Chapter 16
Chapter Sixteen
Siguro sasabihan ako ng mga tao na natuwa naman agad ako sa mumunting gawaing pinapakita ng tao sa akin. Siguro nga ganoon ako, kumbaga tulad ng tinatawag nilang ‘bare minimum enjoyer’. Pero kasi, naglalaan lang talaga ako ng oras para i-appreciate ang mga nagawa ni Lai sa akin. As a friend, he's more that what you could ask for. Pero para sa akin, Lai isn't being a bare minimum. Mababaw na't mababaw pero sobrang nag-matter talaga sa akin ang pag-iingat niya sa'kin.
“H'wag mo na'kong ihatid. Kasama ko sila Séve.”
Kumunot naman ang noo nito. “Huh? Eh nakauwi na kaya sila. Sabi nga nung Fabbiene ay nauna kana raw umuwi. Uuwi na rin sana ako kaso nakita agad kitang nakita nung natapilok ka.”
Napahinto ako sa narinig. “Nakauwi na sila?”
“Oo. Kakauwi lang.”
Napatigil ako at napakagat sa pang-ibabang labi. Bakit naman iyon gagawin ni Fabbiene? Eh nagpaalam lang naman ako para mag-CR saglit at hindi naman ako nagsabi na mauna na'kong umuwi. Ano yun, arte lang? Hindi na sasabay at mag-sosolo lang kahit gabi na? Nauntog yata yung babaeng iyon eh!
“Sabi pa nga niya, tin-ext mo raw siya at sabi, sa penthouse daw ng papa mo ikaw matutulog. Maniniwala na sana ako nung una kasi hindi naman kita nakita agad kaso nang mga ilang sandaling nakaalis sila ay nakita naman kita. Putcha dre, akala ko pa nga minumulto na'ko ng kagandahan mo eh.”
Sinuntok ko siya ng mahina sa tiyan. Napangiwi ito sa sakit. Arte, mas higit pa nga yata diyan inaabot mo sa pakikipagsuntukan eh. “Aray naman! Kung makapanakit, parang di kaibigan, ah!”
Nag-smirk lang ako. “Oh siya, salamat nga pala at narito ka. Ang lamig-lamig kaya, iniisip ko tuloy kung paano ako makakauwi ng ganto kadilim. Kanina pa yata nagsialisan mga namamasada eh!"
Kanina pa kasi natapos ang pageant kaya malamang sa malamang ay nagsiuwian ang mga pampasaherong sasakyan. Alangan namang tatambay sila dito eh wala pa namang planong umuwi itong mga nagsasayawan dito ngayon.
“Huwag kang mag-alala, Gabi. Pinahiram ako ni papa ng motor. Grabe kung alam mo lang kung gaano ako ka-pogi pag nagda-drive.”
Hinatak niya ang kamay ko palabas sa lugar na iyon at nagpatianod lamang ako. Malaking pasasalamat ko at pinahiram niya ako ng jacket kasi para na akong taga-north pole sa lamig ngayon. Shit na shit talaga!
“Sus, nag-18 lang sobrang hangin na! Hintayin mo'ko mag-18 dre mas gagalingan ko pa mag-drive kesa sa'yo. Kahit pa race car gamitin ko. Tamo, mababawasan iyang angas mo.”
“Sabi ng babaeng sumesemplang sa bike.”
Dahil sa sinabi niyang iyon ay kinurot ko siya sa tagiliran. Napangiwi ulit siya sa sakit. Lakas din ng saltik nitong lalaking 'to eh. Kamangha naman, sa kabila ng sobrang lamig ng paligid ay nagawa niya pa ring pakuluin ang dugo ko at painitin ang ulo ko.
Iginiya niya ako sa parking space sa harapan ng campus namin patungo sa kung saan nakapwesto ang kaniyang motor. Sumulyap ako doon sa pinagpwestuhan ng SUV namin kanina at totoo ngang wala na ito roon. Hays, iniwan nga talaga nila ako dito na para bang wala lang.
“Umayos ka ah, kapag talaga tayo lumipad sa kalsada friendship over na tayo, tandaan mo 'yan.”
Matapos nitong itali ng maayos ang aking buhok at lagyan ako ng sumbrero, ngumiti ito. “Yes po, boss! Makakaasa ka po sa'kin.”
“Doon mo nalang ako sa penthouse ni papa ihatid. Ayaw kong makita sa mansion ang pagmumukha nung Fabbiene na iyon eh.”
Kumibit balikat si Lai. “Okay. Bukas balik ulit ako, ah. Ililibre kasi sana kita kaso sobrang late na. Need mo na matulog kasi kitang-kita kona eye-bugs mo eh.” Pagbiro pa nito na inirapan ko nalang.
Pagkatapos nun ay pumihit na kaming pareho sa kaniyang motor. Talaga ngang ayaw niyang makipag-friendship over sa akin kasi sakto lang ang bilis ng kaniyang pagda-drive. Hindi rin ito nag-overtake at tahimik lang sa buong biyahe. Talagang focus na focus ito. Samantalang ako, todo kapit sa kaniyang bewang dahil sobrang lamig talaga ng hangin. May ilalamig pa pala ang hangin. Feeling ko tuloy, para na akong isda sa freezer na nakalagay sa lalagyanan ng ice cream.
Safe na safe kaming nakarating sa La Vie En Clair kung saan at the same time ay narito ang building ni papa. Bumaba na ako at binalik ang jacket sa kaniya. Na-guilty ako eh, narealize kong siya ang mas nahahanginan sa daan pero siya pa itong hindi nakasuot ng jacket.
“Salamat dre, ah. Hinulog ka ng langit!"
“Kumbaga, ako yung fallen angel. Pogi, eh. Sinagip ka pa kanina. Oh di'ba, perfect package!”
Napailing nalang ako sa kahanginan nito. Parang tinuruan pa yata ito ni Callum eh dahil nahawa na ng tuluyan. “Tsk. Sige na, umalis kana. Gabing-gabi na oh.”
“Hala, tinataboy ako oh!”
Sinapak ko ito ng mahiha sa braso. “Tarantado. Pinapauwi kita kasi sobrang gabi na. Oh siya, aakyat na'ko. Basta, mag-ingat ka sa pagda-drive kundi babalian kita talaga. Chat mo'ko kapag nakarating kana sa bahay niyo nang mapanatag ako.”
Puro tango lang ito sa akin. Pinanood ko pa itong umalis sa harapan ko nang masiguradong nakauwi na nga ito. Saka lamang ako umakyat sa elevator patungong building ni papa. Min-essage ko na rin si papa pagkarating ko na narito ako sa penthouse niya nang hindi na magulat si Kuya Carlo kung ba't may tao sa loob.
Lai:
nakauwi na po ang pogi. :)
Gabi:
oki, salamat at goodnight
Saka lamang ako nakapag-desisyung matulog na after mag-chat sa akin si Lai na nakarating na raw ito sa kanila. Sa kabila ng magulo at nakakapagod na araw na iyon, himala pa rin yata at nakatulog pa rin ako ng matiwasay sa buong gabi.
***
Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Kung hindi lang dahil sa maingay na notifications mula sa cellphone ko ay hindi talaga magigising ang diwa ko. Habang kusot-kusot ang mga mata ay sinikap ko pa ring tingnan kung saan nagmula ang mga iyon. Iyon pala, hindi ko na-off ang wifi kaya todo notify ang messenger ko. Ang ingay! Sarap ihambalus dito sa bintana eh.
Gabi pogi:
ingay nyo natutulog yung tao dito
Gwapong HOEman Lai:
uyy finally gising na ang mahal na reyna!
c4llÙm pØgi Typ1ng$:
gabiii, labas kana at gagala tayo.
Charismatic Vio♡⌓♡:
we're already here waiting for you, gab. Nasa parking lang kami kasi di namin alam asan building mo :)
Napamura naman ako sa nabasa. Lintek naman oh, walang warning! Well, naalala ko nga pala ang sabi ni Lai sa akin. Babalik daw siya para ilibre ako pero di ko naman alam na ganito kaaga!
Ayon tuloy, di na ako nakaligo sa sobrang pagmamadali. Tanging hilamos lang at bihis agad. Wala na akong ibang nahablot kundi iyong t-shirt na black at tsaka ripped jeans. Dali-dali ko ding sinuot ang sneakers ko mula sa cabinet. Tinali ko nalang din ang buhok ko para di makalat. Ang baduy ng pormahan pero bahala na!
“Hi Gabi! I miss you na bebe namin.” Unang tumakbo papalapit sa akin si Callum at halos masubsob pa kaming pareho sa bigat niya. Kasunod naman niya ay ang iba pang mga damulag. Todo tawa tuloy ako kasi para silang mga sira.
Matapos ang aming yakapan session, kumalas na sila sa akin. “Naghintay ba kayo ng matagal?”
“Hindi naman, hindi halata," pagbibiro ni Callum.
“No Gabi, we were just early kasi Lai told us that you miss us na. Well, miss na miss kana rin namin," wika ni Vio.
Todo kamusta sila sa akin kasi mula nung nag-foundation week ay hindi na talaga namin nakikita ang isa't-isa. Well, pwera lang kay Lai na palagi kong nakakasama kasi kusa naman itong pumupunta sa akin kahit di ko sabihan.
“Guys, I think kailangan na nating umalis. Handa na ang sasakyan.”
Nagulat naman akong napatingin kay Jezz. “Sasakyan?! May lisensya kana pala?”
Tumango lamang ito. “Uh yes. Mahirap makipag-date na walang sariling transpo eh. Hassle masyado tsaka, maraming bumabastos sa girlfriend ko kapag sa jeep at tricycle kami. Tsaka, pinayagan naman ako ni Dad.”
Napailing naman si Lai. “Naks, iba talaga pag mayaman."
“Tumahimik ka diyan bro, para namang di ka relate kay Jezz eh pareho lang naman kayo. Kaka-18 lang atat na si Lai magka-driver's license eh!”
“Basta ako eto lang, tahimik ang buhay," sambit ni Vio na nakasandal lang sa sasakyan ni Jezz.
“Aba malamang, wala kang jowa na mai-date eh. Kami lang naman nakakasama mo sa galaan.” Humalakhak si Callum.
“Shut up, bro. Ikaw nga todo habol nung muse ng HUMSS eh hindi ka naman pinapansin. Mas malala pa nga yata iyang sitwasyon mo kesa sa'kin, eh!" Todo tawa kami ng halata sa mukha ni Callum na namumula na ito sa inis.
Sa araw na iyon ay si Jezz ang naging driver naming lahat. Katabi niya naman ay si Vio dahil gusto raw nitong magpa-music. Sa aming lahat, si Vio ang may pinaka-magandang music taste. Backstreet Boys, Westlife, at ang bagong favorite niya naman ngayon ay Taylor Swift, at The Vamps. Iyong ginawa niyang playlist sa Spotify, kahit naka-shuffle ay no-skip pa rin.
Napunta kami sa isang lugar na hindi naman kalayuan na kung saan kitang-kita ang overlooking na mga bundok. Sobrang presko ng hangin dito at mayroon ding mga kubo na sobrang presko tingnan. Narito kami sa isang maliit na kubo na mayroong terasa. Sa lahat ng kubo na narito, ito ang nakapwesto sa pinakamataas kaya naman nakaka-trigger talaga ng fear of heights.
Nag-picture picture kaming lahat gamit ang phone ni Vio at akin. Aming dalawa lang kasi ang latest model.
“Ang sarap talaga kapag libre! Laikynn, Jezz, pagpalain kayo habang-buhay.” Tinapik ni Callum si Lai at Jezz sa kaniyang magkabila matapos niyang isubo ang kalahating hiwa ng pizza. Sinagot kasi ni Lai ang lahat ng pagkain. Nag-donate na rin ako ng kaunti. Pang-gas ni Jezz at dagdag doon sa nagastos ni Lai.
“Basta guys, ang ambag ko lang dito ay tiga-picture niyo at taga-edit ah.” Saka ito lumingon sa akin. “Gabi, post mo mamaya itong pictures mo. Sobrang angas mo dito eh.”
“Patingin!” Agad namang hinablot ni Lai ang phone ni Vio. “Oo nga dre, sakto pang group photo sa group chat natin!”
Nakasimangot akong hinablot ang cellphone mula kay Lai. “Gago, ayaw kong ibida ang mukha ko doon no! Para akong nakikipag-chat sa sarili ko!"
I saw how Jezz and others laugh. “Anyway, Gabi. Maganda nga ito. Sa iyo lang yata matino ang pagka-picture eh. Sa amin parang may halong sama ng loob.”
Abala kami sa pagtatawanan ang pag-aasaran sa loob ng kubo na iyon. Abala din ako sa pagkain. Mayroong pizza, dalawang bucket ng chicken wings na ni-request ko kay Lai kasi favorite ko, tsaka canned soft drinks. Huwag muna ang mga alak kasi magda-drive pa si Jezz pauwi. Tsaka, bawal pa iyon sa mga natitirang minor sa tropa namin. Ako at si Callum.
Nagtagal din kami ng ilang oras doon sa lugar na iyon. Kaya naman, nang mag-alas kwatro na ay napagdesisyunan na naming lahat na umuwi na. Balak ko na ring umuwi na sa chateau. Kaya naman, matapos akong ihatid ni Jezz sa hotel, nagpaiwan si Lai kasama ko kasi sasamahan niya raw ako sa Chateau. At siyempre, hindi nakatakas ang makahulugang tingin ng sira na si Callum.
Kaya ayon, kinuha ko muna ang mga gamit ko sa penthouse tsaka umalis na kami ni Lai. Pareho lang kaming nag-commute kasi ayaw ko namang abalahin pa ang butler namin sa Chateau.
Pagkarating sa gate ng Chateau ay halos manginig ang aking kabuuan nang makita si Mommy na nakahukipkip ang mga kamay sa tanggapan ng bahay. Na-sense siguro iyon ni Lai dahil sa biglaan niyang pagtapik sa balikat ko.
“Sasamahan nalang kita papasok sa inyo. Mukhang galit ang Mommy mo eh."
“Huwag na! Baka madamay ka pa kapag ako sinermonan niyan."
Ngunit hindi ito nagpatinag. “Hayaan mo na! Tutulungan lang naman kita magpaliwanang.”
Hindi nga kami nagkakamali. Dahil sinalubong kami ni Mommy sa gate at pinasadahan nito ng tingin si Laikynn.
“Both of you, come over.”
Napakagat akonsa aking labi. “M-Mommy...”
“Shut up, Gabriella! Dahil dito, grounded ka ulit!”
Laikynn exhaled beside me. Alam kong kinakabahan na rin ang isang 'to.
“Buong araw namin hinagilap kung nasaan ka pero makikita ka lang naming umuuwi na may kasamang lalaki? Gawain ba iyon ng isang matinong babae ha Gabriella? Ano baka gusto mong isumbong kita sa papa mo?”
“I'm sorry po, Tita. May pinuntahan lang po kami saglit ng mga kaibigan ko... hinatid ko lang po pauwi si Gabi.”
Naningkit ang mga mata ni Mommy sa kaibigan ko. Mas lalong gumuho ang mundo ko nang makitang magkasabay na sumulpot sa living area sina Grandpa at Grandma.
“Ah la vache! Ano na bang nangyayari sa hijang ito!” Dismayadong nakatingin sa akin ang Grandma.
“Masyado naman yata itong nagmana sa nanay niya!” Singit pa ni Grandpa. Nang umangat ang aking tingin ay nakita ko sa ibabaw bandang hagdanan na nakatayo roon sina Séve at Fabbiene. Pinapanood kung paano ako gisahin dito.
“Excuse me, Bridgitte. If Gustave couldn't teach this child a lesson, then let me be!" Iyon ang rinig kong sinabi niya bago dumapo sa aking pisnge ang kaniyang magaspang na palad. Napapikit ako sa dalang sakit niyon na pati si Lai sa aking tabi ay napasinghap sa gulat.
Shit, parang kanina ang saya-saya lang namin.
“Ito ba ang nakukuha mo sa pagsama-sama sa mga lalaki mong kaibigan? You're getting into our nerves! Ano ka, malandi? Pati kaibigan ay hindi marunong pumili ng matino! Baka nakalimutan mo, babae ka. We never wished you to be here! Kusa kang dinala ng ama mo dito!"
Napalunok na lamang ako nang i-figure out lahat ng sinabi niya sa akin. Ang mga salita nito'y parang punyal na unti-unti isinasaksak sa aking dibdib. Naramdaman ko naman ang kamay ni Lai na mahigpit na nakahawak sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang maluha. Hays, masaya na sana ako eh.
“Ma, tama na...” Akmang aawatin sana ni Mommy si Grandma pero hindi ito nagpatinag.
Lumapit ang babae sa akin ang dinuro ang aking kokote. “Ikaw, ang kapal-kapal ng mukha mo! Why can't you just be like Fabbiene and Séverine! Iyong mga pinsan mo? Ganda at gawi palang, walang-wala kana. Hinding-hindi mo sila ka-lebel. Kaya naman, kung ako sayo ay umayos ka. Tandaan mo, nakikitira kalang dito! I never asked to have a granddaughter like you. You are nothing. You have nothing to prove. Gabriella, you are nothing but a mere disappointment and a shameful Auclair.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro