Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter Thirteen

“Congrats, tol! Wuhooo!!!” Agad akong tumakbo papunta kay Lai at ginawaran siya ng yakap. Damang-dama ko ang kaniyang pawisan kaya napangiwi ako. Hindi pa rin siya mabaho kahit pinapawis eh. Ang unfair, pucha. Sana ako rin.

“Grabe ka kasi mag-cheer, tol!” Tapik niya sa aking balikat.

“Iyong isa diyan, inspired.” Makahulugang sambit ni Callum nang lumapit na sila sa aming direksyon.

“Yeah, we can't relate.” Lumingon si Vio sa kaniyang tabi at nasaktong si Jezz ang nasa kaniyang tabi.

“Ikaw lang. Ako meron.” Agad na depensa ni Jezz.

Hindi ko mapigilang mapailing sa kanilang lahat. Kahit kailan talaga, punong-puno ng kalokohan 'tong mga 'to eh.

Second day na ng foundation day namin at ngayong araw na ito ay ang game nila Laikynn. Pumunta ako rito para maki-cheer sa kanila. Si Lai ang MVP at sa bawat points na nakukuha niya kanina, halos mamatay-matay sa kakatili ang mga bababe rito. Dinaig pa akong kaibigan eh.

Pero siyempre nung naipanalo nila ang team nila sobrang natuwa ako. Sayang nga lang at hindi ako makasali. I always loved playing basketball dahil higit sa cool iyon, feeling ko mas nakakahanga ako kapag naglaro ng ganoon. Cool din kasi tingnan ang jersey.

“Okay lang iyan, dre. Sino nga ba naman tayo di'ba. Eto lang talaga ang purpose natin sa mundo. Ang makingiti sa relasyon ng iba.” Callum even glanced at me and Lai. Tinaas ko ang aking kilay.

“Nakaka-cringe, Callum. Sobra.” Umaktong nasusuka si Lai kaya sa ending, naghabulan sila kasi nagpapalitan sila ng sapak.

“May crush na si Lai pero feeling ko umaakto pa rin siyang parang bata.” Natatawang ani Jezz.

Bigla namang naintriga ang tenga ko roon kaya agad akong lumapit sa kanila. Bitbit ko ang tumbler ni Lai. “Ano? May crush si Lai? Sino?” Pangchi-chismis ko. Kahit na may clue naman na ako kung sino. Sasali pa nga ng pageant sa last day ng foundation day eh.

“Hindi mo ba nahahalata?” tanong ni Vio na kinangiwi ko.

Si Lai? May crush? I mean I've already heard it from Callum nung una pero hindi naman na iyon bago. Normal lang iyon pero ako lang yata ang walang alam kung sino. Hmph! Nakakatampo iyon, ah. Sa aming lahat, ako ang pinaka-close kay Lai at halos ipagdikit na kami. Sa mga panahong magkasama kami ay hindi naman siya nagsabi sa akin na may nagugustuhan na siyang babae.

Kung may gusto siyang babae bakit hindi niya nililigawan? Bakit parang wala lang naman sa kaniya?

“Hindi mo ba naaamoy?” tanong pa ni Jezz.

Ngumiwi ako at kaagad na umiling. Seriously?! Ako itong pinakamalapit kay Lai pero bakit hindi ko naman nararamdaman man lang na may nagugustuhan na siyang babae?

But come to think of it... Naalala ko pa nung una na sinamahan niya si Séverine sa isang restaurant at hindi na siya nakabalik nun sa school. Ni-hindi nga siya nakapag-text man lang sa akin na matatagalan siya sa pag-uwi. Hindi kaya si Séve ang gusto niya?

Naging laman iyon ng utak ko hanggang sa nakauwi ako sa mansion. Lutang na lutang ako kakaisip na baka nga si Séverine talaga ang crush ni Lai pero takot lang siya sabihin sa akin kasi magpinsan kami ni Séve tapos alam niya na hindi ko masyadong gusto ang ugali ng babaeng iyon.

***

Lumipas ang mga araw ay wala akong magawa. Hindi naman kasi ako maka-text sa kanila dahil abala sila para sa celebration ng pagkapanalo nila. Inaya sana nila ako para sumama pero hindi pwede kasi sure ako hindi papayag si Mommy. Kay Fresca pa nga lang parang tiklop na ako eh.

Lai:

goodmwwwwnngg!!!!

Gising naaaaa!!!

kung hindi to gigising agad bibigwasan ko 'to ng tubig :>

tao po :>

hai pi gising n b u?

ah ok.

ok lang ako istg ngl fr

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pag-notify ng cellphone ko. Hindi kasi ako sanay mag-mute tapos malakas pa volume nun kaya rinig na rinig ko talaga.

Humihikab pa ako at nagkukusot pa ng mata nang inabot ko ang aking cellphone galing sa side table ko. Buong gabi itong naka-charge at nang pagkagising ko ay puno na, saka ko na kinuha mula sa pagka-charge nito.

Nangunot ang aking noo sabay ng pagtagpo ng aking kilay nang makita ang mga messages sa akin ni Lai na pambungad sa umaga. Weirdo pero parang naririnig ko ang boses niya sa text niya.

Mga ilang sandali iyon bago ako nakapag-isip ng irereply.

Gabi:

Sige nga. Bigwasan mo kala mo naman takot ako sau.

Ingay mo ha daig mo pa si marites

Hindi iyon nakaabot ng ilang minuto nang tumunog ang messsenger ko at lumitaw ang tatlong dots roon hudyat na nagtitipa na siya ng reply.

Lai:

Kakagising mo lang? Kitang-kita ko kasi muta mo mula rito sa bahay eh.

Napangiwi ako roon. Minsan talaga hindi ko ma-gets itong si Lai. May mga pagkakataon na ang sarap niya kausap kasi seryoso naman pero may mga panahon na umiiral ang kadugyotan magsalita. Tsk. Anong kala niya sa'kin?! Nilinisan ko kaya mata ko bago ako nag-selpon.

Gabi:

Maligo ka na. Amoy na amoy ko baho mo rito kadiri sobra iw kaya walang babae nagkakagusto sa'yo.

Lai:

Oki lang di rin naman sila ang gusto ko hehe

Kumunot ulit ang noo ko sa kaniyang sinabi. Naalala ko na naman iyong inisip ko kagabi. Tungkol sa pagkakagusto nu Laikynn sa pinsan ko. Hindi ko sigurado kung siya ba talaga pero malakas ang kutob ko eh.

Hindi na ako nakapagtipa pabalik at nagtaka siguro doon si Lai kaya isang minuto ang nakalipas ay rinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Pangalan nu Lai ang bumungad roon na nag-text.

Lai:

Tara gala tayo hehe

Parang biglang kumislap ang message niyang iyon sa aking mata. Ito ang miss na miss kong gawin eh. Ilang araw na rin akong hindi nakagala and the last I went out, si Lai pa rin ang kasama ko.

Um-oo ako sa aya niya through text at agad nang tumayo para maligo. Excited na excited ako habang naliligo ako hanggang sa nakapagbihis na. Wala na masyadong panlalaking damit sa closet ko kasi pinalitan na iyon ni Fresca. Napag-utusan lang daw siya.

Kaya naman ay tanging cropped sleeveless blouse ang aking suot. Kulay black iyon at pinaresan ko rin ng kulay itim na ripped jeans. Feeling ko ang lakas makababae ng looks ko ngayon pero hinayaan ko nalang. Lagot ako kapag umangal ako 'no.

Pero hindi na ako naglagay pa ng kung ano-anong make-up dahil sagabal lang sa oras ko iyon.

“You gotta go to school now already? Ang aga, huh.”

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Mommy sa dining are doon sa may counter at nagkakape. Ngumiti lamang ako ng kaunti.

I admit it na hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanila ni Papa at hindi pa rin ako komportable rito sa Chateau. Sobrang tahimik kasi buti nalang at wala namang nagmumulto.

Ngayon ko lang naalala na hindi pala weekend ngayon tapos inaya ako ni Lai gumala. Bakit niya naman kaya ako aayain gayong nasa school si Séve at magpeprepare para sa pageant nila sa mamaya?

And speaking of Séve, kakaupo ko lang sa dining table habang hinahanda ng maid ang pagkain ko nang makita ko siyang humakbang pababa. May dala-dala siyang duffel bag at sigurado akong mga gamit niya iyon tsaka make-up. Rinig ko nga na siya lang daw ang magme-makeup sa sarili niya mamaya.

“Séverine, you have pageant later, right?” tanong sa kaniya ni Mommy.

Magalang siyang tumango. “Yes po,” sagot nito sa mababang boses.

“I am expecting high from you. Pupunta kami ng mga tito at tita mo mamaya sa school niyo to watch you, a’right? Goodluck, hija.”

Magalang itong tumango. “T-Thank you po.”

Ngumiti lamang si Mommy roon ng simple at pagkatapos nun ay bumaling ito sa akin. “Why don't you go to school together?”

Boom, deadball ka ngayon, Gabi.

Awkward akong ngumiti kay Mommy. “Eh kasi M—”

“I don't want to go with her. She can handle herself. That's what I know.”

Damang-dama ko ang tension sa dining area namin nung mga pagkakataong iyon. Malakas ang kalabog ng aking dibdib dahil kinakabahan na baka anytime ay awayin ako nitong pinsan ko.

Para mapigilan ang tension, nag-insist na lamang ako na maglakad nalang since malapit lang naman ang school namin mula rito sa mansion. Ilang hakbang lang ang kailangan ay makakarating na ako pero since hindi naman sa school ang pupuntahan namin ni Lai, mas naging madali iyon para sa akin.

“Ang ganda mo.” Bungad ng kumag sa akin.

I can't help myself to blush. Ewan ko ba kung bakit ganoon. Tapos ngayon ay pakiramdam ko nahihiya na ako kay Lai eh parang dati lang nilait-lait ko ang isang 'to.

Siguro dahil narealize ko na kahit anong lait ko sa kaniya ay talagang hindi magbabago ang fact na ang gwapo niya sa paningin ko palagi.

“Tsk, pinagsasabi mo.” Nagkunware akong natawa.

Pero nung ngumiti siya sa akin pabalik parang nilipad ang puso ko sa kung saan. Lintek bakit ako natutuwa! Sanay na ako sa ngiti niyang iyon dati pa eh! Why all of a sudden! Siguro kakaisip ko 'to sa kaniya kagabi about dun sa crush niyang di niya naman maamin sa akin.

Sobrang lakas ng heartbeat ko kaya patago kong hinihiling na sana hindi niya naririnig ang lakas nun dahil mag-alala pa siya eh lalapit siya sa akin. Mas lalong hindi ko iyon kakayanin.

“Tara na.”

Sabay na kaming pumanhik sa aming bike ngunit dahan-dahan lang naman iyon. Mahirap na baka tumilapon ako bigla sa kanal.

“Bakit nga pala bigla kang nag-aya na gumala?” Baling ko sa kaniya.

Ngumiti lamang sa akin si Lai. “Miss ko na rin gumala eh.”

“Bakit ako ang inaya mo?” kuryoso kong tanong.

“Bakit hindi ikaw?”

Habang nakahawak ako sa manibela ng bike, para namang nakipagkarera ang puso ko matapos nitong tumigil saglit. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti sa kaniya para hindi kami magiging awkward. Pero sa tingin ko ako lang naman ang nakakaramdam sa amin ng awkwardness.

Sobrang unfair ng mundo.

Nang makarating kami sa mall ay nakadikit lamang siya sa akin habang tumitingin ng mga paninda roon. Napadpad kami dito sa kung saan nagbebenta ng mga damit panlalaki. Sinamahan ko lamang siyang mamili ng gusto niya.

“Gusto mo rin ba bumili?”

I squinted my eyes while thinking. Actually wala namang problema kung magwaldas ako ng pera ngayon dahil malaki naman ang nilagay ni Mommy na pera sa bank account ko.

“Depende kung may matipuhan.” Tanging naisagot ko.

Gayon na lamang ang gulat ko nang hinablot niya ang mga daliri ko at pinagsiklop sa kaniya. Gusto ko sanang umangal pero parang nagugustuhan ko ang pakiramdam eh.

“Hintay ka lang dito, may bibilhin ako saglit.” He patted my head. Aba't parang ginawa pa akong aso ah. Pucha rin 'to eh.

“Saan ka ba pupunta? Iiwan mo lang ako rito?”

Lumaki ang kaniyang ngiti. “Luh? Siyempre hindi. May bibilhin lang talaga ako. Promise. ” Diniin niya pa ang pagkasabi nung huling salita niya.

I pouted pero hindi na ako umangal pa. Pumasok si Lai roon pabalik ngunit hindi ko na siya makita dahil nahaharangan ng mga paninda ang imahe niya. Ngunit hindi pa makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na agad ito sa kung saan ako.

May dala siyang isang paperbag na kulay black. Nakalagay roon sa harapan ang pangalan ng brand ng damit. Itatanong ko sana kung ano ang binili niya nang ibigay niya iyon sa akin.

“Ako ba padadalhin mo?” Paninigurado ko lang.

Agad na umiling si Lai. “Sira, hindi! Tingnan mo nasa loob tapos kunin mo dahil sa'yo 'yang isa.”

Tumango ako roon at sinunod ang sinabi niya. Nang tuluyan ko na iyong makuha, bahagyang umawang ang bibig ko nang makita kung ano iyon. It was a dark grey hoodie jacket.

“Woah,”

Kinuha ko iyon mula sa plastic na nakabalot para matingnan ko ng maayos. Tama nga ako. Isang hoodie iyon at may naka-print na maliit lamang na korean letters.

“내 사랑”

Iyon ang korean letters na nakalagay sa hoodie jacket sa gitna pero minimalist lamang iyon. Tapos may heart na naka-print sa ibabaw na maliit lang rin.

“Suotin mo,” he smiled at me like a kid.

“Sige ba.”

Agad ko iyong sinuot at saktong-sakto naman ang size sa akin. Medyo nalukot iyon sa likuran ko kaya agad naman iyong inayos ni Laikynn.

Pagkatapos nun ay dali-dali niya ring kinuha ang isa pang jacket roon sabay suot nito. Doon na lamang kumunot ang aking noo nang marealize ko na parehong-pareho kami ng jacket!

“T-Teka,”

Pinasadahan ko ng tingin ang kaniya. Bakit kami magkapareho? Ano bang meaning netong nakasulat sa jacket namin? Hindi naman ako marunong magbasa ng hangul, eh.

“Eh Lai, ano bang ibig sabihin nitong mga letrang 'to?”

“B-Basta, something sweet word in Korean.”

Kumunot ang noo ko at tinaas ang kilay. Weirdo don 'tong lalaking 'to eh. Siguro nasapok ng bola ang ulo nito kahapon.

Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot at agad kong binuksan ang aking cellphone papuntang translator. Gamit ang korean keyboard ay kinopya ko iyong nasa jacket para ma-search ang meaning.

“A-Anong ginagawa mo?” I can feel that his voice is trembling.

“Basta,”

Pinagpatuloy ko ang pagta-type hanggang sa natapos rin. Ngunit gayon na lamang ang paglaki ng mata ko nang malaman ko kung ano iyon in english. Halos masubsob yata ako sa aking kinatatayuan nang mabasa iyon.

“Nae Sarang : My Love”

Pucha dre...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro