Chapter 12
Chapter Twelve
Halos mangatog ang mga binti ko nang matanaw ko na ang gate ng Luther International School. May nakikita akong mga estudyante na naglalakad papasok at lahat sila ay naka-simpleng attire lang. Napatingin tuloy ako sa sariling suot. Nagmumukha akong pupunta sa isang date!
“Thanks po, Kuya.” I said to my butler, Kuya Darson. Tumango lamang ito ng may paggalang matapos akong pagbuksan ng pinto.
Nang tuluyan na itong umalis ay tinanaw ko pa ito at saka bumaling ulit sa eskwelahan namin. Roon ako mas lalong kinabahan nang masaksihan ko ang kanilang pagbubulungan habang sumusulyap sa akin.
Ano ba naman 'to sila! Ako lang 'to, eh!
Ikinibit-balikat ko na lamang iyon at sinimulan na ang paghakbang papasok ng gate. Nagawa ko pang batiin ang guard. Potek na suot naman kasi 'to, hindi ako komportable.
“Rinig ko kasi ay may pa-free hugs sila sa booth nila.”
“Omo, girl. Maganda naman pala talaga siya, 'no?”
“Aba malamang, may dugong french 'yan.”
Dahan-dahan lamang ang bawat hakbang ko dahil hindi ako sanay sa may heels ang suot. Para ba naman talaga akong pinagkaisahan ng mundo. Akalain niyo yun, wala man lang isa kina Lai ang nakita o nakasalubong man lang ngayon. Hay.
Nang dumaan ako sa field ay ready na ang mga booths roon pero wala pa masyadong costumers since maaga pa naman at marami pang inaasikaso sa bawat booth.
Habang naglalakad ako sa hallway ay halos mangati ako sa mga titig nila sa akin. Sarap lugitin ng mga mata nitong mga ito. Hindi ko na talaga alam bakit pa ako pumayag sa mga pa-ganito ni Fresca.
“G-Gabi?!”
Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang bigla na lamang sumulpot sa aking harapan si Laikynn. Nanlalaki ang mga mata habang pinasadahan ng tingin ang aking ulo hanggang paa. Para siyang nakakakita ng multo sa gulat nang makita ako.
“B-Bakit?”
“Wow ghorl! You look so maganda today!”
Agad bumaling ang aking tingin nang marinig ko ang boses ni Callum sa likuran ni Lai. Umakto pa ito na parang bakla at OA na na-shock kunwari. Napaismid ako kasi nakaka-cringe siya, tol.
Agad naman siyang binatukan ni Jezz. “Hindi bagay sa'yo, langya.”
“What's with the sudden make over, Gabi? By the way you look stunning.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Vio. Ano raw? Stunning?! Eh mukha nga akong aswang rito na napabayaan sa mahabang panahon. Hindi lang nila alam kung ilang beses akong natapilok sa daan kanina.
“Gago, dapat si Lai ang unang mag-compliment.” Batok sa kaniya ni Callum.
“Panira ka raw.” ani Jezz at agad binaling ang atensyon sa cellphone.
“What? Me? Sinabi ko lang ang totoo. Anyway, you guys will be partners later, right?” binaling ni Vio ang atensyon sa akin nang magtanong.
“Marami siyang makakayakap mamaya.” Walang ganang sabi ni Lai.
Sinapak ko ang kaniyang braso. “Ulol, ikaw kaya nag-suggest sa akin na sumali sa free hugs.”
“Iyon na nga eh. Bullshit na desisyon.”
Sumingit sa amin si Callum. “Ganito nalang, kami nalang tatlo ang magpapabalik-balik sa iyo. Kung sino man sa schoolmates natin ang aangal, babasagin ko ang bungo nila.”
Hindi ko mapigilang mapatawa ng bahagya. “Hoy Callum, hindi mo nga mabasag ng maayos ang itlog kasi takot kang magbasag nun.” Humalakhak ako.
I saw him pouted. “Porket maganda ka today, you are namemersonal to me na. You are gagoing me na, ha.”
Umismid ulit ako.
“Doon kana nga, ako na ang dapat kasama ni Gabi ngayon kasi may gagawin kami sa booth. Kung ano-anong kagaguhan ang nagagawa mo sa bawat araw, eh.” Kahit nung winaksi na siya ni Lai paalis ay nakanguso pa rin siya na parang bata.
“A'right. We're gotta go. Mamayang uwian, Lai. Practice para bukas. Goodluck sa booth niyo!”
Nag-wave ako kay Vio nang tuluyan na silang nagpaalam. May practice kasi sila para bukas sa game nila pero exempted muna si Lai dahil sinali siya sa booth namin. Nang makaalis na sila ay hinatak ako ni Lai papuntang rooftop.
Hindi masyadong pinupuntahan ang rooftop kasi kadalasan sa mga tao rito ay maaarte at para bang sila lahat ay may takot sa heights dahil ito talaga ang pinakaayaw nilang puntahan.
“Magback-out ka nalang kaya.”
Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lai. Sumandal siya sa railings at ako naman ay nakaharap lamang sa kaniya. Hawak-hawak niya ang isang kamay ko habang nakayuko matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.
“Gagi, Lai.” I lightly laughed. “Okay lang naman sa akin. Nag-aalala ka ba na kapag natapos ay mangangamoy ewan ako? Tsk. Sanay naman ako sa ganoon kasi palagi naman kitang nakakasamang mabaho.”
Pero siyempre biro lang iyon. Tuwing kasama ko si Lai palagi naman siyang mabango. Talagang nang-aasar lang ako sa kaniya. Lalo na ngayon na para bang umiiba ang ihip ng hangin. Kailangan ko mag-joke para hindi awkward.
“Hindi ganoon, iyon. Baka lang kasi hindi ka magiging komportable.”
Bumaling siya sa suot ko ngayon. Napabaling tuloy ako sa sarili ko. May parte talaga sa akin na naninibago dahil sa ayos ko ngayon pero natutuwa naman ako kasi kahit papaano ay napa-impress ko si Mommy. She acts casual to me everytime pero alam ko naman na nadidis-appoint siya kasi alam niyang hindi ko maaabot ang lahat ng expectations niya sa akin.
“Ano ka ba, sanayan lang 'to 'no! At tsaka ngayon lang naman ako ganito. Hayaan mo na. Bahala na si batman at superman.” I smirked. Pero bakit mo naman ako sinuggest?”
Napakamot si Lai da kaniyang batok matapos kong itanong sa kaniya iyon. Kitang-kita ko kung paano namula ang kaniyang mga tenga kaya nagpipigil ako ng tawa. Natatae ba ang isang 'to?
“Siyempre gusto ko na makasama ka ngayon at makikita ka palagi. Alam mo na, may program baka maligaw ka bigla sa school kaya dapat kasama mo'ko palagi.” Ngumiti siya na parang bata. Lumabas ang gummy smile niya na isa sa mga bagay na gustong-gusto ko sa kaniya.
“Hoy, magaling akong magkabisa ng lugar!”
“Sinisigurado ko lang,”
Pagkatapos nun ay sumandal na ako sa railings sa kaniyang tabi. Tinanaw ko ang buong tanawin ng lugar at gaano iyon kaganda tingnan. Mula rito ay makikita ko rin ang mansion namin. Kitang-kita rin ang mga puno na nakapaligid niyon.
“Pero Gabi, alam mo nakakapanibago na ganiyan ang ayos mo pero sobrang bagay sa'yo.”
Bumaling ako kay Lai. “Hindi ka naman yata nagbibiro, ano?”
Umiling ito at ngumiti ng marahan. “Ang ganda mo kaya,” he muttered.
Hindi ko alam bakit biglang namula ang aking pisnge roon at bakit biglang may naglalaro sa aking tiyan. Pero siguro ay naninibago lang rin ako sa mga sinasabi niya sa akin. Ganito lang talaga kasarap maging kaibigan si Laikynn.
“Kahit dati, kahit simpleng t-shirt at sneakers lang sinusuot mo, kahit kitang-kita ko ang madungis mong mukha. Maganda ka pa rin. Wala lang. Sobrang natural ng kagandahan mo kaya ngayon, lumala iyon.”
“Pinagsasabi mo? manahimik ka nga.” I squinted my eyes to him pero humalakhak lang siya ng simple lang.
Ilang sandali ay bumalik na kami sa baba dahil tinawag na kami ng mga classmates namin. Lahat sila ay parang nalaglag rin ang panga nang makita ako. Lalo na si Yra na parang binudburan ng asin dahil bigla akong niyakap ng sobrang higpit.
“Perfect, girl! Sureness na itech. Maraming pupunta sa booth natin mamaya dahil sa beauty mo!”
Hinatak siya paalis ni Lai. “Huwag mo masyadong higpitan ang yakap mo, baka masira ang ayos niya.” Irap nito na parang bata.
“Okay na po! Mygad! Kung hindi ka lang sobrang pogi, eh!”
“Bakla, Lai and Gabi. Punta na kayong booth. Naroon na halos lahat ng mga kaklase natin.”
Sumunod kami sa sinabi ni Elly. Nauna nang maglakad sa amin si Yra at kami na lang ni Lai ang magkasabay ngayon. Tahimik lang kaming naglalakad papunta roon sa aming booth.
Kumpara kanina nung kakarating ko pa lang ay mas marami na ang tao dito ngayon. Foundation Day ngayon kaya allowed lang rin ang mga outsiders. May mga taga Crimsondale Academy pero kadalasan ay mga taga Ravenwood Academy. Sila ang mga eskwelahan na magkaribal na dati pa. Kumbaga ang Luther International School ay stuck in between lang.
Ang aming booth ay pinaghandaan nila Elly at Yra. Ang mga classmates naman namin ay na-assign nung una para bumili ng preskong prutas para sa mga juice at sila na rin ang gumawa ng juice.
Ang iba naman ay tumulong para sa paglagay ng lights para kapag gabi at maliwanag pa rin. May program kasi sa gabi pagka-wednesday kasi para iyon sa pageant for Miss Luther International 2021. Roon kasali si Séverine at makakalaban niya pa si Avery na ex ni Jezz.
Hindi ko tuloy alam na dapat ba akong maki-cheer kay Séve kasi talagang ayaw ko kay Avery.
Maraming booth ang meron ngayon. May booth kung saan ay may ginaganap na blind dates at iyong kasal-kasalan. Sigurado akong mga may jowa lang ang makikinaban ng mga iyon.
May roon ring horror house at may nagbebenta rin ng mga street foods at mga key chains para daw souvenirs iyon lalo na sa mga outsiders.
“Pumila kayo ng maayos, ah! Lahat naman kayo makakayakap ang ating gorgeous Gabriella!” Nakangising sabi ni Yra. Siya ang tiga-welcome kunware ng mga costumers namin ngayon.
Nagsisimula na ang free hugs at para yatang mas gusto ko nalang magkalamon sa lupa nang makitang mas maraming nakapila sa aming booth kumpara sa iba.
“Okay kalang, Gabi?” Rinig kong tanong ni Lai. Hindi makaklaro ang boses niya dahil maingay sa booth namin pero I'm sure na iyon nga ang sinabi niya.
“Oo naman! Parang eto lang, eh” sagot ko rito..
Nagpatuloy lamang ang mahabang pila at nang isang oras siguro ang dumaan ay pumunta muna ako sa tabi para magpahinga. Grabe klase-klase nga ba naman ang amoy ang naaamoy ko kanina. Sinong hindi mapapagod?! May mababango at meron ding amoy putok!
“Yra paki-retouch nga si Gabi. Haggard na eh.” Rinig kong utos nung isa naming kaklase na tumutulong kay Elly sa pagseserve ng juice.
“Oh yas, ghorl!”
Nilagyan niya lang ako ng kaunting pulbo at liptint. Matapos iyon ay inayos niya ang buhok ko at sinuklay ng maayos. Niligo pa talaga ako ng bakla ng perfume para raw mas dumami ang kita namin at pipila sa akin kasi mabango ako.
Nang bumalik ako sa gitna ay naabutan kong umiinom ng tubig si Lai. Nang mahuli niya ang tingin ko ay inabot niya iyon sa'kin.
“Gusto mo?”
Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaa tinanggap ko ma iyon at nilagok. Muntik ko pa talagang maubos.
Bumalik ulit ang dami ng pila at sa tingin ko ay may nayakap pa akong taga ibang school kasi hindi familiar ang mga itsura nila.
Nang ilang oras ang lumipas, ang grupo ng tatlong lalaki ang halos magpatili sa mga babae. It was Vio, Callum and Jezz. Ayos na ayos pa ang grupo ng mga Krung-krung na para bang manghaharana sila o ano.
Kumunot ang noo ko nang makita ko sila. Para bang naging self-centered si Callum bigla kasi todo ang kaway niya sa bawat nadadaanan niya at si Vio naman ay nagfa-flying kiss. Habang si Jezz ay nakapamulsa lang na para bang labag sa kaniyang kalooban na gawin iyon.
“Pipila kami!” sigaw ni Callum.
“You both looks so perfect right there! Kayo nalang kaya ang magyakapan?” sigaw rin ni Vio.
“Guys, bilisan natin kasi kailangan pa naming mag-usap ng girlfriend ko!” ani Jezz.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa presensya nila. Halos malaglag ang panga ni Yra habang nakatingin sa kung sino ang kakarating lang.
“Pahiram ng singko Jezz, pipila rin ako para kay Gabi mamaya!”
Nanlaki ang mata ko sa sigaw ni Lai bigla. Paano niya naman gagawin iyon eh kailangan niya ring nasa gitna kasi yayakapin rin siya dapat. Don't tell me siya na lang yayakap sa sarili niya?
“Sure!” sagot naman ni Jezz.
“Kahit kuripot ako, willing akong maglibre ng pera sa iyo, Lai. Mayakap mo lang si Gabi.” Makahulugang sabi ni Callum.
“Alam niyo, ang sarap niyong pag-umpugin lahat. Pumila na nga lang kayo ng maayos kasi marami pang nakasunod sa inyo.” Kinurot ko silang apat sa tagiliran.
“A-Aray bakit nasali ako? Pumayag lang naman ako sa gustong mangyari ni Lai, ah!” reklamo ni Jezz.
“Ako rin! Nanahimik lang ako rito, eh!” asik rin ni Vio.
Natuloy nga iyong sinabi nila na yayakap sila sa akin. Makailang ulit pa nila iyong ginawa dahil gaya ng sinabi nila kanina, para raw mas komportable akong yumakap. Ewan ko lang sa kanila.
Totoo rin ang sinabi ni Jezz na papahiramin niya ng pera si Lai para mayakap ako. At hanggang silang lahat na ang nag-ambagan para kay Lai. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko.
“I deserve a hug from the very beautiful woman today.” Rinig kong bulong niya nang mayakap na ako ng tuluyan. Unti-unti niya iyong hinigpitan at sinandal ang nguso sa aking balikat.
“Lai niyo, tsuma-chansing!” That voice came from Callum.
Parang sira.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro