Chapter 29
Chapter Twenty-Nine
“I can't believe all of this is happening!”
Grandma paces back and forth around the living room. Halata pa rin sa mukha nito na gulat na gulat ito sa lahat ng pangyayari ngayong gabi. Pati rin naman ako. Buti nalang at narito si Séve at Kuya Jacques para aluin ako.
Tapos na akong lumuha at narito na lamang sa couch namin at katabi si Séve. Nakaakbay pa rin ito sa see akin na inaabangan na baka hahagulgol na naman ako. Sobrang na-appreciate ko talaga ang presensya nila dahil tinutulungan ako nito na kumalma.
“I trusted her Auntie for Pete's sake and this is what we get in return? Paano nalang kung natuloy nung inggratang Freska na iyon ang plano niya sa anak ko?!”
Oo nga pala. Plano niyang lasunin si Mommy kanina gamit ang wine. Siguro ay naisip niya iyon o nila para wala nang ibang makakaalam pa ng karumal-dumal nilang sekreto. I sighed heavily. Paano ba sila nakakahinga ng maayos at nakakatulog bawat gabi knowing na may pandaraya silang nagawa malinis lamang ang kanilang pangalan?
“Grandma, calm down, okay? Ang mahalaga ay hawak na sila ngayon ng mga pulis at tinutugis na rin iyong si Miss Gracia Markus.” Kuya Jacques went to Grandma to help her calm down.
“Aba malay ko ba kung si Gracia Markus lang ang nasa likod ng lahat ng ito? Oh my goodness, I don't know anymore if my family is still safe here in the Philippines!”
“Grandma, we have a lot of bodyguards naman po. They can be trusted.” Singit ni Séverine.
“Just like Freska? Hindi natin alam kung sino ba ang totoong matapat sa pagtatrabaho para sa atin ngayon, Séverine Édelie. Malay mo, may iba pa diyan...”
Natigil lamang ang usapan nang biglang dumating si Fabbiene galing sa kusina upang bigyan ng tubig si Grandma. Inalalayan niya rin itong makaupo sa malapit na couch at minasahe ang sentido nito upang matulungang kumalma ang damdamin.
Narito rin si Tita Clementine at tahimik lang sa tabi ng anak. Sina Grandpa, Papa, Mommy, Tito Guillaume, at Tito Damien naman ay tumungo sa police station upang puntahan at asikasuhing maigi ang kaso. Kanina ay pinaliwanag na ni Tito at Papa kung paano nila pina-imbestigahan ang kaso ni Freska. Pero ang pinaka-latest na update ng kaso at si Mommy at Tito lang ang nakakaalam dahil kahapon lang ito dumating. Kaya naman gulantang kaming lahat sa biglaang rebelasyon.
Hindi na isinama roon si Grandma dahil baka makakasama lamang sa kaniyang kondisyon. Medyo mahina na rin kasi ang katawan ni Grandma para sa harapin ang ganoong mga sitwasyon. At narito kaming mga apo at si Tita Clementine para samahan si Grandma.
“Grandma, I am afraid that our life here isn't safe anymore. Habang kinakausap nila Bridgitte ang kapulisan kanina, narealize ko na the life of the young girls aren't safe na. Lalo na at maaaring buong pamilya ni Freska ang sangkot sa mabigat na kasong ito.”
Ilang sandali rin kaming binalot ng katahimikan nang basagin iyon ni Tita Clementine. Nakahalukipkip ito sa sofa at nakatingin kay Fabbiene. Alam ko namang iniisip lamang niya ang sitwasyon ni Fabbiene dito. Bakit naman ako iisipin ni Tita eh ako nga ang dahilan na miserable ang isang linggo niyan sa eskwelahan eh.
“Well, you've got a point, Clementine. Siguro ay kakausapin ko ang mga anak ko pagka-uwi nila dito. I think you're suggesting that it's better for my apos to live in France for the meantime, right? Until everything will get better.”
Sabay kaming napabaling ni Séve kay Grandma dahil sa narinig. I mean alam ko namang plano na nitong doon pag-aaralin sa France si Séverine base sa mga pinagsasabi nito sa mga kaibigan pero naisip ko, kasali kaya ako roon? Kasi alam kong kasali din doon si Fabbiene.
“Grandma... I can live her naman po. I love being here in the Philippines. T-Tsaka narito ang mga bagay na gusto ko.” Utal-utal na sambit ni Séverine. Siguro ay naisip niya na rin ang matagal nang plano ni Grandma para sa kaniya.
“My dear, it isn't safe here. Gaya nga nang sabi ni Tita Clementine mo. And don't worry, all of you three will be there. You can live in one roof if you want.”
“Grandma, I'm fine. Kung doon ko man po tatapusin ang aking high school years, I have no problem with that. Besides, I love France! It has been my home for years sadyang kinailangan lang namin tumira dito for Dad's business. May bahay naman po kami sa Marseille and I can live there.”
Fabbiene looked down and played with her fingers. Alam ko naman na ayaw na nitong maging malapit pa kay Séve.
“Fine, no problem about that. So, Gabriella and Séverine will have to live together. Your Grandpa owns a Penthouse in Paris so you will live together there.”
Bahagyang napaawang ang aking bibig sa narinig. Ano?! Kasali talaga ako?! Akala ko naman ay iignorahin na nito ang presensya ko katulad ng nakasanayan. Alam kong I should be happy about it but there's a hole in my heart. Iiwan ko si Laikynn? Sila Callum?
“G-Grandma... Uh I don't think that's important po. Maaasahan naman po ang securities at bodyguards ni Papa kaya okay lang sa akin na manatili rito sa Pilipinas.”
“Gabriella, katulad nga ng sabi ni Grandma ay may mga tao pa ring hindi maaasahan sa paligid natin. And I agree, it is safe for you to be with Séverine there and settle for the meantime. Mas maganda nga eh kung roon na lang kayo magtapos ng college. Just like Mommy!”
Buong gabi ay sobrang okupado ng utak ko. Makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan ni Grandma na bukas nalang ulit kami mag-uusap at para makasama na sa usapan ang mga magulang namin. Pabalik-balik sa aking isipan ang nangyari kaninang dinner.
I rolled in my bed. Sana maging okay na ang lahat sa mas lalong madaling panahon. I'm very thankful for Mommy dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami magsususpetya kay Freska. And she's the one who found out all about it first.
Dumagdag pa sa mga iniisip ko ang tungkol sa pagco-college sa France. Panigurado ay mahihirapan akong mag-adjust dahil wala naman akong masyadong alam sa French culture at lalo na ang magsalita ng French.
Nagising ako kinabukasan nang tumama sa aking mata ang sinag ng araw. Agad akong bumangon kahit pagod ang katawan. Naligo na ako at nagbihis na rin. Matapos iyon ay bumaba na ako. Naroon na sa living area ang lahat. Naroon din si Papa na halatang pagod sa lahat. Base sa itsura nito na gulong-gulo ang buhok.
“Ma, hindi sanay si Gabriella sa ganoon...” boses ni Papa ang bungad sa akin.
“Anak I know. But this is the best thing I could think of when it comes to securing their safety. Lalo na siya.”
“But...”
Hinawakan ni Grandma ang kamay ni Papa. “I know I have been a ruthless Grandma to her and I've hurt you countless times before just because of Aderina. Now that I realize it all, I regret all of those things, anak. I am so sorry,”
Nagtama ang paningin namin ni Papa at agad akong sinalubong nito. Niyakap ko si Papa pabalik nang yumakap ito kaagad nang makarating sa akin. Alam kong iniisip niya ngayon ang lahat ng pinagdadaanan namin bilang pamilya. Alam kong nabibigatan na siya sa lahat at... ang balitang ilalayo ako sa kaniya. Alam kong nasasaktan siya roon.
“Papa,”
Kumalas ito sa aking yakap at doon ko lamang napagtanto na naglakad papalapit sa aming direksyon si Grandma. May baon itong ngiti sa kaniyang labi. My heart is pounding. First time niya yatang nginitian ako.
“Apo, pasensya kana sa lahat. Masakit lang siguro ako magmahal at nasaktan ko ng matindi itong si Gustave. Hija, please hayaan mo akong makabawi sa inyong dalawa.”
Magalang akong tumango dito. Alam ko naman na wala rin akong choice. Aalma man ako, they will do everything to convince me that I have to follow them. Naiintindihan ko naman ang punto ng mga ito ngayon. To assure my safety dahil may trust issue na ang buong Auclair.
“Kung ayaw mo anak, hahayaan naman kita,” mahinang sabi ni Papa sa akin.
Umiling ako rito at ngumiti. “Don't worry about it, Pa. Pag-iisipan ko po ang plano ni Grandma para sa akin. Atleast now I know that whatever my decision is, you got my back.”
Atleast now, this decision-making is safe. If hindi ako papayag na manirahan sa France, alam ko namang kaya akong bantayan ni Papa dahil hindi rin naman basta-basta ang mga tauhan nito. If papayag naman akong manirahan sa France, mas lalong matutuwa para sa akin si Grandma.
I know it's hard to forgive her lalo na at ang galit niya kay Papa ay galing sa pagdating ni Mama sa buhay ni Papa. But I believe that in the future I can forgive her. Also Fabbiene. Siya ang dahilan ng bahagyang pagkasira ng pangalan ko sa Luther International but I won't hold my grudge forever.
If Grandma wants to prove herself that she's regretful about the things she did in the past, I'm giving her the chance. Ayaw ko rin naman na magkaroong kaalitan sa loob ng pamilya. After all, I'm an Auclair. It's not like I will abuse myself for forgiving those who wronged me. I'm just giving a chance. Maybe I can't forgive them but maybe I can. It's still hazy and I'm willing to find out.
Kung aalis ka nga naman kalaunan, parang kay bilis lumipas ng panahon. That's when I realize that a week has been finally passed by. Next week na rin ang final exam namin sa second sem at malapit na rin kaming mag-practice ng graduation. Bumibigat rin ang aking hininga dahil ang gusto ni Grandma, the day after the graduation ay aalis na kami ng bansa. Exclusive nalang nga sa pamilya ang selebrasyon dahil takot na maulit pa ang muntikang nangyari kay Mommy.
Narito kami ngayon ni Laikynn sa park malapit sa Chateau. Kaunti lang ang tao ngayon at mas gusto ko iyon. Aaminin ko na kasi kay Lai ang plano ng pamilya ko sa akin pagkatapos ng graduation.
Kasalukuyan akong nakasandal sa kaniyang balikat ngayon. Wala kaming ibang ginagawa rito kundi ang tahimik na maupo sa ilalim ng malaking puno. The air breezing fresh at nakakatulong iyon para makapag-isip ng maayos.
“Lai may tanong ako... kailan mo na-realize na m-may nararamdaman ka pala sa akin?”
I heard him sighed. Then, he held my hands softly. Lihim akong napangiti dahil kahit kailan, siya lang talaga ang may kayang magparamdam sa akin ng ganito. “Basta simula grade nine, paganda ka ng paganda sa paningin ko kahit sobrang jologs naman ng pormahan mo. Noon una ayaw ko munang aminin dahil sa mga nagdaang taon ng buhay ko, tinatrato kitang kaibigan. Nandiyan ka palagi sa tabi ko, ewan ko. Simula no'n ay narealize ko na mahal pala talaga kita. Mahirap lang aminin.”
“Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi ka nagka-girlfriend ng iba?”
“Hmm, gusto ko ikaw lang, Gabi. Ikaw at ikaw lagi. At sigurado ako, dumaan man ang ilang taon sa buhay ko, mag-iba man ang tatahakin nating dalawa, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong mamahalin. Kaya handa akong maghintay kung kailan ka handa na mahalin ako pabalik, Gabi."
Napaawang ang aking bibig. I can't believe na all along, may pagtingin pala siya sa akin. At wala man lang pagbabago sa trato niya sa akon kaya hindi ko namalayan. “Sigurado ka ba diyan, Lai? Baka infatuated ka lang sa akin kaya 'yan ganiyan. Na baka darating din ang panahon na mawawala ang pagmamahal mo sa akin,”
“Iyon ang hindi ko hahayaang mangyari, Gabi. I will always choose you, in this lifetime and even in the next... kung totoo mang may next life pa. I love it being with you, always Gabi. Alam mo ba, unting ngiti mo lang sa akin, kompleto na agad ang araw ko. Napapawi agad ang lungkot ko dahil alam ko sa sarili ko na nandiyan ka.” He bowed down to kiss my fingers intertwined in his.
Napalunok ako. Paano ako aalis kung ganito ka, Lai? Paano naman ako aalis at masasanay ng wala siya? Buong buhay ko yata siyang kasama at sa unang pagkakataon ay mawawalay ako sa kaniya.
“Pero L-Lai... ang totoo niyan...”
“Hmm?” He looked at me softly. Mapupungay ang mga ito nang nakatingin sa akin.
Shit, paano ko ba ito sasasabihin? How can I leave this man I love? Ang daya, kung kailan magmamahal na ako, saka naman ako aalis. “Aalis ako, Lai. Maiiwan kita rito. Apat na taon akong titira sa France, Lai. Hindi ko rin naman alam ang mangyayari pagkatapos no'n.”
There was a sudden silence between us. Kumunot ang noo niya at halatang punong-puno ng pagtataka. Bumuntong-hininga ito at yumuko saglit bago tumingin ulit sa akin. “Teka... aalis ka, Gab?”
“I am sorry, Lai. Mahirap din naman sa akin 'to kasi nitong mga nagdaang buwan unti-unti na rin akong nahuhulog sa iyo—Shit!” Napatakip ako sa aking bibig nang marealize kung ano ang sinabi. Tangina naman oh, taksil talaga 'tong bibig ko! Wala pa naman sa plano ko ang aamin pero... bakit ko nagawa 'yun?!
Ang kaninang malungkot na mata ni Lai ay napalitan ng maliwanag na mga titig. May multo rin ng ngiti ang nasa kaniyang bibig. “Nahuhulog ka... sa akin? Gabi, mahal mo rin ako?”
Napapikit ako ng mariin at napakagat sa aking pang-ibabang labi. My heart is pounding so fast. Hindi ko naman na iyon maitatanggi dahil halatang rinig na rinig na iyon ni Lai!
“Uh, teka nga lang hihinga lang akong malalim.” Reklamo ko kay Lai. Humalakhak ito ng malakas. Wow ah, tuwang-tuwa.
“Sige, inhale... exhale... Basta ako rinig ko na mahal mo rin ako.”
“Eh paano 'yan, aalis ako?” Lumunok ako at mataman siyang tiningnan kahit na deep inside halos nagka-giyera na sa aking dibdib. “Oo nga't may nararamdaman din ako sa'yo. Eh aalis ako, paano na 'yan?”
“Kaya ko naman ang long distance relationship. Huwag kang mag-aalala, si Callum mismo ang bubugbog sa akin kapag ako naghanap ng iba rito. Pero kung ganoon ang set-up natin, dapat ikaw din, loyal ka at faithful sa akin.” Ngumuso ito.
“Papayag ka na aalis ako?”
“Oo naman, para sa iyon din naman iyan. Basta ba, babalikan mo'ko rito. Kahit gaano pa 'yan katagal, pagsisikapin kong hintayin ka. Lalo na ngayon at panghahawakan ko ang pagmamahal mo, mas matibay.”
I chuckled a bit. Napailing nalang sa mga pinagsasabi ni Lai. Ilang sandali ang nakalipas ay natanto kong nakatitig lamang iyon sa labi ko. I bit my lips because I felt conscious. Hindi naman ako inosente sa ganoong galawan. Lalo na't sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa.
“Mahal na mahal talaga kita, Gab...”
Ngumiti ako. Ako rin naman, Lai. And I am happy right now that I confessed my feelings finally. Kaya bago paman niya gawin, nilapat ko na ang aking labi sa kaniya. Halatang nagulat si Lai sa aking ginawa pero hindi ako kumalas. I don't even know how to do this properly but I am determined. I wanna learn it with him.
Ilang sandali rin ay sinuklian niya ang halik ko. He held on my waist for support at ako naman at sa batuk niya. He bowed to have the access. Bahagya pa akong nagulat nang mapagtantong magaling pala siya sa ganito. Nang umawang ang bibig ko para hihinga sana ay ginamit niya ang pagkakataong iyon upang pasukin ang bibig ko. Unti-unti na akong nawawala sa aking huwisyo dala ng halik na iyon pero hindi ako kumalawa. He kept on doing it hanggang sa aksidente kong nakagat ng bahagya ang kaniyang pang-ibabang labi. I almost lost my sanity when he groaned ... like a pleasured man.
Mahal na mahal din kita, Laikynn and I can never find someone else to replace. Not that I would dare do that. Kagaya mo, pipiliin at pipiliin rin kita lagi. At hinding-hindi ako magsasawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro