Chapter 2
Chapter Two
Half of me couldn't believe that I'll be living in this house from now on. Hindi ito ang unang beses na dinala ako ni Papa sa mansion nila pero hanggang ngayon ay na-a-amaze pa rin ako sa tuwing nililibot ang tingin sa paligid.
Naalala ko ang sabi kanina ni Mommy Bridgitte na dirty daw ang bahay namin ni Mama kahit hindi naman. Iyon nga lang, hindi kasing-ganda at kamamahalin ang bahay namin ni Mama. Pero kahit na ganoon, sobrang linis naman. Pagkatapos namin mag-agahan ni Mama ay nililinis niya agad ang buong bahay at ako naman ay naghuhugas ng pinggan. Iyon lang kasi ang kaya kong gawin kasi hindi ko pa naman kayang maglaba. Kapag nakapaghugas na ako ng pinggan, saka lang ako pinapayagan ni Mama na makipaglaro sa labas kasama si Lai.
Ngayon pa lang ay nami-miss ko na si Lai at lalong-lalo na si Mama. Sabi kasi ni Papa never ko na daw makikita si Mama.
Si Papa mismo ang nagbukas ng mga bagahe ko. Pagkarating namin sa kwarto ko, dumiretso ako sa sobrang malambot na kama. Medyo malaki pa iyon at kung kasama ko pa si Mama, pwede kaming dalawa matulog dito sa kama na'to.
“Binilhan ka ni Mommy mo ng mga bagong damit, Gabriella. Would you like to see them?” tanong ni Papa sa akin matapos niyang buksan ang closet sa kaliwang bahagi ng kama ko.
Something in my soul lift up. “Patingin po!”
Tumalon ako pababa ng kama at dali-daling nagpunta sa gawi ni Daddy. Totoo nga ang sinabi niya, ang dami-dami ng damit na naroon. Halos lahat ng maliwanag na kulay naroon, katulad ng white, yellow, red, pink, skyblue, lavender at iba pa. Hinawi-hawi ko ang bawat damit na nakasabit roon. Magaganda ang mga damit pero wala roon ang favorite colors ko. “Papa, wala bang kulay black?”
“A girl like your age should wear light colors.”
Sabay kaming napalingon ni Papa sa taong nagsalita sa likuran namin. Si Mommy na nasa ganoong panamit pa rin ay nakahalukipkip sa harapan namin ngayon. Ang kaniyang malalim na mga mata ay nakatuon sa akin at bahagya siyang ngumiti sa akin.
Sandali kaming nabalot sa katahimikan nang tumikhim si Papa. “You're Mom's right. Don't worry, I'll buy you black clothes soon.”
“Bridgitte... ” Napabalik ang atensyon namin kay Mommy na ngayon ay parang nainip. Pinandilatan niya ng mata si Papa at parang nakikipag-usap siya rito gamit ang tingin at saka ibinaling ang atensyon sa akin. “Don't you like them, Gabriella? Your cousin chose them.”
“Hindi naman po sa ganoon, magaganda naman po ang mga damit. Thank you po, Mommy!”
At the end of the day, tinanggap ko nalang ang kanilang bigay sa akin kasi sabi ni Mama, dapat marunong daw tayong makuntento sa mga natatanggap natin at kung anong meron tayo. Ayoko namang magalit si Mommy sa akin at kahit papaano ay natutuwa ako dahil binilhan niya ako ng mga damit kahit meron naman na ako ng ganoon.
“No problem, from now on, you can ask Mommy everything you want, anytime! Okay?”
Ngumiti ako rito.
I helped Dad fold everything in my baggage at siya naman ang tagalagay ng mga iyon sa dapat nitong lalagyan. We spent hours arranging my things. Kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako kay Mommy kasi hindi niya pininturahan ng pink o kahit anong maliwanag na kulay ang kwarto ko. Some girls in my age are obsessed with color pink pero ako hindi. I never liked pink, I liked black instead.
Narealize ko rin na may mga laruan din pala na sigurado akong si Mommy ang bumili. Nasa kabilang bahagi ng closet ko ang klase-klaseng dolls and stuffed toys. Sayang, walang toy cars na pwede naming paglaruan ni Lai. As usual, light colors din. Ang tanging nakapagpa-excite lamang sa akin sa mga naroon ay mga pambatang libro. At the age of four, Mama thought me how to read and Papa thought me how to speak some basic english phrases. Kaya medyo nakakaintindi na'ko ngayon ng mga english words.
There were also coloring books and some art materials pero nang ibuklat ko ang coloring books, puro barbie ang naroon. Hindi ko naman sila kilala, paano ko sila makukulayan ng maayos? Binalik at iligpit ko nalang iyon sa closet ko at nilibot ang tingin sa buong kwarto ko.
May nakita akong painting sa ibabaw ng kama ko, my mouth formed an ‘O’ when I realized what it was. The girl in the painting really looks like me. Nakayakap sa kaniya ang babaeng mahabang buhok na nakilala ko namang itsura ni Mama.
“Papa, ang ganda!” Lumapit ako rito para mas matingnan ng maayos ang bawat detalye ng painting.
I turned at Papa in my back. Nakangiti siyang nakatingin rin sa painting. “Do you like it?”
Tumango ako sa kaniya. “Opo, ang galing naman po ng gumawa niyan. Tingnan niyo po oh, kamukhang-kamukha namin ni Mama ang nasa painting!”
Tumabi ako kay Papa at magkatabi naming tiningnan ang painting mula sa paanan ng kama.
“Alam mo, ako nagpinta niyan,” he said beside me while staring at the beautiful painting.
Mas lalo akong napahanga roon nang lingunin ko siya. “Talaga po? Ang galing niyo pala Papa!”
He smiled and then he rested his arms in my shoulders. “Thank you, baby.” He kissed me on my cheeks.
“Nakita na po ba iyan ni Mama?”
He sighed. “Unfortunately, hindi pa.”
I frowned. Sayang naman, paniguradong magugustuhan ni Mama ang painting na iyan kapag nakita niya. Sigurado ako roon. I stared at Papa's eyes and realized that suddenly, his eyes looks sad.
Hindi ako nakapagkawala ng anumang salita nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at ibinungad noon si Mommy.
“The dinner's ready,” she said in a cold voice.
“Bakit bigla ka nalang sumusulpot?”
Mommy rolled her eyes and inilibot ang tingin sa kisame. “Did someone talked to me? Si Gabriella lang ang inaaya ko ng dinner, eh!”
I saw how Papa squinted his eyes and didn't say anything. On the other side, Mommy held my arms. “Come here, baby Gabriella. Let's have dinner na.”
I looked at her. “How about Papa, po?”
She looked down at me. “Kumakain na siya ng dinner kahit hindi inaaya.” She formed a line in her lips. “C'mon, your cousins there already.”
Dinarag niya ako palabas ng kwarto ko at hindi ko na nalingon pa si Papa pero alam kong nasa likuran lang namin siya at nakasunod.
On my first dinner at my new home, I didn't see lola. It happens that she didn't join our dinner at ang ranging naroon lang ay si Sèverine at Kuya Jacques. Mga anak ni Mommy na pinsan ko. I thought Séverine will approach me this time but I was wrong. Kuya Jacques only said hello to me at iyon lang.
That's when I knew that Séverine doesn't like me that much kasi hanggang sa mga nagdaang araw, hindi niya ako kinakausap.
Sa bawat araw na nagdaan rin ay walang araw na hindi ko nami-miss si Mama at sa bawat gabi ay naiiyak ako sa tuwing inaalala ko ang mga panahong yakap-yakap ko siya sa pagtulog ko.
***
“Putek, lagot na naman ako kay Mommy nito.” Panay ang hilot ko sa aking balikat dahil sa sakit nun. Kaming lima ay parang mga lantang gulay sa pagkakataong ito.
Napaupo ako sa kalsada dahil sa sakit ng paa ko kakatakbo. Kung nagtataka ka kung bakit masakit ang balikat ko, well nakasaklay lang naman sa balikat ko ang bag ko na may lamang dalawang libro. Tapos ang lakas pa ng takbo namin dahil baka mahuli pa kami nung grupo nina Theo.
“H'wag kang mag-alala, ako rin naman. Lagot na naman ako kay Papa,” sambit ni Jezz.
Kitang-kita kasi kaniyang pisnge ang pamamaga. Ang itsura namin kanina habang nakikipagsuntukan kina Theo ay kabaliktaran na ngayon. Si Jezz na masakit rin ang paa kakatakbo, may pasa pa sa kaliwang pisnge. Si Vio, sa ibabaw ng labi lang pati na rin si Callum. Ang pinakamalinis naman makipagsuntukan na si Laikynn. As in wala talagang makikitang pasa sa kaniyang mukha. Siya ang mas nakakahanga ang mga galawan kanina.
Pero kung pinayagan lang talaga nila akong makisali sa gulo nila kanina ay baka deadball na ako ngayon. Kasing bangis ni Laikynn ang mga nakalaban nila kanina. Or I think mas mahigit pa. Buti nalang talaga at may nakaawat sa amin na isang lalaki na nasa forty above na rin siguro ang edad. Ayon, kaniya-kaniya ng takbo ang mga gago.
“Why don't we ask apologize nalang?” suhestiyon ni Vio na ngayon ay nakasandal sa pader na puro vandalism.
“Gago, ano tayo? elementary?” si Callum.
“Apologize? Eh pati nga si Gabi nasaktan sa mga pinaggagawa nila tapos ngayon, tayo pa ang mag-a-apologize? Bahala sila sa buhay nila,” said Laikynn.
Ginawaran naman siya ni Callum ng mapanuyang tingin. “B-Bakit?” tanong nito kay Callum.
May multo ng ngiti sa labi ni Callum. “Protective ka, bro.” Tapik nito sa balikat ni Laikynn.
“Siyempre naman, paano kung sa susunod ay si Gabi na ang pagdidiskitahan ng mga iyon?”
I smirked. “As if naman di ko sila kayang pag-umpugin. Strong kaya ‘to!” I then flexed my biceps kahit wala naman.
“Kahit na, napaka-gago naman namin kung hahayaan ka naming madamay sa gulo na ganoon.”
Hindi nga naman ako nadamay kanina. Bago sila nagsimula sa bardagulan nila, todo convince si Lai sa akin na magtago roon sa isang tabi at dapat ay hindi ako mapapansin ng mga eng-eng nilang kalaban. Naroon lang ako at naghihintay na matapos sila sa gawain nila. There, I heard a lot of punches at mga ano-ano pang nagpapatunay na may nagsusuntukan nga.
I wasn't lying nung sinabi kong kaya ko silang pag-umpugin. My friends taught me self-defense at the age of seventeen. Para na raw kapag ako lang mag-isa at may mase-sense na akong something na mangyayari, I know what to do. Thankful naman ako kasi ang laking tulong nun sa akin.
Matagal na naming kaaway ang grupo nina Theo. Tatlo lang naman sila eh. Theo, Torin and Zayn. Mga gwapo sana kaso mukhang ewan. I mean, not my type. Taga-ibang school sila but pareho lang kami ng edad. Nagsimula ang tensyon noong nalaman ni Theo na ang kapatid niyang si Avery, naging ex ni Jezz. Ito namang si Ave ayaw makinig ng explanation ng ex. Pinagbintangan pa niyang niloko raw siya ni Jezz. Lecheng babaeng iyon, alam naman naming hindi talaga magagawa ni Jezz iyon.
Iyan ang simula ng tensyon. Ito namang si Theo, napaka-narrow-minded. Ayaw rin makinig ng explanation sa kabilang panig. Kampi ng kampi sa kapatid at hindi man lang niya napayuhan ito.
Kilala na kami bilang warfreaks. Sa school nga ay ang pangit pangit na tingnan ng mga records namin. Ang boring kaya ng buhay kapag wala kang masuntok na schoolmate.
“Salamat, ah. Ingat ka baka abangan ka nung mga iyon sa kanto.” Bahagya akong tumawa at sabay tapik sa kaniyang balikat.
“Hindi ako takot sa kanila.”
Kumibit-balikat ako. “Alam ko.”
“Uhm, sige. Una na'ko, ah. Nagdidilim na eh. ”
“Oh, dalhin mo jersey mo bukas, ah! Iyong bagong laba para naman fresh! H'wag iyong amoy basahan!”
“Pucha, ang bango kaya ng amoy ng pawis ko.”
“Scam! Ang asim kaya!” I shouted.
Habang papalayo siya ng papalayo, panay ang kaway niya sa akin. Para talagang ewan to si Laikynn. Kapag kasama namin siya ay nag-aasta siyang parang bata pero kapag kalaban ang kaharap, parang tigre sa bangis talaga. Next time papaturo ako ng tips sa kaniya para doon. Ang cool tingnan eh.
Nang masarado ko na ang gate na malaki at mas matangkad pa sa akin (as in, nakakahingal tingalain) ay pumasok na ako sa loob nito. Nakasanayan na sa aming dalawa ni Lai na ihatid niya ako sa tuwing uwian. Disagree si Mommy roon pero payag naman si Papa kaya wala rin siyang nagagawa. Mapagkatiwalaan naman si Lai, eh.
Thirteen years makalipas nung lumipat ako dito sa mansion ay lumipat sa mas malapit ang pamilya nina Lai. Kaya ngayon ay nalalakad nalang ang distansya ng tirahan namin.
“I need to check my schedule. Baka pwede ko pang maisingit ang appointment ko sa kaniya... Yes, Fresca... Oh, no need to worry about that. Gustave will take care of the rest... Uh-uh... Alright. Just call me later if something goes wrong, Fresca.”
Dire-diretso lamang ang mga hakbang papunta sa malaking staircase papunta sa kwarto. Feeling ko kasi ang dugyot-dugyot ko ngayon kaya as much as possible, ayokong magpakita kay Mommy.
“Oh, you're here na pala, Gabriella.” Wala na, nayari na'ko. Slowly, I turned my gaze to her. “You should've greet me!” Lumapit ito sa akin at pinasadahan ang uniporme kong hindi nakabutones ang unang butones nito pero hindi naman nakikita ang dibdib ko dahil sa tube top na nasa loob nito.
“H-Hi, Mommy! I-I'm home!”
She shook her head probably in dissapointment kasi napagtanto kung gaano ako ka-dugyot tingnan ngayon. Kasalanan talaga ito ng grupo ni Theo eh.
Napasandal ako sa hawakan ng hagdan dahil bigla niyang inilapit ang kaniyang ilong sabay singhap sa damit ko. After that, she slightly wiped her nose with her finger at napangiwi. Oh di'ba, ang baho ko! “My goodness, Gabriella! You're seventeen na and yet, you still didn't grow up! You're still maasim as ever! Nakipag-suntukan ka na naman sa kanto 'no? Oh my gosh! Very stubborn woman!”
Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. “Sorry na My, huwag niyo po akong isumbong kay Papa, please!”
“Hah! The hell I won't? Your Papa has the right to know about this! I trained you to be a firm a woman but look at you now! You're sweat is everywhere! Sabi ko na nga ba at hindi magandang ideya ang ipasama ka roon sa totoy na iyon! My gosh, Gabriella!” She gasped exaggeratingly. Agad niya namang pinaypayan ang sarili para makasagap ng hangin.
Tinawag niyang totoy si Laikynn eh sigurado akong mas mahusay iyon makipaglaban kaysa sa kaniya Hindi ko nga alam kung may alam ba si Mommy sa self-defense.
“Eh, Mommy—”
“Don't” gasp “talk” gasp “to” gasp “me.” She sighed heavily. “Bukas na bukas, grounded ka.”
Napasuko na lamang ako. Knowing that tomorrow is Saturday.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro