Chapter 17
Chapter Seventeen
“Ma tama na! Sinasaktan mo na ang bata!”
Tanging ang boses ni Mommy ang nakapagpakalma sa aking damdamin. Napayuko na lamang ako sa labis na kahihiyan. Unti-unti kong nilingon ang katabi ko at kagat-labi itong kagaya ko, nakayuko rin. Halatang kanina pa ito nate-tense dahil sa nangyayari sa amin. Pinisil ko ang kaniyang kamay na kanina pang nakahawak sa akin. Pasensya kana Lai at kailangan mo rin itong danasin. Wala naman kasing ginawa na mali si Lai. Nadamay lang siya dahil sa pagtulong sa akin.
“If that's the only way to teach this bruha a lesson then sasaktan ko siya! Ang problema kasi sa inyo ni Gustave, kinukunsinti ninyo ang pangit na ugali ng batang ito!”
“No, your disrespecting her! Why would you act that way, Ma? Pasensya na ha, yes you never asked Gabriella to stay in this house but I did! Because that's what I promised to her mother when she's still alive! At inaalagaan ko si Gabriella sa makakaya ko kasi mahal ko siya at tinuturing ko siyang parte ng pamilya.”
Ang kaninang punyal na nakadagan sa puso ko ay unti-unting nabunot dahil sa mga narinig ko kay Mommy. Napaawang ang bibig ko. She never talked about Mama ever since. Wala din akong alam na nangako siya kay Mama na siya ang mag-aalaga sa akin. I never knew about a story of Mama with them. Kahit si Papa, hindi nagkuwento ng ganoon.
Tila pati si Grandpa at Grandma ay napatigil. Si Grandma naman ay tila nabitin sa ere ang gustong sabihin kanina pa. Kitang-kita ko kung paano ito lumunok ng mariin. Binalot tuloy ng nakabibinging katahimikan ang buong silid.
“Ma hindi ko kaya ang ginagawa mo kay Gabriella. I've been witnessing her bearing all the words of people sorround us belittling her because of her shortcomings. Kasalanan namin iyon ng kapatid ko kasi maaaring nagkulang kami sa kaniya. But I hope you won't be mad at her again. Tsaka, now I have nothing against her friends.” Saka ito sumulyap kay Laikynn. “Especially that Silvestre kid.”
Grandma sighed heavily. “Ewan ko sa inyo. Basta sa oras na nangangailangan ng pinansiyal na tulong ang batang 'to, don't you ever go and seek for help to me.”
“Don't worry Ma. Me and Gustave can provide that for her.”
Todo hingi ko ng pasensya nang ihatid ko si Laikynn sa gate. Nagpresinta na rin si Mommy na ipahatid na lamang siya kay Kuya Darson para mas safe itong makauwi. Nang pumasok ulit ako sa Chateau ay nakita ko si Grandma na nagtsa-tsaa sa may counter top. Nais ko sanang lapitan para maghingi ng sorry pero kitang-kita ko naman ang pagngitngit ng paningin nito nang makita ako.
Hay, okay. Huwag nalang. Baka ma-heart attack pa iyan kasi kanina pa iyan stress na stress sa akin. Edi ako pa ulit maging masama. 'Di bale na, si Mommy na lang ang kakausapin ko mamaya.
Nang mag-dinner na ay tanging mga tunog lamang ng kubyertos ang maririnig sa dining area. Wala niisang magsalita. Ni sina Tito Damien, Tita Clementine, at Kuya Jacques ay parang nagkaroon din ng pakiramdam dahil sa ambiance ng hapag kainan. And this is all because of me. Lagot na lagot na naman ako kay Daddy neto. Tsaka grounded daw ulit ako sabi ni Mommy kanina.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Kitang-kita ko pa kung paano ako sinipat ni Fabbiene. Hay, itong babaeng ito ang kasalanan kung bakit nami-misinterpret nina Grandma ang hindi ko pag-uwi eh. Kung 'di lang sana siya bida-bida at nagsinungaling pa kagabi, hindi sana heavy ang Chateau Auclair ngayon.
Abala ako sa pag-aayos ng sarili para sana matulog na nang biglang may kumatok sa aking pintuan at kalaunan ay bumukas rin. Bumungad sa akin sina Mommy at si Papa na halatang kakauwi lang galing sa business trip niya sa Zamboanga.
“Papa!” Parang napawi lahat ng nakabagabag sa akin nang tuluyan ko siyang mayakap. Niyakap rin niya ako ng mahigpit. Ilang sandali lang ay pareho kaming kumalas sa pagkayakapan.
“Kamusta ka, Gabriella?”
Nilingon ko si Mommy na prenteng nakaupo sa edge ng aking higaan. Napalunok ako. “Medyo ayos lang naman po, Mommy. Salamat nga po pala kanina. Tsaka sorry na rin po kasi nadamay ka pa sa gulo ko."
She smirked at me. “You mean, gulong gawa ni Fabbiene?”
Napaawang ang bibig ko roon. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Papa.
“Kausapin mo nga iyan si Damien, Kuya. Napa-brat niyang Fabbiene na 'yan. Matagal na talaga akong nagtitimpi sa kanilang dalawa. Sus, isa rin iyang si Clementine.”
“Kumalma ka, Bridgitte. Ang sungit-sungit. Ganiyang mukha ba ang ibubungad mo sa asawa mo bukas? Naku, pangit.”
What? Uuwi bukas si Tito Guillaume?
Mukhang napikon si Mommy sa pang-asar ni Papa dahil tumayo ito at binato si Papa ng throw pillow.
“Isa ka pa, sipain kaya kita palabas!”
“Sige, babawiin ko yung Fendi bag mo?”
Napairap nalang ako sa kawalan. Para silang mga bata hays. Kaya naman naupo na lamang ako sa aking higaan. Binalingan naman ako ni Papa ng tingin. Sumeryoso na ito.
“Anak, I heard about what happened. Your Mommy told me everything. I'm sorry if I wasn't there to defend you. I wasn't able to protect you earlier. If I only knew na ganoon ang mangyayari, sana hindi nalang muna ako tumuloy sa Zamboanga.”
Pilit akong ngumiti. “Naiintindihan ko naman, Pa. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo,” sagot ko rito sa gumagaralgal na boses. Well, inaamin ko nga na na-miss ko siya. He was always there to listen to me ever since Mama was gone.
He squatted to equal my gaze. “Pasensya na nak, ha? Maraming pagkukulang si Papa sa iyo. Hindi ko naman ginusto ang mga nakakalungkot na pangyayari sa iyo. I always wanted to protect you because I love you so much. Pero huwag kang mag-alala. From now on, I will always keep myself closer to you, anak.”
“Thank you, Pa. Mahal na mahal ko din po kayo.”
“Hay, kung hindi ba naman kami sinabihan ng kasinungalingan kagabi noong pamangkin mong magaling, Gustave. Akalain mo, nagawa niyang ipaiwan doon sa eskwelahan si Gabriella sa ganoong oras. Naku, buti nalang talaga at tinanong ako ni Prescila na nakita ka niya kagabi at wala na raw kami sa lugar. Todo hanap ako sa'yo, bata ka.”
Ngumuso akong humarap kay Mommy. “Sorry na, My. Pero doon lang din naman ako sa Penthouse ni Papa dinala ng mga paa ko kagabi.”
“Nag-commute ka ng ganoong oras, anak?” singit ni Papa.
Umiling ako. “Hinatid ho ako ni Laikynn.”
Suminghap si Mommy na sobrang exaggerated. “Oh my goodness, Gabriella! You went to a hotel with a guy?!”
“Mommy, hinatid niya lang ako hanggang parking lot kaya huwag kayong overreacted diyan, Mommy. Grabe ka naman sa'kin,”
Papa only chuckled. That night I told him to sleep beside me. Si Mommy naman ay lumabas rin kaagad dahil maaga raw siya bukas para sunduin si Tito Guillaume. Sayang nga raw at hindi man lang nito naabutan ang pageant ni Séverine.
Nakayakap ako sa mga bisig ni papa habang natutulog. He also assured me na hindi ako grounded bukas. Siya na raw ang bahala na magkumbinse kay Mommy na huwag nang ipatupad iyon.
Nang mag-sabado ay dumating si Tito Guillaume galing France. Tuwang-tuwa naman si Grandma kasi sobrang close din nila ni Mr. Guillaume Beauséjour. He is pure French. Mommy met him at France before when she's already working there for experience kasi fresh graduate siya. Kapag tumingin ka rito ay kitang-kita ang pagka-banyaga nito. He's so tall. Matangkad si Mommy pero hanggang balikat lamang siya nito. He was also good-looking. Akala ko nga noong una ay hindi alam kung paano mag-tagalog pero marunong naman pala.
The Beauséjour family went on a date on Sunday. Hindi ko alam kung saan sila pumunta basta family date nila iyon. Habang kami naman ni Dad, abala sa panonood ng action movies sa living room. It was action-comedy old movie at umiingay ang buong sala dahil sa tawa naming dalawa.
Pagkarating naman ng hapon, inaya ako ni Papa na kumain sa labas. It wasn't a restaurant. Doon lamang kami sa unahan ng Chateau na may nagtitinda ng sisig. Feeling ko tuloy, na-recharge ang energy ko dahil pinagaan ni Papa ang mood ko.
***
“Pare, close pala kayo noong pinsan ni Gabi?”
Narito ulit kami ngayon sa basketball court. May naglalaro na estudyante sa harapan kaya narito lamang kami sa bench. Nakaupo kaming tatlo habang si Callum at Lai naman ay magkaakbay na nakatayo at nakasandal sa railings.
“Huh?” taka kong tanong.
“Di'ba Callum inaya pa nga iyan ng date nung una,” ani Jezz.
“Woah, so there's something between the both of you now, pre? Akala ko ba...”
Bago pa man madugtungan ang sasabihin ni Vio ay pinutol na ito ni Lai. “Hindi naman kami magdi-date. Sasamahan ko lang siya."
“Edi parang date pa rin. Siyempre, kayong dalawa lang ang magkakasama n'un," wika ni Jezz.
Inangat ko ang tingin ko kay Lai. “Ikaw ah, duma-damoves kana sa pinsan ko.” I shrugged. “Sino ba namang hindi magkakagusto roon, di'ba guys? Kaya hindi na ako magugulat dre kung isa ka rin sa mga lalaking may crush sa kaniya."
“Bati ba kayo n'un?” tanong pa ni Callum.
“Minsan Oo minsan hindi. Okay lang naman siya sa'kin kahit medyo tumatagilid ang ugali minsan. Kesa naman kay Fabbiene na tagilid talaga lagi.”
Kinwento na naming dalawa ni Lai ang nangyari sa amin noong hinatid niya ako pauwi sa araw na iyon. As expected, nalungkot sila para sa akin. Si Callum naman, ngingisi-ngisi. Instan meet-the-family daw, unexpected. Ewan ko kay Callum puro kalokohan lang nasa isip.
Tumikhim si Lai. “Gabi, okay lang ba sa'yo?"
“Oo naman! Lovelife mo 'yan, dre. Sana huwag mausog.”
Kitang-kita ko naman kung paano bumagsak ang balikat ni Callum sa 'di malamang dahilan. Bumulong pa ito sa sarili. “Pucha, lumulubog ang barko ko.”
Rinig iyon ni Vio panigurado dahil tumayo ito at tinapik ang balikat ni Callum.
Sa araw na iyon naganap na nga ang second date ni Lai at ng crush niya. Ang torpe naman, imbes na siya ang mag-aaya sa crush niya ang nabaliktad pa. Hina naman, Laikynn. Pero sigurado naman akong may clue na si Séve na crush din siya ni Lai kasi hindi naman ito dumi-decline sa mga aya niyang date. Hay, buti pa sila masagana ang lovelife. Tuloy narealize ko kung gaano kasaklap ang buhay ko. Sa tanang buhay ko, wala pa akong naging jowa o fling. Wala rin namang nanligaw sa akin sa pag-aakalang tibo ako.
Ngayong hapon magaganap ang date nina Lai at Séve. Kaya naman nang mag-dismissal na, una itong nagpaalam sa akin bago sa iba naming kaibigan. Nalungkot tuloy ako ng medyo. Ibig sabihin ay hindi ko siya makakasama sa pag-uwi. Hay, ang boring naman.
“Gabi, hatid na kita pauwi!”
Lalakad na sana ako palabas ng classroom nang biglang lumitaw si Callum.
“Ha? huwag na dre, itetext ko nalang driver namin para masundo ako.”
“Sure ka? Ibinilin ka pa naman ni Lai sa akin. Ang gago, binigyan pa ako ng singkwenta kasi ibibili raw kita ng kwek-kwek sa labas dahil paborito mo raw iyon. Siyempre, pera na eh edi pumayag na'ko!”
“Nasaan ba sila Jezz?"
“Si Jezz, hinatid muna ang jowa niya pero babalikan daw yata tayo n'un. Si Vio naman, nagmadaling umuwi kasi dadawalin daw ang yaya nilang na-ospital.”
Nagkibit-balikat na lamang ako. Lumabas na kami ni Callum nang biglang tinawag ito ng teacher dahil may iuutos daw. Ayon tuloy, hinintay ko siya at inabot yata siya ng ilang minuto bago makabalik.
“Sorry na Gabi ah, inutusan pa ako ni Ma'am na i-arrange mga dokumento roon. Hays, nahuli tuloy tayo.”
“Hayaan mo na, malapit lang naman. Huwag nalang tayong mag-kwek-kwek para di kana ma-late sa pag-uwi. Sa'yo na rin iyang pera na bilin ni Lai. Salamat nalang.”
Magaan din naman kasama si Callum. Katulad ni Lai, komportable rin ako na kasama siya. Pero ang gulo. Pareho ko naman silang kaibigan pero ngayong di ko kasama si Lai ay parang nakakaramdam ako ng kulang sa dibdib ko. Hindi ko man lang maisip kung ano. Siguro dahil iyon sa nasanay na akong nariyan siya lagi.
Oo tama, ganoon nga. Gabi, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano!
Habang nasa daaanan, nag-uusap lamang kami ni Callum at nang makaraan kami sa isang tahimik na parte. Nagsitayuan ang balahibo ko nang makitang may dalawang di kilalang lalaki ang nasa daanan. Siniko ko agad si Callum nang maramdaman ko ang malagkit na titig ng mga ito sa katawan ko. Partida, naka-jeans na nga ako at t-shirt, parang ini-imagine pa rin nilang hubad ako!
“Balik nalang tayo, Callum. Putcha may mga gago sa daanan.”
Nakakunot ang noo nito at hinila ako sa kaniyang tabi. Kaya naman, siya na ngayon ang nasa direksyong malapit sa mga lalaking iyon.
Nanginginig ako habang naglalakad at hinawak naman ng mahigpit ni Callum ang braso ko para pakalmahin. Mas lakong nagharumentado ang aking dibdib nang makadaan kami sa kanilang direksyon, biglang sumipol ang isang lalaki.
“Ang puti naman ng mga braso niyang kasama mo, pre.”
Rinig kong sipol noong isang lalaki.
“Chicks oh!” Dagdag pa noong kasama niyang gago rin. Mas lalo akong nanginig nang magsimula itong maglakad papunta sa amin.
Lumunok ako ng mariin. Putangina, first time ko maganto. Callum cussed under his breathe. Hinila niya ako para idikit sa kaniya at sapat lamang para itago ako.
Ngunit huli na ang lahat dahil bigla itong lumapit sa amin at akmang hahawakan rin ako. I guess my adrenaline rush was fast enough kasi sa puntong hinaplos niya ang balikat ko, agad akong napalingon sa kaniya at inuhan siya ng suntok sa gilid ng kaniyang bibig.
“Naku, lagot na!”
“Pakipot ka pa ah!” Galit na sigaw nung isang lalaki at akmang sasakmalin na sana ako kaso natulak ito ng malakas ni Callum.
Kahit halatang takot na takot, nakipagsuntukan rin si Callum sa lalaking kasama nito at galit na galit nitong pinaulanan ng sipa at suntok ang lalaking bastos. Ako naman, akmang lalapitan ulit ng isa at sinubukan kong umiwas ngunit huli na ang lahat.
Hinatak ako ng lalaking iyon at kinorner sa pader. Hindi maiwasang tumulo ng luha ko sa takot lalo na ngayong sobrang lapit na niya sa akin.
“Pakipot ka pang babae ka ha. Matitikman rin naman kita,” bulong ng lalaki at inilapit pa ang mukha sa akin. Amoy na amoy ko tuloy ang alak sa hininga nito. Tangina ang baho!
Putangina, gusto ko lang namang umuwi ng matiwasay eh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro