Chapter 4
Chapter Four
Nang matanaw ko si Papa at nakitang bakante ang upuan sa kaniyang tabi, agad-agad akong pumunta roon at tumabi sa kaniya. Napansin niya naman yata iyon dahil sumulyap siya ng tingin sa akin at inalalayan ako sa pag-upo. Nahihirapan kasi ako dahil sa heels na hanggang ngayon ay hindi ako sanay.
“How's your day, nak?” He whispered to me and ignoring all those things na pinag-uusapan nilang magkapatid kanina.
Ngumiti ako ng kaunti. “Okay lang, Pa. Though, boring kasi grounded na naman.” Ngumiwi ako matapos pakawalan ang panghuling pangungusap. Sanay naman na si Papa na makarinig ng balita na grounded na naman ako and he knows it's always because of my recklessness.
“We'll talk later and I'll talk to your Mommy after, 'kay? Just enjoy the night and try to approach your cousin.” He's reffering to the bratty-looked-like Fabbiene na kanina pa naka-ekis ang braso na nasa tapat ko lang pala. Napangiwi ako ng palihim. Sa tingin ba ni Papa ang daling kausapin ng batang ganito? Napailing na lang ako at tahimik na lamang na naupo.
“Tu nous manques, frère!” I heard Mommy exclaimed. Tito Damien chuckled.
“Bien sûr, cela fait des lustres je pense,” sagot naman nito.
“You must have forgotten that we're in the Philippines right now. It's no necessary to speak French here when we understand Filipino naman,” wika nung isang ginang na sa pagkaalala ko'y asawa ni Mr. Damien Auclair. Si Mrs. Clementine Auclair.
Sa pagkaalala ko'y isa siyang pure Filipina rin na nagtrabaho sa France. Doon niya nakilala si Tito Damien base sa aking narinig. Now I realized, nakakahiyang aminin sa kanila na itong babaeng kasama nila ngayon na katabi ng isang Gustave Auclair at kaniyang kaisa-isang anak ay isang dakilang tsismosa.
“Hmm, 'nga naman. Lalo na't hindi lahat ng narito'y nakakaintindi ng salitang Pranses,” pagsang-ayon naman ni Papa at saka ito lumingon sa akin. “Itong anak ko, she's clueless about that language.”
“Why not learn it? May school naman dito di'ba? Unless she couldn't afford it.” We all stopped for a while when the brat that seated just across me raised her eyebrow and tell that.
Nakita ko kung paano siya sitahin ng kaniyang Mommy. “Fabbiene, h'wag kang ganiyan sa ate mo. Hindi kayo magka-lebel.”
Hindi ko maiwasang ikunot ang aking noo dahil rin sa huling pangungusap ni Auntie Clementine. Pero imbes na gawin pa iyong big deal ay bumuntong-hininga na lamang ako. I felt how Papa sensed my feeling and he patted my back probably because of that.
“Mom, I could see that clearly but Mom, I'm just telling my opinion. Unless she couldn't afford to hire a french tutor, right?” Fabbiene smirked. Saan kaya ilalagay iyang kamalditahan mo kung susuntukin kita. Just kidding. Nahihirapan na nga ako sa suot ko ngayon maghahasik pa ako ng suntukan.
“Fabbiene, stop!” that was Tito Damien.
Ramdam na ramdam ko ang tensyon na namumuo sa paligid. Nagmistula itong ulap na unti-unting nabubuo at nangingitim dahil sa paparating na malakas na ulan. Ang katahimikang ito ngayon ay hindi basta-basta. Nang sulyapan ko si Mommy ay kitang-kita ko na nawala na ang ngiti sa kaniyang labi na kanina pang nakasuot sa kaniyang mukha. She's now glaring at Clementine.
“Just so you know, I know how to handle brats and punish them and you are no exception. I hate someone like them stepping a foot inside my house. Next time you act like one, you might regret it.” Mommy glared hardly on both Clementine and Fabbiene. Sarkastiko ang pagkasabi niya nun at sinundan naman ng sarkastikong pagtawa.
Napahawak sa kaniyang sentido si Tito Fabbiene at hindi man lang nilingon ang kaniyang mag-ina. Napalunok at yumuko. Now the tension is on between them just because I couldn't speak french. What's the need? Hindi naman ako pupunta roon. Sigurado naman ako na sa Pilipinas lang ako mamamalagi.
“I'm sorry, Gabriella,” sambit ni Tito Damien sa akin. Ngumiti lamang ako ng kaunti. “Sœur, frère.” Baling niya sa kaniyang mga kapatid. Ganoon pa rin ang ekspresyon ng tatlo.
“Fine, Damien. I am letting it slide. Just don't make sure there's no next time.”
Lumipas ang ilang sandali ay sabay-sabay kaming lahat na napalingon sa tumutunog na bawat yapak na probably, papunta rito sa aming direksyon. Lihim akong napahanga sa angking ganda ni Sèverine ngayong gabi. Ang kaniyang mahabang buhok ay naka-high ponytail. She's wearing a black silk sleeveless dress. Hapit na hapit iyon sa kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang bewang. May slit iyon na abot hanggang sa baba ng kaniyang bewang sa gilid. She paired it with nude gladiators.
“Oh, here's my lovely daughter. Lovely than anyone else in this table. Sèverine, have a seat.”
Hindi nagpakita ng anumang reaksyon si Sèverine at naupo lamang ito ng tahimik. Sumulyap pa ito sa akin at tiningnan ba naman ako mula ulo hanggang bewang, at pabalik. Magkatabi sila ngayon ni Fabbiene na hanggang ngayon ay halos pumangit na ang mukha dahil sa kakangiwi sa akin.
Hindi ko namalayan na nakasunod pala kay Sèverine ang kaniyang kuya na si Jacques. Humalik ito sa pisnge sa mga magulang namin at saka naupo.
“That's the most handsome Auclair I've laid my eyes on. Of course, he's my son.” Mommy smiled at his children and only Jacques reciprocated that.
***
“So what's your plan that you're now here for good, Damien?” While slicing the steak for me, Dad also averted his attention to his brother.
Tito Damien shrugged. “Kagaya niyo, ibibigay ko lang rin ang aking atensyon sa La Vie En Clair. Wala na akong ibang mapagkakaabalahan.”
“Akala ko ba'y may plano kang magtayo ng sarili mong restaurant, Dam?” tanong naman ni Mommy matapos sumimsim sa wine na nilagay ng waiter (na maid lang rin namin) sa kaniyang wine glass.
“It tooks time to start a big business like that for me. Gusto ko muna siguraduhing makakayanan ko na talagang magpatakbo ng ganoong negosyo bago tumuntong rito. Kailangan pang hulmahin ang sarili, Bridgitte.”
Pinasadahan siya ng tingin ni Mommy. “Well, judging by how workaholic you are, I know that you can do it, probably. I can imagine twenty years from now that you're business has a lot of branches all over the world!”
Tito Damien chuckled. “Sana nga,”
“Don't worry, Dam. I'm always here to offer a help.” Papa winked at him.
“Wow! Coming from the heir! Parang magkakatotoo nga ang imagination mo, Bridgitte.”
“Don't worry, Dam, we'll work hard!” She chuckled.
Ang kasunod naman na pinag-uusapan nila ay ang tungkol sa paglipat ng pamilya ni Tito Damien dito sa Pilipinas. Sabi niya'y kung saang school daw kami nag-aaral ngayon ni Séverine ay roon nalang rin daw niya pag-aaralin ang kaniyang anak para alam niya na maganda ang kalidad ng eskwelahan ng anak niya. Hindi naman ako tutol doon basta lang ayoko siyang makita sa hallway ng school. Baka magsumbong pa yan sa lahat ng kagaguhan ko.
Sa buong gabi ay iyon ang pinag-usapan nila. Dumating ng ilang mga sandali nun ay nakisali na sa usapan si Auntie Clementine nang mapansing magaan na ang ambiance sa paligid. Sinasali rin nila sa kanilang pang-negosyong usapan si Kuya Jacques, well may alam naman na siya roon dahil ngayon ay nagtatrabaho na siya sa La Vi En Clair. Kami naman ay minsan lang nasasali sa kanilang usapan kapag may tinatanong lang at simpleng usapan lang naman iyon. Well, hindi naman talaga ako excited. Sa wine lang ako naaliw.
After hours of being there, inaamin kong nabuburyo na ako kasi una sa lahat hindi talaga ako nakaka-relate sa kanilang usapang negosyo. Alam kong ganoon rin sina Séverine at buti nalang dahil naisipan rin nilang tapusin ang dinner na iyon.
After that day, halos magtalon-talon na ako sa aking kwarto dahil sa tuwa. Umagang-umaga kinabukasan kasi ay sinauli sa akin ni Mommy ang cellphone ko kaya naman ay agad-agad akong pumunta sa aming group chat. Baka nag-aalala na iyong mga kumag kasi isang araw ba naman akong walang paramdam.
Gabi pogi:
guys??
Nung una ay akala ko walang magrereply ngunit nagpop-up naman ang tatlong tuldok sa gilid at ang icon na naroon ay ang kay Callum.
c4llÙm pØgi Typ1ng$:
umagang-umaga minumulto ako.
Gabi pogi:
ulol
Gwapong HOEman Lai:
good morning, gabgab!!! buti ginalaw mo na ang baso.
Charismatic Vio♡⌓♡:
what happened, gabi? muntik na kaming ma-upset kaka-worry kahapon. Is there anything wrong happened to you? Did your family scold you?
Gwapong HOEman Lai:
pupuntahan kami diyan, Gab tas magso-sorry kami sa parents mo (with cry emoji)
c4llÙm pØgi Typ1ng$:
grabe yung iba diyan oh, willing manuyo (eyes emoji)
Gabi pogi:
heh, grounded ako kahapon hindi ako makalabas.
c4llÙm pØgi Typ1ng$:
alam mo pa ba anong itsura ng kalsada, gab?
Gabi pogi:
oo naman, ngudngod pa kita roon eh.
Gwapong HOEman Lai:
wahahaha ako taga-video gab!
Charismatic Vio♡⌓♡:
did your family scold you, gab?
Gabi pogi:
senermonan ako saglit bago binawi cellphone ko ( sad emoji)
c4llÙm pØgi Typ1ng$:
yan kaka-selpon mo yan.
Gwapong HOEman Lai:
sabi ng ginawang almusal ang cellphone
Charismatic Vio♡⌓♡:
tayong lahat yon, Lai.
Gwapong HOEman Lai:
btw, gab. gusto mo puntahan ka namin diyan ngayon?
Gabi pogi:
wag kanang mag-alala Lai hindi na ako grounded. Hanggang kahapon lang yon sabi ni Mommy.
Kinwento ko sa kanila ang buong pangyayari kahapon at pati na rin iyong may kakarating lang akong pinsan galing ibang bansa. Nung una ay parang na-excite pa sila kaso nang makwento ko sa kanila ang tungkol doon sa kaunting alitan ay sabi nila hindi na raw sila interesado. Nakipagtawagan kasi ako sa kanilang tatlo. So Jezz naman ay hindi nakasali sa tawag. Paniguradong tulog pa ang isang iyon.
Kaya naman nang mag-lunes ay halos lumabas na ang bituka ko sa higpit ng kanilang pagkayakap sa akin. As in, silang apat nakipag-group hug sa akin na para bang isang taon rin kaming hindi nagkita. Isang normal na araw lang para sa amin iyon kaya gaya ng nakasanayan, sa basketball court ang tambayan namin pagka-lunchbreak.
“Ah, shoot!”
Rinig ko ang tunog ng pagpapapalakpak sa likod ko kaya nilingon ko ito. There's Callum. He is clapping his hands on me as if ang galing talaga nung nagawa ko. “Naks, three points, bro!” Nakipag-apir ito sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kaniya at ipinaypay ko ang aking sariling t-shirt dahil sa init na nararamdaman. Ilang sandaling makalipas ay akala ko siya lang ang dumating. Ayon, nag-iisahang dumating ang mga kumag. Nauna kasi ako eh kasi sabay silang bumili ng lunch namin. Sunod-sunod silang dumating sa basketball court. Si Laikynn, Callum, Vio and Jezz. I dribbled the ball at pinasa iyon kay Lai.
“Jersey ko 'yan, ah!” biglang sigaw ni Lai at nagtawanan ang lahat.
“Anong meron? Bagay nga sa'kin eh. Unting ligo nalang, popogi na'ko.” Sabay ngisi ko.
Sumimangot naman ang itsura ni Lai. “Tsk, ‘di kana naman nagpaalam sa akin.”
“Hoy grabe ‘to, nagpaalam kaya ako sa'yo kahapon,” depensa ko.
Lumapit ito sa akin at pabiro akong sinuntok. Humalakhak ako roon. Para kaming mga batang naghahabulan sa loob ng basketball court at panay ang tawa ko sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo pero mas mabilis ako.
“Dang it, ang hirap ng Gen Math. Dapat si Gabi pinapasagot dito, eh.” rinig kong sabi ni Vio.
Tumigil ako sa pagtakbo at dumako sa kanila. “Hala, ba‘t ako?”
“Bro, don't disturb them. Parte pa naman sa lovestory nila iyang pagtatakbuhan nila.” ani Callum. “Callum, ulol.” I made face to him. Iyong sobrang epic na expression.
“Nga pala, any plans about for those hoe?” Tiniklop ni Vio ang kaniyang notes at humarap sa amin.
“Wala.” Tipid na sagot ni Lai habang pinapaikot ang bola gamit ang kaniyang daliri.
“Ikaw, Callum?” baling nito.
Callum shrugged. “Kung gusto nilang makipagsuntukan, edi pagbigyan. Hindi naman tayo weak.”
“Iyong isa nga diyan, oh. Panay ngiti mag-isa. Kaiinggit.” Dahil sa sinabi ni Lai, napaangat tuloy ng tingin si Jezz na panay pindot sa phone niya. Totoo namang panay ang ngiti niya mag-isa. Bahagya akong tumawa habang pinagmamasdan si Jezz.
“May binabasa lang ako.” tanging sagot nito.
“Binabasa niya raw, long sweet messages ng ka-thingy niya. Yucks Jezz ang corny niyo!” Bahagya niya pang siniko si Jezz at gumanti naman ito.
Umupo ako roon sa mga benches at hinanap ang tumbler ni Lai. Nakakatamad magbaon ng tubig kaya nakikiburaot na lang ako kadalasan sa kanilang apat. No worries hindi naman ako laway conscious.
“Amina ang Gen Math Vio, tingnan ko lang kung kakayanin ba ng braincells ko.”
Napa “yes” naman si Vio bago ito binigay sa akin. Actually hindi naman sa pagmamayabang pero kaming dalawa ni Vio ang inaasahan nila dito sa pagsasagot ng mga homeworks. Katunayan ay may group chat kami kung saan doon namin sini-send ang mga sagot namin pero dahil tamad sila, kung kailan na ipapasa doon na nila ginagawa ang homeworks nila.
Magaling sa english-an si Vio at siya ang inaasahan namin sa mga essays. Normal lang iyon kasi half-Australian naman siya pero all in all talagang matalino si Vio. Ako naman ay sa Math. Tapos si Lai ay doon sa mga topics na related sa science. Doon mahusay ang mokong at si Callum, mahusay mag-sketch. Si Jezz naman, wala lang. Taga-advice about sa lovelife pero he himself, marupok naman.
“Umamin kana kasi, Lai.” Callum said while scanning something on the book na hawak-hawak niya. Kumunot ang noo ko roon.
“May crush ka?” kunot ang noo kong binalingan si Lai. Biglang nag-hari ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming lima at hindi naman mawala-wala ang malisyosong mga tawa ni Callum. Baka naman naglilihim na itong si Lai sa akin, ah.
Finally, nag-angat na ng tingin si Jezz. “Wala kang patutunguhan kung hindi ka aamin.” Ayon, iyon lang ang sinabi niya at nilipat ulit ang atensyon sa kaniyang cellphone. Focus na focus ang mokong roon.
“Yes! A great advice from our inlababo Jezz!” that was Callum.
“Gago.” sagot nito habang panay scroll sa kaniyang cellphone.
“So, may crush ka nga? Yes or no lang naman ang sagot, pinapatagal mo lang ang usapan Lai, eh.”
Para talagang pinagkaisahan ng mundo si Lai ngayon. Namumula ang tainga na ewan. Ang cute niya tingnan kaya ang sarap tawanan. Napakurap siya ng ilang beses at kitang-kita ko rin kung paano siya lumunok.
“W-Wala, ah.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro