Chapter 6
Chapter Six
Maaga akong nagising kinaumagahan at sa tingin ko, isa iyong himala. Well, siguro'y dahil iyon sa blinds ng kwarto ko na nakabukana at ang sinag ng araw ay patungo sa aking mukha. Dahilan ng aking pagkasilaw. Dati, nung mga bata palang kami ni Lai at doon pa kami nakatira sa tabi ng kanilang bahay, maaga akong gumigising para magsaing ng agahan tapos bubulabugin ko ang bahay nila Lai para sabay kaming maligo sa malapit na ilog. Dito, kabaligtaran. Pati panligo ko ay palaging nakahanda. Isang click ko lang.
Nang matapos na akong maligo, inisa-isa ko ang mga damit sa aking closet para makapag-bihis na. Napangiwi ako dahil masyadong showy ang mga damit. As in wala man lang mga hoodie jackets na pa-cool, puro sweatshirts at cardigans ang naroon. Wala ring t-shirts na makikita kundi mga dresses na alam kong design pa ng mga fashion designers kasi ang dami-daming designs nun. Yung parang kikislap ka talaga kapag iyon ay sinuot mo.
Buti nalang talaga, may isang pares ng sapatos—doon ito nakalagay sa mga pang-adventure na mga damit. Ang ganda tingnan nun ang lakas maka-cool! Pero hindi ko muna 'yan ngayon susuotin.
Pero kahit ganoon kaganda ang mga iyon, hindi ko pa rin sila feel na suotin. Panigurado, lalamigin lang ako sa mga tops na'to. Baka kapag ito ang suotin ko sa school, maghahanap na'ko ng ointment pag-uwi. Mas sanay kasi ako sa shirts. Komportable suotin.
Siyempre ayaw ko namang sirain ang imahe ko sa harapan ng pamilyang ito kaya, pumili ako ng isang fitted top at isang skirt. Ewan ko ba kung bagay ba 'to sa akin. Siyempre dahil stubborn ako, nilagay ko sa aking bag ang t-shirt ko at pants. Siyempre, avoiding panlalamig lang.
Isang flats ang sinuot ko, iyong simple lang. Mahirap na baka madapa pa ako dito sa hagdan edi mas lalong mangangailangan talaga ako ng ointment.
“Gabriella Adrienne looks so beautiful with her outfit today!”
Humahakbang pa lamang ako sa hagdan ay narinig ko na agad ang boses ni Mommy. Bakas ang maikling ngiti sa kaniyang labi nang makita ako. Ngumiti lang ako ng bahagya bilang tugon.
“Good morning po, M-Mommy... ”
“Good morning, Gabrielle—oh! Why is your bag so malaki naman? Didn't I brought you a small one? I'm sure naman na kasya na roon ang notes mo.”
Kung alam mo lang kung anong laman nito, don't worry Mommy, iniiwasan ko lang ang panlalamig. Sabay hashtag, prevention is better than cure. “Ah, hindi naman po ito sobrang laki. Keri pa naman po ng muscles ko.”
“Hmm, okay fine. Let's eat breakfast na together. Naroon na ang pinsan mong si Séve and Fabbiene. Maaga kasing umalis si Jacques. You know, work! But I'm sure you all can be great friends!”
Muntik na akong mapangiwi doon sa sinabi niyang great friends. Hindi naman ako interesado makipagkaibigan kay Séve eh. Lalo na kay Fabbiene. Iyong circle of friends nila sa school, naturingan pang mean girls siyempre sa sobrang mean. Palaging suspect sa mga bullying! Tapos siyempre, kaming mga magkakaibigan ang pawang Knight and shining armours pero kami pa ang mas naturingang basagulera at basagulero.
Tahimik lamang kami sa dining table. Umalis daw ng maaga si Daddy kasama ang kapatid niya at si Kuya Jacques.
“You wanna go with me?”
Nang paalis na kami papuntang school ay tinanong ako ni Séverine Binuksan niya ang limousine.
“Huh, 'di ah! Mauna kana!” tanggi ko kaagad.
She smirked tapos tinaas ang kilay. “Good. You shouldn't sit with me.”
Napakunot ang aking noo. Doon sa limousine ay nakasandal ang babaeng laklak sa makeup. That was Fabbiene na nakatingin sa salamin ng kaniyang makeup. As if nagre-retouch na agad.
“Is she going to join us?” tanong nito nang makalapit na sa kaniya si Séve.
“No way.”
I saw how Fabbiene smirked. “Great.”
Nang tuluyan nang umalis ang limousine ay napakibit-balikat na lamang ako. Ayaw mo naman talagang sumabay sa kanila, baka pagdating sa school ako pa ang mapahiya knowing that Fabbiene. She's a brat. Pati mga buntot niya sarap paduguin ang ilong.
Bad ka, Gabi. Lagot ka kay Mama at Papa mo niyan.
“Gabi! Wohoo! Dre late na naman tayo!”
Doon ko napagtanto na tulala lang ako sa gate nang hindi ko alam kung ilang minuto ba. Narinig ko na lamang na may bumanggit at tumawag sa pangalan ko. Hindi ko kasi maiwasang maisip ang pagtrato ni Fabbiene at Séverine sa akin. Hindi naman ako madungis at sa tingin ko, okay naman ako. Why do they doesn't want me to join them? Pinilig ko nalang ang ulo ko at hinarap si Lai.
Napaawang ang bibig ni Lai nang makita ang itsura ko. Leche'ng yan, nakakahiya 'to legit. Naisip ko ang kasuotan ko.
“Is that you dre? Naks! Paganda ng paganda, ah!”
Agad ko siyang inambaan ng suntok sa braso niya pero mabilis na nakailag ang kumag. “Paalis kana?”
“Oo, di mo naman sinabi sa akin na gusto mo palang sumabay sa'kin paputang school. Edi sana inagahan ko ng kaunti para di kana maghihintay ng matagal pero mas gumanda ka talaga ngayon. Pati babae yata mababakla sa itsura mo ngayon, dre eh!”
Inambaan ko ulit siya ng suntok. “Isa nalang talaga, nag-kukulo na dugo ko sa'yo Laikynn, ha! Umagang-umaga..” Tinawanan lang ako ng kumag. Kumag talaga siya. Sobra. “Samahan mo muna ako sa CR sa school. Magbibihis lang ako. Lintek nilalamig ako sa damit na'to eh.”
“Ha?! Magbibihis ka pa? Eh sobrang ayos mo na nga tingnan, lakas maka-head turner, hays. Sayang Gabi.”
“Sama o suntok?” nakahanda na ulit ang kamao ko.
“Woah, kalma! Sige na nga. Basta bilisan mo lang, ah. Male-late na tayo.”
“Kailan ka pa nagsimulang maging conscious dahil sa pagiging late?”
Magkasama kaming naglakad sa daan kung saan madalang nalang na estudyante ang nakikita namin. Mag-a-alas otso na rin kasi eh at eto, naglalakad pa kami. Plus magbibihis pa ako sa CR. Baka pagdating namin sa room, patapos na ang first period.
Nang makarating na kami sa campus, doon ako nagbihis sa CR habang si Lai naman ay hinihintay ako sa labas. Mararamdaman ko talaga ang kaibahan nang makapagbihis na ako ng damit. From sexy top into a simple shirt. Saka palang ako nakahinga ng maluwag. From skirt into pants.
Pagkalabas ko ng cr ay sabay na kami ni Lai na naglakad papuntang room.
Kinwento ko kay Lai ang lahat ng mga pangyayari sa akin sa mansion at kung anong mayroon doon at iyong tungkol sa party. Kinuha ko sa bag ang isang invitation card at binigay sa kaniya.
“Putek, ano namang susuotin ko rito?” asik nito habang binabasa ang mga impormasyon doon.
“Wow, worried! Palibhasa, pupunta roon ang crush niya eh.”
Tumawa ako nang biglang namula ang kaniyang tainga at nagtataka akong tiningnan. “H-Huh?”
“Huh ka diyan, siyempre nariyan crush mo kaya ka magpapapogi 'no?”
Umiwas siya ng tingin at inayos ang collar sa kaniyang t-shirt. “S-Siyempre, baka magkagusto bigla sa iba.”
So confirmed. Isang Auclair ang crush ni Lai at sa isip ko, walang iba kundi ang bratty na si Séverine.
“Ano pala'ng kulay ng susuotin mo?”
Akmang sasagot na sana ako kay Laikynn nang may napansin kaming presensya sa harapan namin. Kakaliko palang namin papunta sa direksyon ng aming classroom at nasa hallway palang kami ni Laikynn ngayon.
“Hi, Laikynn.”
Ano namang ganap ng babaeng 'to dito?
Matamis na ngiti ang iginawad ni Séverine kay Laikynn nang makasalubong kami. Hinawi niya pa ang ilang hibla ng kaniyang buhok na humarang sa kaniyang mukha nang makaharap si Lai.
“H-Hi” Parang nag-aalinlangan pang bati ni Lai. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
“Good morning, cousin. You didn't tell me na you're friends with Lai naman pala. Hi Lai? Pwedeng sabay tayong mag-lunch later?”
Hindi ko alam kung anong klaseng elemento ang sumampal kay Séverine para batiin ako ngayon dito. Parang may sumapi sa kaniya na ano. Bihira ko lang kasi siyang nakikitang ngumingiti tapos ngayon dito kay Lai parang mapupunit na ang labi.
Halatang nagulat rin doon si Lai eh kasi ba naman, dati pa kaming binubwisit ng grupo nina Séverine at isa pa, ikaw ba naman ang batiin ng crush mo?
Kumurap ng ilang beses si Lai at panay ang sulyap sa akin. “A-Ah, sorry may kasabay na'ko mamaya eh. Yung tropa ko.”
Sèverine pouted. “Kahit ngayon lang, please? I just want to have acquaintance with you sana. You will allow him naman di'ba, Gabriella?”
I swallowed hard. “O-Oo naman.” Sabay lingon kay Lai.
“That's great! Puntahan mo nalang ako sa classroom namin later. I bet alam mo naman na kung saan. I'm pretty popular naman here, eh. Bye Laikynn, bye couz!” She winked at Lai.
Pareho kaming parang nabunutan ng tinik nang umalis na si Séverine sa harapan namin. Sinundan namin siya ng tingin at naroon pala sa unahan ang mga buntot niya.
Bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan namin ni Lai. The whole time na nasa classroom kami ay hindi siya umimik.
It's like something bad happened. I guess hindi iyon napansin nila Callum kaya hinayaan na lamang nila. Pati nang nag-recess na kami. Kung may imik man si Lai, tanging ngiti at tango lang. Hindi ko alam kung mayroon ba akong dapat gawin. Nagtatampo ba siya? Bigla-bigla?
Hanggang sa dumating ang lunch time, matapos ang last period namin ay niligpit na ni Lai ang kaniyang mga gamit. Nakamasid lang ako sa kaniya the whole time kasi feeling ko talaga nagtatampo siya na parang ewan.
“Wuy, okay ka lang?”
Hindi ko na nakayanan at nilapitan ko na talaga siya. Nahinto siya sa ginagawa at unti-unti akong hinarap. Isang tango lamang ang sinagot niya sa'kin.
“Lai, kinakausap kita dre.”
Hinarap niya ulit ako. “Okay lang ako. Paki-explain nalang sila na hindi ako makakasama ngayon sa lunch. Ikaw nang bahala sa kanila.”
“Sure kang okay ka lang talaga?”
Bumuntong-hininga ito. “Walang rason para hindi ako magiging okay. Sige na, bye.”
Wala na'kong magagawa kaya nagkibit-balikat na lamang ako nang tuluyan niya nang nilisan ang classroom namin. Aminado ako, hindi pa rin ako convinced sa sinagot niya kanina na okay lang siya. Tsk, he can't fool me.
“Talaga? May nag-aya sa kaniya? Hays, sana hindi sila magkaka-develop-an.” Dramatic na umiling si Callum.
Narito na kami sa cafeteria. Sure akong hindi sila dito sa cafeteria kakain. I'm sure sa isang restaurant nag-lu-lunch ang mga iyon.
“Pumayag si Lai?” tanong naman ni Vio.
Kumibit-balikat ako sabay lunok ng kinakain. Kung mapapansin nila ay para akong nag-stress eating ngayon. Siyempre, nakaka-frustrate iyong mga inasal ni Lai kanina. Daig pa ang babaeng may topak talaga eh.
“Baka may gusto iyong pinsan mo kay Lai, Gabi.” ani Jezz.
“Baka? Halata namang meron talaga, eh!”
“It's nice naman, magkaka-lovelife na siya.” That was Jezz.
Tinapik ni Callum ang balikat ko habang tahimik na kumakain dito. Pinaliwanag ko na kasi sa kanila kung bakit wala si Lai ngayon. Si Jezz na parang happy pa para kay Lai and Séverine, kabaligtaran si Callum. Halata namang disagree siya.
“Para kang asawang nagseselos diyan, pre.” Mapanuyang ngumiti si Callum sa akin. Agad kong sinapak ang braso niya dahilan ng pag-aray niya.
“Parang gago, 'to.” Reaksyon ko.
“Kalma, Jezz. It's just a date! One date. Doesn't mean magiging sila na talaga after nun,” Sumulyap sa akin si Vio after niyang sabihin sa akin iyon. Hanggang sa matapos ang lunch namin, pinagtatalunan pa rin nila ang magiging outcome ng date kuno ni Reis at Laikynn.
Matapos ang lunchtime ay hindi pa rin nakabalik sa school si Laikynn. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa date kuno nila. Well, siguro naman nag-e-enjoy si Laikynn doon kasi hindi pa rin siya nakabalik.
I was with them the whole time. Imbes na mag-alala kay Lai, ginugol ko nalang ang mga oras ko para mag-basketball. Kasama ko ngayon sa court sina Callum, Vio at Jezz.
“Enjoy na enjoy siguro sa date nila iyong kumag na'yun, hindi pa rin nakabalik eh.” Si Callum habang di-nribble ang bola.
“He isn't back yet? Hmm,”
“Hayaan niyo na yun, baka masaya naman siya doon,” sabi ko habang tinatanaw sila sa bench. As usual, kami lang ang narito ngayon at sobrang tahimik nung lugar. Tanging tunog lang ng mga sapatos at boses namin ang maririnig.
“Wushu, iniisip daw siya ni Gabi.” Ayon na naman ang mapanuyang ngiti ni Callum. Sinundan iyon ng bahagyang pagtawa ni Jezz.
“Siyempre, baka mamaya ano nang nangyari dun,”
“Ngayon ka lang nag-alala? For so many people that he hit without even getting hurt. He knows how to call us whenever he's in trouble.” Vio said.
“Tama na, Vio nakakadugo kana sa ilong.” Umakto pang tinatakpan ni Callum ang ilong niya.
“Masakit din naman sa mata ang mga typings mo eh. I'm just gumaganti bro.”
“Hwag ka nang mag-alala sa kaniya, Gabi. Tatawagan ko siya para malaman natin kung kamusta ang pakikipag-date niya.”
I smiled. Napangiti ako sa sinabi ni Jezz. Sa araw na iyon ay sila ang naghatid sa akin pauwi. Hindi ko alam bakit ako nag-aalala ng ganto e totoo naman ang sabi ni Vio na kakayanin ni Lai ang sarili niya na ipagtanggol kahit nag-iisa lang siya. Siguro dahil ito sa kung paano siya umimik sa akin kanina. Hindi ko alam kung magkabati na ba kami o hindi. However, I should be happy for him now that he has a chance to his crush. Narito naman silang tatlo para sa'kin eh. Pero kahit kasama ko sila, alam kong may kulang pa rin talaga kasi wala si Lai. Kulang kaming lahat kapag wala siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro