Chapter 21
Chapter Twenty-One
Kahit maghating-gabi na ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Dilat na dilat ang buong diwa ko at kahit anong gawin kong pagpikit ay hindi pa rin talaga ako makatulog. Ilang oras na akong palinga-linga at nag-counter clockwise pa ako sa kama ko para lang maantok pero wala talagang nangyari. Bumangon ako sa aking kama at naupo ng saglit. Kasalanan talaga 'to lahat ni Laikynn e. Kung hindi dahil sa kaniya'y ‘di ako magkaganto.
Paulit-ulit sa aking isipan ang ginawa niyang confession kaninang tanghali. Everything went awkward at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi naman sa naiilang ako sa inamin niya kundi naiilang ako dahil sa nararamdaman ko. Kakaibang saya nang malaman kong ako ang gusto niya. E hindi ko naman 'to naisip dati. Tanging kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya at hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang pagtingin ko. Sa kaniya rin.
Suot ko ngayon ang bigay niya sa aking hoodie jacket na kanina ko lang nalaman na sinadya niya palang bilhin. He actually knew the meaning. Uminit ang pisnge ko nang e-rewind ko iyon sa utak ko. So simula pa nung panahon na iyon may gusto na siya sa'kin? Eh ang pangit-pangit nga yata ng ayos ko sa bawat magkasama kami paano naman siya nagkagusto sa akin?
Napasabunot ako sa aking buhok at gumulong-gulong sa kama. Sana pala nagpaganda na ako dati pa baka ano pang nasabi niya tungkol sa ayos ko. Pero magkaibigan kami n'un at wala naman siyang masamang insights sa ayos ko. Asus, itong si Lai. Napakaplastik! Kunware kaibigan ako kapag magkaharap kami pero may gusto pala sa'kin deep inside! Napangiti naman ako sa naisip ko. Tsk, mababaliw na nga yata ako e. Nararamdaman ko na ang mga sintomas!
Ewan ko kung anong ritwal ang ginawa ko kagabi at tuluyan na akong nakatulog. Nagising nalang ako kinabukasan dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may nag-text sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko at binasa ang nasa text. Napatutop naman ang aking bibig sa nabasang text mula kay Lai. Parang gago naman 'to e, atat ma-crushback.
Lai:
good morning, crush! hahaha
ouch antagal magreply
besprend ano na?
hoy alas otso na gabrila magsaing kana papasok na mga anak natin!
Ay, wala pa rin. Sayang may pera sana ako today tsaka ang pogi ko mag-motor.
sige, iisipin ko nalang na natagalan ka sa pag-rereply kasi di mo ma-sink in na crush kita at nahihirapan kang mag-isip ng anong e reply. Pero alam mo, okay lang sa akin e-likezone!
Bakit feeling ko parang wala lang sa kaniya ang mga messages niya? Na hindi man lang siya kinakabahan? Eh ako nga dito halos 'di na makatulog buong gabi kakaisip sa kaniya at sa bawat salita niya kahapon e! Napahilamos ako sa aking mukha dahil umagang-umaga init na init ang pisnge ko.
Gabi:
ingay neto.
Nang ma-send ko iyon ay agad ko namang nakita ang tatlong dots na sinyales na nagtitipa siya ng reply. Wow ah, halatang inaabangan pa nga yata ang reply ko. Makalipas ang ilang sandali ay akala ko ano nang sinend niya. Picture pala. Picture iyon ng wall niya sa may saksakan at kitang-kita roon na nakasaksak pa ang kaniyang charger.
Lai:
hi crush, good morning ulit hehe
ay besprend good morning
Napairap na lamang ako sa kawalan.
Gabi:
itahimik mo yang kaharutan mo Laikynn at mag-charge ka!
Lai:
E kasi naman, nagising pa ako ng maaga para e-check ang phone ko na naka-charge ng overnight. Kaso paggising ko, lowbatt pa rin. Maling charger pala nasaksak ko.
Hindi ka ba naaawa sa'kin? Hays, fake friend.
Gabi:
Hindi. 'Yan kasi, sinasabuhay ang kalutangan eh.
Makailang minuto, hindi na nagreply si Lai kaya hinayaan ko nalang. I placed my phone on the side table at naligo na. At ewan ko ba kung anong gayuma ang napainom sa'kin ni Lai dahil pati paghawak ng sabon ay nakangiti na'ko. Siguro kung nakakapagsalita lang itong shower ko ay matagal na akong binatukan nito. Tsaka kanina rin, imbes na shower ang hablutin ko, nahablot ko ang bidet. O di'ba, sinasabuhay ko na rin yata ang pagiging lutang.
Matapos kong maligo, lumabas na ako sa Bathroom na nakatuwalya lang. Kukuha na sana ako ng damit pambahay sa aking closet nang biglang mag-ring ang cellphone mo. Rumehistro naman sa screen ang pangalan ni Laikynn. Napakunot ang noo ko. Ba't naman 'to tatawag?
“Hello?”
“Oh,” sagot ko habang tinitingnan ang aking mga kuko sa kamay.
“Ouch, ang sweet naman ng bungad.”
“Napatawag ka?”
Huminto siya saglit at rinig ko ang kaniyang buntong-hininga. “Labas tayo, libre ko. Pero ayos lang naman kung hindi ka papayag.”
Napanguso ako. Sandali akong nag-imagine tungkol roon kaya matagal akong nakasagot. Nagpigil pa ako ng aking ngiti. Well, sabado naman ngayon at wala naman akong ibang gagawin. Mabuburyo lang ako dito sa bahay. “Okay. Paano ang transpo?”
Rinig ko ang mahina niyang paghalakhak. “Baka nakalimutan mo, lisensyado na ang pogi na'to, Gabi.”
Sa huli ay pumayag na'ko. E kasi naman, naisip kong na-miss ko na si Lai dahil ilang araw ko rin siyang hindi pinansin. 'Di gaya ng dati na kapag inaaya akong lumabas ni Lai ay kahit anong itsura ko ay okay lang. Ngayon ay nag-ayos ako. Pero simplehan lang din. Isang white fitted long sleeve dress na may square neckline. Nagsuot rin ako ng blue faded skinny jeans at pinaresan iyon ng white sneakers. Naalala ko, bigay ito sa akin ni papa noong nakaraan. I styled my hair in a ponytail at hinablot ang aking white chanel sling bag para may paglagyan ako ng aking cellphone.
Pagkababa ko ay bumungad sa akin si Fresca na may kausap sa phone at nang makita akong pababa ay saka niya rin binaba ang kaniyang phone. “Miss Gabriella, where are you going? Baka kasi mag-aalala si Sir Gustave o di kaya'y si Madame Bridgitte.”
“May pupuntahan lang, Fresca. Uh, tatawagan ko nalang si papa para 'di na siya mag-alala.”
Ngumiti at tumango si Fresca sa akin at iginiya niya ako sa dining area. “Breakfast ka muna, Miss.”
“Sure, Fresca.”
Kumain muna ako ng breakfast at min-essage si Lai na kakain lang ako saglit. Ilang minuto bago ako matapos ay saktong pagkalabas ko ng gate namin ay may humintong motor. Malapad na ngiti ang ibinungad sa akin ni Lai at hindi mapagkaila, sobrang gwapo niya. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang white V-Neck shirt at iyong zippered jacket na kukay black. Nakasuot rin siya ng rolex watch sa kaniyang wrist. He paired it with a dark blue faded jeans din. Medyo long hair si Lai at ang style niya ngayon ay slicked back hair na talagang bumagay sa kaniya.
“Ang ganda ng best friend ko!”
Kumunot ang noo ko. “Best friend?”
“Wala eh, baka hindi ka komportable na tawagin kong crush. Edi, best friend nalang.”
Umirap ako sa kaniya at umangkas na. “Ewan ko sa'yo, ang dami mong ka-emehan sa buhay.”
Humalakhak lamang siya at pinaandar na ang kaniyang motor. Kagaya nung nakaraan, maingat ang pagmamaneho ni Laikynn. Hindi malakas, hindi rin mabagal. Ngunit para masigurado rin ang kaligtasan ko, humawak ako sa kaniyang bewang at doon nakakapit. Pinagmasdan ko ang bawat tanawin na dinadaanan namin ni Lai. Hindi naman malayo sa siyudad ang aming tinitirhan at ilang minuto lang ang biyahe. Hinayaan ko na si Lai kung saan man niya ako dalhin.
Iyon pala, mayroon siyang ticket ng bagong thriller movie na showing ngayong araw. Kaya dinala niya ako sa sinehan. Bago iyon, bumili muna kami ng popcorn para may kakainin habang nanonood ng palabas. Hindi naman masyadong malayo sa pinakaharapan ang seat namin ni Lai kaya okay lang sa akin at walang problema. We both seated comfortably at hinihintay na lamang na simulan na ang movie.
Movie iyon tungkol sa isang zombie apocalypse na siyang naganap sa kanilang city. At dahil nga malaki ang screen dagdag takot sa akin iyon. Idagdag mo pa ang pangit na itsura ng zombie na kadiri tingnan. Isa pa 'tong sound effects kapag nasa risky situation ang mga bida at ang mga singhapan ng mga manonood.
Lahat ng iyon ay rising action pa lamang. Ngayong nasa climax na ang movie ay halos atakehin na sa puso ang lahat. Ang scene kasi ay na trap sa isang building itong bida at hindi niya ma-assure kung wala na bang zombie rito kaya naman bawat hakbang nito ay nagdadala ng kaba.
“Gagi, wrong choice yata 'to e.”
Napatingin ako kay Lai na ngayo'y nakatakip na sa kaniyang mga mata ang dalawang palad at parang isang bata na takot na takot. Hindi ko naman mapigilan ang pagngisi. Bahagya na itong nakasandal sa akin dala ng takot. Hay, kawawang bata.
“Hindi ah, galing mo nga pumili e. Hindi boring ang movie!” pang-aasar na bulong ko rito.
Napakunot ang noo nito at saka lamang ako humalakhak. “Sige ka, multuhin ka niyan pagdating mo sa bahay mo mamayang gabi.”
“Gabi naman e!”
Paglingon namin pabalik sa movie ay tumatakbo na ang bida. Hinahabol na siya ng isang duguang zombie at dahil may sugat ito sa paa dala ng pagkadapa niya kanina, paika-ika itong tumakbo. Tutok na tutok tuloy ako sa palabas at pati rin ako ay kinakabahan ng todo sa sitwasyon ng bida. E kasi naman ang tanga. Kung hindi niya nasagi iyong lata kanina ay hindi sana siya maririnig nung zombie. Kaya ayan tuloy. Ilang segundo ang nakalipas ay naramdaman ko na lamang ang malamig na kamay ni Lai na nakahawak sa aking braso. E? dati nga hindi niya kinakaya ang horror movie at ngayon napili niyang panoorin ang zombie apocalypse?
At dahil naawa naman ako sa kasama ko, kinuha ko ang kaniyang malamig na kamay ay dahan-dahan itong hinaplos. Binalot ko ito gamit ang sa akin. Hanggang sa sinasandal niya na sa balikat ko ang kaniyang ulo sa tuwing napapapikit siya sa takot.
“Gusto mo, labas nalang tayo?” marahan kong tanong.
Unti-unting tumingala sa akin ang mapupungay na mga mata nito. “T-Tapusin nalang natin, Gab. Sayang naman.”
“Sigurado ka? E halos manginig kana sa takot riyan, e!”
Umiling ito. “Promise kaya kong tapusin ang movie. Huwag na tayong umalis tsaka hawakan mo nalang ang kamay ko para 'di na'ko manginginig.”
Shit. Bakit ka ba ganito Laikynn? I feel like I want to hold his hand for a longer time. Kaya naman habang tinatapos namin ang movie ay hindi ko binitawan ang mga kamay niya. I sighed in relief dahil finally natapos na rin ang movie. Isa lang ang naka-survive at iyon ay ang karakter na paika-ikang maglakad kanina. At para rin namang nabunutan ng tinik si Lai nang makalabas kami sa establisyementong iyon.
“Ayos kana?” Tanong ko nang makarating kami sa parking space. Tahimik lamang itong tumango.
I sighed heavily. “Bakit ba kasi thriller pa ang pinili mong movie? Di'ba may iba rin namang genre ang showing ngayon?”
“Gusto ko lang naman subukan, Gabi. Baka sakaling kapag pinanood ko siya ngayon ay 'di na'ko matatakot sa mga ganoong tema.”
“Pero takot ka pa rin.”
Yumuko siya. “Sorry.”
“Huwag mo nang isipin iyon, libre nalang kita sa coffee shop."
“Gusto ko lang naman panoorin ang ganoon kasama ka, Gab. Kasi alam kong mas gusto mong movie iyong thriller kasi hindi ka nabo-bored. I-I just want to impress you."
Tinapik ko siya sa balikat. “Okay lang din naman sa akin ang mga action-comedy, Lai. Kahit ano, matutuwa pa rin naman ako. Siyempre, nakakatuwa ka naman lagi kasama.”
Halatang napahinto siya sa panghuling pangungusap na sinabi ko. Totoo naman iyon. Palagi akong masaya kapag kasama si Lai. Parang ang gaan-gaan lang ng pakiramdam at ang sarap ngumiti. Dati at mas lalo na ngayon na ganito ang nararamdaman ko. I am happy with him and couldn't ask for more.
“Gabi, I have a lot of fears at alam kong alam mo iyon. You witnessed a weak Laikynn a lot of times and yet you still stayed. Alam na alam mo kung paano pagaanin ang pakiramdam ko. Hanggang sa maiisip ko nalang I don't have anything to worry kasi nariyan ka naman.”
Napahinto ako ng tuluyan sa kaniyang sinabi. May kung anong humaplos sa aking puso ng marinig iyon kasi kahit papaano pala ay may napapasaya akong tao. Marahan kong hinawakan ng kamay ni Laikynn habang hindi natatanggal ang titig nito sa akin.
“Nung mga bata palang tayo, sa'yo ako nakakapit habang hinahabol tayo nung lasing na mama. First time kong tumawid, mahigpit akong nakahawak sa kamay mo. Nung nag-brown out sa bahay niyo dati, iniwan tayo ni mama mo saglit kasi bibili daw siya ng kandila, yakap mo'ko n'un kasi takot ako sa madilim. But I don't want to be a boy with a lot of fears all the time, Gabi. Ngayon na inamin ko na sa iyo ang nararamdaman ko, I want to be a brave man infront of you, Gab. I want to conquer my fears and I want to do it with you by my side.”
Natulala ako sa kaniyang mga sinabi. Tiningnan ko siya ng maigi and there, in his eyes I can see the soft Laikynn. Ang Laikynn na halos nakadikit sa akin kapag magkasama kami. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Mas matangkad siya sa'kin kaya kailangan ko pang umangat para magpantay kami.
“You are not weak, Lai. Never kitang naisip na ganoon. At tsaka hindi naman magde-define sa iyo ang fears mo. They're part of you, Lai. And yes, you're one of the brave man I know. Alam mo bakit? Kasi you are able to protect me and your friends in your own way. Kapag 'di na kaya nila Callum ang suntukan, pumupunta ka at ipagtatanggol mo sila. Lai, you protected me a lot of times as well. And I'm happy to have someone like you because you always know how to lift my mood. Tsaka Laikynn, you don't need to impress me. Matagal na akong nakatingala sa'yo, Lai.”
Napalunok si Lai matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Tumingin itong muli sa akin at ngayon ay napansin ko ang pagliwanag ng kaniyang ekspresyon. Napakagat rin ito sa pang-ibabang labi. “Grabe, mas lalo yata ang nafa-fall sa'yo, Gabi. Rumurupok talaga e!”
I just chuckled and pulled him for a hug. A very very tight hug. “Kaya huwag ka nang mag-alala riyan, ah. Huwag mo nang ipilit kung takot ka pa rin. Huwag mo nang ipilit manood ng horror movie, ha?”
I felt him kisses near my eyes which made me stiffened. “Yes po,”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro