Chapter 5
Chapter Five
Nang uwian na sa araw na iyon ay kaniya-kaniya na kaming nagsi-uwian. Mas malayo ang bahay namin ni Lai kaysa doon sa tatlong kaibigan namin kaya naman kaming dalawa na lamang ang magkakasama ngayon. Actually magkapit-bahay ang tatlo habang kami naman ni Lai, nadadaanan niya lamang ang bahay namin. Sa kabilang crossing kasi iyong tatlo.
“Bagay sa'yo ang jersey ko, ah.”
Lumingon ako sa kaniya. “Siyempre. Pogi ko na ba?”
“Hindi, lalo kang gumanda.”
Wala pang ilang sandali ay dumapo na sa kaniyang mukha ang aking kamao. Pero hindi naman ako ganoon ka eng-eng para lakasan ang suntok ko sa kaniya. Iyon bang parang light lang.
“Ansaket nu'n ah!”
“Mas masakit sinabi mo sa akin!”
“Pasalamat ka nga sinabihan kang maganda, eh!”
Hanggang sa umabot na sa point na puro suntukan kami—pabirong suntukan. Parang life routine na namin to para sa isa't-isa. Sa aming magkakaibigan, hindi namin pinapalampas ang isang araw na hindi kami nagsusuntukan. Ngayon ay kami naman ni Lai. Ewan ko kung ako lang ba ang nakaramdam ng mga matang nakatingin sa amin ay awtomatiko akong tumigil.
Hingal na hingal kami nang tumigil. Dinaan nalang namin iyon sa tawa.
Sa tuwing uwian ay naglalakad lang ako pauwi. Hindi na pinayagan ni Papa si Mommy na maglagay ng bodyguard para sa akin kasi sabi niya, sigurado naman siyang babantayan akong mabuti ng mga kaibigan ko. Totoo naman iyon, hindi ko na kailangan pa ng mga ganoong klaseng tao na magbabantay sa akin kasi kahit ako, natuto na akong depensahan ang sarili ko. Kaya ayon, sa tuwing uwian ay sina Lai ang palaging kasama. Enjoy naman kasi marami kaming naglalakad.
“Gutom ka ba? Tara fishball!” Mula sa di kalayuan ay namataaan ko rin ang tinutukoy ni Lai na nagbebenta ng kwek kwek.
Hindi na siya nag-abala pang hintayin ang sagot ko dahil agad niya namang hinila ang aking kamay papunta sa direksyon noong mama. Medyo may pagka-marami pa ang mga naroroon at nakatambay. May binebenta rin kasing mangga at sa tabi naman nun ay nagbebenta ng isaw at balut. Perfect, nag-glow talaga sa mata ko kasi cravings ko yon ngayon.
“Manong, apat na tuhog po neto.” Agad namang naglabas si Lai ng bente at binigay iyon sa mama. Agad namang tumango iyon at tinaggap ang pera.
“Hindi mo naman ako kailangang ilibre. May pera naman ako rito, Lai.”
Umiling siya. “Ano ka ba, okay lang yan. Minsan lang to eh!”
Eh halos araw-araw mo nga akong nililibre tapos sasabihin mong ngayon lang? May mga araw talaga na parang ang sarap kurutin sa tagiliran ng lalaking ito.
“Inaraw-araw mo na nga eh,”
“Isipin mo nalang na peace-offering ko iyan kasi dahil sa akin na-grounded ka nung isang araw.”
Kumunot ang noo ko. “Hindi naman ako galit, ah.”
Tumawa siya. “Gusto ko lang,”
Pagkatapos naming ubusin iyong fishball ay doon naman kami sa ale na nagbebenta ng mangga. This time, pinilit ko na si Lai na ako na ang magbabayad. Nakalagay iyon sa plastic na cup at naka-slice na. May sauce na rin na alamang na nandoon at isasandok mo lang gamit ang teaspoon.
Sa totoo lang, nakakatuwa naman talagang malibre ka lalo na sa kaibigan mo. Iyon nga lang ayokong magpalibre araw-araw kasi kahit alam kong mayaman naman ang parents nina Lai at binibigyan siya ng saktong allowance, ayaw ko pa ring dumepende roon at mamburaot ng todo 'no! Kumbaga, slight lang. Tsaka may pera din naman ako at wala namang problema sa akin kung ako ang manlibre. Basta sa friendship naming lahat, dapat walang ubusan ng pera.
“Naisip ko lang, totoo ba yung may crush ka?”
Habang ngumunguya ng mangga, biglang nabaling sa akin ang atensyon ni Lai. Siguro ay nagulat siya sa aking tanong. Napansin ko rin ang biglang pamumula ng kaniyang tenga. As in, pinkish yung parang kakasapak lang!
“W-Wala... Nagpapaniwala ka naman kay Callum eh nanunukso lang 'yun.”
Ngumiti ako. “Heh! Secret secret ka pa diyan eh nauutal ka nga eh! Sabihin mo nalang sa akin kung sino promise hindi ko ipagkakalat.”
“H'wag na, baka mamaya headline na naman yan sa groupchat.”
“Luh? Wala ka bang tiwala sa akin? Sige na, dali na tol. Hindi naman kita aagawan.” I smirked.
“Akala ko ba straight ka?”
“Oo naman! Pero may mga babae talagang maganda eh.”
Napailing na lamang ito. “Kahit kailan hindi ko sasabihin. Lalo na sa'yo.”
Napahawak ako sa aking dibdib. “Grabe ka naman, ang sakit mo, ah! Bahala ka 'di kita matutulungan. Sayang you missed the opportunity na kahit makipag-usap lang sa crush mo.”
“Edi hindi.”
“Napaka-torpe mo.” Humalakhak ako. “Sige ano nalang, describe mo nalang ang physical features.”
“Maganda.”
Kumunot ang noo ko. “Dapat detailed!”
“Detalyado na 'yun, tsismosa naman neto.”
Piningot ko siya sa tenga ng slight. “I-describe mo kung anong parte ng katawan niya ang maganda, ganoon!”
Tumingin naman siya sa itaas na para bang nag-iisip pa siya. Paano ko naman makikilala ang crush niya eh ‘maganda’ lang naman ang kaniyang description? At tsaka ang dami-dami kayang nagkakalat na maganda sa mundo. Lalo na sa school namin kaya ang sarap maging lalaki minsan, ang daming magaganda na pumapasok sa school at magandang gawing motivation para magsikap sa pag-aaral. Hah, kidding aside. Nakakatamad pa rin naman.
“Maganda. Mahaba ang buhok, hanggang dibdib. Tapos malambot ang buhok niya tapos straight. Sa mukha naman, maputi siya tapos yung mata niya ang ganda tingnan, parang nakakatunaw ba, parang ganon.” He chuckled a bit at kinamot ang kaniyang ulo. “Medyo sporty. Slight lang pero magaling na rin lalo na at matangkad siya.”
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Habang iniisip ko ang kaniyang mga sinasabi, may iniisip ako na sure akong taga school lang namin ito. Sabi niya naman sporty daw so siguro nasa volleyball team ito. Marami kasing magaganda na naglalaro doon eh. Isa sa kanila si Séverine—Oh my... Mahaba ang buhok na straight, matangkad, maputi, at sporty. Halos mapatakip ako sa aking bibig nang mapagtanto ko ang mga bagay-bagay. Lahat ng iyon ay nagdedescribe kay Séverine.
“Ba't ganiyan ka makatitig?”
Kinurot ko sa pisnge si Lai dahil wala lang, nanggigigil ako sa mukha niya. “Aray! Ginawa mo naman yatang stress reliever ‘tong pisnge ko!”
“Litche ka, kilala ko naman yata pala crush mo eh. Grabe Lai, halatang-halata.”
Natutulala siya ng ilang segundo. “Kilala mo? Agad?”
“Oo! Don't worry dre, gawan natin ng paraan para maging kayo.” Kinindatan ko siya at inakbayan.
Nakarating ako sa mansion na tahimik lang. Agad kong napagtanto na wala ngayon dito si Mommy at iyong iba pang kasama namin sa bahay. Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin sa bukana pa lamang ng tanggapan.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi usually na nangyayari ang ganito ka-tahimik dahil marami kaming nasa loob ng bahay. Na pagkauwi ko palang galing school ay bubungad sa akin ang kung sino mang Auclair. Okay na ako kahit sino ang masalubong ko huwag lang si Séverine at Fabienne. Parang pinaglihi naman sa sama ng loob ang mga iyon. Napaisip tuloy ako bakit ganoon ang ugali nila? Bakit hindi tulad ko na wala lang, humihinga lang at hindi nagki-keep ng katarayan. Perfect model talaga ako para gayahin nila!
“Miss Gabriella, ready na po ang merienda niyo.”
Hahakbang na sana ako sa grand staircase nang bigla kong narinig ang isa sa mga kasambahay sa usual nilang uniporme. Tumango ako. “Sige po, bihis lang ako.”
Hindi na ito nagsalita pa at magalang na lamang na itinango ang kaniyang ulo at naglakad pabalik sa kusina kung talagang roon man siya nanggaling. Saka ko lamang pinagpatuloy ang aking ginagawa. Dahil nangangamoy street foods ako ay nag-half bath ako at saka nagbihis ng simpleng t-shirt at itim na jogger pants. At since kumalam ang sikmura ko kahit kakakain ko lang, bumaba na ako at pumunta sa kusina.
Bored akong kumain ng pasta at pinilit ko nalang na ubusin iyon nang matapos na. Wala rin kasi si Fresca at iyong mga kasambahay namin ay hindi ko naman mahagilap na. Minsan bilib din ako sa mga skills ng mga iyon. Parang may kakayahang mag-invisible.
Nang matapos ko ang merienda ay bumalik ako sa kwarto ko at humiga sa kama habang nagce-cellphone. Wala akong ka-chat kaya scroll-scroll nalang muna. Nasa ganoon akong sitwasyon nang bigla akong makarinig ng katok sa aking pintuan.
“Papa... ”
Pagkabukas ko ng pinto ay awtomatiko siyang ngumiti sa akin. “Pasensya na ay ngayon lamang ako nakauwi. Gusto lang kitang makausap.”
“A-Ah sige po.”
Tuluyan siyang pumasok sa aking kwarto at iniwan ang pinto na bahagyang nakabukas. Tumabi si Papa sa akin sa tabi ng paanan ng kama at sandaling tumahimik muna bago nagsalita.
“Tungkol sa nangyari noong nakaraan. Grounded ka raw?”
Tanginang gagi. Akala ko nakalimutan niya iyon eh. Lumunok ako ng konti at tumango. “Yes po, Pa.”
“Pwede ko bang malaman ang dahilan, 'nak?”
“N-Nalaman po ni Mommy na muntik na akong nakisali sa suntukan—pero Pa, hindi talaga ako sumali—basta muntikan lang. Pero todo takbo pa rin ako siyempre, baka masali talaga ako sa gulo nila Laikynn na ganoon kaya ayon pag-uwi ko dito puro pawis ako.”
“Gabriella nakikipagsuntukan iyong kaibigan mo?” Kumunot ang kaniyang noo.
Patay na, baka isipin niya rin bad influence sila sa akin. “Kahit ganoon po ang nangyari Pa, I swear hindi sila ang nauna.”
“So nakikipagsuntukan sila.”
“Pa naman, gumanti lang.”
“Ganoon pa rin iyon, Gabriella. Gulo pa rin iyon.”
“Hindi naman iyon palagi, Pa. Mabait rin kaya ang mga iyon.”
Bumuntong-hininga siya. “Kung kasama pa natin si Mama mo ngayon, paniguradong hindi rin niya magugustuhan ang ideyang nakikisali ka sa panlalaking gulo, Gabriella. Kahit ako. Sana pagsabihan mo iyang kaibigan mo para hindi ka rin madamay.”
I shook my head. “Pa, hindi rin naman talaga ako madadamay kasi pinoprotektahan naman ako nilang lahat. Pinagtago nga nila ako, eh.”
“Hindi natin malalaman ang susunod na mangyayari, 'nak. As long as kaibigan mo sila at palagi mong kasama, kahit anong iwas mo, madadamay at madadamay ka pagdating ng araw. Gusto ko lang naman na ligtas kang nag-aaral.”
Alam kong mahirap nang patunayan ang gusto kong patunayan sa kaniya na kahit anong mangyayari, pinapangakuan ako nina Lai na kahiy anong mangyayari, hindi nila ako isasali sa kanilang gulo. Pinanghahawakan ko ang kaniyang pangakong iyon kaya kahit gaano man kapuno ng bardagulan ang kaniyang buhay, safe na safe ako kapag kasama ko siya. Hindi naman ako binibigo nun.
“Sorry, Pa.”
“Hindi naman ako galit at may tiwala rin ako kay Laikynn. Ang sa akin lang, huwag mo palaging i-asa sa iba ang proteksyon mo. Hindi naman sila superhero para kapag may gulong mangyayari, one-call-away lang. You should learn how to protect yourself while avoiding from trouble.”
Tumango ako sa kaniya. “Sige po, Pa.”
Nang bitawan niya ang mga katagang iyon ay hindi ko mapigilan ang mapaisip sa kaniyang mga sinabi. Totoo nga naman. I shouldn't depend my safety to Laikynn and the rest of them. Lalo na ngayon na may ibang babae na siyang nagugustuhan, the moment na maging sila ay hindi na niya ako gaanong mapagtutuunan jg pansin. Ano nalang kayang mangyayari kapag ganoon tapos bigla akong sinalubong ng grupo nung mga gagong iyon, di'ba?
“Siya nga pala, ‘nak, may ibibigay lang ako sa iyo.” Bumaling ulit kay Papa ang aking atensyon nang bigla siyang naglabas ng apat na pirasong nag-mistulang papel na kulay ginto at may itim na mga printa.
“Para saan to, Pa?”
“Invitations para sa party na gagawin pag-uwi ng lolo at lola mo. It happens to be their wedding anniversary that day kaya gusto nilang dalawa na mag-handa ng malaki at para makapag-invite rin kayo ng mga kaibigan niyo. Alam mo ba 'nak, gusto niyang makilala ang mga kaibigan mo.”
Napaawang naman ang aking bibig sa aking narinig. Para iyong nagpagising sa aking tenga at nang marinig ko iyon ay gusto ko na lamang magpagulong-gulong sa saya.
“Talaga Pa?”
“Of course. Kahit ako rin ay gusto ko silang makilala, Gabriella.”
“So pwede ko talaga silang dalhin sa event?”
“Of course you can. They're all invited. Pati na rin ang kaibigan nina Fabbiene at Séverine. I'm sure they would have fun.”
Sa sobrang saya ko ay hindi ko napigilang mapayakap sa kaniya. “Thank you talaga, Pa!”
“Anything, Gabrielle. You could wish for anything to me as long as it will make you happy then let's make it happen.”
Habang nakayakap ako sa kaniya at nakikinig sa kaniyang mga sinabi na pupunta raw pati mga kaibigan ni Séverine at Fabbiene, baka magiging magandang opportunity iyon para mapakilala ko si Lai at si Séverine sa isa't-isa. Napaka-torpe kasi ng lalaking iyon kaya tutulungan ko nalang siya sa mga moves moves na 'yan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro