Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter Eleven

“Gago, h'wag mong isali si Gabi!” Mabilis na hinila ni Lai ang kwelyo nung lalaki at pinagsusuntok iyon ng ilang beses ngunit sobrang tatag nito dahil kahit anong suntok ni Lai ay parang kagat lang ng langgam iyon sa kaniya.

Hindi pa ito naging sapat dahil ang kaninang natumba na kasamahan ng lalaking ito ay tumayo sabay ganti ng suntok kay Lai. Halos matutop ko ang aking bibig dahil hindi ko man lang alam ang nararapat na gawin. Mabuti nalang at nasulyapan ko si Vio na dahan-dahang tumayo at pinuntahan si Lai sa kaniyang direksiyon.

“Putangina, ang kakapal ng mukha ng mga lalaking ito!” Anito sabay sakmal sa isa sa mga lalaking pinagtutulungan si Lai. Now, they're even. Wala akong magawa kundi manahimik sa tabi at palihim na humihiling na sana ay matigil na sila kasi ayaw kong madawit pa ang mga kaibigan ko sa ganitong uri ng gulo.

Kukuha na sana ako ng cellphone para tawagan si Dadd nang tumilapon iyon at ang sunod ko nalang namalayan ay may humila sa bandang kwelyo ng aking damit. It caught me off-guard that's why I wasn't able to fight back.

“Andito kalang pala, ah!” This guy infront of me smirked. Malakas siya at malamang wala akong laban rito kasi sa lakas palang, talo na’ko.

“Kung may kailangan ka, kami ang harapin mo. Huwag si Gabi, duwag!” Umaalingawngaw na singhal ni Lai bago pa niya sipain mula sa likod ang lalaking may hawak sa akin at siyang dahilan ng pagkasubsob nito sa sahig.

I sighed at agad na dinaluhan ang cellphone ko.

“Gabi!” Agad tumungo sa akin si Vio. “Mabuti pa, humingi la nalang ng tulong kasi sobrang kawawa na si Lai.”

“S-Sige wait lang,”

Sinunod ko naman ang sinabi ni Vio. Ayokong makita si Laikynn na ganito ang sitwasyon kaya sa mga oras na iyon, I immediately dialed the first person na nasa call history ko. Si Papa. Sa mga pagkakataong iyon, alam ko ang bubungad sa akin pagkarating ko sa Chateau. Pero bahala na, gusto ko lang matapos ang gulong ito.

***

“What were you thinking?”

“Kaibigan ko po kasi iyong pinagtutulungan—”

“I don't care!”

Halos mapatalon ako sa lakas ng singhal sa akin ni Mommy. Nang dahil sa boses na iyon ay parang nabitin lahat sa ere ang aking mga gustong sasabihin. Rinig na rinig ang kaniyang boses sa buong mansion kaya lahat ng maids na dumadaan sa direksyon namin ay napapayuko na lang at para bang kinakabahan.

“We will sue those guys, Gabriella!”

My eyes widened. “M-Mommy, h'wag na po. H-Hindi po kasi sila basta-basta...” Napakamot na lamang ako sa aking ulo roon. Mas lalong lalala lamang ito kung pinapaabot pa roon.

“I don't care. Hindi rin naman ako basta-basta.” She rolled her eyes to the air.

Tamang hinala ba naman kasi ulit ako. Pagkauwi ko ay nakita niya ang itsura ko na para bang pinagtulungan ng sampung aswang. Messy hair and scars were all over my face.

Lokong mga 'yun, dinungisan pa itsura ko.

Hindi ko nai-apply ang ninja moves ko kasi sinalubong ako kaagad ni Fresca para pagbuksan ako ng gate kasi agad akong pinasundo kay Kuya Darson. Little did I know na nasa likuran niya ay si Mommy na nakataas ang kilay habang naglalakad.

Kaya ayon, no choice ako kundi sabihin ang totoo. Except sa part na kasama ko si Laikynn dahil baka masali pa siya sa gulong ito namin ni Mommy.

At ngayon ay magsasampa si Mommy ng kaso para sa mga iyon. Ayoko na sana dahil sa tingin ko ay parang sumosobra naman iyon. Alam kong ang grupo iyon ni Theo na kinalaban ni Vio kanina. At kapag magsusumbong pa kami sa awtoridad, madadamay rin kami.

Even though we're just defending ourselves from them, we also caused so much trouble to them.

Di bale na, para madadala pa 'to si Mommy sa mga charms ko slash super powers.

“Mommy kasi, di'ba may mga trabaho ka pang aasikasuhin. Eh kung idadagdag pa natin iyong kaso ko ay baka ma-stress ka lang?” I smiled awkwardly.

“I can leave them to Fresca and she will going to update me whatever is happening on our business. Gustave would be hysterical if he'll know about this and suing them would be the best thing to do.”

Parang gusto ko nalang magpagulong-gulong sa marmol na sahig dito at magpaka-hotdog. Paano ba kasi kukumbinsihin ito?

“Mommy. Don't worry about it. Sus, parang daplis lang iyong natamo ko para sa'kin, eh.” I smirked at tinukod ang aking siko sa aking tuhod. “Lalaki lang 'to masyado ang gulo.”

I heard her sighed heavily. “Okay. Fine. But if next time na mangyayari ulit ito, I want you to leave this house and I will going to sue those motherfuckers!”

Akala ko ay nakumbinsi ko na nga siyang talaga pero parang mas tinakot yata ako. She left me at the living room with my mouth open in shock. Hindi ko inasahan ang kaniyang huling sinabi.

She wants me to leave this house...

“Kung dedepensahan mo lang rin naman ang sarili mo, dapat galingan mo! Pero sana magbago kana. Hindi magandang gawain para sa babae ang makipagsuntukan!” I heard her shouted upstairs.

Hindi ko maiwasang isipin na paano kaya kung narito si Mama. Kapag ba pinapagalitan niya ako ay makakaisip din siya ng pagpapaalis sa akin? Miss ko na naman ulit tuloy siya...

Dati, I thought life with money would be perfect. Pero kapag sobra-sobra pala ang pera ng isang tao, napapabayaan niya na ang mga mahalagang tao sa kaniyang paligid. Coz all he/she will think will all about the money. That money could be everything's solution.

But money can't even give peace. It can buy happiness but it can't clean a soul. It can't provide the love that your love one's are longing. It's important to be rich and have a kind soul.

“On behalf of her, I'm sorry. Madame Bridgitte probably just want to make sure your safety and to insure that you wouldn't be in trouble again.”

Magalang na ngumiti sa akin si Fresca nang pumasok siya sa aking kwarto para magdala ng dinner. Wala kasi ako sa mood kumain sa labas and I hope Mommy understands it.

“Bakit ka nag-so-sorry, te? Ikaw ba siya?” tanong ko rito sa kalagitnaan ng pagngunguya ng pagkain.

“I know, I know. But I know her, Miss Gabriella. You're her family and it's normal if she reacts like that. My mother even said she could punch every guys who will going to hurt me.”

Ngumiti na lamang ako sa kaniya dahil wala na akong maisagot pa. Kahit pa anong paliwanag nitong Fresca ay parang may parte pa rin sa aking puso na nagtatampo dahil bakit ganoon na lamang. Ano bang mali kung makipagsuntukan ako ng ganoon?

Si Vio ang nalagay sa panganib. Tinulungan lang namin ni Lai dahil kaibigan namin siya at ayaw namin siyang mapahamak. Ginawa ko lang rin naman ang makakaya ko at magagawa ko bilang isang kaibigan.

“Don't be mad at her, after all, she's your Mommy. That's why she cares.”

Bumaling ulit ako sa kaniya. “Eh kasi Fresca, iyon lang kasi ang paraan ko para maipagtanggol ang sarili ko.”

“At iyon lang rin ang paraan ni Madame Bridgitte para maipagtanggol ka. Just like you, she's doing what she can. She cares for you just like how you care for yourself.”

Napabuntong-hininga na lamang ako. Sana ganoon nga. But if that so, why would she be so harsh? Bakit hindi man lang niya isipin na nasasaktan rin ako sa mga salitang binibitawan niya.

Pero kahit ganoon ay nakakaramdam pa rin ako ng guilt. Ewan ko ba kung bakit. Hindi ko naman siya pinagsalitaan ng masama sa kaniyang harapan. Talaga bang kasalanan ko? Siguro hindi ako marunong magpigil sa sarili ko kaya ganoon.

“If you want to make her happy for you again, do something that would surely make her glad.”

Iyon ang huling sinabi ni Fresca bago niya nilisan ang room ko. Buong gabi iyong nasa isip ko kaya medyo nahirapan akong makatulog. Hindi ko naman alam kung paano mapapasaya si Mommy dahil hindi ko naman masyadong alam ang mga tipo niya. Pero napaisip ako. Ang ibig bang sabihin ni Fresca ay i-surprise si Mommy?

Ilang araw ang makalipas ay ganoon pa rin ako. Sobrang busy kasi sa school kaya iyon muna ang mas pinagtuonan ko ng pansin.

Lalo na't next week ay may magaganap na foundation day. Siyempre nakakatuwa iyon kasi one week walang pasok kaso lang kaming lahat ay kailangang magparticipate. Sila Lai ay kasali sa basketball team at may game sila sa second day. Sa first day naman ay ang sa mga booths.

Marami pang ibang gawain at iyon lang ang natatandaan ko. Pero I think may pageant at si Séverine ang representative sa section nila. At ako naman, eto decorations lang siguro sa booth ng section namin. Pwede pa.

Dapat iyong mga magpipila para bumili ng juice ay makakatanggap ng hugs galing sa kanila!”

“Dapat lang na may free hugs ang atin since maraming pogi sa section natin!”

Lahat sila ay nagsilingunan kay Lai. Nasa tabi ko siya kaya lumingon na rin ako.

“B-Bakit kayo nakatingin sa akin?” nauutal na tanong nito.

“Dapat ikaw ang sa boys para perfect! Edi mas maraming pera ang makukuha natin, di'ba?” Malaki ang ngiti na saad ni Elly. Siya ang president sa classroom namin.

“Ay bakla true iyan, baka pabalik-balik pa ako at hahayaan kong maubos ang pera ko hanggang sa mamulubi, mayakap lang ang isang Laikynn.” Tumili pa si Yra. Ysrael ang real name niya pero nagmakaawa siya sa amin na Yra nalang daw para pambabae pakinggan.

“Yra,” suway ni Dior sa kakambal.

“Ayokong kayakap ang kahit sino-sino!” reklamo ni Lai.

“Sus, hard-to-get pa 'to. Sige na, para sa section naman natin 'yun, eh” kumbinsi ko rito.

Para namang namilog ang kaniyang mga mata nang ibaling ang tingin sa akin. “O-Okay lang ba?”

“Oo naman! Bakit hindi?”

Napa “yes" naman ang karamihan nang matapos kong sabihin iyon ay pumayag na rin si Lai. Halos magpa-lechon  naman si Yra dahil sa tuwa nito.

“Basta si Gabi sa babae!”

Nahinto ang kanilang tilian nang isigaw iyon ni Lai. Halos malaglag naman ang panga ko roon at para bang pinagbagsakan ako ng mundo. What the hell. Pucha. Gagi. Bakit ba ito nagaganap?!

“Sige sige, gora tayo diyan. So ayon na nga! Perfect na para sa section natin! Ready na!”

Iyan ang huling kaganapan bago pa ako halos mabaliw. That just means I have to hug every students na magbabayad para mayakap lang ako. Nakakapanghina, hindi ako marunong yumakap ng maayos. Pero baka naman kasi walang magpapayakap sa akin kasi hahakutin na iyon ni Lai 'no!

Tama! Iyon nga ang exact na mangyayari ngayong foundation day. Di bale nang magmumukha akong taeng napabayaan sa tabi ni Lai basta h'wag lang akong yumakap sa mga tao roon. Nagki-cringe ako para sa sarili ko!

Plano ko sanang papangitin ang sarili ko sa araw ng iyon para walang lalapit sa'kin pero mali yata ako. Hindi natuloy ang plano ko dahil nalaman iyon kaagad ni Mommy. Binanggit ko kasi iyon kay Fresca eh.

Kaya ngayon, heto ako at kaharap ang aking vanity mirror. Inaayusan ako ni Fresca. Pinasuot niya ako ng kulay yellow na floral dress. Sleeveless ito at hanggang sa itaas ng tuhod ang haba. It reveals a bit of my legs.

Ang buhok ko naman ay tinali ng pa-ponytail. Tinirhan pa niya ng ilang hibla ang gilid ng mukha ko para raw mas maganda tingnan. Nilagyan niya rin ako ng kaunting make-up. Hindi ko alam paano na niya iyon ginawa basta pagbukas ko ng aking mga mata, parang hindi na ako ang dating Gabi.

Mapupula ang labi at may colors colors sa ibabaw ng aking mata. Eyeshadow daw yata tawag dun? Para tuloy akong nagiging tibo dahil na-i-inlove ako sa kagandahan ng sarili ko.

Kaso nung pinasuot niya ako ng sandals na may one inch na heels, feeling ko para akong kabayo habang naglalakad.

“You look more beautiful now, Miss Gabriella!” Maligayang sambit ni Fresca matapos akong ayusan.

“Kailangan pa ba talaga ng mga ganto-ganto?” Turo ko sa kolorete sa aking mukha.

“Oo naman! I'm sure there would be a lot of guys who will want to hug you. Siguradong hahaba ang pila, Miss Gabriella! Naku, kapag makikita ka ni Mommy mo, matutuwa iyon. I'm sure.”

My mouth formed an “O”. “Matutuwa? sa akin?”

“Oo naman! Minsan kalang namin nakikitang nakaayos ng ganiyan, eh. Your classmates made the right decision!”

Awkward akong napangiti roon. Hindi naman mga kaklase ko ang may nais nito. Si Lai lang naman. Naki-agree lang sila.

Inalalayan ako ni Fresca pababa ng hagdan dahil hindi ako sanay. Baka madulas lang ako sa marmol ma sahig at ano pang mangyari sa itsura ko. Gusto ko nalang sanang tumakbo pabalik ng kwarto at magsusuot na lamang ng sneakers pero mas mahirap naman nang bumalik paakyat 'no!

Hindi pa kami tuluyang nakalabas ng mansion ay sumalubong agad sa amin si Mommy. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako at para bang kumikislap ang mga iyon.

“Oh my gosh, Gabriella! You're so beautiful, my dear!”

Hindi ko alam pero namula ng todo ang aking mga pisnge sa sinabi niya. Hindi ko alam ang magiging reaction ko nang makita ko si Mommy na nakangiti sa aking harapan.

“M-Mommy...”

“I wasn't wrong when I said mas bagay sa'yo ang magpakababae. Look at me now, I'm so happy to see you like this!” Pinasadahan niya ng tingin ang imahe ko mula ulo hanggang paa na may pagkamangha. Matapos niyang gawin iyon ay bumaling siya kay Fresca. “Fresca, thank you. You did your job well.”

Fresca glanced at me and then smiled lightly to Mommy. “Thank you, Ma'am. It's my pleasure to take care of her. I'm enjoying my job, Ma'am.”

“Yeah right. So you gotta go now before you'll get late, Gabriella Adrienne.”

“Y-Yes, Mommy.”

Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba habang nakasakay ako sa aming limousine. Siyempre nahihiya ako sa atensyon na aking makukuha ngayon pero hindi na iyon mahalaga. I just need to go to Lai para manghiram ako sa kaniya ng t-shirt mamaya o di kaya jacket.

I am somehow feeling proud of myself kasi sa kabila ng mga naramdaman kong sakit dahil sa hindi matanggap ni Mommy ang mga ginagawa ko, I am finally reaching her expectations for me now. Sa ganoong paraan ay siguro naman napapasaya ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro