Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter Three

What a horrible week. Inalala ko lang ang lahat ng mga pangyayari sa araw na ito at inisip kung gaano ako kamalas. Kani-kanina lang ay hinarap namin ang grupo nina Theo at kung paano kami nagtatakbo para hindi kami maabutan pa sa mga kanto. Ngayon naman ay grounded ako at kapag ganoon, pati gadgets rito ay hindi ako pwedeng gumamit. Nakakainis naman! Gusto ko tuloy magpalaban kay papa para bawiin iyon mula kay Mommy. Pero wag nalang baka sumbatan pa ako ni Mommy kung nasaan na ngayon ang angas ko.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at pakulob na umidlip sa mga sandaling iyon. Tinatamad na akong ayusin ang sarili ko sa pagkahiga nang biglang magising ang aking kaluluwa dahil sa katok na galing sa pintuan ng kuwarto ko.

“Oh my gosh!!!”

Mula sa aking kinaroroonan kitang-kita ko si Mommy na nasa bukana ng pintuan ng kwarto ko at nakatakip ang kaniyang bibig gamit ang mga kamay. Kung maka-react si Mommy parang nakakita siya ng multo na nakahiga dito. But I'm used to it. Kahit ilang beses pa siyang sitahin ni papa sa mga reaksyon niya, hindi niya siya nagbabago.

Hindi muna ako tumayo at inabala muna ang sarili para mag-unat-unat sa katawan ngunit agad namang pumunta sa kinaroroonan ko si Mommy at dinarag ako para bumangon.

“Oh my gosh, my filthy little Gabriella! Bakit ka naman nakasuot ng pawisang uniform habang natutulog?!”

Bumuntong-hininga ako. “Pagod ako, Mommy.”

She raised her eyebrows. “Quoi que. Give me your phone, laptop and all.” She placed her hand infront of me habang naghihintay sa akin na gumalaw.

Ngumuso ako at nagkamot sa ulo. Seryoso nga siya sa sinabi niyang grounded ako. Siyempre Gabi kailan pa ba iyan nag-joke?

“Ne t'inquiète pas. After tomorrow, I will return these to you kasi hindi naman ako ganoon ka walang awa sa'yo.” She smiled at me like asking for my approval kahit hindi niya na iyon kailangan. “You can tell your papa about this but it's more exciting if you will let me tell him.”

“Ako na, Mommy.” Bagsak ang balikat kong sagot pabalik.

She shrugged. “Okay.” And then she paced back towards the door.

Sa gabing iyon ay para akong nanibago sa lahat ng nangyayari sa akin. Tsk, hindi ko tuloy malalaman kung ano nang nangyayari sa kanila sa group chat namin. Panigurado nga na pinagalitan na iyon si Jezz sa Daddy niya. Mas makakahinga ka pa ng maluwag sa parents ni Lai lalo na ang Daddy niya kasi imbes na pagalitan siya, proud pa siya kung may napatumbang gago ang anak niya.

Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng mga movies sa Netflix kahit kating-kati na akong mag-cellphone. Gusto ko sanang makausap si papa para pampawala ng boredom kaso hindi siya umuwi sa Château. Maybe he'll sleep at his penthouse again.

Kinaumagahan, para kahit papaano ay ma-impress naman sa akin si Mommy ay ginawa ko lahat ng pampaganda kahit hindi ko alam kung epektibo ba. Naligo ako at kinuskos ang lahat ng sulok ng aking katawan at nilaklak sa katawan ang body lotion na amoy vanilla. Pati buhok ko ay kinuskos ko ng maigi para mawala lahat ng dumi. Minsan lang 'to kaya itodo na natin.

All of my skin products are from France. Dahil buwan-buwan ay umuuwi si Mommy sa France kasama si Fresca, iyong secretary niya raw kuno, doon sila bumibili ng lahat ng uri ng beauty and skin products. Even my clothes are all from France. Mamahaling brands kaya nakaka-guilty suotin. Though, mas prefer ko iyong mga nabibili namin nina Lai sa ukay-ukay na tagbi-benteng oversized t-shirt. Hindi iyon alam ni Mommy.

Nang bumaba na ako sa grand staircase ay rinig na rinig ang bawat yapak ko na ibig-sabihin ay kaunti lang ang tao ngayon dito sa buong bahay. Sinilip ko ang pintuan ng kwarto ni Séverine kanina at halatang tulog pa iyon sa ganitong oras.

“Nasaan si Mommy?” koryuso kong tanong kay Fresca nang makarating na ako sa dining area. Hinila niya ng bahagya ang isang upuan para roon ako umupo.

“Maagang pumunta sa hotel. May appointment raw siya mamaya at gusto niyang mas maaga siyang makarating sa La Vie En Clair.”

Napa-ooh ako sa sinabi niya at para namang may umilaw sa aking utak pero bago pa man ako magsalita, naunahan na ako ni Fresca.

“Binilin ka sa akin ni Madame. She told me that you're grounded today, Miss Gabriella.”

Napabuntong-hininga ako sa kaniyang sinabi. I heard how she chuckled while standing beside me. Wala akong choice kundi umupo na lamang doon para kumain ng breakfast. Kumuha ako ng isang piraso ng blueberry pancake. Kapag tatalikod to si Fresca, saka na ako kukuha ng pangalawang pancake.

Si Fresca ang kilala kong tao na pinaka-loyal kay Mommy. Dinaig niya pa nga yata ang loyalty ng asawa ni Mommy eh. I know she's thirty-three years old already but she still looks like she's in her mid-twenties. She looks so neat kahit narito lamang siya sa Château. Araw-araw yata siyang naka-business suit. She looks so elegant for the way she acts and the way she dressed. She's tall and has an hour-glass shaped body. She's a pure filipina pero para na yatang nahaluan ng pagkabanyaga ang beauty niya. Pero, kahit gaano pa kaganda si Fresca hindi ko pa rin siya crush 'no!

“Fresca?”

“Yes?” She responded right away.

“Ilang taon kana palang nagtatrabaho kay Mommy?”

She looked at me and paused for a minute. Mukhang pinag-iisipan niya pa yata ang sagot. Simula kasi dati ay hindi ko pa ito alam. “Since I was eighteen years old, I met your Mommy and that was when I started to work for her. So, it has been fifteen years since I worked here.”

Tumango ako. So, nung three years old palang ako nun. Mga panahong kasama ko pa si Mama. Umiling ako ng bahagya kasi umagang-umaga, naalala ko na naman lahat ng sakit.

Kilala ko si Fresca bilang anak ng matalik na kaibigan ni Mommy dito sa Pilipinas. They were still teenagers that time when Fresca's mother got pregnant at lumipas ang mga taon ay natagpuan ulit ni Mommy ang best friend niya at nalaman na nahihirapan itong pag-aralin ang anak. That's the reason why she get Fresca and made her as her semi-bodyguard.

“Nakapagtapos ka ba ng pag-aaral?” dagdag kong tanong.

She formed her lips a line and nodded. “I studied at La Salle since then and graduated in Business Management course.”

Oh? Well akala ko nahihirapan siya sa pag-aaral. Hay, hindi ko na alam. Tsismis ko lang naman ang lahat ng iyon, eh. Siguro she found fondness in Mommy's hands kaya nagtrabaho siya dito. “Ni-minsan po ba naisip mo na bakit hindi ka nalang nag-apply sa mga kompanya na babagay sa kurso mo?”

She shook her head. “Madame Bridgitte is too nice and the way she treats me, sa tingin ko wala nang ibang tatrato sa akin nang ganito. Your Mommy never treated me like a servant. Yes, inuutos-utusan niya ako but all of them aren't that heavy. She never let my life at stake so I owe her big.”

Maybe she could pass as whatever position as employee at La Vie En Clair Hotels. Isa iyong five-star hotel na pinagmamay-arian ng pamilya ni Papa dati pa man. Lahat sila ay may posisyon sa hotel na iyon kaya naman natutulungan nila ang isa't-isa sa pamamahala nito. La Vie En Clair is the french translation of Life in Clear. Since sabi nila na ang Auclair daw ay nanganangahulugang clear kaya ganoon ang ipinangalan dito.

Napatingin ulit ako kay Fresca. Pirme lamang siyang nakatayo sa aking tabi at buti nalang hindi naman siya nakatingin sa akin kundi mako-conscious ako ng malala sa paninitig niya. Sa ganda niya, imposibleng walang nagkakagusto sa kaniya.

“Fresca, may jowa ka ba?” pangtsi-tsismis ko rito at halata naman ang kaniyang pagkagulat roon.

An amusement was formed in her face at kaagad na umiling. “Have no time for that, Miss Gabriella.”

Huh? Ganoon pala talaga siya ka-busy? “Wala pa pong plano mag-pamilya?”

“Hmm, having your own family is great pero wala talaga akong oras para roon.”

Tumango-tango lamang ako. Ngayon ko lang nalaman ang mga ito since madalang lang naman kaming nagkakausap. Dati naman kapag na-grounded ako ay si Mommy ang nagbabantay sa akin kasi baka tumakas ako. Gate lang naman ng school ang nakakayanan kong akyatin eh. Yung gate dito parang ang hirap tumalon.

“Nga pala Miss Gabriella, later at dinner ay darating ang pamilya ni Monsieur Damien at pati na rin si Monsieur Guillaume. Pinagbilin sa akin ni Madame Bridgitte na maghanda ka para sa dinner niyo rito mamaya.”

Napabuntong-hininga ako. That means magme-makeup na naman ako. Naiirita talaga ako sa bagay na iyon kasi hindi ako komportable na igalaw ang mukha ko dahil feeling ko may masisira.

Magkapatid si Tito Damien at papa. Galing pa sila ng pamilya niya sa France at sa narinig ko'y magta-transfer ng school dito ang anak nila na si Fabbiene na high school palang. I saw Fabbiene in some family gatherings. Hindi kami close kasi maldita rin iyon kahit bata pa. I know that she prefer living in France so I don't know kung paano siya nag-react nung sabihin ng pamilya niya na magta-transfer siya dito.

“How about si Lolo at Lola?”

“Next week. They will also throw a welcome-party by next week. That's the thing that you need to prepare next.”

Kapagod naman. Nakakatamad. May pinuntahan daw muna kasi si Lolo at Lola doon sa France at next week pa ang uwi nila dito. I should prepare myself for the both of them because the moment na narito na sila sa Pilipinas, lagot talaga ako. Mas istrikta pa naman si Lola kay Mommy. Hindi na najojoke-an iyon, eh.

After my dinner, I paced outside to find some fresh air. I walk through the pavements na nagsisilbing daanan sa bawat dumadaan. Sa gitna naman niyon ay ang isang malaking fountain. Naalala ko pa nung bata pa ako ay pinangarap ko talaga na magshower-shower diyan kaso hindi ako pinapayagan ni papa.

Pumunta ako doon sa fountain at dumungaw. I am only wearing a croptop shirt with an abstract prints on it. Isa ito sa mga nabili ko sa ukay-ukay. Buti nalang ay hindi naman ganoon ka-strikto si Mommy sa akin kapag nasa bahay lang. Basta hindi raw ako nakahubad at mabango naman daw ako ay okay lang kung anong suotin kong pambahay. I paired it with loose fit black shorts and flats for my footwear. Kitang-kita ko ang malinaw na repleksyon ko sa fountain na iyon at nagwacky pa ako na para bang may camera roon.

Nasulyapan ko si Fresca na nakamasid lang sa akin mula sa bukana ng tanggapan. Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad-lakad. Nang medyo makalayo na ay tiningala ko ang nakakalulang Château ng Auclair. It is a French Renaissance Château style na kapag hindi mo pa kabisado ang pasikot-sikot ay maliligaw ka talaga.

Nang uminit na ay pumasok ulit ako sa loob ng Château. Marami kaming mga maids dito sa loob pero minsan ko lang silang nakikitang nagtatrabaho. Para bang may skills sila na maging invisible habang nililinisan ang bahay.

Umakyat akong muli sa grand staircase at planong bumalik sa aking kwarto para makapag-netflix ulit. Ang kwarto ko ay malapit lamang sa hagdanan kaya kung patanga-tanga kang lumabas galing sa kwarto ko ay mahuhulog ka talaga sa hagdan. May living room din dito pero hindi kasing-laki ng nasa baba. We have a lot of rooms here (mga kwarto) at may kaniya-kaniya rin silang opisina sa loob ng mansion. I am free to walk in and out on Papa's office kasi may mga libro siya doon. Doon ko na rin nilalagay ang mga mystery book series na nabibili namin ni Lai sa bookstores.

Dumaan ang oras sa araw na iyon na wala akong ibang naramdaman kundi pagka-buryo sa bahay. Kaya excited ako nang dumating na ang hapon kasi pagka-bukas nito ay hindi na ako grounded. Sana lang walang extension.

I am now here in my room with Fresca. She's busy fixing my make-up kasi maya-maya na'y magsisimula na ang family dinner. We have to do it outside the house, roon sa garden para siguro mas feel ang gabi. Basta, ganoon daw yata.

“Practice your smile, Miss Gabriella. No matter how moody that Fabbiene, you should still smile at her.”  Fresca said while fixing now some hem of my dress. Tapos na siyang may-ayos sa aking buhok at make-up kaya ngayo'y inayos niya na ang damit ko.

I am wearing a sleeveless gray wraparound dress. Hindi naman iyon ganoon ka-bukad at hanggang tuhod ko lang ang haba. I paired it with a white slink back heel. My black hair was being pushed back at nadedepina ang hairline ko roon. I am only wearing a light make-up. Just enough to make me look fresh. Ginawa ko ang sinabi ni Fresca na pagpraktis ng aking ngiti. Mahirap na baka mamaya, fist bump ang paraan ko sa pagbati.

Nang makababa na ako sa grand stairs at tuluyan nang naglakad papuntang garden, rinig na rinig ko na ang boses ng mga taong kakarating pa lamang at galing pa sa France. When I get there, I saw Mommy and Papa busy catching up things with their brother Damien.

“Bonsoir, ça me manque d'être ici au Château Auclair!” said by the voice of a man. Sinundan naman iyon ng mga tawanan.

I don't have any clue about french language since hindi ako pinapayagan ni Papa na magsalita ng french sa loob ng mansion. I understand some phrases pero iyon lang. I should've prepared myself to get nosebleed by their conversation.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro