko doon naman iyon patutungo. Finally, nagka-opportunity na rin siya sa crush niya. Napangiti tuloy ako habang binabasa ang mga kuwento niya.

Simula din doon ay palagi nang lumalapit sa kaniya si Séverine. Pero hindi kagaya ng dati na binabati ako. Pati nga mga kasamahan namin ay nagmistulang hangin sa kaniya kasi never niya talagang pinapansin.

“Laikynn,”

Speaking of Séverine, narito na agad siya sa harapan namin ngayon. Naka-high ponytail ang buhok niya at ang tali naman nito ay puting ribbon. Nagmumukha siyang barbie doll idagdag mo pa ang kaputian ng balat na humahalo sa puting sleeve (uniform) niya.

“Séve... naparito ka?”

Lumingon ako sa kanilang tatlo na biglang nagkaroon ng sariling mundo. Si Jezz ay panay na naman ang pag-ngiti habang nakaharap sa cellphone niya—ka-chat niya raw kasi jowa niya. Si Vio ay binalik ang atensyon sa pagbabasa. Si Callum naman ay biglang natulog sa bench. Kanina ay gising na gising 'tong kumag na'to ah.

“Uhm, you guys are playing di'ba? I know you're tired. Uhm, I bought a water for you. Pati towel,  baka kasi pagod kana.” Malumanay ang boses nito kay Lai sabay ng matamis na ngiti.

“Ah, salamat.” Ngumiti lamang si Lai. Pero alam ko, deep inside kinikilig na 'yan. Siyempre, ikaw ba naman ang bigyan ng tubig galing sa basketball di'ba? Hindi ako maka-relate doon kasi tanging pambuburaot lang ng tubig kay Lai ang ginagawa ko.

“Ako din, uhaw na uhaw ako eh. Sobra!”

Biglang bumangon mula sa pagkahiga si Callum. Ma-dramang umaaktong nauuhaw sabay hawak sa dibdib nito.

“Ganoon ba? I can buy for you din naman. Or, I'll just give you money para bumili ng drinks.”

“Pati si Gabi, uhaw din iyan” ani Vio sabay tingin sa akin.

Biglang kumunot ang noo ko. Aba, nananahimik ako dito. Lumapit ako kay Vio at akmang sasapakin ito. Pati na rin si Callum ay kinurot ko sa tagiliran. “Nasali ako?!” Totoong nauuhaw ako kahit na tinirhan ako ni Jezz ng milktea pero hindi naman iyon sapat para mawala ang uhaw ko.

I saw how Séverine glanced at me. “Uhm, she can buy for herself naman, eh.” She shrugged. Bumaling ulit ito kay Laikynn. “So Laikynn, see you around. Enjoy your practice, guys.” Nagpaalam ito saka kumindat kay Lai. Ngumiti lang si Lai sa kaniya.

Binalik namin ang atensyon sa paglalaro. Nag-insist pa si Lai na bibilhan niya raw ako ng tubig kasi nakakapagod iyong laro namin. Tagaktak ang pawis ko sa noo dahil sa sobrang pagod. Umabot nalang kasi ng dismissal ay hindi pa rin natapos ang meeting ng mga teachers at school staff's. Kaya ayon, hanggang sa nag-uwian nalang.

Hindi na namin nakita si Séverine matapos iyong kanina. Hindi naman nag-open ng topic si Lai about sa kanila ni Séverine unless kung pilit naming tinatanong. Sa tingin ko nga ay hindi naman niya ganoong inaaya si Séverine. Kasi most of the time, palaging kami ang kasama niya. As in kaming lima. At dahil torpe siya, wala naman siyang ginagawa para roon.

Papalapit ng papalapit ang party at abala na sa pamimigay ng invitations ang lahat. Two days bago ang nakatakdang event. Ang iba pang mga kamag-anak ng mga Auclair ay narito na rin. Sabi ni Mommy, talagang dito nakatira ang halos lahat ng Auclair. Ang mga pinsan nina Mommy. Bukas naman ay uuwi ang Dad nina Séverine at Kuya Jacques na si Guillaume Beauséjour. Asawa siya ni Mommy na nag-stay sa France for their business rin pero minsan nagbabakasyon siya rito sa Pinas. Pero dahil may mas mahalaga silang inaasikaso sa France ay doon nilang napagdesisyunan manatili muna.

“Anong kailangan mo?”

Walang emosyon kong hinarap si Séverine nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Imbes na sagutin ako ay diretso itong pumasok sa aking kwarto na para bang hangin lamang ang presensya ko sa kaniya.

“Do Tita knows that you're wearing outfits like that inside the mansion? I can't believe you, cousin.” She squinted her eyes to me.

Ilang beses akong nakurap. Tiningnan ang aking sarili na nakasuot ng malaking t-shirt at panglalaking sweatpants. Wala namang mali dito ah kasi nasa bahay naman ako.

“Wala kana doon,” sagot ko naman.

“Alam mo kung ako lang ang masusunod, I really doesn't want you here. Like, really? A trash on Auclair chateau?” she smirked slightly. “Tapos hindi mo man lang naisip ang mga bagay na ginagawa nila para sa'yo. Hindi lang naman about sa hindi ka marunong magmake-up ang issue rito eh. You must be grateful that tito Gustave always got your back kundi, you look nothing. Tsk, pinatira ka lang dito nagpaka-brat kana.”

“Sana naman kapag nagagawi ka rito, may sense naman ang sasabihin mo.”

“Isn't it senseful? You know nothing about this house, you doesn't know anything about our family business, you doesn't know how to take care of yourself, siguro nga pati self-hygiene eh wala ka. You doesn't know how to speak french—and oh, I pity you for not have been to France once in her life.”

She talked as if she's enumerating all my shortcomings and flaws but I remain silent.

“Anong pakialam mo?”

She shrugged. “None. Gusto ko lang ipaalam sa'yo. And you know, kahit mag-disappear ka pa, walang mawawala sa amin. Madali lang makakamove-on si Mom and for me, perhaps it would be better.”

Pinagkrus ko ang aking mga braso at hinarap siya. “Bakit sa tuwing kaharap mo si Laikynn, nagmumukha kang anghel tapos kapag dito, lumalabas na tunay mong kulay? Siguro pinag-ti-tripan mo lang si Lai.”

Tumaas ang kilay niya. “Kapag ba sinabi kong may gusto nga ako sa kaniya, magseselos ka?”

Nanatili akong nakaupo roon na parang napako. Actually anytime now pwede ko namang gulpihin itong si Séverine eh tapos with matching black eye pero baka ako pa ang mayari kay Mommy.

Ano ba naman kasi ang pinagsasabi nitong babae na'to?

“Hmm, maybe may advantage pa rin na narito ka, somehow. You know, I can ask more things about Laikynn to you. Siguro, yan ang ambag mo sa house na'to. To serve me to make Laikynn mine. I guess wala naman iyong problema sa'yo. Feel ko na kasi eh, anytime now he will court me.”

Pinigilan ko ang sarili na matawa sa sinabi niya. Kung alam niya lang sana kung gaano kami nabubuwisit sa kanila ng mga alipores niya. Hindi ko nga alam kung bakit patuloy pa rin ang pagsama sa kaniya ni Laikynn eh. Well, kung mukha ang pagbasehan talagang maraming magkakagusto sa kaniya. Crush ng campus nga ang peg nitong babaeng 'to eh. Ang daming nagkakagusto!

“Umalis ka nalang bago kita suntukin diyan,” nangdidilim ang aking paningin dahil sa kaniya. Sa presensya niya talaga. Hindi ko alam kung dapat ko rin ba itong i-kwento kay Laikynn tuwing tumatawag siya. Baka ako pa ang makakasira sa love story nila. Yuck, di kaya bagay sa'kin maging ganoon.

Ngumuso lamang si Séverine bago umalis. Nakataas ang kilay. Hindi ko na talaga alam kung makakayanan ko bang tumira dito ng pang-habang-buhay. Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ko pero hindi ko maiwasang ipag-kompara ang sarili ko sa kanilang dalawa ni Fabbiene. Masaya kasi sila sa tuwing narito sa mansion. And again, Séverine was right, they would still be happy even without me. Kasi sa mga panahong di ako present sa mga happy moments nila, okay naman sila sa mga pictures nun. As if walang iniisip na isang Gabrielle.

I can't help but to compare my relationship with them to my friends. Sa galaan, kapag wala ang isa, hindi itutuloy ang plano. Kapag wala ang isa, tahimik ang grupo. Masaya ako sa tuwing kasama ko sila, para bang wala nang kulang sa akin na kailangan kong baguhin. Komportable. Komportable ako sa tuwing kasama ko silang tatlo.

Anytime ay pwede siyang magustuhan ni Lai base palang sa mga inasal nito sa tuwing kaharap siya. Kung dumating man ang araw na iyon, wala akong ibang magagawa kundi maging masaya para sa kanila. Wala naman akong karapatang pumigil lalo na't gusto nila ang isa't-isa. Pero poprotektahan ko si Lai kahit alam kong mas malakas siya sa akin. Kasi after all, siya ang taong pinakamalapit sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro