Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter Nineteen

Nothing could ever beat the feeling of being treasured by someone. Despite sa lahat ng mga pag-aayaw sa akin sa ibang miyembro ng Auclair, there's still a person who wants me safe behind them all. And now it is the reason why my heart is filled with great happiness. Parang nung mga nagdaang araw lang ay bagsak ang balikat ko ngunit dahil kay Laikynn, sumasaya ulit ako.

Yes, he's able to do that. He is my person. The one who tells me that I'm his favorite all the time. Dati man o ngayon. Maliit na bagay man iyon sa iba ngunit ang paghahatid sa akin ni Lai pauwi upang masigurado ang kaligtasan ko ay sobrang laking bagay na sa akin. It is those small things that you feel like you can be a big person. You feel alive and strong.

Kaya naman, kagaya ni Laikynn, sobrang mahalaga siya sa akin. I can't imagine a life without him. Maybe, it would probably gray and dull. If I hadn't meet him, I wouldn't feel free. Wala akong kanlungan at hindi siguro sisigla ang puso ko ng ganito. He's forever be my best person as I am to him.

Nagtagal ang yakapan naming iyon ni Laikynn dahil ang dami-dami pa niyang sinabi. Hay, buti walang uhog na kasama ang kaniyang luha kasi ako ba naman ang nagpunas n'un. Para siyang bata kung humagulgol kaya lihim akong natawa sa aking isipan. Pero siyempre masaya ako na palagi siyang nariyan. Okay lang kung forever iyakin 'tong si Laikynn. Okay nalang kasi parang ganoon na yata siya habang-buhay eh.

Nung gabing iyon din ay nag-usap kami ulit ng mga kaibigan ko sa group chat at todo hingi nila ng sorry sa akin. Wala naman talaga silang kasalanan e. They feel sorry for being weren't there pero sa totoo lang, okay lang naman sa'kin kasi kaniya-kaniya naman kami ay may priorities. Tsaka pareho naman kaming lahat na hindi ginusto ang nangyari kasi kung nalaman lang nila na magkakaganoon pala, sigurado akong hindi naman nila iyon palalampasin at ipagtatanggol talaga ako.

“Shall we go now, Gabriella?”

Tumango ako kay papa nang makita niya akong kakababa lamang ng staircase. Birthday kasi ngayon ni mama kaya napagpasiyahan naming dumalaw sa cemetery kung saan siya nakalibing. Minsan lang naman kasi kami makakadalaw doon at tuwing birthday niya lang o death anniversary.

Kahit wala na si mama, nais ko pa ring mapuntahan ang lugar kung saan nakapahinga ang kaniyang katawan. Nais ko pa rin siyang puntahan kahit matagal na siyang namahinga sa mundo.

As usual, si Freska ang namili ng susuutin ko. Wala kasi talaga akong fashion sense. Kaya nga simplehan lang lagi ang pormahan ko sa tuwing may galaan kaming magbarkada. Palusot ko lang iyong ‘I prefer oversized shirts’ kasi madaliang pormahan e.

Ngayon ay nakasuot ako ng floral pinafore dress. Sa ilalim nito ay isang white long sleeve. Manipis lamang iyon at above the knee ang dress pero okay na. Atleast, hindi fitted kaya hindi ako naa-uncomfy. Pinaresan ko iyon ng flip flops at napagpasiyahan ko ring i-pontytail ang buhok ko.

“Have a safe trip, Gustave.” Tapik ni Tito Guillaume kay papa.

“Sure, bro. We'll came back after para mamayang hapon ay a-attend tayong dalawa roon sa meeting.”

Tumango si tito. “Fine. Isasama ko rin si Jacques because he can handle things better than me.” Ngumiti ito kay papa at bumaling sa akin. “Ingat kayo, Gabriella.”

“Sige po. Mauna na po kami.”

Tito Guillaume has an intimidating aura. Especially that he has small beards over his jaws, mas dumagdag iyon sa nakakatakot na aura but he is kind naman. Hindi ko nga alam kung bakit maldita si Séve eh mabait naman ang daddy niya but... okay naalala ko. Masungit rin naman si Mommy pero nilalagay niya naman sa lugar.

Alas nuebe pa lamang ng umaga nang pumanhik na kami ni papa gamit ang sasakyan niya. Hindi na kami nagpa-drive pa pero upang masigurado ang safety namin, may nakasunod na mga bodyguards niya. Nag-bake si Mommy ng pancake at cookies para daw babaunin namin ni papa sa biyahe. Siguro ay mags-stay kami ng matagal doon sa mausoleum ng mga ilang oras.

Mga thirty minutes din ang biyahe para makarating sa private memorial garden na kung saan nakalibing si mama. At pagkarating sa loob, kailangan pa naming dumaan sa pathway dahil medyo malayo nga sa entrance. Ilang sandali ang nalalipas, nakarating na kami sa isang concrete na para siyang bahay. It has rails around tapos may bubong din na may puting pintura. Medyo malaki rin iyon.

When mama died, si papa ang gumastos sa lahat. At gusto niyang masigurado na guarded ang kalalagyan nito para may privacy na rin ang mga dadalaw. Sa loob nito ay may bench na pang apat na tao lang yata iyon na nasa harapan ng burol. Marmol naman ang sahig at sobrang linis tingnan. Sa harapan naman ay ang isang malaking picture ni mama.

Lumapit si papa dito at ako nama'y naupo roon sa bench. “Your mama is beautiful.”

“Malamang, Pa. Nagmana kaya ako.” Lumingon si papa sa akin na may multo ng ngiti sa labi. “Ay hala, sa iyo pala ako nagmamana ng kapogian.”

He chuckled. Matagal niyang pinagmasdan ang malaking litrato ni mama. Alam kong katulad ko ay miss na miss niya na rin ito. Maraming taon na rin ang nakalipas simula noong mawala siya at simula n'un, talagang biglang nagbago ang takbo ng buhay ko. Akala ko dati, forever ko na siyang makakasama. Hindi ko aakalaing darating din ang panahon na lilipat at aalis din ako sa dati naming tirahan na kung saan ko unang nakilala si Lai.

Miss na miss ko na rin ang mga luto niya. Iyong pakiramdam ko na saka ko lang nagugustuhan ang isang pagkain kapag si mama ang nagluto.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si papa at naupo sa aking tabi. Ang tingin ay naroon pa rin sa litrato sa harapan.

“Pa, mabuti naman at hindi mo naisipang mag-asawa ulit? I mean di'ba, wala namang mali iyon at tsaka mag-isa ka sa mga nagdaang taon.”

Umiling siya. “I was never alone, anak. I have you and Bridgitte. Wala na akong mahihiling pa.”

“Alam ko naman po iyon, Pa. Ang sa'kin lang, hindi mo na nami-miss ang pagiging inlove? Tsaka simula ba nung nawala na si mama hindi ka man lang nagkagusto sa ibang babae?”

He formed his lips a line at hinawakan ang aking kanang kamay. “Anak, me and you mama didn't got married even though we wanted to... so bad. Pero kahit wala kaming banal na basbas, pinangako ko pa rin sa kaniya at sa sarili ko na iisang babae lang ang pangangakuan ko ng kasal at ano man ang mangyayari, hinding-hindi iyon magbabago. And, I promised your mama that I will marry her when the time is right. Anak, sobrang minahal ko ang mama mo. Sino ba namang hindi mapamahal sa kaniya? Bukod sa maganda, mabait rin. Maalagain, maintindihin, matiisin at higit sa lahat ay masipag. She's beyond my standards 'nak at wala ninuman ang makakapantay sa romatikong pagmamahal ko sa kaniya.”

Napangiti naman ako and at the same time ay nalulungkot. I'm so happy dahil naranasan ni mama na magkaroon ng lalaking katulad ni papa sa buhay niya. Papa loved her so genuine that even the time came that she's no longer alive, hindi pa rin naglalaho ang pagmamahal niya. Sobrang saya pakinggan dahil sa panahon ngayon, bihira nalang ang ganoong uri ng pagmamahal. Pagmamahal na hindi kumukupas at nananatili sa puso ng panghabang-buhay.

“Kaya po ba hindi kayo magkasama dati sa iisang bahay kasi hindi pa kayo kasal?”

“Oh, Gabriella. I could stay with her wherever we are lalo na't dumating ka sa buhay namin. It's just that, maraming humadlang sa pagmamahalan namin. At sa panahong iyon, sobrang vulnerable ko pa. It was never smooth, anak. At dahil doon, palagi siyang nasasaktan.”

***

Gustave Auclair

When I was still in college, there's this woman that my eyes couldn't take off. Fourth year college na ako n'un nang makilala ko si Aderina Figueroa. A secondary education student. Matagal nang alam ng mga kaibigan ko na gustong-gusto ko si Aderina. Mahabang buhok, bughaw na mga mata, matangos na ilong at manipis na labi. Simple lamang ang kasuotan nito tuwing nag-aaral pero hindi maitatago ang kaniyang angking ganda. I was fourth year that time and she was a twenty-year old first year student.

Hindi naman ako nahirapang ligawan siya. Alam kong sa pamilyang katulad ng mayroon ako ay nararapat na mag-settle sa babaeng may estado sa buhay at nakatira sa limpak limpak na pera at hindi ganoon si Aderina. But I didn't care about that. Alam ko naman na magiging successful siya dahil masikap siya sa pag-aaral. Tutulungan ko rin naman siya pagdating ng panahon kapag kami nagkapamilya na. And I'm so crazy for her for thinking about those things already even though manliligaw pa lang ako.

“Mahal na mahal kita, Gustave.”

Isang pangungusap na naghinto ng aking mundo. I was stunned for a bit at napansin niya iyon. Lumala pa iyo nang bigla siyang lumapit sa akin para halikan ang aking labi. It was after my graduation. Pagkagabi ay kinita ko siya at nilibre sa isang restaurant ng kakilala ni Papa. And her yes was the best gift for my graduation.

Months passed and our relationship was smooth. I'm now working at La Vie En Clair Hotels at dahil wala pang experience, nagsimula muna ako sa mababang pwesto at para maging fair na rin. Everytime Aderina finds something so hard lalo na sa mga schoolworks niya, tinutulungan ko siya. She was a working student before at nang mag-college ay nagpa-part time tutor para may pangtustos sa pag-aaral.

Inaamin ko, makalipas ang ilang buwan ay naging mapusok na kami sa aming relasyon. We did those intimate things that other couple does and we both think that it's okay. It was safe.

“Anong trabaho ng pamilya mo, hija?” tanong ni Mama nang isang dinner sa hotel na ipinakilala ko sa kanila ang nobya ko.

Kinakabahang umiling si Aderina. “P-Patay na po ang mga magulang ko.”

“So sinong nag-aalaga sa iyo ngayon, hija?”

“Mag-isa lang po akong nakatira sa aking apartment. Dati ho akong working student sa tiyahin ko pero nang nag-college ako'y tumigil na ako at naghahap ng ibang trabaho.”

Dahil sa narinig, halatang nag-iba ang timpla ni Mama. “Orphan broke child."

“Po?” mahinhing tanong ni Aderina. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang mga kamay dahil alam ko na agad kung saan hahantong ang usapang ito.

“Aderina, hija. Do you know that you're no good for my son? Look at you, poor and has no family. And I doubt if you could even finish college. And your course? Very mediocre. Walang yumayaman sa pagtuturo, hija. Kaya paprangkahin na kita, I want you to break up with my son as soon as possible dahil wala namang mapapala ang anak ko sa'yo. What would our colleagues say when they will know that an Auclair is marrying a dull woman?”

“Mama, enough! Why would you insult my girlfriend?” I clenched my jaws.

“I'm just being realistic here, Gustave. End your bullshit relationship with her and marry Gracia Markus instead!”

Halatang nabigla rin si Bridgitte sa narinig. “Mom, why would you want kuya to marry my best friend instead? He doesn't love her!”

“She can handle La Vie En Clair better than this poor woman right here. Mas deserving sa mga taong katulad ni Gustave.”

That's when our world began to go upside down. Matinding pagsubok. Dahil kapag sinabi ni Mama na ayaw niyang mangyari ang isang bagay, dapat itong masunod. Ganoon siya ka strikta. And she badly wants me to marry Gracia Markus. I have nothing against that woman. She's kind and approachable. It's just that, she's not someone I love.

Later that night, Aderina cried so hard in my arms. “Gustave, ayaw kitang iwan.”

I hugged her so tight. “Don't worry, Ade. Haharapin natin 'to. I will do anything to convince Mama that you're the one I want to marry someday. Please don't leave me. I promise, I will fight for us. And together, we will have a family and get married. Mahal na mahal kita, Aderina.

And yes, we both fought for our love. Aderina did everything to fit in our family. Despite of all the hates that my Mama gives her, she still cooks her foods at lahat ng iyon ay wala man lang kinain si Mama. Tanging kasambahay lamang ang nakinabang. Aderina couldn't do anything about it. Para sa kaniya okay na rin iyon atleast hindi tinapon. Nakinabang naman ang mga kasambahay kaya okay lang.

Ngunit dumating ang panahon na hinigpitan ni Mama ang pagbabantay sa akin. Ayaw niya na akong makitang kasama si Aderina. Bridgitte and Aderina got close eventually. Kaya naman, tinutulungan kami ng kapatid ko na makatakas. Ginagawa kong palusot ang paglabas kasama si Bridgitte ngunit ang totoo ay tutungo lang ako kay Aderina.

There were sleepless nights because of cries. Ang dami naming pinagdaanan ni Aderina. But despite of all of it, my mind is still the same. Siya lang ang pakakasalan ko. Hanggang sa nagtagal ang tagong relasyon namin ng dalawang taon. We were happy and afraid at the same time. Pero ganoon naman talaga kapag nagmamahal di'ba, may halong takot. Ngunit handa akong lagpasan iyon makasama lang si Aderina.

Nagpatuloy ang aming mapusok na relasyon. Hanggang sa nagising na lamang kami isang araw, nalaman namin ni Aderina na magkakaanak kami. Aderina got pregnant at her third year in college. We were both shocked by the news but there was happiness in my heart. The child is made because of our love.

“N-Natatakot ako, Gustave. Hindi pa ako tapos mag-aral at hindi ko alam kung kaya ko ang gastusin.”

I kissed her forehead. “Aderina, hindi ka nag-iisa rito. Your man is not unemployed. May pera ako, Aderina. Iyong ipon natin para sa kasal natin, maaari natin iyong gamitin pansamantala para sa anak natin. Mag-iipon nalang ulit tayo pag kaya na natin ulit, hmm?”

There was a tear fell in her eyes. And it hurts me so bad seeing her like that. Kung sana lang ay kaya kong pawiin agad lahat ng kalungkutan sa puso niya. But now, I still has nothing to offer. Only my love for her. “Natatakot rin ako para sa'yo... Alam kong hindi ito magugustuhan ng pamilya mo, Gustave.”

Again, I dropped kisses to her. “Don't worry about it, okay? Basta, we'll do anything for the baby. We will let her or him live.”

Tumango ito sa akin. Damn, I am so lucky to have a woman who's very strong at everything. Mas lalo ko tuloy siyang minahal. I'm very excited to see the baby. At the first weeks, we visit OB Gyne secretly. Nagpatuloy pa rin naman siya sa pag-aaral niya. At ang tanging may alam lang tungkol sa magiging anak namin ay si Bridgitte.

Me and Aderina doesn't want to hide the baby forever kaya naman, inamin ko rin sa mga magulang ko na magkakaanak ako. Gaya ng inaasahan, hindi nila nagustuhan iyon. Mama almost got a heart attack and there was an evident rage in her eyes. Galit na galit rin ang Papa.

“Napakababoy niyo! Gustave, paano mo nagawa ito sa akin? Wala kang utang na loob!” Mariing singhal ni Mama sa akin matapos akong sampalin.

“Umalis ka sa pamamahay na'to! You are a big dissapointment and a shame! Simula ngayon, wala na akong anak na nagngangalang Gustave!”

Tanging si Bridgitte lamang ang umaalu sa akin and I thanked her for that. Marami pang masasakit na salitang binato sa akin si Mama at lahat ng iyon ay tiniis ko. This is for my future family. Sobrang lupit nga ng mundo. I cried hard in my sister's arm when they decided to disown me. Lalo na nung dumating ang araw na nag-freeze ang accounts ko. Hindi pa masyadong mataas ang pwesto ko sa hotel kaya naman nahihirapan akong ipagkasya iyon sa amin ni Aderina.

I told her to stopped working for a while dahil mas makakabuti iyon sa baby. Tinaboy ako ng mga magulang ko. Now, I have to live with Aderina in her tiny apartment. Maraming gastusin sa check up ng bata kaya napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Laking pasasalamat ko pa rin kay Bridgitte dahil binibisita niya kami sa apartment at nagbibigay ng kaunting tulong galing sa allowance niya.

Aderina suffered because of me but she never complained about it. She never blamed me for everything that happened in our life. She was with me all along and I felt guilty because she has to stop studying. Nagdaan ang ilang buwan ay hindi na nga ako hinanap ng mga magulang ko. Only Bridgitte was there for me.

Hanggang sa nanganak na si Aderina. I was the happiest man alive the moment I caressed the tiny baby girl. We named her Gabriella Adrienne. Except her mother, she was the most beautiful thing that I had. Mas lalong tumatag ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa.

Dumating ang araw na na-promote ako. Unti-unti akong tinanggap ulit ng pamilya ko. Ngunit ganoon pa rin ang tingin nila kay Aderina kay wala pa rin sa akin. However, I had to leave the country because of work. Malaking bagay ito sa akin dahil makakatulong ito para makaipon ng malaking pera. Through this, I could make my family live in a better place that they deserve. Nais ko ring pag-aralin si Aderina kapag kaya na ng katawan niya.

Ulit, tiniis niya na wala ako. Tumagal iyon ng dalawang taon na nakatira ako sa France kasama si Bridgitte. Doon na rin kasi siya nag-aral. And everything went as planned. Nabalik na sa akin ang mga pera ko and I was beyond happy. Sa tulong n'un, I provided Aderina and my daughter everything. I was financially responsible. Nakabili na rin ako ng Penthouse at doon ko planong ititira ang mag-ina ko.

Ngunit nawala bigla si Aderina. She got into an accident that broke me into pieces. She died... my love died. I didn't know what to do that time but Gabriella is my hope. Para sa anak ko, magpapatuloy ako. Nawala man si Aderina, mananatiling buhay ang aking pag-ibig para sa kaniya sa aking puso. Hinding-hindi ito mawawala. She's the only woman who was there with me through storms and sunshines. She was so strong and I love her for that.

I am so proud of her for raising our child alone while I was away for years. The day she left, I promised myself that I won't leave again. Hindi ko na iiwan si Gabriella. Mahal na mahal ko ang anak namin. She and Aderina resembles a lot. They're both beautiful. My most beautiful love.

Sometimes, I would ask myself. What would be my life would like if Aderina is still here? Siguro masaya kami ngayong titira sa Penthouse na binili ko. She will be financially successful and a very supportive mother to Gabriella.

I could never love someone else after her. Para bang itinatak na siya sa puso ko at tanging siya lang ang inaasam-asam nito. Even after years passed, my love never faded. I can say, death parted as apart physically but I can't my heart still belongs to her. To a woman who doesn't exist anymore.

It was so hard to accept our ending but I will hold her love for me forever. Aderina, when the time comes, we'll meet again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro