Chapter 26
Chapter Twenty-Six
3rd Person POV
Pagkatapos ng dinner ay hinila ni Bridgitte ang kapatid papunta sa opisina nito. Naroon din ang kaniyang asawa na si Guillaume at nakasunod sa kanila. That time, it was perfect kasi wala sa kanilang paligid ang pamangkin nitong si Gabriella at ang mga anak. Hindi niya alam kung saan nagtungo ang mga ito pero ayaw niya na itong isipin. She also made sure na silang magkakapatid muna ang makakaalam sa kanilang pag-uusapan dahil medyo kritikal ito lalo na at mayroon siyang pinagdududuhan sa loob ng Chateau.
“Ano na namang trip mo, Bridgitte?” Buntong-hininga na isinandal ni Gustave ang sarili sa couch ng opisina ni Bridgitte sa loob ng Chateau. Bihira lang kasi itong mag-rekwes ng presensya ng Kuya at alam ni Gustave na kung ano man ang nais nitong pag-usapan to the point na kailangan pang sa opisina ito gagawin ay sersyosong bagay nga.
Naupo so Bridgitte sa tapat ng kapatid at tumabi naman dito ang asawa.
“Kuya, alam kong maaaring hindi ka papayag sa sasabihin ko but I swear, I want to do this. This time, gusto kong magtagumpay and I want it to be with you, Kuya. Tsaka tutulungan din tayo ni Guillaume.” Baling nito sa asawa sa kaniyang tabi.
Kumunot naman ang noo ni Gustave. “Tungkol saan ba ito?”
Immediately, Guillaume handed him the brown envelope. Nagtaka naman si Gustave habang nakatitig rito at tsaka ito dahan-dahang binuksan. Bumungad sa kaniyang paningin ang mga litrato ng sasakyang pamilyar sa kaniya at nang tingnan niya ang petsa kung kailan ito nakuhanan, doon siya napatigil.
“It was the date when Aderina died, right?”
Matagal na napatingin si Gustave sa mga litrato na para bang gumagawa siya ng sariling konklusyon sa kaniyang utak pero nahihirapan siya. “What's with these photos?”
“Kuya, I'm getting suspicious by this. I think it's time to give your wife the justice that she deserves. Kasi naniniwala ako, all along we've been fooled.”
Gustave glanced at the both of them puzzled. Hindi niya maintindihin ang sinasabi ni Gustave at lumakas lamang ang kalabog ng kaniyang puso nang marinig ang pangalan ng babaeng minamahal na matagal nang namayapa. Hindi niya alam kung anong sasabihin kaya naman nananatili lamang siyang tahimik roon sa kaniyang pwesto.
“I got those photos from Freska Markus, Bridgitte's secretary. May inuutos sa kaniya si Bridgitte na document na ipapabigay sa akin. She was holding two brown envelopes and that time, she was in a hurry which I don't know the reason. Nagmamadali siya kaya siguro napag-swap niya ang dalawang envelopes at saktong sa akin pa nabigay. Gustave, I am aware of all the things that happened 13 years ago especially the date. I also remembered that the color of the car was the same sa nakita nating ebidensya noong panahong iyon.” Mahabang paliwanag ni Guillaume.
“Ano namang kinalaman ni Freska at nasa kaniya ang mga litratong ito?”
Agad namang sumingit si Bridgitte. “Iyon na nga Kuya, nagtataka rin kami ni Guillaume kung bakit nasa kaniya iyan. Eh ano namang koneksyon niya sa imbestigasyon dati di'ba? And ito pa, I'm sure that it was Freska inside that car dahil sasakyan ko 'yan. It was my very car and siya lang ang hinahayaan kong magmaneho niyan.”
Gustave fell silent. May punto nga naman ang mga sinasabi ni Bridgitte but he doesn't want to think about it anymore. For the whole 13 years, hindi na niya ginambala ang kung ano mang tungkol sa imbestigasyon ng pumanaw na asawa dahil na-serve naman agad ang hustisya nito after a month. Pero ngayong sinasabi ito ni Bridgitte at Guillaume, for the first time in those years, nagkaroon din siya ng pagdududa but something in his mind that doesn't want to push it.
“What's your point, Bridgitte?”
Nang itanong iyon ni Gustave ay saka lamang ito lumapit sa kapatid at hinawakan ang dalawang kamay nito. “Kuya, I am asking for your cooperation. I promise, gagawin namin lahat ni Guillaume ang magagawa namin masolba lang ulit ang lahat ng ito. We want to investigate Freska, Kuya.”
Punong-puno ng determinasyon ang puso at isipan ni Bridgitte dahil sa nangyayari. Ngunit kahit na ganoon, nahihirapan din siya dahil matagal na niyang pinagkakatiwalaan si Freska. Nang magkapwesto na siya sa La Vie En Clair ay si Freska ang kauna-unahang taong nagsilbi sa kaniya. She was her first ever secretary after all kahit nasa murang edad pa lamang ito. Siya rin ang nakapagpatapos ng pag-aaral nito dahil hindi naman ito ganoon ka-yaman.
Ngunit nang ipakita sa kaniya ng asawa ang mga litratong aksidenteng naibigay ni Freska sa kaniya, doon siya nagkaroon ng pagdududa. Malaki pa naman sana ang tiwala niya rito dahil hanggang sa nagkaaanak siya mula kay Jacques, kay Séverine at papunta sa pamangkin niyang si Gabriella, ito na ang nag-aalaga at naggabay ng mga ito. Pati buong pamilya ni Bridgitte ay walang reklamong pinagsisilbihan.
“Bridgitte, come on. Stop your delusions about these photos. Siguro ay nakita niya lang ito somewhere. Please leave Aderina alone dahil matagal na siyang nananahimik. I'm sure pati si Gabriella ay hindi rin gugustuhin ang ganito. This is uncomfortable.”
Suddenly, she felt frustrated. Inaasahan niya namang ganito ang mangyayari dahil mahirap naman talagang kumbinsihin ang kapatid at ngayon, lalo na at tungkol ito sa asawang hanggang ngayon ay mahal na mahal niya. Ngunit Naniniwala talaga si Bridgitte dito. Determinado pa rin siyang gawin ang sa tingin niya ay ang pinakatamang gawin sa panahong iyon.
“Kuya, please let's trust my guts. Guillaume believes in me and I hope you will do as well. Kahit maniwala ka lang. I wouldn't ask you to help me throughout the investigation because me and my husband can do it alone. Please Kuya, please support me on this. This is for you and Gabriella.”
“And if we fails? Ayaw kong pagbintangan ang sekretarya mo ng kung ano Bridgitte. I believe that Freska is kind.”
“But even kind people can commit mistakes and bad deeds, Gustave.” Singit ni Guillaume. “And we already began the secret investigation. According to the private investigator that I've hired, palaging dumadalaw si Miss Markus sa mausoleum ni Aderina Figueroa. That's how me and my wife began overthinking. They aren't even close so what is she doing there?”
Nakinig ng maigi si Gustave sa kwento ni Guillaume at tila ba sinampal siya ng kung ano sa narinig. ‘Freska is visiting Aderina's tomb?’ Tanong nito sa kaniyang isipan at ayaw niya mang isipin, may punto nga silang dalawa. Iyon pa lang ay kaduda-duda na. Napalunok siya ng mariin at nilapag sa center table ang mga litrato at binalik ito sa loob ng brown envelope.
“So you think that may kinalaman siya sa aksidente kay Aderina? Then how about the evidence we had years ago? Don't tell me it was a joke.”
Pati si Bridgitte ay nahihirapan din doon. Hindi niya rin alam kung paano pagtagpi-tagpiin ang tungkol kay Freska at doon sa pinaniwalaan nilang suspect ng hit and run kay Aderina.
Ayon sa ebidensyang nakuha nila dati, right after the accident, nabalitaang may nahulog na sasakyan sa bangin malapit lamang sa kung saan nasagasaan si Aderina. The man was declared as dead on arrival. Pinaniwalaan nilang lahat na iyon nga ang nagbangga kay Aderina dahil parehong-pareho ang kulay ng sasakyan nito sa nahagip ng CCTV. Pinaniwalaan ding suicide ang nangyari sa bangin dahil sa guilty nito sa nagawang pagbangga.
“Kuya, it was very unfortunate that the CCTV wasn't able to capture the plate number of the car used. Kulay lang ang nahagip nito dahil dala na rin ng dilim ng gabi at sobrang lakas nito magpaharurot ng sasakyan.”
“Well, I am thinking that someone must have been behind of all of this to manipulate the truth. It is my first time to have a doubt about the investigation years ago, Gustave. Kaya nais naming mag-hire ng private investigator para imbestigahan si Freska sa kung ano man ang alam niya.” Guillaume explained.
Gustave clenched his jaws. Pinasadahan niya ng kaniyang daliri ang kaniyang buhok dahil pati siya ay nahihirapang mag-isip. He is silently praying for Bridgitte and Guillaume's conclusion are wrong dahil kung totoo mang mayroon ngang nagmanipula ng pinaniwalaan nila, masasaktan siya. He believed that Aderina doesn't deserve to have the most cruel investigation. Nabuhay ito sa malupit na mundo, pati ba naman sa pagpanaw nito ay malupit pa rin ang mundo?
“I know Gustave you are hoping for us to be wrong at ganoon rin kami ni Bridgitte. But it was never late to question our beliefs and to wake up. Ginagawa namin ito ni Bridgitte hindi para gambalain ang namahinga na si Aderina kundi para hanapin ang katotohanan kung nasaan nga ba ito nagtatago.”
Again, Guillaume has a point. Kahit siya man ang tanungin ay malamang na nais niyang makuha ang katotohanan kung totoo ngang may manipulation na nagaganap sa ebidensyang napakita sa kanila.
“Fine. I'm letting you to do what you want. You can investigate what you want, Bridgitte and I appreciate all of this. I respect my wife the most kaya nais ko rin ang lahat ng makabubuti sa kaniya.”
“How about Gabriella? Magiging okay lang ba kaya sa kaniya ang lahat ng ito?” Matamang tanong ni Gabriella.
“I will talk to her later. Ako na ang bahala sa anak ko.”
Napangiti naman ang mag-asawa. “Maraming salamat Kuya. Please keeps on believing us. Alam mo naman na mahalaga rin sa akin si Aderina. And I'm thankful that Guillaume is also willing to do it with me.”
Gustave smiled and tapped the shoulders of Bridgitte. He also smiled to Guillaume because honestly, he appreciates the both of them. “Maraming salamat din sa inyo, Bridgitte. I really owes you big time. Lalo kana, Guillaume.”
“Sure brother. We promise to do everything.”
Tumango lamang si Gustave rito saka nagpaalam na at lumabas na sa silid na iyon. Habang naglalakad siya palabas ay para siyang lumulutang dahil iniisip rin niya ng maigi lahat ng sinabi ni Bridgitte. Now, he also doubts Freska and he can't stop thinking about the idea of her visiting the mausoleum. Eh kahit nga si Damien na kapatid niya ay minsan lang dumadalaw sa libingan ng asawa.
***
G
abriella Adrienne Auclair
Matapos naming mag-usap kanina ni Séve ay dumiretso na ako sa kwarto ko at doon nagmuni-muni habang nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ni Papa at Mommy pero alam kong importante iyon. Ilang minuto akong nakatitig sa kisame nang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwal nito si Papa na hindi maipinta ang mukha. Para bang may malalim itong pinag-iisip.
“Oh Pa? Okay ka lang?" Mukha kasi itong stressed na stressed eh.
Ramdam kong pilit itong ngumiti sa akin at naupo sa edge ng kama. Agad naman akong bumangon at lumapit sa tabi nito. Malalim nga ang iniisip. Ilang segundo pa ay bumaling ito sa akin at hinaplos ang aking buhok.
“Nak, paano kung malaman mo na ibang tao pala ang gumawa no'n sa Mama mo?”
Napahinto ako sa kaniyang tanong. Anong ibig niyang sabihin? At bakit biglang napag-usapan namin ang pagkamatay ni Mama?
“Bakit Pa, ano po bang meron? Ano pong ibig ninyong sabihin?”
He sighed heavily and looked away. “Nagkausap kami ni Bridgitte at Tito Guillaume mo. May pinakita sila sa akin na litrato ng isang sasakyan na ang petsa ay saktong-sakto sa petsa ng pagkamatay ng Mama mo. Nakuha daw nila iyon kay Freska dahil aksidenteng napag-swap nito ang envelopes na pinapabigay sa kaniya ni Bridgitte.”
Sandali akong napaisip doon. Ano namang kinalaman ni Freska sa pagkamatay ni Mama at bakit naman napunta sa kaniya ang mga litrato?
“Pa baka naman nakita lang iyon ni Freska sa gilid-gilid at wala naman talagang iba pang ibig-sabihin. Tsaka di'ba sabi ninyo ay may naituro nang suspect sa pagkabangga ni Mama. Imposible namang magkamali ang mga pulis doon di'ba, Pa?”
He shrugged. “I hope so too, anak. Pero kasi noong pinasundan nila gamit ang isang private investigator nila si Freska, nalaman nilang palagi raw itong dumadalaw sa mausoleum ng Mama mo. Doon sila mas lalong nagtaka dahil hindi naman close ang dalawa.”
Napaawang ang aking bibig. Oo nga naman. Hindi naman sila close ni Mama dahil base sa mga kwento ni Daddy ay bihira lang magkita ang mga kasambahay at si Mama. Kasali na doon probably si Freska na hindi naman Auclair o Figueroa.
“Your Mommy wants us to support them for investigating about your Mama's death. They believed that it must be something more than what we believe. At first, I was hesitant about it anak dahil ayoko nang guluhin ang Mama mo but I'm just thinking that what if they have a point? Kaya ngayon ay tinatanong kita kung okay lang ba sa iyo na mag-iimbestiga ulit?”
Sa totoo lang ay hindi ko alam. Sa mga nagdaang taon kasi ay naniwala kami na nakuha na namin ang hustisya kaya naman unti-unti na naming natanggap ang katotohanan na wala na nga si Mama. “Ikaw Pa, gusto mo ba?”
“I gave them the permission already, Gabriella. Pero pwede naman nating bawiin ang ating desisyon kung ayaw mo.”
I smiled sadly and held his arms. “Hayaan nalang natin sila sa anong plano nilang gawin Pa. Tsaka malaki naman ang tiwala ko kay Mommy. Kaya kung magtitiwala ka sa kaniya ay ganoon din ako.”
Mahal na mahal ko si Mama at ganoon din si Mommy. Hindi naman basta-bastang magdedesisyon si Mommy at hindi naman siya padalos-dalos. Kaya naman susuportahan ko din siya. Kung totoo man ang paniniwala niya, ang sakit naman no'n tanggapin dahil wala namang kasalanan si Mama pero bakit kailangan pang manipulahin siya hanggang sa pagkawala niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro