Chapter 23
Chapter Twenty-Three
Gabi na nang makarating kami ni Papa sa penthouse niya. Nang makalabas na kami sa elevator, mas nauna siyang maglakad sa akin at tahimik lang kaming pareho. Nang tuluyan na kaming nasa bukana ng pintuan, may babaeng bumati roon at tumabi na rin para makadaan kami. Papa only smiled at her when she bowed her head for the respect and greeting. Ganoon rin ang ginawa niya sa akin at ngumiti lang din ako.
Nang masara na ang pintuan ay umupo agad ako sa couch na nasa malapit lang. Sinandal ko ang ulo ko rito dahil sa pagod ko sa araw na'to. Habang si papa naman ay dumiretso sa dining area para kumuha ng isang basong tubig roon sa dispenser saka naglakad patungo sa kinauupuan ko.
“Uminom ka muna 'nak, halatang pagod ka.”
Umayos ako ng upo at tinanggap ang kaniyang alok na tubig. Dala na rin siguro sa sobrang pagod, naubos ko iyon sa isang lagok lamang. Nilagay ko iyon sa center table matapos ko iyong inumin.
“Nagpa-order na ako sa mga tauhan ng para dinner natin, 'nak. Magpahinga ka muna sa kwarto mo at tawagin nalang kita kapag dumating na ang mga iyon.”
Tumango na lang ako rito. “Sige Pa. Uh, magbibihis lang ako saglit. Kakahiya naman sa aircon mo Pa, baka mamaho dahil sa amoy ko.” I sniffed.
“Hay naku, Gabriella. Kahit kailan talaga iniisip mo pa rin ang mga ganyan-ganyan.” Tumawa ito saglit. “Sige na nga at magbihis kana. Baka mangamoy kili-kili mo.”
“Baka nakalimutan mo, sa'yo ko namana kili-kili ko!”
Nang umalis ako sa living room ay rinig ko pa rin ang tawa ni Papa. Siyempre joke lang naman iyong namamaho ang kili-kili ko. Nagtatawas kaya ako 'no. Tsaka dati bumaho nga iyon ng once (inamoy ni Lai) pero fourteen lang ako no'n tsaka part lang 'yon ng pagdadalaga ko! Hay, sana lang hindi na iyon naalala ni Lai kasi mangingisay talaga ako sa kahihiyan.
Speaking of Lai, tin-ext ko na pala siya pagkarating ko sa kwarto. Hindi ko na kinwento ang tungkol sa nangyari kanina sa mansion saka nalang siguro kapag nagkikita-kita kaming muli mga magkakaibigan. Mahaba-habang kwento rin kasi iyon. Kaya naman, nag-half bath lang ako saglit at tsaka nagbihis. At dahil wala naman akong masyadong damit rito, sinuot ko nalang iyong jersey ni Laikynn na may tatak pa ng kaniyang apilyedo sa likuran. Meron din iyong number 05 na nakalagay. Pinaresan ko lang iyon ng shorts at nahiga muna ako saglit sa kwarto ko.
Abala ako sa paglalaro ng ML sa phone ko nang kumatok si papa sa aking pintuan para sa dinner. Napaghintay ko pa siya ng ilang minuto roon sa kusina kasi hindi pa tapos ang game.
Bumungad sa akin ang nakatatakam na amoy ng chicken adobo at chicken curry nang makarating ako sa kusina. Abala si Papa sa paglalagay ng kubyertos naming dalawa. Naupo naman agad ako sa upuan dahil naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura dahil sa gutom. Late na kasi kami sa dinner namin ngayon.
“Ang sasarap naman neto, Pa. Paano na ang diet ko nito?”
Napaawang ang bibig niya. “Nagdi-diet ka Gabriella?”
“Medyo. I mean, sabi ni Freska sa akin huwag raw akong kumain ng marami kasi magiging bloated daw tiyan ko. Ang pangit raw tingnan. Mahahalata daw kasi iyon kapag naka-fitted jeans ko, Pa.”
Bumuntong-hininga siya. “I wouldn't care if you get bloated or not, though. Tsaka anak, ang sarap sa pakiramdam kumain ng marami. At nasa puder naman na kita ngayon. Pero depende pa rin sa iyo kung susundin mo pa rin lagi ang diet mo.”
“Pa, baka ma-stress na nga ng tuluyan si Grandma kapag nakita akong tumaba o lumaki ang tiyan. Masyadong perfectionist pa naman no'n pagdating sa waistline,” wika ko sa kalagitnaan ng pagngunguya.
At dahil sa pag-mention ko ng pangalan ni Grandma, parang may nagpatigil kay Papa dahil humina ang pagnguya nito at marahang inangat ang tingin sa akin.
“By the way anak, I'm so sorry for a lot of things happened. Lalo na pagitan ninyo ng Grandma mo. Pasensya na't wala man lang akong alam sa lahat ng mga pagmamalupit niya sa'yo. Kung hindi sinabi sa akin ni Bridgitte ay mananatili akong walang alam.”
I sighed. “Huwag mo nang isipin iyon, Pa. Ang importante ay narito ako ngayon at walang makakapanakit sa akin kasi nariyan ka.” I paused a bit. “Iyong kanina, hindi ko lang talaga in-expect na iisipin nilang ganoon ako. Na mang-aagaw. Eh totoo namang kaibigan ko lang ang lalaking iyon.” I swallowed hard after saying the last sentence. Ngumuya na lang ako ng isa pang kutsara to hide my emotions. Hay, tama na Gabi. Talagang magkaibigan lang kayo ni Lai.
“Eh anak, talaga bang kaibigan lang ang tingin mo sa lalaking iyon?”
Dahil sa tanong na iyon ni Papa ay muntikan ko nang maibuga ang aking kinakain. Ayun tuloy at agad-agad kong inabot ang tubig dahil muntikan pa akong mabilaukan. Shit naman, Gabi. Simpleng tanong lang ay masyado ka na agad affected?
“Pa naman eh...” Depensa ko sa sarili nang mahinahon na ang aking pakiramdam. Ngunit imbes na tigilan ako ay lumabas ang isang pilyong ngiti mula sa mga labi ni Papa.
“Ikaw naman, 'nak. Nagtatanong lang naman ako.”
“Eh, halata naman ang sagot riyan sa tanong mo, Pa. Magkaibigan lang po talaga kami.”
“Oo nga't magkaibigan lang kayo. Sa paningin ng ibang tao. Pero kung sa paningin niyo sa isa't-isa? Talaga bang magkaibigan lang kayo riyan sa puso at isipan mo?” Roon ko lang napagtanto na ubos na pala ang pagkain sa kaniyang pinggan habang ako ay may natitira pang kaunti. Kaya naman ay nasa akin lang ang buong atensyon nito ngayon.
“Hindi naman ako manhid, Gabriella. Nitong mga nakaraang araw, marinig mo lang na sinasambit ko ang pangalan ng lalaking iyon ay namumula kana.”
Boom, huli pero 'di kulong.
Napasapo na lamang ako sa aking sariling noo. Masyado ba akong halata? E umaakto nga akong maangas kapag kasama ko si Lai para hindi niya mahalata na naapektuhan ako sa simpleng galawan niya. Siyempre naninibago ako dahil hindi naman ako ganito sa kaniya dati.
“Ibig sabihin ba no'n Pa, may gusto nga ako sa kaibigan ko?” inosente kong tanong. Lintek naman kasi at first time ko yata magkaganito sa tanang teenage life ko.
“Ganiyan-ganiyan rin ako dati no'ng napagtanto kong nahuhulog nga ako sa Mama mo. Kinakabahan ako kapag nariyan siya. Kahit simpleng ngiti niya lang sa akin ay halos magharumentado na buong isipan ko, 'nak. Kada gabi ay hindi ako mapakali dahil siya lang lagi ang tumatakbo sa isipan ko. Kahit simpleng interaksyon lang namin dati Gabi ay halos ipinta ko para 'di ko makalimutan.”
Napabuntong-hininga si Papa at halatang abala sa pagbabalik-tanaw sa dating buhay niya kasama si Mama. Noong mga panahong baliw na baliw siya dito at naikwento niya sa akin dati, nagmumukha raw siyang aso kakahabol kay Mama at takot na maunahan ito ng mga lalaki sa parehong department niya. Sobrang ganda raw kasi si Mama na to the point ay halos luluhod na ang halos lahat ng lalaki sa buong eskwelahan mapansin niya lang. Kaya nasabi niyang sobrang swerte niya dahil sa lahat at sa dinami-rami ng mga lalaking interesadong ligawan ito, siya ang pinili nito.
Hindi naman umalis sa isipan ko ang sinabi ni Papa sa akin. Mga maaaring senyales na may gusto o nahuhulog na nga sa isang tao. Napanguso tuloy ako dahil sa lahat no'n ay hindi man lang ako nakailag. Relate na relate ko ang lahat kaya halos manlamig ako ngayon sa aking kinauupuan ko at iniisip ang napakaraming bagay na mas lalong gumugulo sa isipan ko.
“Eh, ibig sabihin po ba no'n, Pa... may gusto nga ako kay Laikynn?”
Kumibit-balikat siya. “Hindi naman ako ang makapag-sabi no'n, Gabi. Pag-isipan mong mabuti at mapagtanto mo rin iyon pagdating ng panahon.”
“Gaano po ba katagal?”
“Depende. Maaaring sa susunod na linggo, bukas o sa mas lalong madaling panahon... mamaya. Baata, pag-isipan mo. Ikaw rin ang makakaamin sa sarili mo na talagang may gusto ka sa kaniya.”
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kinakabahan ako at nanlalamig. Para bang sasalang ako sa isang contest at kinakahahan dahil baka hindi magiging successful ang performance. Lumulutang na rin ang isipan ko at para bang nakalutang lang ako sa hangin habang naglalakad ako patungong sink lalo na nang naghugas ako ng aming pinagkainan. Walang ibang nasa isip ko kundi ang nararamdaman ko para kay Lai.
Gusto ko nga ba talaga si Lai?
Dapat wala na akong ibang ipag-aalala dahil alam ko naman na na gusto rin ako ni Lai. I mean, umamin na siya sa akin. Ang sa akin lang, natatakot ako dahil baka confident na confident ako na nahuhulog na nga ako sa kaniya e ang totoo niyan ay infatuated lang naman ako. Na darating ang panahon na mawawala ng paunti-unti ang nararamdaman ko sa kaniya at darating ang panahon na masasaktan ko lang siya.
Nangingibabaw pa rin ang pagpapahalaga ko sa kaniya bilang kaibigan ko kaya ko naiisip ang mga ito. Tsaka what if darating ang panahon na paghihiwalayin kami? Lalo na't halata namang hindi sang-ayon ang mga pinsan ko at si Grandma sa ideyang magiging kami ni Laikynn. Napagulong ulit ako sa kama ng naisip ang bagay na iyon.
Kapag ba aamin ako ay magiging kami na? Shit, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nagsasabi ng mga matatamis na salita. Dati pama'y iniisip ko na iyon at parang magki-cringe yata ako sa sarili ko. Pero iba na 'to ngayon e! Si Lai ito at hindi basta-bastang lalaki lang. Siya nga, handang ipangalandakan sa mismong pagmumukha ko ang nararamdaman niya sa akin. Magiging ganoon rin ba ako? Paano?
***
Balik schooldays na naman at naninibago pa rin ako sa bagong atmosphere. Hindi naman kasi ako pumupunta rito dati kapag may pasok kasi hassle sa transpo. Doon kasi sa Chateau ay isang tawag mo lang sa driver ay ihahatid kana agad.
Pero ngayon ay nagpresinta si Papa na siya na ang maghatid sa akin patungong Luther International School dahil minsan lang daw niya iyon nagagawa. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at roon mismo ako naupo sa passenger seat. Kumpara sa Chateau, mas malayo rito at matatagal ng unti bago makarating sa school pero okay lang. Huwag ko lang masilayan iyong bitchesang Fabbiene. Baka kukulo na naman dugo ko e at madali ko pa.
“Gabriella...”
Bababa na nasa ako sa kotse nito nang pigilan niya ako. Napatingin ako kay Papa.
“Alam kong unti-unti mo nang napag-iisipan ang nararamdaman mo sa lalaking iyon, Gabi. Wala naman akong tutol diyan sa nararamdaman mo at sa katunayan ay natutuwa nga ako. Pero naalala ko lang ang nangyari noong nakaraan sa Chateau. Ayaw kong maulit iyon anak kasi masasaktan ka na naman.”
Dumbfounded, litong-lito akong nakatitig sa kaniya. “Anong ibig mong sabihin, Pa?”
“Gabriella, maaari ba? Huwag ka munang masyadong lumapit kay Laikynn kapag kayo lang dalawa. Mas okay kung magkasama kayo na nariyan ang iba mo pang mga kaibigan kasi baka kung ano-ano pang mahusga sa iyo ng mga schoolmates mo.”
E pagod na pagod na akong umiwas kay Laikynn, Pa. Kontento naman ako sa gusto niyang mangyari pero may parte sa puso ko na gustong makasama si Lai na kaming dalawa lang. Iyon bang para kaming may sariling mundo at mas nagiging malapit ang mga sarili namin. Pero ayoko rin namang maulit ang nangyari noong nakaraan. Kaya naman kahit may parte sa akin na hindi agree sa gusto niyang mangyari, tumango na lamang ako.
“Sige po. Uh, dito nalang po ako, Pa.” Pilit akong ngumiti bago kinalas ang aking seatbelt.
“Sige. Text mo lang ako kapag dismissal niyo na at susunduin kita.”
“Hindi ba at nasa trabaho ka pa no'n, Pa?”
Umiling ito. “Hayaan mo na akong sunduin ka, 'nak.”
Bumaba na ako sa kotse niya at dumiretso na sa gate. Namataan ko rin ang tuluyan nang pag-alis ng sasakyan nito. I sighed before entering the gate at lumapad naman ang aking ngiti nang bumungad sa akin roon ang apat. Ngunit mas naunang napansin ng mga mata ko si Lai na may bagong haircut. Malinis ito at mas nadedepina ang halos perpektong itsura nito. Uminit tuloy ang pisnge ko sa naisip. Hay Gabi. Mukhang hulog ka na nga.
“Uy, narito na pala si ka-date noong Saturday e!” Bungad ni Vio nang mapansin akong papunta sa kanilang direksyon.
“Ha?” Tanging nai-react ko. Sumulyap ako kay Lai at medyo napaawang ang bibig nang biglang mamula ang tainga nito at napayuko na lamang.
“Sabi na nga ba at lalayag talaga ang barko ko e!”
“Barko nating lahat!” Nakipag-apir Jezz kay Callum at pareho pa silang may multong ngiti.
Kaya naman, ito ako ngayon at nagpipigil ngiti. “Para naman kayong mga sira diyan.”
“Asus!” Asar pa ni Callum.
Sumipol naman sila nang biglang tumabi sa akin si Lai sa paglalakad at inakbayan ako. Pati siya ay nakangiti rin. “Good morning,” he winked.
Magkaka-heart attack yata ako!
“Guys parang may kulang sa greetings!” Rinig naming sambit ni Callum mula sa likuran namin.
“Ano? Ano?” Sabay na tanong naman nina Jezz at Vio.
“Kulang ng endearment!”
Sabay-sabay naman silang nagtawanan roon. Pati ako ay hindi na rin nakapagpigil. Nilingon ko si Lai sa aking tabi. Ngumiti ako sa kaniya at dahil roon ay sumilay sa kaniya ang isang maliwanag na ngiti.
“Pasensya ka na sa kanila, nagha-hype lang.”
I shrugged. “Okay lang, pero kailan ba nila nalaman?”
Napahinto siya at napaiwas ng tingin. “Basta, nasabi ko lang sa kanila.”
At dahil hiwalay kami ng section noong tatlo ay kabilang hallway ang tinahak namin ni Lai. Hinayaan ko lang siya na umakbay sa akin dahil ganoon naman na talaga siya sa'kin dati pa.
“Kamusta nga pala noong sabado? Pinagalitan ka?” Nag-aalalang tanong nito nang maibaba nito ang bag nito sa upuan.
Bumuntong-hininga nalang ako. “Kwento ko sa'yo mamaya. Sobrang dami ng nangyari! Na-stress ang kilay ko!”
He only chuckled. The whole moment I was beside him in our class, lumulutang pa rin ang isip ko at siya lang ang naroon. Tama nga si Papa ako lang ang makakapag-sabi kung ano nga ba ang nararamdaman ko. And I realized that I'm indeed into him. Pero hindi ko pa alam kung paano aamin kasi naroon ang takot. Iyong mga naiisip ko noong nakaraan. Siguro, pag-iisipan ko muna ng maigi saka ako aamin. Sana lang hindi pa maging huli ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro