Chapter 28
Chapter Twenty-Eight
Buong araw ay nakabuntot sa akin si Lai. Hinahayaan ko nalang ito dahil wala rin namang problema sa akin. Hindi ko na rin nakita pa si Fabbiene at wala naman akong interes malaman pa iyon. Hanggang sa dumating ang hapon at dismissal, magkasama kami ni Lai para kitain ang iba na ring mga kaibigan. Plano kasi naming pumunta ulit doon sa favorite bulalo place namin. Nag-text nalang ako kay Papa na magpapahatid nalang ako kay Laikynn pauwi dahil matatagalan muna kami.
“Akala ko ba galit si Séve sa iyo, Gabi?” ma-usyusong tanong ni Callum. Kakalapag lamang ng order naming bulalo at iyon agad ang bungad niya. This time, ako na naman naglilibre.
Bumuntong-hininga ako. “Hindi naman kami nagkakaaway dati, hindi lang nagpapansinsan. Tsaka mas matindi kaya ang galit ni Fabbiene.”
“Hindi rin ako papayag na sumama dati kay Séverine kung alam kong galit siya kay Gabi 'no. Tsaka ginawa ko lang din naman iyon para klaruhin sa kaniya kung ano ba talaga kami.”
Napalingon ako kay Lai. “Ikaw ah, pumayag-payag ka pa makipag-date sa kaniya dati. Wala tuloy akong kasama n'on sa uwian.”
“Selos ka? Don't worry, feeling ko lagi naman tayong nagdi-date eh.” Kumindat ito na siyang dahilan ng mabigat kong pagsinghap.
Nagtilian naman ang tatlo. Para bang mas kinikilig pa sila kaysa sa akin. Wow ah.
“Tama 'yan bro, walang torpe-torpe sa pamilyang 'to.” Tinapik siya ni Jezz sa balikat. Nag-apir pa ang dalawa.
“Ayan ang gusto ko, lumalayag.” Singit pa ni Callum.
“Anyway, we are all happy that you are slowly fixing your relationship with your family, Gabi. I mean, wala ka namang kasalanan sa kanila and you doesn't need to prove anything. It's a good thing that they are slowly opening the door for you.”
Ngumiti ako kay Vio. Totoo nga naman. Hindi naman din kasi kami close ng mga pinsan ko dati. Si Kuya Jacques, parang boy version lang ni Séverine na halatang nagmana sa Daddy nila. Kasi kung kay Mommy sila nagmana, maiingay iyon kapag nagsusungit sa mansion.
“Okay na ako roon. Hindi na ako aasa na makikipag-okay pa sa akin ang ibang Tita o pinsan ko. Okay na sa akin si Séve.”
“Well I think, Séverine is kind though. And also beautiful. I admit I find her aloof sometimes but she still has the charm. Matalino, maganda, has genuine side deep within her, I think she's great.” Dagdag ni Vio sabay higop ng sabaw.
“Mabait naman talaga iyon, lalo na nung makasama ko siya. Considerate din sa nararamdaman ng iba. Kaso nga lang, kung wala namang konek sa kaniya ay hindi niya pinapakialaman. I also find her attractive. Hindi lang sapat para magka-interest ako,” wika ni Lai habang ang kabilang braso ay nakaakbay sa akin na para bang binabakuran ako.
“Eh no'ng una nga'y handa ko na iyong e-trashtalk dahil baka lang darating ang araw na aawayin niya itong Gabi natin. Buti nalang ay hindi naman pala talaga ganoon,” ani Callum.
“Iyang utak mo talaga Callum puro bardagulan.” Tawang-tawa na pang-aasar ni Lai.
Umismid naman ang lalaki. “Ako pa, eh famous na ako sa dummy account ko sa Twitter! Dami-dami nang nag-i-stalk ng account ko 'no.”
“Alangan naman hindi ka i-stalk, palagi kang may ka-bardagulan doon. Palagi kaya kitang nakikita na nadaan sa news feed ko, puro trashtalk ba naman!” Asik pa ni Jezz.
“Ikaw ah, baka isa ka rin sa mga ka-bardagulan ko roon. Bawal 'yan, pamamlastik sa best friend 'yan,”
Ngumiwi at umiling agad si Jezz. “For your information, wala akong dummy account. Tsaka puro girlfriend ko lang ang pino-post ko roon sa Twitter. Doon kami minsan nagko-communicate. Hindi ako naroon para makipag-bardagulan.”
“Bakit ba may Twitter account kayo? Are you guys a character from AU or something? I mean, I always see it somewhere in TikTok. Wherein a story is narrated through tweets.”
“Vio, alam mo kung character man ako sa AU, malamang sa malamang, si Stacey ang female lead ko. Ah, gawan mo 'yun ng AU ha, iyong kami ang bida.”
“Pwede naman iyon gawin ni Vio, Callum. Iyon nga lang, deads ka sa ending. Wala rin.”
Nakanguso itong bumaling sa akin. “Grabe ka Gab, harsh mo ah. Well, may next life pa naman. Magiging kami ulit ni Stacey doon.” Kumindat ito at ngumiti na para bang kilig na kilig sa naisip.
“Iba talaga ang hagupit ng first love kay Callum. Ayan oh, nakangiti na naman.” Umiiling-iling na wika ni Jezz.
“Hoy, first and last love ko na 'yun ah.”
“Huwag mong pangunahan, Callum. Baka mausog.” Sambit ni Lai sabay tawa.
Mas lalong nagtagal kami doon dahil sa mga usapan at tawanan. Pinagdidiskitahan namin ngayon ang lovelife ni Callum. Nagsisimula na kasi itong tumino sa klase at hindi na masyado nadadawit sa gulo sa eskwelahan dahil nakakahiya naman daw sa nililigawan niyang focus sa studies. Tsaka kaya ganoon ka-confident si Callum dahil halata rin naman kay Stacey na may nararamdaman din siya kay Callum. Kaya sa aming lima, si Vio nalang ang tahimik ang buhay.
Pero sa tingin ko, hindi naman iyon problema sa kaniya dahil sigurado naman ako na darating din ang panahon na magka-interest din siya sa ganoong bagay.
Nang umuwi kami ay medyo madilim na nga ang paligid. Habang ihahatid ako ni Lai, susunduin naman si Vio ng Mommy niya at doon na niya ihahatid sina Jezz at Callum. Hindi rin kasi kami ng direksyon na dadaanan. Kagaya ng nakasanayan, hawak-hawak ko sa bewang si Lai. Napayakap na rin ako dito dala ng lamig ng kalsada. Wala rin kasi kaming jacket pareho.
Mga ilang minuto lang ay narating na namin ang building na tinitirhan namin ni Papa. Agad akong bumaba sa kaniyang likuran at hinarap siya para magpaalam.
“Thanks--”
“Ang lamig naman mag-drive, parang nangangailangan ako bigla.”
Nabitin sa ere ang aking salita. Napatanga na lamang ako sa kaniyang harapan dahil hindi ko siya gets. “Ha? Anong pangangailangan?”
Ngunit imbes na sumagot ito ay ngumuso ito bigla habang nakahukipkip. Tumaas naman ang kilay ko. “Bilis na, isa lang.”
“Excuse me, hindi basta-basta 'to.”
“Sige, ligawan kita para kapag maging tayo man, palagi akong may free kiss.” Ngiti-ngiti nito sa akin.
“Ang landi mo,”
“Sa'yo lang naman eh kaya okay lang.”
Manliligaw? Seryoso ba siya diyan?
“Oo liligawan kita, kakausapin ko pa Mommy at Papa mo kung gusto mo para maniwala ka? Pero bago ko iyon gawin, kiss muna.”
Umirap ako at kinagat ang ilalim ng aking pisnge. Nagpipigil ng ngiti. “Isa lang, sa cheeks!”
Ngumiti ito ng malaki. “Sure, basta ba kapag sasagutin mo ako, lelevel-up 'yan.”
Hindi na ako nagsalita pa at lumapit sa kaniya at ginawaran ito ng halik sa pisnge. Hindi naman iyon nagtagal dahil smack lang naman pero labis-labis ang epekto no'n sa aking buong sistema. Lalo na nang maramdaman ko ang malambot na pisnge nito.
Lumala lang iyon nang kumalas na ako ay bigla kong naramdaman ang labi niya sa noo ko. Saglit lang din iyon pero halos magharumentado na ang kabuuan ko.
“Bye na, Gabi. Ingat ka ah.”
Ngumiti ako sa kaniya. “Ikaw mag-ingat ka pauwi, gabi na oh.”
“Sige po, best friend premium.” Ngisi nito bago niliko ang motor at nag-drive na paalis roon. Nang maiwan niya ako roon ay saka lamang ako nakapagkawala ng ngiti. So this is how you feel when you're falling. Masaya at nakakapag-kompleto ng araw.
***
Ang bilis ng panahon at panibagong buwan na naman. Isang buwan nalang din ang natitira at mag-graduate na kami sa Senior High School. Dito lang din naman namin balak mag-aral ng college kasi narito lang din naman ang mga kursong plano naming kuhanin kaya hindi iyon problema sa amin.
Isang buwan na rin ang dumaan at wala pa ring balita tungkol doon sa imbestigasyon na pinapagawa ni Mommy. Hindi naman ako nagmamadali, handa naman kaming dalawa ni Papa maghintay hanggang sa malaman namin ang totoo. At tumutulong rin naman si Papa kay Mommy para mas lalong mapapadali iyon.
Weekend na naman bukas at pinatawag kami sa Chateau para daw sa family dinner. Siguro ay may pag-uusapan na naman sila tungkol sa negosyo o tungkol na naman sa heiress heiress na iyan kaya kasali kami roon. Alas sietw na nang gabi nang makarating na kami ni Papa roon.
Simple lamang ang suot nita. Isang dark blue polo shirt na nakatupi hanggang braso at ako naman ay simpleng dark blue body con dress para na rin terno ng kay Daddy. Nakalugay lang din ang buhok ko dahil backless ang dress at para hindi ako lamigin. Nag-practice na rin ako ng mga simpleng makeup look para matuto ako para sa mga ganitong okasyon.
“Ang ganda mo, hija.” Humaliknsa aking pisnge si Mommy na naka-burgundy one-shoulder dress na hanggang talampakan ang haba. Kumikinang rin ang kaniyang diyamanteng aryos.
“Thanks po, Mommy. Kayo din po,”
“I told you, somehow may namana ka sa akin. At iyan ay ang kagandahan mo.”
“She got her beauty from her mother, Bridgitte.”
“Oh wala akong marinig.”
Tumawa na lamang ako roon at iginiya niya ako sa dining table. Doon sa tabi ni Séve ako naupo at nang makita ako ay ngumiti ito ng tipid sa akin na siya namang sinuklian ko.
Nagsimula agad kaming kumain ng dinner. Hindi ko naman alam kung anong mga pagkain iyon dahil isa iyong french dishes. Ang importante, masarap naman kaya kumain na ako. Kompleto ang lahat roon. Narito si Grandpa na nakaupo sa kabisera at sa tapat niya naman ay si Grandma. Iniiwasan na lamang ng tingin ko si Fabbiene na nakaupo sa tapat ko at katabi si Tita Clementine. Tahimik lang din naman ito the whole time.
They were busy chitchatting nang dumating si Freska at may dala ng isang bote ng wine at sinalin iyon sa tabi ni Mommy. Nagtaas ng kilay sa kaniya si Mommy habang ginawa niya iyon.
“Narito na po ang wine niyo, Madame.” Tipid na wika ni Freska.
“Oh we already have a glass here. Bakit kumuha ka pa roon?”
Napakagat sa kaniyang labi si Freska. “Uh...”
“Where are you days ago, Freska?”
Biglang natahimik ang buong lamesa dahil biglang lumamig ang tono ng boses ni Mommy at dumagdag pa ang panginginig ng mga kamay ni Freska habang hawak-hawak ang isang baso ng wine.
“M-Madame may inaasikaso lang po. F-Family matters po, M-Madame...”
Mommy sighed. “Drink that wine here infront of me.”
Halatang nanlaki ang mga mata ni Freska at nanginginig pa rin ang mga kamay. “Ha? M-Madame para po sa inyo ito... paborito niyo ito hindi ba?”
“I can drink it, Bridgitte if you doesn't want it anymore.” Singit ni Grandma sa nagtetensyong usapan.
“H-Ha...” mahinang sambit ni Freska.
“No. I can't afford seeing someone in the family get killed again.”
Nanlamig ang kabuuan ko lalo na at parang alam ko na kung saan ito tutungo. Nilingon ko si Séve sa aking tabi at nakatingin lamang ng mataman sa ina. There was a long pause in the whole room with a very defeaning silence.
After a while, Papa broke the silence. “Anong ibig mong sabihin, Bridgitte?”
Ngunit imbes na sumagot sa tanong, lumingon ito kay Freska. “Drink that infront of me, Freska. So that the whole Auclair will know... not just you planning to poison me with that wine but also what you did thirteen years ago.”
Napasinghap ako nang marinig ang sinabi ni Mommy. Para bang may alam na rin siyang dapat din naming malaman tungkol kay Mama.
“Madame... please...”
“Kinaya mong maglihim di'ba? Wearing your mask all along after what you did. Ngayon ka pa ba susuko? You had all the motivation you need all along and lalo na ngayong gabi. Kapag ginawa mo iyon, safe na ang secret mo. Because you know, no one in this room found it except me.”
Napaawang ang bibig ni Freska at kitang-kita kung paano magkasunod na bumuhos ang kaniyang luha. Kasunod no'n ay ang pagkalaglag ng baso sa sahig na siyang nagdulot ng tunog. The wine of glass splashed in the room and the glass shattered in the floor. Napasinghap kaming lahat doon.
“What the hell is going on?!” Umalingawngaw sa buong silid ang boses ni Grandpa na halatang hindi na rin maiintindihan ang nangyayari.
“I asked all of you to be here because I have to spill the beans that Freska and her family has been hiding inside their closet.” Bumaling ulit iyon kay Freska. “This is the perfect timing, Freska. Tell us... tell us how you hit Aderina Figueroa and ran away. Tell us how you fooled us all along and still had the guts to work for me after all this time. Tell us how you ruined Gustave’s family with just one stupidity.”
Nalaglag ang panga ko dahil sa narinig. Napatakip ako sa aking bibig at unti-unting namumuo ang luha sa aking mga mata. Don't tell me... Hindi iyon maaari! Sobrang bait ni Freska sa akin sa mga nagdaang taon. She was always there serving me... Ano ito... totoo nga'ng konektado siya sa pagkamatay ni Mama?
“Oh my gosh...” Séve reacted when suddenly, napaluhod sa sahig na may mga bubog si Freska. Humagulgol ito ng humagulgol at umiiling.
On the other side, bumaling si Tito Guillaume at parang may tinawagan sa kaniyang cellphone. Napabaling ang atensyon naming lahat ng Freska na nakaluhod na ngayon. Napatayo sa gulat si Papa at ganoon na rin si Tito Damien at Grandpa.
“What mess is this, Bridgitte?” Takang tanong ni Tito Damien.
“S-Sorry po... I'm really sorry... hindi ko sinasadya...”
Biglang sinampal ni Mommy si Freska dahilan ng pagkaupo nito. “Punyeta ka! Isa kang mamamatay-tao, Freska! Hindi mo madadala sa sorry ang lahat! All this time, I trusted you, the whole Auclair trusted you. I even sheltered you for years and this is what we get in return? Ang sagasaan si Aderina gamit mismo ang sasakyan ko?!”
“Damn...” Napatakip sa kaniyang bibig si Papa at namumula ang kaniyang mga mata. Agad akong lumapit dito para aluin dahil kitang-kita kong nanghihina ito sa nalaman.
“Wala po akong ibang choice Madame... ayaw ko pong masira ang buhay ko...” Hagulgol nito. Hindi man lang tumanggi sa ginawang karumal-dumal.
“Damn it! So you chose to destroy Gabriella and Gustave's life instead?! How could you...” Mommy paused because of the tears falling down in her cheeks. “How could you sleep at night knowing that you killed someone... you ruined a family... a life, Freska. A fucking life! You ruined my Kuya really hard, Freska...”
Hindi ko na rin mapigilan ang sariling hagulgol sa pagkakataong iyon. Hinigpitan ko na lang ang pagyakap kay Papa dahil hindi ko na alam kung ano pa bang gagawin.
“All along binayaran niyo ang nag-imbestiga dati para lang mapawalang-sala ka? Na you were lucky enough that you had Gracia Markus behind you and paid everything? Dinamay niyo pa ang nag-suicide na tao noong time na iyon at ginawang suspect! How inhumane!”
“Madame... alam kong hindi niyo na ako mapapatawad pero susubok pa rin ako... Madilim po ang lugar Madame at hindi ko namalayan ang nagmamadaling pagtawid no'ng babae. It was all accident, Madame... P-Please... I was so scared that time at ayokong makulong... and there it was Aunti Gracia... She helped me to cover up,"
Napahawak sa kaniyang sentido si Grandma. “I can't believe that Gracia Markus, I've been friends with her family after all these years!”
“Hindi ko na kaya 'to...” Habol-habol na ang hininga ni Papa.
“Pa, please...” iyak ko sa balikat niya. He held my arms and kissed my forehead. “We'll give her justice, Papa.”
“Yes anak, of course.”
“I can't believe there is a killing roaming around here in the mansion so sophisticated! She deserves to be jailed!” Singhal ni Tita Clementine na hindi rin makakapaniwala sa nangyayari.
Ilang sandali ang dumaan na nasa ganoong sitwasyon kami ay may dumating na mga taong naka-uniporme at agad kinausap ni Tito Guillaume at bumaling rin si Papa dito. Ilang sandali ng kanilang pag-uusap ay lumapit ito kay Freska at hinawakan ito at iginiya palabas ng mansion. Freska's still in her corporate suite at tulo pa rin ng tulo ang kaniyang luha.
Sinundan nilang lahat ito patungo sa labas at hanggang sa kami na lamang ni Kuya Jacques at Séverine ang natira doon sa dining area.
“I'm so sorry to hear about it, Gabriella.” Lumapit sa akin si Séve at dahan-dahan akong inalu. Humagulgol rin ako nang niyakap niya ako at tapik-tapik niya ang aking likod. “The good thing now is finally, we got the justice for Tita Aderina. And she deserves it, Gabriella. Finally, the truth prevailed...”
Tumango ako. “Salamat, Séve. Salamat sa inyo ni Mommy. You are always there for us. Para sa amin ni Papa.”
“Gabriella, you need to drink water. Para kumalma rin ang damdamin mo. I know it wasn't easy but we need you to calm down, okay?” Lumapit sa amin si Kuya Jacques at binigay sa akin ang isang basong tubig na siya namang aking nilagok.
“Alam mo, Gabriella. Mommy cared for you like you're her daughter. Mahal niya rin si Tito Gustave dahil dati pa man, siya na ang pinakamalapit na kapatid sa kaniya. Kaya Mommy did everything. Para sa buong pamilya.” Pang-alu sa akin ni Kuya Jacques.
“Yes, and that's what a family should be. We are always here for you, Gabriealla.” Ani Séve.
Hindi nga madali i-sink in ang balitang nalaman namin ngayon araw. Si Freska na all along siya pala ang dahilan ng miserable naming buhay ni Papa. She was the one who did it pero narito pa rin sa mansion at nakuha pang magtrabaho para kay Mommy. Ang kapal ba naman ng mukha at ang lakas pa ng loob.
Thanks to Mommy and her private investigator. Lahat ng ito ay nakumpirma. Lahat ng nakatagong lihim ng pamilya ni Freska ay nailabas. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang patawarin knowing na tungkol ito kay Mama. Ang taong araw-araw akong nangungulila... Sana lang darating ang araw na matatanggap na namin ni Papa ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro