Chapter 22
Chapter Twenty-Two
We spent the whole day together. Nothing could even beat the happiness I felt that day with Laikynn. Sa buong gala namin, hindi niya pinakawalan ang kamay ko kahit saglit lang.
Ewan ko ba kung paano ko ipapaliwanag ang damdamin ko ng maayos. Kanina nang umamin si Lai sa lahat ng mga kahinaan niya, there was warmth in my heart. Kasi naman, hindi naman sa lahat ng oras kaya ng isang tao umamin ng mga ganoong bagay kasi pati ako sa sarili ko ay aminadong nahihirapang umamin sa mga ganoon. Takot na baka pagkatapos ay mahusgahan ako. Tapos sasabihin, ang simple-simpleng bagay, kinakatakutan na.
Feeling ko tuloy, ang laki-laki ng tiwala ni Lai sa akin dahil sa pag-open up ng mga ganoong bagay. Sa araw na iyon, hapon na nang mapagpasiyahan na naming umuwi. Hinatid niya ako pauwi sa Chateau at mismong pagkarating namin roon ay naramdaman ko agad ang tensyon ng paligid. Mismong kakarating namin ay siyang pagbaba ni Grandma sa sasakyan na mane-maneho ng butler namin. Ngunit mas lalo akong napatigil nang mapagtantong hindi siya nag-iisa. Sunod niyang bumaba sa limousine ay sina Fabbiene, Tita Clementine at Séverine. Hula ko ay galing ito sa hotel.
Pansin naman namin kaagad ni Laikynn ang matutulis na tingin ni Grandma nang makita ako. Kitang-kita ko naman ang gulat na expression ni Séve nang makita si Laikynn. Shit, wrong timing.
“Ah Lai, sige na pasok na'ko.” Tanging sambit ko kay Lai nang makababa ako sa motor nito.
Pinasadahan niya nang tingin ang pamilya kong inaabangan ko sa bukana ng gate at alam ko na pati siya'y ramdam rin ang tensyon ng paligid. “Uh, sigurado ka ba? Parang papagalitan ka yata e. Samahan nalang kita sa loob, Gabi."
Umiling ako rito. “Huwag na. Ayaw kong madamay ka pa, Lai. Sige na, pumanhik kana kasi malapit na rin naman maggabi.”
“Sigurado ka, Gabi? Pwede naman akong manatili para samahan ka. Lalo na't mukhang wala pa ang papa mo. Sasamahan muna kita.”
I sighed. “Lai, thanks. Alam kong nag-aalala ka sa akin at panigurado nga'ng papagalitan na naman ako ng mga iyan.” Umirap ako. “Pero hayaan mo na. Huwag ka nang mag-alala sa akin, ha. Sanay na ako sa mga litanya ng mga iyan. Sige na, umuwi kana.”
“Ano ba 'yan, pinagtatabuyan na ako ng crush ko.” Ngumuso ito na parang bata.
“Sira!”
“Sige na nga. Basta text mo'ko mamaya pagkatapos niyong mag-usap.”
Tumango ako rito at niyakap siya ng sandali. Naiintindihan ko naman si Lai na nag-alala siya sa akin. Naaamoy ko na rin naman kasi kung anong sasabihin ng mga ito ngayon. Lalo na't nariyan sina Fabbiene at Séve. Nauna na mga ito na pumasok sa bahay at ako naman ay inantay muna na tuluyan nang makaalis si Lai. Natatakot rin kasi ako para sa kaniya na baka madamay siya sa gulo namin ng pamilya ko. Sapat na iyong nasaksihan niya iyon ng isang beses.
Mabibigat ang bawat hakbang ko habang papasok sa mansion. Pagkapasok ko sa bulwagan ay bumati sa akin ang kasambahay na naroon at galing sa labas. Huminto ako ng saglit sa bulwagan para pahingahin ng maluwag ang aking sarili. Mariin pa akong nakahawak sa sling bag ko at halos pikit-matang tinahak ang papasok sa Chateau.
“Oh, she's here...”
Napapikit ako. Lintek, lagot na naman ako nito!
“A-Ah, hello po Grandma—”
“Where the hell have you been with that boy, Gabriella? Ah la vache! Hindi ko inaasahang ganito ka!”
Yumuko ako dahil sa takot. Malakas ang boses ni Grandma na umalingawngaw pa ang kaniyang boses sa loob ng silid. Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung anong gagawin kasi wala namang ibang tao rito sa mansion ma maaaring magtanggol sa akin. That's kinda sad because again, all I have is myself. Narito naman si Fresca pero wala naman siyang laban kay Grandma kaya wala na rin akong inaasahan sa kaniya.
Lumunok muna ako at huminga ng malalim bago ako tumingin sa kaniya. “Grandma, pasensya na at hindi ko talaga naiintindihan ang pinagmulan ng galit mo sa akin ngayon.”
Tinaas nito ang kanang kilay at lumingon sa babaeng nakatayo sa kaniyang tabi. Si Séve. “Sabihin mo nga sa babaeng ito, Séverine Édelie kung ano nga ba ang tunay niyang kasalanan. Para kasing nagbubulag-bulagan ang babaeng ito.”
“G-Grandma...” Halatang takot na pigil ni Séve. Sinubukan niya pang hawakan ang kamay ni Grandma para pigilan ito sa kung anong maaaring sunod na mangyayari. “Grandma please, let's stop this. There's no sense. This conversation will just leads into nonsense.”
Magsasalita na sana si Grandma nang biglang may humagikhik ng mahina. Pareho kaming napatingin kay Fabbiene na prenteng nakaupo sa sofa at naka-de kwatro pa. “Why Séve? Bakit ka naman matatakot sa mga babaeng low class at hindi mo kapantay? Tsaka alam naman na lahat ni Grandma. And I bet Gabriella also knows everything she did but she doesn't want to admit it because she can't. Alam mo naman 'yan, plastic.”
Napaawang ang aking bibig at punong-puno ng pagtataka ang isipan. “Anong–Anong aaminin?”
Fabbiene stood and went near to me and smirked. Magkapantay lang ang height namin kaya kitang-kita ko ang expression nito. “Why wouldn't you just admit that came from a third wheel that turns into a third party? Wow! Eh di'ba nga, you have been flirting with Séve's boyfriend at ginagamit mo ang palusot na best friend mo siya para malandi mo siya!”
Napaawang ang aking bibig. Her words hit me hard at para bang binagok ako nito sa pader para magising sa reyalidad. “Ano? Gago, wala akong inagaw!”
Lumapit sa aming direksyon si Grandma at sinampal ako ng isang beses. Isang beses lang iyon ngunit pakiramdam ko ay naalog ng malala ang utak ko dahil napasubsob ako sa sahig dahil sa lakas n'un. Napahawak ako n'un sa aking pisnge na ramdam ko ang pamumula.
“Grandma, please believe me. Wala naman pong namamagitan sa amin ni Laikynn. I know may gusto si Séve sa kaniya pero...”
“Yet you still went to him and flirted! You cheaters! Nakuha niyo pa talagang lumabas at maghaharutan sa kung saan-saan. Oh my goodness, Gabriella. Pinsan kita pero nakakahiya ka!” That was Fabbiene, looking down at me.
“Alam mong may girlfriend na iyong tao ay hinaharot mo pa. Gabriella, you're not being a friend to him but you're flirting with him! Marahil ay iyan ang ginawa ng nanay mo noon kaya napaikot niya ang mundo ng ama mo sa kaniya.” Punong-puno ng gigil ang itsura ni Grandma na anytime ay kayang-kaya niya akong sabunutan nf walang awa. “Gustave had done better than this if you did not came. Kung hindi ka dumating, my son wouldn't suffer like that before! If only... if only hindi nilandi ng nanay mo ang anak ko ay hindi magkakagulo ang pamilya namin!”
Wala akong ibang magawa kundi ang maluha ng tahimik. All of their words went to my mind and slowly eating me. Napahawak na lamang ako sa aking bibig upang pigilan ang malakas na hagulgol. Shit. Parang kanina lang sobrang saya ko pa kasama si Lai. Ganito ba talaga? Pasayahin ka saglit pero sasaktan ka ulit? Tsaka ang hirap-hirap. Ang sarap tumakbo palayo at takpan ang aking tainga. Ang sakit ng mga salita nila. Ang sakit pakinggan at kahit isang beses lang nilang binitawan, alam kong magmamarka ang mga iyon sa isipan ko sa matagal na panahon. Na once in their life, they looked down at me and mama like that. Grabe, kahit wala na rito ang tao ay inaataki pa rin siya ng mga masasakit na salita.
“I... I am sorry,”
“Kung talagang nagsisisi ka sa ginawa mo, Gabriella. Break up with that boy right now and give him back to where he truly belongs. To Séverine. Tsaka, bakit ba ang hilig mong mang-angkin ng hindi naman sa iyo? Gabriella, you have nothing! You doesn't have anyone in this family kundi ang patay mong oh-so-good mother.”
Kung kaya ko lang talaga, kanina ko pa tinahi iyang bunganga ni Fabbiene e. Singit ng singit akala mo naman siya kinakausap. But still, I was voiceless at that moment. Wala akong ibang magawa kundi punasan na lamang ang luha ko gamit ang aking kamay. Hinang-hina ako na pati pagtayo mula sa pagkasubsob ay hindi ko magawa.
Ang hirap pala talaga kapag walang magtatanggol sa iyo. Ang hirap kapag napapalibutan ka ng mga taong hindi naman interesadong pakinggan ang side mo. They were too clouded by their emotions. Kailan ba kasi ako papakinggan? Kailan sila titigil? Di'ba pamilya ko sila? I'm an Auclair too but they always treat me like I'm not. Ang hirap. Ang hirap pasanin ang apilyedong ito because it means you has something to offer to the family because that is where they measure their respect towards you. Ang hirap kasi kahit anong gagawin ko, hindi naman ako makakawala rito.
Mas pipiliin ko pa yata ang dating mahirap na pamumuhay namin ni mama kesa manirahan sa ganitong mansion. Maliwanag ngunit punong-puno ng kadiliman.
“What's happening here?”
Napalingon ako sa aking likuran at nanigas sa aking kinauupuang malamig na sahig. There I saw papa together with Kuya Jacques, Mommy Bridgitte and Tito Guillaume. Narito halos silang lahat at mas lalong lumakas ang kaba sa aking dibdib.
“Anak, what happened?” Marahang bulong sa akin ni papa nang agad itong dumalo sa akin. Hinaplos nito ang aking luhaang pisnge at inalalayan akong makatayo. I held onto his arms. Sa wakas, narito na si papa.
“Sabihin mo diyan sa anak mong magaling, Gustave kung paano niya dahan-dahang inaagaw ang boyfriend ng pinsan niya. I can't believe it! Her alibi is because she's a close friend of that boy!”
“Mama, stop. I'm sorry for all the mess but I believe my daughter doesn't deserve all of this. You are better than this, Mama. We can handle things better in a calm way, Ma. At tsaka, let my daughter leave. I will talk to her because I don't believe in any of your accusations.”
Napahawak sa kaniyang sentido si Grandma. Malungkot namang sinulyapan ako ni Mommy tsaka dumiretso ito sa anak na tahimik na nakaupo sa tabi.
“Paano ka kaya pinikot ng asawa mo dati, Gustave? And wow, you can talk back to me now. I can't believe this! Manang-mana ang anak mo sa nanay niya! Inaagaw ang mga bagay na hinding-hindi naman maging kanila!”
“Ma, stop. Stop badmouthing my wife and accusing her those stupid things. Leave Aderina alone. Leave Gabriella alone.”
“Gustave, you're better than this! I'm just teaching your daughter a lesson!”
Hahatakin na sana ako ni papa paalis roon nang mahinto ito at tumingin kay Grandma. “Ma, if you can't leave Gabriella alone, then let hear leave with me. I'm done hearing hurtful things you speak to the people I value the most. Alam na alam ko ang lahat ng nangyayari dito kahit wala ako, Ma. So now, I'm turning my back again from this house and yes, you can punish me all you want but you can't cut my cards anymore. I have my own now and they're untouchable from these Auclair except my daughter. So don't worry. I and Gabriella is leaving this house from now on... for good.”
Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi ni papa. Ang kaniyang huling pangungusap. Me and Papa will leave Chateau Auclair for good? Hindi ko alam kung anong mararammdaman ko roon ngunit nagpatianod lamang ako sa hila ni papa sa akin. Pagkalabas namin ng gate, dumiretso kami sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto.
“Anak, are you okay? What else did they did to you?”
Narito na kami sa loob ng kotse niya ngayon at hindi ko magawang magsalita. I just found myself hugging him tight and cried so hard there. It was like finally, I'm having a freedom from that hellish cage mansion. Now, I finally am with the person whose willing to listen my voice when no one Auclair wants to.
“Gabriella I'm sorry, I'm late again,” he muttered at sabay hagod sa aking likod.
Umiling ako rito at humikbi pa rin. “Pa, thank you... Pa please listen to me, I did nothing wrong! Hindi ko inaagaw si Lai kay Séve. Totoo namang magkaibigan lang kami. Pa, I know you know me. I am not what Grandma and Fabbiene thinks I am. Pero ang hirap magpaliwanag sa kanila, Pa.”
“I know, anak. Alam kong hindi ka ganoon. I know you better than them 'nak. Don't worry, you're suffering ends here. Aalis tayo rito sa pamamahay na'to and we will live at my building from now on. There, you belong there because that's my place. Me and your Mom's place. You belong there with me, anak.”
Naiyak ako. Para bang nakahinga ako ng maluwag roon. Finally, I'm living away from that toxic household.
“Is it fine with you, anak? You can still bring your friends there anak. I wouldn't mind.”
Agad akong tumango. “Gusto ko rin, Pa. Ayaw ko na rito Pa.” Napangito ito ng malapad at hinaplos ang mga kamay ko. He kissed my forehead and I feel like I'm just a little kid beside him.
“Anything for my princess to feel at peace.”
“Salamat Pa, ah. Kasi palagi kang nariyan at pinagtatanggol ako. Everytime I'm having a bad day, sinasagip mo ako. You always know how to make me feel better. Kaya pala sobrang inlove sa'yo si mama dati kasi ganito ka. Pa, I'm so thankful that I have you. Ang swerte ko pa rin dahil ikaw ang naging ama ko.”
“And heaven knows how lucky I am to have you and your mama anak. You both are my valued treasure of all times. Kaya naman, bukas na bukas ay ako mismo ang mag-iimpake ng mga gamit natin at ipapalipat iyon sa building ko. We'll live alone from now on, anak.”
Nakangiti akong tumango roon. Iyon nga rin yata ang pinakamagandang solusyon sa pag-iwas sa kanila. I alwo want to live with papa. I love being in his place. Doon, ramdam ko ang katahimikan. Wala akong takot kasi alam kong tanggap naman ako ni papa kung ano ang kaya kong maibigay. I feel no pressure of being an Auclair there.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro