Chapter 10
Chapter Ten
Pagkagabi rin ng araw na iyon ay kinumbinse ako ni papa na umuwi sa chateau. Wala naman akong choice kasi gustuhin ko man sa hindi, uuwi naman talaga ako roon at kailangan kong harapin ang mga relatives namin na matatabas ang dila.
“Oh my gosh! Gabriella where have you been?!” Isang impit na boses ang sumalubong sa akin mula kay Mommy. Nakasuot siya ngayon ng white wrapped dress na hanggang talampakan ang haba. If hindi mo pa kabisado ang fashion style niya, mapapaisip ka nalang talaga na baka may pupuntahan itong party or something.
“Haven't I told you for the nth time already? She's sleeping in my penthouse.” Bakas sa boses ni Papa ang irita kaya ngumuso nalang si Mommy at inirapan siya. Rinig ko naman ang buntong-hininga ni Papa. Magkapatid nga naman.
“Grabe, nag-aalala ako sa'yo. Baka kasi ano nang nangyari sa'yo kagabi kasi bigla ka nalang nawala. Buti nalang at sinabihan ako ng Papa mo na nasa penthouse ka nag-stay. I nearly freaked out, Gabriella!” Yumuko siya para matingnan ng maigi ang aking itsura at para bang chini-check niya kung may galos ba ako roon o ano.
“Sorry talaga Mommy at hindi po ako nagpaalam.”
Then, hinaplos niya ang buhok ko. “Tsk, if you didn't stayed at your Papa's penthouse, mapipilitan na naman akong i-grounded ka ulit, Gabriella. Buti nalang...”
“Tsk, kung maka-grounded to oh, anak mo?”
Hinarap ni Mommy si Papa na nakahukipkip. “Pwede bang mag-shut up ka nalang kuya? Or else tatawagin ko si Mama para i-freeze ang cards mo.”
“Taray mo naman, hindi na tayo mga menor de edad para hawak nila Mommy ang cards natin.” Papa quickly chuckled. “Anyway, nagbibiro lang naman ako. Tsaka thank you for always taking care of my Gabriella, Bridgitte. I owes you a lot.”
Mommy cringed. “Ayaw na ayaw ko talaga ang magka-heart to heart talk with my brother. It cringes me to hell.”
Papa shrugged. “Ikaw rin,”
Pagkatapos nun ay iniwan na kami ni Papa sa living room. Mommy told me also na palitan ang damit ko kasi nangangamoy pawis daw. To speak frankly, maarte talaga si Mommy Bridgitte. Kaya ang chateau na ito ay hindi nadadapuan ng alikabok kasi ayaw na ayaw niya sa ganoon.
“Siya nga pala Mommy, nasaan po sila Grandma at yung iba kagabi?”
“Your grandparents visited the hotel muna at nagpa-meeting ng saglit. Your Titas and Titos are I don't know, wala naman akong pake sa kanila. And your cousins, they went for a shopping. Sayang at di kita naipasama.”
Hindi rin naman po ako interesado, muntikan ko nang masabi. “It's okay My, gusto ko lang din naman po magpahinga sa araw na'to.”
***
“Saan mo ba kasi ako dadalhin? Pabigla-bigla ka ng desisyon, ah.”
Laikynn only smirked. Kinabukasan ay pinuntahan niya ako sa Chateau. At dahil matatakutin rin pala itong kumag na'to, hindi na siya nag-abala pang pumasok kaya ako lang ang nagpaalam sa sarili ko. Nagsinungaling lang ako na may group project kaming gagawin.
Pinayagan nila ako kaagad nang makita nilang mapula ang pisnge at labi ko.
“Boring kaya sa bahay, wala na kasi akong maingay ka kapit-bahay eh.” Umakto pa siyang parang nalungkot.
“Bakit 'di mo sinama sila Callum?”
Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin matapos niyang hinanda ang kaniyang bike. “Kung gusto mo, pwede naman,”
“Okay lang rin kung huwag na, basta libre mo'ko.”
“Oo naman! Tsaka alam din naman nila na may lakad tayo.”
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Lai at hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta basta sinabi niya lang sa akin na gumala kaming dalawa. Dala-dala niya ang bike niya kaya dinala ko na rin ang akin. Tinakas ko lang itong bike ko dahil yari ako kapag nakita ito nila Mommy.
I only wore a simple oversized shirt and baggy jeans. I paired it with white sneakers. Tinali ko na rin ang buhok ko at nagtira ng ilang hibla para dagdag kapogian na rin.
Hindi ako naglagay ng cheektint, sadyang makati lang yung pisnge ko kanina dahil sa nagkukumpulang pimples kaya mapula. Hindi iyon nahalata nina Fresca at Mommy.
Mommy had a lot things to do related to business. Papa has a business trip today while Séve together with Mrs. Mathilde and other relatives went to an out of town. Ayaw sumama ni Mommy sa outing kasi sayang daw skincare niya kaya di nalang rin ako sumama sa kanila. Sumaktong weekend kaya walang pasok. Kaya heto ako ngayon at buryong-buryo dahil wala naman akong masyadong ginagawa sa mansion.
Sumakay na ako sa aking bike at magkasabay lamang kami ni Laikynn. Other that that, sumusulyap din ako sa bawat imaheng aming nadadaanan. Napadpad pala kami sa isang parke. Maraming nagdi-date dito and most of them naman ay with their families.
Inayos ko ang aking sumbrero gamit ang kaliwang kamay nang tuluyan na akong dapuan ng pang-tanghaling init. Nilingon ko si Lai at parang unbothered pa siya. Sanay kasi sa galaan to eh kaya walang-wala lang sa kaniya ang anumang init.
“Gusto mo pahinga muna tayo?” Bigla niyang tanong sa akin habang hawak-hawak pa rin ang manibela. “Naiinitan kana eh”
“Wala namang masisilungan dito.” I smirked.
Sinulyapan ko ang mga gazebo na okupado na rin. Bakit ba kasi dito pa kami nakarating?
“Ayun oh, may puno!”
Hindi na ako sumagot pa sa kaniya at sinunod na lamang. Sabay lang rin kaming nagmamaneho papunta roon sa tinuro niya. Grabe, tirik na tirik ang araw para yatang tinutuyo ang utak namin neto.
Agad kong pinwesto sa gilid ang bike at naupo na kaagad roon sa ilalim ng puno. Kasabay naman nun ang preskong bigla kong naramdaman dahil biglang umihip ang hangin. Bagama't mainit, naiibsan nun ang pagod ko.
Naupo na rin si Lai sa tabi ko pero hindi ito nagsasalita. Tahimik na rin kaming pareho. Baka nga mamaya neto ay makatulog na itong lalaking ito. Hindi niya pansin ang aking pagmasid sa kaniya mula sa tabi niya. Klarong-klaro ang tangos ng kaniyang ilong at ang haba ng pilikmata. Napalunok ako bigla nang makita ko siyang dinilaan ang pang-ibabang labi. Parang hindi ako makahinga bigla. Pogi din pala 'to siya eh 'no.
Binalik ko ang aking atensyon sa unahan at iniwasan na ang kaniyang side view. Halos kaltukan ko na ang aking sariling ulo nang maamin kong parang gusto ko siyang kuhanan ng picture.
Sobrang close namin ni Lai dati palang. Siya ang naghatak sa akin sa mga bagay at siya rin ang nag-explore sa akin. Gusto kong kasama siya kaya siguro naimpluwensyahan niya na rin ako sa mga bagay. He liked basketball and he made me liked it too.
He liked simple life and he made me like it as well. Lahat ng mga nagugustuhan niya ay kusa kong nagugustuhan.
“Tahimik mo, ah? Himala.”
Kumunot ang noo ko dahil sa biglaan niyang pagbasag ng napaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin.
“Parang sira, ganito naman talaga ako.”
“Hindi kaya. Ini-expect ko pa naman na sa pagdating natin dito, talak mo na agad ang maririnig ko dahil nagrereklamo ka kung bakit pinapa-bike kita sa gitna ng tirik na tirik na araw.”
I can't hide the amusement in my expression. Ganoon nga ang mga ginagawa ko dati.
“Hmm, siguro naninibago lang? ulit? Kasi di'ba, simula nung naging kaibigan na natin sila Callum hindi na tayo nakapaglabas-labas na tayong dalawa lang?”
He nodded. “Na-miss mo siguro iyon noh?” He squinted his eyes at tumitig sa akin. Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya at bahagyang sinuntok ang tiyan niya.
Ayun, nangiwi.
“Paano nalang kung makikipagdate ka? Boring mo sigurong kadate tol, hindi ka nagsasalita eh. Nakakapanibago tapos siyempre nakaka-cringe din!” Bigla siyang humalakhak.
“Ah talaga? Gusto mo isabit kita riyan sa puno? Gagawin kitang punching bag mamaya, makikita mo.”
Hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan habang tumatawa. Sa bawat halakhak na kaniyang pinapakawalan, sumasayaw ang kaniyang buhok kaya nagmumukha tuloy siyang inosenteng bata lalo na dahil sa kaniyang mga matang hindi na nakikita dahil sa laki ng ngiti.
“Hindi siguro bagay sa'yo mag-first move sa lalaki. Imagine-in mo dre, titingkayad ka tapos bigla mo siyang hahalikan tapos ngingiti ka na para bang mahinhin na babae.”
Pinagsisingkitan ko siya ng mga mata sa bawat sinasabi niya. Asa naman siya na makikipagdate ako? Cringe dre.
“Kinakatuwa mo na iyon?”
“Uy, pikon!” Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko kaya gumanti ako siyempre di tayo paaapi. Napasigaw siya sa kiliti nun. Ang bilis niya naman kilitiin.
Nang may dumaan na mga tao sa malapit namin kaya natigil kami. Nasa amin na rin kasi ang mga mata nila kaya bigla tuloy akong dinaganan ng hiya. Natigil na rin si Lai pero himas-himas pa rin nito ang kaniyang tiyan dahil sa pagod kakatawa.
Bumalik sa seryoso ang atmosphere naming dalawa.
“Pero seryoso ako ah, try mo kaya makipag-date?”
Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. “Tanga to, hindi naman bagay sa'kin iyon."
“Anong hindi? Tsk, dre humanap ka lang ng lalaking magugustuhan mo tapos kausapin mo, eventually magkakagusto iyon sa'yo tas magiging kayo? Try mo lang naman...”
Dumapo ang aking atensyon ulit sa kaniya. “Eh ikaw? Bakit hindi mo i-try? Marami kayang nagkakagusto sayo riyan. Si Séve, oh.”
Kung tutuusin naman kasi, bagay silang dalawa. Halatang may gusto rin naman sa kaniya si Séverine base sa mga titig nito. Hindi ko nga lang alam kung seryoso si Séve sa paggusto kay Lai. Pero kasi, ang daming nagkakagusto rito sa kumag nato sa Luther International School. Hindi na impossible kung magkagusto si Séverine.
“Casual lang naman kami nun,” sagot nito. “Eh ikaw, matanong ko lang ah, ni-minsan ba hindi mo naisipan i-try ang magmake-up? Iyong hindi labag sa kalooban mo?”
Doon ako napatigil. I wasn't expecting that kind of question though. Hindi naman sa medyo nakaka-offend iyon sa akin. Sadyang ngayon ko lang narealize na hindi ko nga pala naisipan i-try. Simula bata palang ako, tinatanggap na akong lubos ni Mama na panglalaking laruan ang gusto.
Hindi rin niya ako pini-pressure. Kung ano ang kaya ko ay iyon lang din ang tinatanggap niya. Kahit ni minsan, hindi ko siya nakitang dismayado sa akin.
Nung nahiligan ko ang mga gamit panlalaki, tinanggap pa rin niya iyon at inintindi. Gayon rin si Lai. Mas nag-e-enjoy nga siya dahil pareho kami ng tipo ng gagawin eh. When I was child, I was never fond of playing barbie dolls. Palaging putik ang nilalaro kasama si Lai tapos minsan umaakyat kami sa puno para magpahangin.
Kaya ngayon, hindi ko na nagets ang sarili ko bakit ako rito napadpad sa cosmetics area ng mall. Matapos kasi akong tanungin ni Lai ay mabilis niya akong hinatak paalis roon at dinala rito.
“A-Aray ko!”
Mabilis akong napangiwi nang sumagi ang hairclip sa pimple ko sa kaliwang parte ng aking noo.
Sobrang sakit, parang sinisira buong buhay ko.
“Ay hala sorry Eri! Hindi ko sinasadya!” Mabilis niyang hinawi ang kamay na nakatakip sa pimple ko at agad iyong tiningnan. “Gagi, nagdudugo!”
Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis ko siyang hinatak palabas ng store na iyon at pumunta roon sa tabi ng entrance. “May tissue ka riyan? Kahit wet wipes nalang siguro?”
Mabilis niyang binuksan ang bag niya at kinuha ang wet wipes roon. Siya na ang nagpunas noon sa noo ko. Napangiwi pa ako dahil medyo mahapdi. Titirisin ko sana itong pimple na'to kagabi pero masakit kaya hinayaan ko nalang. Kaso kanina, nung isusuot na niya sana ang hairclip na binili niya, biglang nasagi ang matatag kong pimple.
“Oh ayan, okay na.”
Napahawak ako sa parteng iyon ng aking noo at naramdaman kong wala nang umaagos na dugo roon. I sighed in relief. Pero alam kong namumula na naman ito.
“Bilhan nalang kita skincare para gumaling pimples mo, gusto mo ba?”
“Hoy gagi, h'wag na! Ubos pa pera mo niyan.” Bahagya ko siyang sinapak sa siko niya.
“Tsk, hindi gagaling iyang pimples mo kapag hindi mo ginagawan ng paraan. Para sa'yo na rin iyon tsaka marami pa naman akong pera.”
Sa huli ay hindi ako nakapalag. Kaya pumasok na lamang ulit kami sa loob ng cosmetics at namili ng mga skincare para sa akin. Hindi ko kasi bet iyong nasa bahay.
Maraming binili para sa akin si Lai. May mga makeup palettes pa na halatang hindi ko naman magagamit. Tapos iyong brush na klase-klase pala ang silbi. Kung hindi lang kami sinabihan nung saleslady kung para saan iyon, talagang hindi ko malalaman. Pare-pareho lang kasi ang itsura.
“Try mo'to, bagay to sa'yo.”
“Kelan pa nababagay sa akin ang mapulang labi, aber?”
He smiled. “Naiimagine ko lang.”
Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya. Tumango na lamang ako senyales na pwede niya iyong ilagay roon sa cart. Binilhan niya rin ako ng gunting para sa kilay tapos siyempre eyebrow pencils. Sobrang dami, nakakababae talaga.
Hindi naman ako magrereklamo dahil pati ako ay nacu-curious din kung ano ba kaya ang itsura ko kapag naggamit ng mga ganoong palamuti sa itsura ko.
Nang matapos kami roon ay marami pa kaming pinasyalan. Mostly ay window shopping dahil wala rin naman kaming plano na bilhin ang mga iyon dahil sobrang mahal. Pero may binili siya sa akin na isang hoodie jacket. Kulang gray iyon at ganoon rin ang kaniya. Kumbaga, pareho kami. Hindi namin namalayan, ala-una na pero hindi pa kami nakapag-lunch.
“Gutom na'ko, Gabi.” Hawak-hawak pa nito ang kaniyang sikmura tapos sobrang exagge maka-react. Sus, parang hindi sanay na hindi kumakain eh.
“Punta tayong restaurant tapos libre kona lunch. Ako na ang naaawa sa wallet mo eh,”
“Hindi na, ako naman nag-aaya.”
“Kahit na, kanina mo pa ako binibilhan dre, ako naman magbayad ngayon. Binigyan kaya nila ako ng daily allowance.” I squinted my eyes sabay pakita sa kaniya ang kulay black ko na wallet.
Sa huli ay hindi na rin siya nakipagtalo. We ended up eating in an Italian Restaurant. Sobrang elegante ng galawan ng mga tao roon dahil mamahalin nga. May side sa akin na nagsisisi dahil hindi ako mabubusog kapag kakain akong mahinhin. Gusto ko magkamay.
Matagal kaming natapos roon sa pagku-kwentuhan. We managed na liitan ang boses dahil amoy expensive ang interior ng restaurant as well as mga tao na kumakain roon. Nakaka-ignorante dre.
“Grabe, first time ko yatang ma-afford ang ganoong klaseng kainan.” He chuckled.
Naglalakad na kami pauwi habang hatak-hatak ang aming bike. Sabay pa rin kaming naglalakad. Malapit nang magdilim nang napagdesisyunan na naming umuwi.
“Same. Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa—”
Gayon na lamang ang pagkabitin ng mga salita ko sa ere nang makita kung anong klaseng eksena ang nasa harapan namin ngayon.
Isang live na aksyon.
“Vio?”
Sabay rin naming sigaw ni Lai at pareho ring nagulat sa nangyayari. Malaki ang pasa nung lalaki sa pisnge na nakadagan kay Vio. Parehong nagpapalitan ng lakas ang dalawa. Natulala rin doon si Lai at parang hindi alam kung ano ang dapat na gawin.
Hindi na ako nagpatumpit-tumpit pa at nilagay ang pinamili namin sa bike at mabilis na dinaluhan si Vio. Tumakbo ako papunta sa kanilang direksyon at hinila ang kwelyo ng lalaking ito. Pagkatapos ay tinulak ko siya papunta sa lapag para tulungan si Vio na makatayo.
“G-Gabi!"
Rinig kong sigaw ni Lai sa likuran ko ngunit huli na ako. I was cought off guard when the boy came to me and her fist darted to the side of my lips harshly.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro