Chapter 30
Chapter Thirty
“Are you sure about this, anak?”
Ngumiti ako kay Papa sabay yakap sa kaniya ng mahigpit. “I am really sure about this, Papa.” Tinapik niya ang aking balikat. It's my last night here in the Philippines. Kanina pagkatapos ng aming graduation ceremony ay nagpaalam ako ng saglit kay Lai, mga kaklase ko at mga kaibigan.
It wasn't easy. Ang sarap umiyak sa harap nila kanina habang nagpapaalam pero kailangan malakas ako. Kailangan kong lagpasan ang apat na taon na iyon para naman kapag naging successful na ako ay kayang-kaya ko nang umuwi rito nang kahit kailan ko gusto.
Actually I am not sure about this. I don't know what awaits me there. Pero kung ano man iyon, again, I will do everything to get pass through it. Ganoon naman talaga ang buhay. Kailangan mong tumahak sa mga landas kahit hindi ka sigurado. Maybe because despite of all the doubts, there's one think you want to have and that's what keeps you going. Life is not just about breathing. It is also taking risks.
Determinado si Grandma na mismong araw pagkatapos ng aming graduation ay aalis kami ng bansa. Hindi pa rin kasi nahuhuli ang Auntie ni Freska at alam kong she's aiming for something big now. Nakatatakot nga eh. Baka kung sino pa sa pamilya namin ang mapahamak.
“Dadalawin kita roon kapag may bakante akong oras, Gabriella. I would probably miss you so much.”
“Aba dapat lang po, mami-miss rin po kaya kita.”
Papa gently chuckled at hinila na ang aking mga bagahe. Bumaba na ako mauna sa kaniya nang makitang nasa labas na si Kuya Jacques, Fabbiene at Séve. Nang makababa na ako ay kumislap ang mga mata ng pinsan ko at lumapit sa akin.
“Es-tu prêt à partir maintenant, Gabriella?” (Are you ready to go now, Gabriella?)
Tumango ako kay Séverine “Oui bien sûr.” (Yes, of course.)
Bumuntong-hininga siya at ngumiti nang mapagtantong unti-unti na nga akong nakakaintindi ng French. Kailangan ko rin naman kasing gawin iyon. Noong nalaman namin na doon na kami sa France magko-college ay nagpresinta sa akin si Kuya Jacques at Séverine na turuan ako ng French para kahit papaano ay makakapag-adjust ako pagdating doon. Halos araw-araw ay tinuturuan nila ako kaya naman unti-unti na akong natututo.
They also introduced the important cultures of French para daw kapag kadating ko roon ay hindi na ako gaanong mako-culture shock. And si Papa, he lent me his black card in case gusto kong mag-shopping roon. Lalo pa na ang lugar kung saan nakatayo ang Hotel namin ay malapit sa tindahan ng mga mamahaling brands. Tsaka, gusto ko ring i-try ang mga pagkain nila doon.
“Oh goodness my dear, Gabriella. Mami-miss ko talaga kayo nitong anak ko. Just take care for yourselves there, okay? Everything is prepared na. Napa-renovate ko ang building para mas convenient na tirahan para sa inyong dalawa.”
Niyakap kaming dalawa ni Mommy ng mahigpit. Oo kaming dalawa lang ni Séve ang titira sa Penthouse ng mga Auclair. Babalik din kasing France si Tita Clementine at mayroon naman silang bahay roon at gusto niyang huwag nang humiwalay sa kaniya ang anak. Tsaka halata namang medyo off pa rin sa amin itong si Tita dahil hindi niya pa rin gaanong pinapansin si Séve.
“Yes, Mom. I can just call Kuya nalang din po in case there would be a problem.”
“Naku, kung may problema kayong dalawa ay hahatakin ko talaga itong si Gustave para puntahan kayo roon!”
Umismid si Papa sa kaniyang tabi. Papa handed my baggages sa driver namin para i-pwesto na iyon sa sasakyan. “Basta ba huwag tungkol sa lalaki, Gabriella.”
“Tito, Gabriella doesn't have problems for guys naman po. You know, I think that her boyfriend is kind.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Séve. “Séve naman,”
Ngunit tumawa lang ito at tsaka naunang pumunta sa sasakyang maghahatid sa amin sa airport. It was a limousine kaya sobrang kasyang-kasya lahat ng aming gamit doon sa loob. Nakisabay na rin sa amin ang mag-ina ngunit nanatili pa rin itong snob. Nang papasok na kami, pumunta sa amin si Grandma at Grandpa upang magpaalam ng maayos. Ngumiti ito sa akin na nakakapanibago pa rin pero sinuklian ko rin naman ang ginawad niyang ngiti.
Hanggang sa tuluyan nang umandar ang limousine ay panay lingon ko sa direksyon nina Papa. Hindi ko mapigilan ang parang punyal na dumagan sa aking dibdib. Ewan ko ba, ngayon pa lang ay nami-miss ko na agad siya. Siguro ay mami-miss ko rin kahit papaano ang mansion. Si Mama, si Laikynn at mga kaibigan ko. Ano kayang mangyayari sa kanila habang wala ako? Sana naman huwag nilang palitan ang spot ko sa tropa namin.
Nang marating na namin ang tanggapan ng airport, agad akong bumaba at sinuot sa tainga ang aking airpods. Hinayaan ko na ang driver namin at si Kuya Jacques na mag-asikaso ng aming mga bagahe. I was busy walking slowly nang biglang may tumapik sa aking balikat. Hindi ko rin naman kasi rinig kung may tumatawag ba sa akin mula sa likuran dahil naka-airpods ako.
Lumingon ako at doon ko napagtanto na si Séve pala iyon kaya kumunot ang noo ko. May tinuro siya mula sa 'di kalayuan na dahilan ng pag-awang ng aking bibig. Sumasayaw ang buhok ni Laikynn habang tumatakbo papunta sa akin. Akala ko ay mag-isa lamang ito ngunit nagkamali ako. Kasunod niya ay sila Callum, Vio at Jezz na ngiti-ngiting kumakaway sa akin.
“Lai... oh my gosh!” Napatakip ako sa aking bibig nang makalapit na siya. Malaki ang ngiti nito nang hinila ako para sa isang yakap. I hugged him back lightly at amoy na amoy ko ang kaniyang panlalaking bango. His scent that marks me.
“Gabi, kakayanin ko ba ang ganito?” Mahinang tanong nito. Napaghahalataan ko naman ang lungkot sa boses nito. Kahit rin naman ako ay nahihirapan pero kakayanin ko para sa amin.
“Kayanin mo! Dapat huwag mo akong ipagpalit, ah! Ipapaligpit talaga kita sa tauhan ni Papa tandaan mo 'yan.”
He chuckled. “Yes po,” then he kissed me on the lips na siyang kinagulat ko.
“Uh, that's cheesy.” Rinig kong sabi ni Séve sa harapan namin. Katabi niya ngayon si Vio at si Jezz at Callum naman panay picture sa amin. Alam ko na ang gagawin nila, papalitan na naman nila ang group chat namin ng mga mukha namin ni Laikynn.
“Siyempre hindi naman kita ipagpapalit 'no. Tsaka don't worry, mas strikto pa iyan sa'yo ang mga hatdog na 'yan. Sila mismo ang bubugbog sa akin kapag magkakaroon ako ng iba.”
Ngumuso ako at niyakap ulit siya. Sobrang mami-miss ko talaga si Laikynn. Simula pa man dati noong buhay pa si Mama ay siya na ang kasama ko palagi. The one who taught me a lot of things in this world. Ang taong hindi ako iniwan mula sa simula at hindi rin ako binigo. My man of his words. Siya ang dahilan kung bakit natuto akong kumaibigan ng ibang tao, at ang taong nagdala sa akin kina Callum na talaga namang hindi ko pinagsisihan.
The one I feel safe all the time. My soft protector. My sunshine, my yellow person. My person and at the same time, my soulmate.
“Dapat after four years tayo pa rin, ah? Kapag may problema tayo pag-uusapan natin kahit through video call lang. Bawal ang cold reply, ah? Baka manisay ako sa pag-ooverthink. Tsaka bawal din ako ipagpalit sa mga French ha?”
I only chuckled and caressed his cheeks. “Isumbong mo ako kay Mommy kapag naging pasaway ako, Lai. Siya mismo ang lilipad sa France para kurutin ako sa singit.”
”Tsk. Ano ba 'yan, ayaw kitang umalis, Gabi.”
“Babalik naman ako, Laikynn. Kaya ikaw mag-ingat ka palagi dito ah? Huwag kana makipag-away. Move-on na kayo doon sa Kuya ng ex ni Jezz ang pangit pangit naman no'n.”
“Don't worry, Gabi. Naka-moveon na rin naman ako kay Avery matagal na kaya wala na rin kaming pakialam sa Kuya niya." Rinig kong singit ni Jezz sa amin.
“Oo nga, ang importante dre, alam nating lahat na hindi ka nagloko kay Avery!” wika ni Callum.
“Of course, kahit maldita 'yon ay hindi naman ako nagloko sa kaniya. Ano ako, makati?”
Tinapik siya ni Vio sa balikat. “Bawal ang cheater sa pamilyang 'to.”
“Oo nga, kapag may nagloko sa girlfriend, kick the balls agad!”
Napailing na lang ako sa kanila. Inabala namin ang natitirang ilang oras para mag-usap-usap roon. Medyo nagulat nga ako nang biglang naging close na pala si Séverine at si Vio. Nagngingitian na ang dalawa eh. Gusto rin naman na ganito para ma-divert ang atensyon ko at isipan ko.
We were busy talking and joking to each other nang biglang may naramdaman ako sa middle finger ko na malamig na bagay. When I looked at it, there was already a finger inside na nilagay ni Lai ng dahan-dahan. Magtatanong na sana ako nang ipakita niya sa akin ang gitna niyang daliri na may parehong singsing din aa akin.
“Para saan 'to?”
“Promise ring. Tsaka para ano rin, kahit hindi tayo magkasama roon, may isang bagay na makakapag-alala sa'yo sa akin. Ganoon rin ako. At kapag successful na tayong dalawa, lalagyan din natin dito.” Turo niya sa ring finger ko.
“I love you...” The only thing I could say. I was so overwhelmed watching the ring he gave me. Panigurado ako na hindi iyon mamahalin pero namangha pa rin ako dahil saktong-sakto ang sukat nito sa daliri ko.
He held my waist. “Mahal na mahal din kita, Gabi. I promise, when you get back soon, I'm still here. Welcoming you with an open arms. Like a true best friend.”
Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at pati na doon sa daliring may singsing. “My first ever best friend. The one that I don't regret.”
“And your last love.” He smiled.
I watched his eyes intently. May ngiti sa labi ngunit bakas na bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. I memorized all about him. Alam ko kung kailan siya tunay na masaya at kailan siya ngumingiti ng may halong lungkot. I know Lai is hurting deep inside. Siya kasi ang kaibigan kong takot na takot na mawala ako sa tabi niya. Dati pa nga noong sinabi ko sa kaniya na lilipat na kami sa Chateau he looks like someone who will cry anytime.
Nang tuluyan na kaming aalis, Lai never let go of my hands. I looked at him with a smile in my lips. Saka ako lumapit ng kaunti upang gawaran siya ng halik sa kaniyang labi. It was simple and short but it was heartfelt.
“I love you, sobra-sobra.”
“Mahal din kita ng sobra pa sa sobra.”
***
Everything felt surreal. Malayo ang France sa Pilipinas kaya mga ilang oras din bago kami nakarating. Hindi ko na nabilang kung ilang oras nga ba iyon dahil tulog naman ako sa buong biyahe. Gumigising lang kapag kakain o 'di kaya'y pupunta sa comfort room.
When we got there, naroon na ang sabi ni Mommy na susundo sa amin. Kilala ito ni Séve at hinayaan na lang siya. Habang ang mag-ina naman ay may ibang sundo. Ang kanilang driver din. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa bago kami umibis sa aming sasakyan.
Habang nasa biyahe, iginala ko ang aking paningin sa bawat tanawin na aming nadadaanan. Ibang-iba iyon sa aking nakasanayan at nakaka-engganyo rin ang disenyo ng kanilang mga establishments. This is my first time here kaya naninibago talaga ako. Dahil sa Paris ang Hotel at ang Penthouse ng mga Auclair napadaan kami sa Eiffel Tower and my eyes was in awe. It was so tall and mesmerizing. The one that you'll fall inlove in just one glance.
Sa pictures ko lang iyon madalas makita kaya ngayong personal ko nang napapanood ay nalulula ako. It was like my eyes is glued in the scenery. So this is how it feels like to be here in France. I can't take my eyes off from this tower that everyone talks about.
“We can go back here tonight, Gabriella. I also miss Eiffel Tower so much.”
Umawang ang bibig kong bumaling kay Séve. “Uh, pwede ba iyon? Hindi ba iyon masyadong malayo sa atin?”
“Of course not! You know what, visible nga sa terrace ng bahay nila Grandma ang Eiffel Tower eh. And you can watch it over there anytime, Gabi.”
Dahil doon ay na-excite ako. Hindi ko mapigilang mapangiti.
“And also, marami pang tourists spotd ang dapat nating puntahan before classes would start. I will also bring you to their stores and we'll create a bag collections together! Mas mura kasi dito ang mga brands compared sa Philippines.”
“Ang ganda rito, bakit mo naman naisipang tumira sa Pilipinas, Séve?”
She shrugged. “I find it fun here but Philippines is where I belong, Gabriella. It is my forever comfort there.”
Well totoo naman. Siguro ako ay ganoon din. Mag-e-enjoy ako dito sa Paris pero ang mas sasaya ako sa Pilipinas. Naroon din naman kasi ang mga taong mahalaga sa akin at nagmamahal sa akin. Tsaka sanay na ako doon. Dito, magsisimula palang ako.
Hanggang sa hindi ko inaasahan, dumaan na pala ang ilang buwan simula noong dumating kami dito. Tama nga si Séve, malapit lang ang aming tinitirhan sa Eiffel Tower at mula roon sa terasa ay kitang-kita ang tower mula roon. Kaya feel na feel ko ang pagmumuni-muni. Minsan nga kapag nalulungkot ako doon lang ako pumupunta sabay kain ng croissants. Oh di'ba napaka-feelingera. Mag-eemote sa harap ng Eiffel Tower sabay kain ng croissant. Sobrang feeling main character.
Sa mga nagdaang buwan din ay mas lalong naging malapit na kami ni Séve sa isa't-isa. Nakakapanibago na magkaroon ng babaeng kaibigan. Nasanay na kasi ako sa mga kaibigan kong lalaki.
Also, I decided to took a course that relates to business. Along the way, I realize that I love working at a hotel at kagaya ni Kuya Jacques, I would like to start from the bottom.
Now I realize that we can't really force someone to like the things that we also like. Kagaya ng ginagawa sa akin dati nina Grandma. I was still undecided back then when they keep pushing me to be better for the sake of La Vie En Clair's future that I will soon take over. Dati, ayoko pa but now that I've finally reached this stage of my life, I realize I want it.
I can still remember before how I hate wearing makeups and other girlish things because it makes me uncomfortable but now I realize, people's standard about women is crazy. It doesn't mean that you're not wearing girlish things, you're already ugly. Women can be beautiful in the way they want to and as long as they are comfortable, it is all that matters.
We doesn't need to fit in their crazy standards just to be respected. We can be whoever we want and it's not their choice. Our dress, our say. Marami akong napagtanto sa buhay ko nitong mga nagdaang buwan. Just like, we can't really make people impress towards us all the time. Kahit anong effort, kung talagang ayaw sa atin ay wala talaga. At the end of the day, choice pa rin nila iyan kung gustuhin ba nila tayo o hindi.
“Love, Dean's Lister ulit ako!”
Malaki ang ngiti ko kay Laikynn matapos niyang ibalita iyon sa akin. He took Engineering at hindi ko naman maipagkakaila na magaling nga siya roon. “Congrats, love! Di'ba sabi ko naman sa'yo, kakayanin mo rin ang sem na'to. Kinaya mo na dati, I'm sure kakayanin mo ulit.”
“Damn, ang sarap mong yakapin.”
Tumawa lamang ako. Same, I also want to hug you right now. Sobrang miss na kita Lai.
“Thank you talaga love, palagi kang nariyan para sa akin. Halos maiyak nga ako kanina no'ng makita ko ang pangalan ko doon eh!”
“You deserve it, Lai. Feeling ko tuloy secured na future ko sa'yo.” I joked. “Galing mo, dre ah--Teka nasaan ka ba? Bakit may iniinom ka?”
Bago pa man siya sumagot, tinapat niya ang camera kay Kuya Jacques, Tito Guillaume at kay Papa. Halatang naroon sila sa Penthouse ni Papa dahil sa background nito. Ngayon ko lang napagtanto. Shit, nag-iinoman sila?!
“Hi, anak. Huwag kang mag-alala, hindi naman namin lalasingin itong si Mr. Dean's Lister mo.” I heard Papa chuckled.
“Slight lang!” Singit ni Tito Guillaume.
Napatampal na lamang ako sa aking noo. Hays, hindi ko man lang naisip na magiging mag-tropa rin ang mga 'to. Close na pala si Lai sa Papa ko? Grabe naman magpa-good shot ang isang 'yon.
“Double celebration to, love. Kasi finally, solve na ang kaso tungkol kay Gracia Markus. Everything is fine now! Dali, balik kana rito.”
“Sira! Ano, sasakay ako ng walis?”
That night was filled with happiness. Sa wakas ay wala namang ibang napahamak habang sinosolve ang kaso. Masaya na ako roon. At sa wakas tapos na rin ang lahat. We can all sleep peacefully at night. I hugged my pillow while I'm in bed. I can't wait to finish my studies here. Para sa wakas ay makikita ko ulit ang taong mahal ko. Hindi naman ako napag-iiwanan sa mga ganap niya sa buhay dahil palagi niya namang kini-kwento sa akin.
Don't worry my love, soon we'll see each other again. Mahal na mahal kita.
I smiled after I sent that message to Laikynn and finally fell asleep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro